INAANTOK PA AT pagod ang mga matang marahang iginala ni Briel ang kanyang mga mata sa kabuohan ng silid ng lumang apartment. Pamilyar na pamilyar naman siya doon ngunit hindi niya mapigilang palagi iyon gawin kada maaalimpungatan siya at magigising. Madilim pa ang loob ng kwarto ngunit naaaninag naman niya ang kabuohan noon sa kabila ng saradong kurtina. Hinila niya ang kumot nang makaramdam ng halik ng lamig ng aircon na yumakap sa walang saplot niyang katawan. Isa na namang panibagong gabi iyon na pumayag siyang walang pakundangan na gamitin ni Giovanni ang kanyang katawan. Ang sabi niya noon sa sarili, hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari ngunit hindi niya alam kung bakit natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na hinayaan niyang gamitin nito ang kanyang kahinaan. Isang halik lang nito at haplos sa kanya, lunoy na lunoy na naman siya sa alindog ng Gobernador na di kailanman nagbago. Ni hindi naman siya pumayag sa pakiusap nitong hintayin niya ang lalaki ng dalawang taon pe
NAKABURO PA RIN sa pintuan na napabuntong-hininga na si Giovanni nang makitang tuluyan nang pumasok sa loob ng banyo si Briel. Kung ano ang nararamdaman nitong lungkot, ganundin ang kanyang nadarama. Ayaw niya pang umakyat ng Baguio, gusto niya pang manatili sana dito at makasama ito pero kailangan na naman nilang maghiwalay. Kung minsan naman ay hanggang Linggo siya nananatili ng Maynila. Kapag maluwag ang kanyang schedule ay sinasamahan niya si Briel sa mansion. Ang dahilan niya sa mga magulang nito ay binibisita niya ang pamangkin at ang apo nitong si Gabe. Pagkatapos noon ay kailangan pa rin naman niyang umakyat ng Baguio, ngunit ang masaya sa mga sandaling iyon ay nagagawa niyang makatabi si Brian at Briel sa iisang kama kahit na saglit na saglit lang ang buong magdamag. Nakakalungkot kung iisipin, wala naman siyang ibang magawa. Gaya ng paliwanag ni Briel, ayaw niyang sumabay sa problema ng kanyang kapatid na hanggang sa mga sandaling iyon ay nasa ibang bansa pa rin. Isa pa, hin
PAGDATING NG MANSION ng mga Dankworth ay agad na sumalubong sa kanya sina Gabe at Brian na pawisan ang buong katawan dahil kasalukuyang naghahabulan sa kanilang malawak na bakuran ang dalawang bata. Ini-enjoy ang malilim na kalangitan kahit pa ang alinsangan ng paligid at mainit na malagkit ang ihip ng hangin. Nag-uunahan ang dalawang bata na patakbong lumapit nang makita ang pagdating niya. Lumapad ang ngiti ni Briel nang makita sila. Parang ang lahat ng kanyang iniisip ay nawala nang matitigilan ang inosenteng mga ngiti ng mga batang magkamukha na.“Mommy!”Si Brian na mas tumagaktak pa ang pawis sa kanyang buong katawan. Nakitakbo na rin si Gabe na nang-aasar na inunahan pa talaga ang babagal-bagal sa takbo na si Brian.“Oh ayan na pala ang Mommy mo, si Tita Briel! Unahan tayo sa kanya, Brian! Dali!”Natawa nang mahina si Briel. Malamang lugi ang anak niya kay Gabe na ang hyper. May pagkalampa pa naman ang anak niya na hindi niya alam kung sa kanya ba ito nagmana.“Hello…kumusta ka
ANG SENARYONG IYON ang mabilis na sumilid sa isipan ni Briel habang pababa na sila ng hagdan ng mga bata. Baka aanak na ang kanyang hipag kung kaya naririnig niya itong umiiyak. Marahil dahil sa sakit ng tiyan o kung di naman ay sa nerbyos, kaya rin mayroong ingay at komosyon sa ibaba ng mansion. Sa isiping iyon ay nagmamadali na ang kanyang mga yabag na bumaba ng hagdan kasama ang dalawang bata na medyo naguguluhan sa pakaladkad niyang ginagawa. Hindi pa siya doon nakuntento. Binuhat na niya si Brian at inakay niya si Gabe. Kabadong-kabado na siya. Kung ano-ano na rin ang naiisip niya na maaari nilang abutan sa ibabang bahagi ng mansion. Ilang baitang na lang sa hagdan at tuluyan na silang nasa unang palapag nang matigilan si Briel sa paglalakad. Nakita lang naman niya ang ilang mga maleta sa may pintuan ng kanilang mansion na halatang mayroong bagong dating na bisita na hindi nila inaasahan. Ikinurap-kurap na niya ang mga mata. Naisip ang kapatid na nasa ibang bansa. Mula sa mga ma
SUBALIT NGAYON NA ang kapatid ay nakauwi na at nasa harap na niya ang Kuya Gav niya, parang letrang nakasulat sa blangkong buhangin na hinawi ng mga halik ng alon na naglaho ang lahat ng iyon. Hindi niya na rin maalala pa at lalong hindi na niya maramdaman pa ang sakit at hirap na idinulot noon sa kanya at pinaghirapan niyang kimkimin ng mag-isa. Ang makita ang kapatid na okay na kumpara ng nakaraan ay sapat na iyon kay Briel. Hindi na niya kailangan pang paulit-ulit na sumbatan ang kanyang kapatid doon.“Ang mahalaga, magaling ka na. Hindi ka rin bumitaw. Hindi ka gaanong nagtagal at bumalik ka rin naman agad. Nag-lie low ka lang. Na-miss lang ng utak mo ang pagiging isang abogado mo, kaya ka ganyan.”Malambing na niyakap ni Gavin na ang ina sa tinuran niyang iyon. Isang tango naman ang ibinigay niya sa ama na siyang nakakaalam ng lahat ng mga plano niya. “Kalimutan na natin ang nakaraan, Gavin. Ang mahalaga ngayon ay hindi mo na pinatagal pa ang paglayo mo. Bumalik ka rin naman aga
HABANG MASAYANG NAG-UUSAP ang mga magulang nina Briel at Gavin kasama si Bethany upang pag-usapan ang mga nangyari sa abogado habang nasa ibang bansa ito ay abala naman si Briel sa loob ng kanyang silid sa pagbabalita kay Giovanni na magbabakasyon sila ng Italy ni Brian. Hindi makapaniwala ang Gobernador na mangyayari ang nais niya. Kaunting pag-asa lang ang pinanghahawakan niya doon. Naging excited din ang lalaki lalo at nalaman na kasama ang kanilang anak na si Brian. Aasikasuhin na agad ni Briel ang passport ng bata. Iyon ang sinabi ng babae nang tanungin siya ni Giovanni sa unang hakbang niya. “Ako na ang mag-process ng passport ni Brian para mas maging mabilis.” excited na presenta ni Giovanni na agarang tinanggihan ni Briel, makikita kasi ng Gobernador na apelyido niya ang gamit ng bata oras na pumayag siya doon na ito ang maglakad. “Why not, Gabriella? May ibang problema ba?”“Ako na lang, mabilis lang namang kumuha ngayon ng passport at saka alam kong busy ka rin—”“Hindi, Br
ISANG YAKAP NA mahigpit ng ilang minuto ang nangyari bago maghiwalay sina Briel at Giovanni ng araw na iyon. Ganundin ang ginawa niya kay Brian na halos ayaw pang umalis sa bisig niya. Si Giovanni pa-akyat ng Baguio, at sina Briel naman ay pabalik na ng Maynila. Ilang araw pa ang lumipas at nakuha na rin agad ni Giovanni ang PSA ng anak na sa kanya na naka-apelyido. Ang sunod niyang ginawa doon ay ang kunan ito ng passport na agad din naman niyang nakuha dahil ginamitan na naman niya iyo ng kapangyarihan. Masiglang ibinalita niya iyon kay Briel nang makauwi ng mansion, na kahit pareho silang pagod sa trabaho ay nagawa pang halos isang oras na mag-usap sa video call upang pag-usapan ang excitement nila pareho.“Two weeks tayo doon, Briel. One week para sa trabaho ko at another week para sa pamamasyal natin.”Sa narinig ay mas na-excited pa si Briel na kulang na lang ay hilahin ang bawat oras upang mangyari na ang araw na pinakahihintay nila. Hindi na sila nagkita ni Giovanni ng Linggon
HINDI NAMAN NA iyon inulit ng secretary na matapos pagmasdan ang reaction ni Giovanni ay piniling manahimik na lang at huwag ng guluhin pa ang nananahimik na Gobernador na ang magkabilang tainga ay nasa table nina Briel. Nasa kalahati na ang kape ng Gobernador nang biglang may sumigaw at bumulabog sa mga customer na ini-enjoy ang hapong iyon. Nabaling na ang mga mata nila sa kanya.“Gabriella!” Napalingon na si Giovanni sa pinanggalingan ng tinig na bukana ng coffee shop hindi dahil sa lakas noon kundi dahil sa pangalan na kanyang sinabi. Isang matangkad na lalaki ang pumasok doon at direktang nakatingin na sa table nina Briel na halata ang galit na nakabakas sa kanyang mukha. Noong panahong iyon ay hindi niya pa kilala kung sino iyon, kung hindi pa dahil sa secretary niya ay hindi niya malalaman na ang dating nobyo pala iyon ng pamangkin niyang si Bethany na sa mga sandaling iyon naman ay fiance din ng bunsong anak ng mga Dankworth. Medyo napaangat ang kilay ni Giovanni doon. Masyad
PAAKYAT NA SANA ang Gobernador, pabalik ng kanyang hotel suite nang may mahagip ang mga mata niya na pamilyar na bulto ng katawan sa lobby ng hotel kung saan siya naka-check in. Napatigil pa siya sa paghakbang nang medyo malakas na at mataas ang boses ng bultong iyon kung kaya naman naagaw nito ang wala sanang pakialam na pansin.“I am sorry Miss, we do not provide other guest details, especially if you are not expected to come by the guest.” sagot ng receptionist na pilit nakikipagtalo sa babae kung saan naburo na ang mga mata ni Giovanni ng sandaling iyon.“How many times do I have to tell you that it's okay? I want to surprise him. Why does he have to know? Is there a surprise that someone knows already?” patuloy na pakikipagtalo ng babae na iginiit ang gusto niya, “I'm his girlfriend!”Parang itinulos na si Giovanni sa kanyang kinatatayuan. Hindi malaman kung lalapitan niya ito o hindi at aakyat na lang upang puntahan sina Briel? Paano kung mapilit nito ang receptionist? Mag-aabot
HINDI NA MAPIGILAN ni Briel ang kiligin sa mga sinabi ni Giovanni. Hindi lang iyon, sa paraan ng pagtitig nito sa kanya parang siya ang mundo nito. Ganitong-ganito ang mga titig nito sa kanya noon. Punong-puno iyon ng pagmamahal.“Ako na ang mauuna.” ani pa ni Giovanni na kinuha na ang cellphone at biglang kumuha ng larawan nilang pamilya.Saglit na may kinutingting iyon sa kanyang cellphone. Nagbigay na iyon ng kakaibang kaba kay Briel na nakatitig na kay Giovanni habang higit niya ang kanyang hinga. Namilog pa ang mga mata niya nang may tumawag at sagutin iyon. “Mama?” Parang mahihimatay na si Briel sa isiping ang kinuha nitong larawan ay sinend niya sa kausap ng ina ng sandaling ito. “Hmm, kasama ko nga sila dito sa Italy.” sagot ng Gobernador na binalingan na ng tingin si Briel na biglang namutla na.Matulin na dumaan ang mga araw na negosyo ang inaasikaso ni Giovanni. Matapos nilang kumain ng unang dinner sa labas ay hindi na iyon naulit dahil na madalas na gabing-gabi na siya
HINDI NAPAPALIS ANG mga ngiting nilapitan na ni Giovanni si Briel upang yakapin lang ito at aluin. Sunod-sunod pang pumatak ang mga luha ng babae sa kanyang nalaman na hindi na matagalan ni Giovanni na makita. Buhat si Brian sa kanyang mga bisig ay pinunas na niya gamit ang laylayan ng kanyang suot na damit. Hindi magawang alisin ang mga mata kay Briel na para bang pinagmalupitan ito kung kaya naman umiiyak. Nagkatunog na ang tawa ng Gobernador na bahagyang napailing nang makitang kinagat na ni Briel ang labi upang pigilan na mas mapahikbi.“Masaya ka ba ngayon kaya ka umiiyak o malungkot dahil wala ka sa Pilipinas ng mga sandaling ito?”Hindi sumagot si Briel bagkus ay yumakap lang siya sa katawan ni Giovanni at sinubsob na ang mukha sa tagiliran nito. Masaya siya. Sa sobrang saya nga niya hindi na niya mapigilan pa ang mapaluha doon.“Mommy? Bakit ka iyak?” inosenteng tanong na ni Brian na itinuro pa ang sarili niyang mga mata.“Tahan na, Gabriella, nagtatanong na si Brian kung baki
TAHIMIK NA INIHATID ni Briel ang Gobernador sa may pintuan ng kanilang hotel room. Isang yakap at halik pa sa labi ng ilang segundo ang ginawa nito bago tuluyang umalis. Kumain na rin siya ng agahan matapos na makaalis ng lalaki upang samahan ang kanilang anak na si Brian. Hindi na mapawi ang ngiti sa labi ng babae. Dati, pangarap niya lang iyon. Nasa imahinasyon niya lang ang ganitong bagay at pagkakataon. Ni hindi sumagi sa kanyang isipan na isang araw ay matutupad na mabuo silang tatlo. Hindi niya na tuloy mahintay pa na makabalik sila sa Pilipinas at ipilit ni Giovanni ang sinabi sa kanya. Matapos nilang kumain ay wala na silang ginawa mag-ina kundi ang humilata. Nanood lang si Brian ng cartoons na palabas sa TV sa sala samantalang siya ay nakahiga naman sa sofa. Panay scroll sa social media account. Napabangon siyang bigla ng makitang tumatawag ang kapatid niyang si Gavin na marahil ay makikibalita. “Kumusta kayo diyang mag-ina?” Inayos ni Briel ang kanyang hitsura bago binuksa
NANATILING TAHIMIK AT nakatikom ang bibig ni Briel kahit pa alam niyang hinihintay ni Giovanni ang magiging sagot niya. Dahil din sa pananahimik niya ay hindi na mapigilan pa ng Gobernador na kabahan sa kilos ni Briel. Kilala niya ang babae, sasagot ito sa kanyang katanungan. Hindi nito pipiliing manahimik na gaya ng ginagawa niya ngayon.“Lilipat diyan sa tabi mo. Gusto ko yakap tayo habang nag-uusap.” ikot na ni Briel sa gilid ng kama upang magtungo na sa tabi ni Giovanni, tumayo na doon ang Gobernador upang bigyan siya ng daan na mahiga sa tabi ng kanilang anak. “Akala ko naman, lalayasan mo na ako.” natatawa pang sambit ni Giovanni na hindi nilubayan ng tingin si Briel.Tinawanan lang din siya ni Briel ngunit hindi na don nagkomento pa ng iba.“Sigurado ka na ba talaga na gusto mong mag-resign?” lingon na sa kanya ni Briel habang maayos na nahihiga sa kama, tinanggap niya ang laylayan ng comforter na binigay ni Giovanni. “Hindi ka ba na-pe-pressure lang nang dahil sa amin ni Bria
SA SINAGOT SA kanya ni Briel ay tila nagbigay iyon ng karapatan kay Giovanni na itulak pasandal ng pader ang katawan ng babae na hindi naman na siya pinahirapan pa. Inilagay na niya ang isang kamay nito sa itaas ng ulo ni Briel at isinalikop doon ang isa pa niyang palad. Habang patuloy na hinahalikan si Briel na isa’t-isa na ang hinga ay gumagalaw naman ang isa niyang palad upang hubaran ang katawan ng babae na parang isdang tinanggal sa tubig. Nang dahil iyon sa tensyon at excitement na patuloy na nararamdaman. Hindi na nagreklamo si Briel na parang nilalagnat na sa taas ng temperatura ng kanyang katawan. Maya-maya pa ay napuno na ng mahina nilang mga ungol ang loob ng pantry. Mga ungol na nasasarapan sa kung anumang ginagawa nila. Hindi na nila nagawa pang pumasok ng silid sa pag-aalalang baka magising nila si Brian. Tiyak kasing parang lumilindol na naman ang kama. Hindi lang iyon, parang dinaanan iyon ng bagyo lalo pa at pareho silang sabik na sabik ng Gobernador sa bawat isa. Hin
SINAMANTALA ANG PAGKAKATAONG iyon ni Giovanni na agad ng hinuli si Briel upang kanyang yakapin habang hindi pa ito nakakakilos sa yakap ng kanilang anak na si Brian. Sa kabila ng mga pandidilat ni Briel bilang protesta ay hindi siya pinakawalan ng Gobernador na animo ay nanalo na sa laban nilang dalawa. Kalaunan ay bumagsak silang tatlo sa ibabaw ng kama kaagapay ng munting halakhak ni Brian na tuwang-tuwa ng nasa ibabaw ni Briel habang nakayakap pa rin naman si Giovanni kay Briel. Salit-salitan ang tingin niya sa mga magulang gamit ang kumikislap na mga mata. Hindi naman magawang bulyawan ni Briel si Giovanni dahil panigurado na iisipin ng anak na siya ang kanyang sinisigawan at hindi ang ama ng anak. Madamdamin pa naman ang bata at napakaiyakin kung kaya ingat na ingat si Briel na mapaiyak na naman. “Bitaw…” mahina niyang sambit na sapat lang upang marinig ni Giovanni. Sa halip na sundin siya nito ay humigpit pa lalo ang yakap ni Giovanni sa kanya na inamoy-amoy na ang buhok niyan
HINDI NAGING MADALI para kay Briel ang naging biyahe nilang mag-ina nang dahil sa haba ng oras noon. Nandiyan ang nag-aalboroto na ang anak kahit na komportable naman sila sa upuan. Gusto na nitong bumaba o may nais gawin na hindi masabi sa kanyang ina. Para tuloy gusto niyang pagsisihan na hindi na lang sila sumabay pa kay Giovanni papunta nng Italy. Ganunpaman, bilang sanay na sa mahirap na sitwasyon, na-handle niya ang anak hanggang sa makalapag sila sa dayuhang bansa at makarating sa hotel kung saan sila naka-booked. Patang-pata ang katawan niya na para bang binugbog nang napakahabang biyaheng iyon, na kahit ang mga tawag ni Giovanni nang paulit-ulit sa kanya ay hindi niya magawang masagot dahil tulog siya at hindi man lang iyon narinig kahit malakas sa lalim ng kanyang tulog. Tulog silang dalawa ni Brian nang tunguhin ng Gobernador ang hotel kung nasaan na sila dahil hindi na nakatiis. Napuno ng kung anu-anong isipin ang utak kahit pa alam nitong nakarating sila nang maayos sa h
NAPUTOL LANG ANG kanilang usapan ng makatanggap ng message si Giovanni mula kay Briel. Dali-dali niyang pinatay ang tawag kay Margie. Noon pa lang ay kabado na siya. Alam niyang sinubukan siya ni Briel na tawagan pero in another call siya. Hindi naman ito nanghingi ng paliwanag sa kanya kung kaya hindi na lang din niya sinabi upang hindi ito bigyan ng isipin. Mamaya sumama na naman ang loob nito bago pa sila makaalis ng bansa. “Hindi ka na ba, busy?” “Hindi na. Pahiga na ako.” tugon niya kahit ang totoo ay bigla siyang napalabas ng veranda upang lumanghap ng sariwang hangin nang dahil sa sakit ng ulo na binibigay ni Margie, “Ikaw? Tapos ka na bang mag-impake?” pag-iiba niya ng usapan na binaling na kay Briel.“Hmm, nakahiga na rin kami ni Brian. Gusto mo kaming makita?” Nararamdaman ni Briel na medyo balisa ang boses ni Giovanni ngunit hindi na niya ito pinuna, baka lang kasi pagod ito sa kanyang mga inasikaso kung kaya ganun ang timbre. “Sure. Wait lang, gagamit lang ako ng banyo