GANUN NA LANG ang naging pag-iling ni Bethany kahit na sa asawa niya naman nga iyon galing. May note kasi na nakalagay na confedential at siya lang dapat ang makakakita kung ano ang nilalaman ng mga ipinadala ng asawa. Nagawa niyang itago iyon sa kanila sa pamamagitan ng pagpapadala nito sa kwarto na iniutos niya sa maid na siyang nagbigay din noon sa kanya.“Eh, asaan nga si Kuya Gav, Daddy? Mommy? Paano siya nakaalis ng walang nakakapuna? Ang daming tao dito sa mansion. Ni isa walang nakakita? Wala ba talaga? Paano? Saan natin siya hahanapin ngayon?” patuloy ni Briel na hindi na alam kung ano ang uunahing gawin ng mga sandaling iyon sa pagkataranta.“Kinuha niya ang lahat ng documents niya sa silid. Ganundin ang mga bank cards na pag-aari niya at ilang piraso lang din ng damit ang dala niya.” pagbabalita agad ni Mrs. Dankworth na kakababa lang ng hagdan. “Ibig sabihin ay planado niya itong gawin. Planado niyang umalis. Ang hindi ko maintindihan ay bakit ba?”Nahintakutan pa doon si
INAANTOK PA AT pagod ang mga matang marahang iginala ni Briel ang kanyang mga mata sa kabuohan ng silid ng lumang apartment. Pamilyar na pamilyar naman siya doon ngunit hindi niya mapigilang palagi iyon gawin kada maaalimpungatan siya at magigising. Madilim pa ang loob ng kwarto ngunit naaaninag naman niya ang kabuohan noon sa kabila ng saradong kurtina. Hinila niya ang kumot nang makaramdam ng halik ng lamig ng aircon na yumakap sa walang saplot niyang katawan. Isa na namang panibagong gabi iyon na pumayag siyang walang pakundangan na gamitin ni Giovanni ang kanyang katawan. Ang sabi niya noon sa sarili, hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari ngunit hindi niya alam kung bakit natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na hinayaan niyang gamitin nito ang kanyang kahinaan. Isang halik lang nito at haplos sa kanya, lunoy na lunoy na naman siya sa alindog ng Gobernador na di kailanman nagbago. Ni hindi naman siya pumayag sa pakiusap nitong hintayin niya ang lalaki ng dalawang taon pe
NAKABURO PA RIN sa pintuan na napabuntong-hininga na si Giovanni nang makitang tuluyan nang pumasok sa loob ng banyo si Briel. Kung ano ang nararamdaman nitong lungkot, ganundin ang kanyang nadarama. Ayaw niya pang umakyat ng Baguio, gusto niya pang manatili sana dito at makasama ito pero kailangan na naman nilang maghiwalay. Kung minsan naman ay hanggang Linggo siya nananatili ng Maynila. Kapag maluwag ang kanyang schedule ay sinasamahan niya si Briel sa mansion. Ang dahilan niya sa mga magulang nito ay binibisita niya ang pamangkin at ang apo nitong si Gabe. Pagkatapos noon ay kailangan pa rin naman niyang umakyat ng Baguio, ngunit ang masaya sa mga sandaling iyon ay nagagawa niyang makatabi si Brian at Briel sa iisang kama kahit na saglit na saglit lang ang buong magdamag. Nakakalungkot kung iisipin, wala naman siyang ibang magawa. Gaya ng paliwanag ni Briel, ayaw niyang sumabay sa problema ng kanyang kapatid na hanggang sa mga sandaling iyon ay nasa ibang bansa pa rin. Isa pa, hin
PAGDATING NG MANSION ng mga Dankworth ay agad na sumalubong sa kanya sina Gabe at Brian na pawisan ang buong katawan dahil kasalukuyang naghahabulan sa kanilang malawak na bakuran ang dalawang bata. Ini-enjoy ang malilim na kalangitan kahit pa ang alinsangan ng paligid at mainit na malagkit ang ihip ng hangin. Nag-uunahan ang dalawang bata na patakbong lumapit nang makita ang pagdating niya. Lumapad ang ngiti ni Briel nang makita sila. Parang ang lahat ng kanyang iniisip ay nawala nang matitigilan ang inosenteng mga ngiti ng mga batang magkamukha na.“Mommy!”Si Brian na mas tumagaktak pa ang pawis sa kanyang buong katawan. Nakitakbo na rin si Gabe na nang-aasar na inunahan pa talaga ang babagal-bagal sa takbo na si Brian.“Oh ayan na pala ang Mommy mo, si Tita Briel! Unahan tayo sa kanya, Brian! Dali!”Natawa nang mahina si Briel. Malamang lugi ang anak niya kay Gabe na ang hyper. May pagkalampa pa naman ang anak niya na hindi niya alam kung sa kanya ba ito nagmana.“Hello…kumusta ka
ANG SENARYONG IYON ang mabilis na sumilid sa isipan ni Briel habang pababa na sila ng hagdan ng mga bata. Baka aanak na ang kanyang hipag kung kaya naririnig niya itong umiiyak. Marahil dahil sa sakit ng tiyan o kung di naman ay sa nerbyos, kaya rin mayroong ingay at komosyon sa ibaba ng mansion. Sa isiping iyon ay nagmamadali na ang kanyang mga yabag na bumaba ng hagdan kasama ang dalawang bata na medyo naguguluhan sa pakaladkad niyang ginagawa. Hindi pa siya doon nakuntento. Binuhat na niya si Brian at inakay niya si Gabe. Kabadong-kabado na siya. Kung ano-ano na rin ang naiisip niya na maaari nilang abutan sa ibabang bahagi ng mansion. Ilang baitang na lang sa hagdan at tuluyan na silang nasa unang palapag nang matigilan si Briel sa paglalakad. Nakita lang naman niya ang ilang mga maleta sa may pintuan ng kanilang mansion na halatang mayroong bagong dating na bisita na hindi nila inaasahan. Ikinurap-kurap na niya ang mga mata. Naisip ang kapatid na nasa ibang bansa. Mula sa mga ma
SUBALIT NGAYON NA ang kapatid ay nakauwi na at nasa harap na niya ang Kuya Gav niya, parang letrang nakasulat sa blangkong buhangin na hinawi ng mga halik ng alon na naglaho ang lahat ng iyon. Hindi niya na rin maalala pa at lalong hindi na niya maramdaman pa ang sakit at hirap na idinulot noon sa kanya at pinaghirapan niyang kimkimin ng mag-isa. Ang makita ang kapatid na okay na kumpara ng nakaraan ay sapat na iyon kay Briel. Hindi na niya kailangan pang paulit-ulit na sumbatan ang kanyang kapatid doon.“Ang mahalaga, magaling ka na. Hindi ka rin bumitaw. Hindi ka gaanong nagtagal at bumalik ka rin naman agad. Nag-lie low ka lang. Na-miss lang ng utak mo ang pagiging isang abogado mo, kaya ka ganyan.”Malambing na niyakap ni Gavin na ang ina sa tinuran niyang iyon. Isang tango naman ang ibinigay niya sa ama na siyang nakakaalam ng lahat ng mga plano niya. “Kalimutan na natin ang nakaraan, Gavin. Ang mahalaga ngayon ay hindi mo na pinatagal pa ang paglayo mo. Bumalik ka rin naman aga
HABANG MASAYANG NAG-UUSAP ang mga magulang nina Briel at Gavin kasama si Bethany upang pag-usapan ang mga nangyari sa abogado habang nasa ibang bansa ito ay abala naman si Briel sa loob ng kanyang silid sa pagbabalita kay Giovanni na magbabakasyon sila ng Italy ni Brian. Hindi makapaniwala ang Gobernador na mangyayari ang nais niya. Kaunting pag-asa lang ang pinanghahawakan niya doon. Naging excited din ang lalaki lalo at nalaman na kasama ang kanilang anak na si Brian. Aasikasuhin na agad ni Briel ang passport ng bata. Iyon ang sinabi ng babae nang tanungin siya ni Giovanni sa unang hakbang niya. “Ako na ang mag-process ng passport ni Brian para mas maging mabilis.” excited na presenta ni Giovanni na agarang tinanggihan ni Briel, makikita kasi ng Gobernador na apelyido niya ang gamit ng bata oras na pumayag siya doon na ito ang maglakad. “Why not, Gabriella? May ibang problema ba?”“Ako na lang, mabilis lang namang kumuha ngayon ng passport at saka alam kong busy ka rin—”“Hindi, Br
ISANG YAKAP NA mahigpit ng ilang minuto ang nangyari bago maghiwalay sina Briel at Giovanni ng araw na iyon. Ganundin ang ginawa niya kay Brian na halos ayaw pang umalis sa bisig niya. Si Giovanni pa-akyat ng Baguio, at sina Briel naman ay pabalik na ng Maynila. Ilang araw pa ang lumipas at nakuha na rin agad ni Giovanni ang PSA ng anak na sa kanya na naka-apelyido. Ang sunod niyang ginawa doon ay ang kunan ito ng passport na agad din naman niyang nakuha dahil ginamitan na naman niya iyo ng kapangyarihan. Masiglang ibinalita niya iyon kay Briel nang makauwi ng mansion, na kahit pareho silang pagod sa trabaho ay nagawa pang halos isang oras na mag-usap sa video call upang pag-usapan ang excitement nila pareho.“Two weeks tayo doon, Briel. One week para sa trabaho ko at another week para sa pamamasyal natin.”Sa narinig ay mas na-excited pa si Briel na kulang na lang ay hilahin ang bawat oras upang mangyari na ang araw na pinakahihintay nila. Hindi na sila nagkita ni Giovanni ng Linggon
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta
MAHIGPIT NA YAKAP ang isinalubong ng matanda sa kanilang mag-ina na noong una ay kinailangan pa ni Briel. Hindi naman kasi sila sobrang close nito para agad ng mapalagay ang kanyang loob. Medyo naiilang man ay nagawa pa rin niyang pakibagayan ang matandang Donya na nakita na niyang parang naluluha na sa labis na sayang naroroon na sila.“Mabuti naman at naisipan niyong umakyat ng Baguio?” anang matanda na hinanap pa ang mata ni Briel, ngumiti lang naman ang babae sa kanya. Nag-aapuhap na ng isasagot. “Ang tagal noong huli tayong nagkita. Ang laki mo na, Brian.” Ngumiti lang si Brian na bagama’t medyo takot sa matanda ay nagawa pa rin nitong ngitian ito matapos na mag-mano. Nangunyapit na siya sa isang hita ng ina at hindi sumagot sa mga tanong pa ng matanda kay Brian na mahiyain bigla. Hindi naman siya itinulak ni Briel dahil kilala niya ang anak na sa una lang naman nahihiya. Kapag lagi na nitong nakikita ang matanda, ito na ang kusang lalapit dito upang makipag-interact. Ganun nama
NAPADILAT NA ANG mga mata ni Briel nang makitang wala namang nakahiga doon na inaasahan niyang bulto ng katawan ni Giovanni. Lasing man siya nang nagdaang gabi ay alam niya ang naganap sa kanilang pagitan ni Giovanni. Hindi niya lang basta guni-guni ang bagay na iyon. Sinuri niya ang kanyang katawan na natagpuan niyang may suot na saplot, iyon nga lang ay hindi na iyon ang damit na huli niyang natatandaang suot niya bago sila umakyat ng silid. Malamang ay binihisan siya ni Giovanni. Ganun kaya ang lalaki. Imposibleng basta na lang siyang iiwan nitong hubad. Sinuri niya rin ang sahig at wala doong kalat na alam niyang basta na lang nila inihagis ang kanilang mga hinubad dito.“Hindi iyon panaginip lang…sigurado ako…” turan niya pang hinawakan na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita at maramdaman ang pananakit noon na para bang binugbog siya, sumilay na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Sabi ko na eh, may nangyari sa aming dalawa. Imposible namang sumakit ito kung panaginip lang
HINDI PINUPUTOL ANG halik na binuhat na niya ang katawan ni Briel na wala namang naging anumang angal na nagawa pang buksan ang pintuan ng nasa likod niyang silid. Napalakas pa ang sarado doon nang sipain ni Giovanni na lumikha ng malakas na ingay na wala namang ibang naistorbo maliban sa ilang mga maid na naglilinis ng tirang kalat na kanilang iniwan sa sala ng villa. Napatingala lang sila saglit at kapagdaka ay kibit-balikat na binalewala na lang iyon at ipinagpatuloy ang ginagawa nila gaya nina Briel at Giovanni na halatang wala ng sinumang makakapigil pa sa kanila. Hindi lang si Giovanni ang nawala sa kanyang sarili, dahil maging si Briel ay lunoy na rin na nagawa ng ipagkanulo ng sarili. Bumagsak sa sahig ang mga butones ng suot na damit ng lalaki ng walang pakundangang hablutin iyon ni Briel. Saglit na tumigil sa ginagawang paghalik si Giovanni na nabaling na ang atensyon sa kulang ay masira niyang polo.“G-Gabriellla—” “Ano?! Hinalikan mo na ako huwag mong sabihin na naduduwag
MAKAILANG BESES NA ibinuka ni Giovanni ang kanyang bibig habang walang kurap na nakatitig sa mukha ni Briel ang mga mata na hindi na pakiramdam niya ay nanghahapdi na. Sa totoo lang ay ang dami niyang gustong sabihin sa babae. Sa sobrang dami nga noon ay hindi na niya alam kung alin ang kanyang uunahin. Napakurap na ang kanyang mga mata, dumalas pa ang kanyang hinga. Hindi pa rin inalis ni Giovanni ang mga mata kay Briel na nanatiling nakatingin sa kanya at halatang naghihintay ng mga magiging sagot niya. Matabang na itong ngumiti pagkaraan ng ilang sandali na hindi pa rin magsalita si Giovanni. Nasa dulo na ng kanyang dila ang mga sasabihin niya, ngunit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung ano ang pumipigil sa kanya. Iyong tipong parang hirap na hirap siyang magsalita at magpakatotoo kay Giovanni. Ipinilig ni Briel ang ulo na para bang wala itong mapapala kahit na sigaw-sigawan niya pa ang lalaking kaharap. Napuno na naman ng pagkadismaya ang buong katawan niya. Umasa na n
BUMUNGISNGIS LANG DOON si Gavin na hinagod na ng isang palad ang kanyang buhok na bahagyang tumakip sa kanyang mukha. Hindi malaman ni Briel kung ano ang pumasok sa utak ng kapatid at nagpahaba ito ng kanyang buhok. Pasalamat din ito na siya ang nasusunod sa kanyang propesyon kung kaya hindi ito napupuna sa bagay na iyon. Kumislap pa ang kanyang mga mata na para bang may naiisip itong nakakakilig dahil halos mapunit ang labi sa ngiti.“Oo naman, Tito. Kayang-kaya ko pa…saka matagal na akong hulog na hulog sa pamangkin mo.” humagikhik pa ito at nagawa pang takpan ang bibig ng kanyang isang palad na para bang kinikilig sa kanyang sinabi, “Kapag narinig ito ng asawa ko baka masundan namin agad si Bryson.” dagdag pa ni Gavin na ikinahalakhak na rin ni Briel habang naiiling. Humahapay na umakyat na si Gavin ng hagdan na halatang mas lalo itong nalasing. Hindi na kailangang sabihan pa si Giovanni na halatang sakto lang ang inom na patakbong hinabol si Gavin upang alalayan itong maayos na m
PARANG SUMABOG NA bombang umalingawngaw sa pandinig ni Briel ang sinabi ni Bethany patungkol sa pagpunta ni Giovanni ng Canada na lingid sa kanyang kaalaman. Bakas na bakas iyon sa mukha niya; ang labis na pagkagulat dito. Ibig sabihin ay hindi aksidente ang pagkikita nilang dalawa. Sinadya iyon ng dating Gobernador kaya sila ay nagtagpo. “Ha? Pumunta siya ng Canada?” naguguluhan na naman niyang tanong na tumayo pa upang harapin ang hipag niya.Bakit hindi niya alam iyon? Bakit sa Hongkong na sila nagkita? Hindi kaya mula Canada pa lang ay sinundan na siya nito patungo sa Hongkong? Bakit hindi niya napansin? Bakit hindi nito sinabi sa kanya noong nasa Hongkong na sila? Napakarami ng kanyang katanungan na alam niyang si Giovanni lang ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanya.“Oo, hindi mo ba alam?” naguguluhan na rin na tanong ni Bethany sa hipag na hindi na niya mapigilang pagtaasan ng isang kilay, hindi naman ito mapagpanggap kung kaya bakit siya magsisinungaling sa kanya? “Kung ga
MAKULAY, MAINGAY AT naging masaya ang unang Pasko na sama-sama silang nagdiwang nito. Ganun nila ipinagdiwang ang noche buena ng taong iyon. Walang sinuman ang nagbukas ng usapan tungkol sa tunay na relasyon nina Giovanni at Briel. Maliit pa man ang kanilang pamilya ay nagkaroon sila ng parlor games per family. Ang mag-asawang Dankworth ang magkakampi. Ang mag-anak nina Bethany at Gavin. Sina Giovanni at Briel kasama si Brian na tanging palakpak lang ang ginagawa upang ipakita na excited siya. At upang mas maging masaya ang kanilang pagdiriwang doon ay sinali nila ang mga tauhan ni Giovanni at ng kanilang mga maid. Halos lahat naman sa kanila ay nakakuha ng prizes at gifts. Sa kanilang lahat, ang sobrang nag-enjoy sa mga palaro nila ay sina Brian at Gabe.“Bilisan niyo na kasing sundan ni Tito si Brian nang may kakampi ka na at hindi ka nang-aagaw ng anak ng iba.” pahaging ni Bethany nang gustong hiramin na naman ni Briel si Bry, hindi niya kasi mauto ang anak na palaging naka-karga