Semua Bab The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Bab 651 - Bab 660

750 Bab

Chapter 22.2

NAPAAYOS NA NG upo si Briel nang marinig niya ang ingay ng pamangkin niyang si Gabe na pababa na ng hagdan. Saglit niyang nilingon at nakita niyang kasunod na nito ang mga magulang. Pilit niyang iwinaglit ang anumang galit niya kay Margie kahit na mukhang wala naman talaga silang masamang ginagawa ni Giovanni. Hula lang niya iyon. Sa imahinasyon niya lang dahil aminin niya man o hindi, nilalamon siya ng matinding selos nang makiya niya ito. “Ang bisita? Tulog pa?” unang tanong ng Ginang nang maabutan silang mag-ina na nasa kusina.“Nakaalis na, Mommy.” hindi lumilingon na sagot ni Briel kaya hindi niya nakita ang pagkunot nito ng noo patungkol sa kanyang mga sinabi. Napalingon na ito sa kanyang asawa na puno ng pagtataka na roon ang mga mata.“Umalis na? Ang aga niya naman. Saan ang punta? Pinakain mo man lang ba bago siya umalis?”Sa dami ng tanong ng ina ay iisang linya lang ang naging sagot doon ni Briel na hindi pa rin nililingon ang ina niya.“May meeting pa raw na pupuntahan.”
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-25
Baca selengkapnya

Chapter 22.3

NAUMID NA MULI ang dila ni Giovanni. Bukod sa naguguluhan ay hindi niya rin napaghandaan ang sunod-sunod na mga katanungan ni Gavin. May malinaw na sagot na siya ngunit napakarami pa niyang kinukunsidera. Kaya nga kailangan talaga nilang mag-usap ni Briel ukol dito, na hindi niya naman alam kung kailan din iyon mangyayari.“Sabihin mo ng maaga para naman makapaghanap kami ng mga lalaking ipipila sa kapatid ko para maging blind date at kalaunan ay potential husband niya. Pumayag na rin naman doon si Briel.” subok ni Gavin na galitin ang Gobernador para naman gumalaw na ito. Blind date? Bakit makikipag-blind date si Briel gayong may nangyari sa kanilang dalawa ng nagdaang gabi? Potential husband? Paano naman siya kung ganun?“Blind date? Pumayag siyang makipag-blind date?”“Hmm, maganda ang kapatid ko kaya panigurado na maraming pipili para maka-blind date niya. Hindi mo naman kailangang mag-alala o mapilitan ang sarili mong panindigan siya. Tungkol naman kay Brian, hindi niya naman si
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-25
Baca selengkapnya

Chapter 22.4

NAMUMULA ANG MAGKABILANG pisngi nang lumabas si Briel at ang kanyang ka-date ng restaurant kung saan sila nagkasundo nitong kumain ng dinner. Alas-nuwebe na iyon ng gabi. Nagtatawanan pa ang dalawa habang lumululan ng sasakyan na parang siyang-siya sa kung ano ang pinag-uusapan. Humigpit ang hawak ni Giovanni sa cellphone na kanyang tangan. Kanina niya pa tinatawagan si Briel sa numero nito at social media account ngunit hindi nito sinasagot iyon. Deadma. Tipong parang hindi nito iyon nakikita. Kinailangan niya pang tawagan ang pamangkin niyang si Bethany para lang malaman kung nasaan ang babae ng sandaling iyon. Batid niyang nagtatampo ito pero hindi sapat na dahilan iyon para makipag-date ito at sumama sa ibang lalaki. Ano na lang pala iyong nangyari sa kanila sa mansion? Wala lang? Hindi kasama sa bilang? Tawag lang ng laman? Batid niyang mahal pa siya nito. Sa mga paghalik nito. Nag-explain naman na siyang busy siya kaya hindi niya nasagot ang message at tawag nito. Aminado rin si
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-26
Baca selengkapnya

Chapter 23.1

PAHAPYAW NA TININGNAN ni Briel ang sasakyan ng Gobernador sa hindi kalayuan. Puno ng pag-asa na sinunanda ni Giovanni ang kanyang mga mata na bumaling doon. Kung tutuusin ay may choice naman si Briel na tumanggi, pero ewan niya ba kung bakit alipin na naman siya ng sarili na kahit ayaw ng utak niya ay padabog na ang mga paang nagsimula siyang maglakad patungo ng sasakyan. Sumunod naman agad si Giovanni sa kanya. Pagkasara ng pintuan ay agad na siyang hinarap ni Briel. Nakahalukipkip na ang mga braso nito at base sa ipinupukol na tingin ay gusto na niyang sabihin ni Giovanni kung ano ang pakay nito.“Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung saan ako nanggaling ngayong gabi?” subok niya sa pasensya nito, gusto pa niyang makita kung paano ito magselos at mairita kada babanggitin niya ang ka-date niya.Lantad sa mga mata ni Briel ang dumaang selos at galit sa mukha ni Giovanni na kaagad din na nawala. Mabilis lang iyong naglaho na para bang wala naman itong pakialam kung makipag-date siya
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-26
Baca selengkapnya

Chapter 23.2

GUSTONG LUMUNDAG NG puso ni Briel s agalak nang marinig niya ang pinagsamang selos at galit sa tinig ni Giovanni. Ganunpaman ay hindi siya kumibo. Napatanong na rin sa sarili. Bakit nga ba ginagawa niya ito? Bakit siya nakikipag-date sa hindi niya gusto gayong hindi naman niya kailangan ng lalaki sa buhay niya? Iisa lang ang sagot niya, nang dahil iyon sa Gobernador. Gusto niyang makita nito na kaya niyang magmahal ng ibang lalaki bukod dito. Sino bang niloloko niya? Sarili lang din naman niya. Sa tingin niya maatim niyang magpakasal sa lalaking iyon nang walang anumang pagmamahal? Hindi siya ganun ka-desperada at kababaw na aabot pa sa puntong iyon ng kanyang buhay. Tama, nahihibang siya. Bumabalik ang pagiging childish niya. Kaya niyang mabuhay ng walang lalaki. Saka kilala na rin ni Brian ang ama niya. Ano pa ang kailangan niyang patunayan? Wala. Bored lang siya. Nagre-rebelde sa ginagawa ni Giovanni.“Bakit hindi ka makasagot, Gabriella?” Walang anu-ano ay ibinigay ni Giovanni
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-26
Baca selengkapnya

Chapter 23.3

NAGING BINGING-AHAS SI Giovanni sa kanyang mga katanungan na para bang wala itong narinig. Hindi na rin naman niya ito kinulit pa dahil paniguradong maiinis lang siya. Hinayaan ni Briel na lamunin sila ng nakakabinging katahimikan. Hinga nilang dalawa at panaka-nakang mahinang ingay ng makina ng kotse ang kanyang naririnig. Pasimpleng nililingon niya ang Gobernador kapag hindi nakatingin sa kanya upang punahin ang mga pagbabago nito sa mga araw na hindi niya nakita. Bumagal na ang takbo ng sasakyan dahilan upang mapatingin sa labas ng bintana si Briel. Pamilyar sa kanya ang lugar. Sa lumang apartment na binili nito sa Bulacan sila pumunta. Anong gusto nitong mangyari? Magbalik-tanaw sila ng magkasama? Napairap na lang sa kawalan si Briel kahit na medyo may kaunting excitement at sakit din sa kanyang puso.“Bakit mo ako dito dinala? Anong plano mo? Akala mo makukuha mo ang atensyon ko kapag dinala mo ako dito? Anong tingin mo sa akin? Basta-basta mo na lang makukuha nang dahil sa pagan
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-27
Baca selengkapnya

Chapter 23.4

NAG-INIT PA ANG mukha ni Briel na kulang na lang ay hilingin na sana ay bumuka na lang ang lupa na tinatapakan nila at biglang lamunin siya upang makaiwas sa sobrang kahihiyang nararamdaman. Kanina ay umuusok ang bunbunan niya at galit na galit siya sa Gobernador, ngayon naman ay bigla na lang naglaho iyon nang dahil lang sa isang dampi ng halik? Hindi siya makapaniwala! Ganun na ba siya kabilis mauto? Bakit ba lagi siyang ipinagkakanulo ng kanyang katawan? Palaging may sariling desisyon kahit ayaw niya.“Halika na sa loob, may mga documents akong kailangang ipakita at ipabasa sa’yo. Gusto kong hingin ang opinyon mo at kung ano ang masasabi mo.” malambing na hila at saad ng Gobernador na kinagat ang labi.Nagpahila naman si Briel na hindi na inintindi kung ano ang ibig sabihin doon ng Gobernador. Tututol pa ba siya eh nagawa na naman nitong tunawin ang galit niya? Naiwan ang kanyang isipan sa saglit na halik na kanilang pinagsaluhan na para bang iyon ang pinakamagandang bagay na nangy
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-27
Baca selengkapnya

Chapter 24.1

SOMEHOW AY NA-MISS rin naman ni Briel na asikasuhin siya at alagaan ng ganun ng Gobernador. Iba ang pag-aalalang ibinibigay nito sa kanya na batid niyang puno ng pagmamahal. Damang-dama niya. Marahil ay kaya sobrang minahal niya pa ito kumpara ng pagmamahal niya noon sa dati niyang fiance. Magiging ipokrita siya kung hindi niya aaminin ito ngayon sa kanyang sarili. Pahapyaw siyang tiningnan ni Briel nang marinig ang huling litanya na kanyang sinabi. Parang pinapalabas ni Giovanni na patay na patay siya dito.“Tigilan mo nga ako!” angil niya na muli pang ikinatawa nang mahina ng Gobernador.“Kumain ka habang nagbabasa.” Naupo na si Giovanni sa kanyang harapan at hindi pinansin ang pagtataray niya. Hindi rin ito naupo sa kanyang tabi na unang inaasahan ni Briel na medyo nagbigay sa kanya ng karampot na kahihiyan. Ibinalik ni Briel ang paningin sa papel na hawak kahit na wala pa rin siya doong maintindihan. Kumagat na siya sa apple na nakatusok sa tinidor. Lumambot ang puso doon ni Giov
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-27
Baca selengkapnya

Chapter 24.2

MUNTIK NG MABILAUKAN sa kanyang sariling laway si Briel sa naging katanungang iyon ng Gobernador. Cool na cool pa ang paraan ng tingin nito sa kanya na para bang normal na katanungan ang binitawan. Ano? Dalawang taon? Seryoso ba ang Giovanni na ‘to na dalawang taon siyang paghihintay? Tapos ano? Wala rin naman! Nangatal na ang labi ni Briel sa sobrang pagkairita kay Giovanni na parang naglalaro ng damdamin niya. Ano siya hibang? Bakit naman siya papayag na ganun katagal? Lingid sa kanyang kaalaman na dalawang taon pa ang natitirang termino ni Giovanni bilang Gobernador. Ayaw naman ng lalaking basta na lang magbitaw at abandonahin ang pwesto at hayaan niyang maiwan din ang mga proyekto na kanyang sinimulan. Gusto niyang tapusin ang laban. Hindi na lang siya uli hahangad. Walang humor na natawa na si Briel na para bang ang sinabi nito ay isang joke, kailangan niyang magbigay ng reaksyon. Sinamaan niya na ng tingin si Giovanni na hindi man lang din nagbago ang facial expression.“Ba
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Chapter 24.3

KUNG ANONG BUHOS ng mga luha ng Gobernador na nagawa ng sapuhin ng dalawang palad ang mukha, ganundin ang lakas ng hagulhol ni Briel sa likod ng taxi dahil sobrang nasasaktan siya. Nag-expect pa naman siya na mabubuo na nila ang pamilya. Mabibigyan na niya ng kumpletong pamilya ang anak na si Brian na gaya ng kanyang pamangking si Gabe. Nabigo siya. Nagkamali siya. Iba ang gusto ni Giovanni. Ang gusto nito ay ang hintayin niya ulit ng two years? Isang kabaliwan iyon. Hindi pa rin siya nahihibang.“Miss ayos ka lang ba?” nag-aalangang tanong ng taxi driver, dahilan para mas lumakas ang iyak ni Briel. Tumango si Briel habang patuloy pa rin ang kanyang pag-atungal, tinanggap na ang balot ng tisyu na iniabot sa kanya ng driver. Kumuha siya ng fly at nagawa pang suminga. Nang bahagyang kumalma ay pinili niyang tawagan si Bethany na nang marinig itong umiiyak ay ganun na lang ang pag-aalala sa kanyang hipag. Nag-drama pa si Briel, alam niyang dadamayan siya nito at pakikinggan ang sasabihi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
6465666768
...
75
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status