SOMEHOW AY NA-MISS rin naman ni Briel na asikasuhin siya at alagaan ng ganun ng Gobernador. Iba ang pag-aalalang ibinibigay nito sa kanya na batid niyang puno ng pagmamahal. Damang-dama niya. Marahil ay kaya sobrang minahal niya pa ito kumpara ng pagmamahal niya noon sa dati niyang fiance. Magiging ipokrita siya kung hindi niya aaminin ito ngayon sa kanyang sarili. Pahapyaw siyang tiningnan ni Briel nang marinig ang huling litanya na kanyang sinabi. Parang pinapalabas ni Giovanni na patay na patay siya dito.“Tigilan mo nga ako!” angil niya na muli pang ikinatawa nang mahina ng Gobernador.“Kumain ka habang nagbabasa.” Naupo na si Giovanni sa kanyang harapan at hindi pinansin ang pagtataray niya. Hindi rin ito naupo sa kanyang tabi na unang inaasahan ni Briel na medyo nagbigay sa kanya ng karampot na kahihiyan. Ibinalik ni Briel ang paningin sa papel na hawak kahit na wala pa rin siya doong maintindihan. Kumagat na siya sa apple na nakatusok sa tinidor. Lumambot ang puso doon ni Giov
MUNTIK NG MABILAUKAN sa kanyang sariling laway si Briel sa naging katanungang iyon ng Gobernador. Cool na cool pa ang paraan ng tingin nito sa kanya na para bang normal na katanungan ang binitawan. Ano? Dalawang taon? Seryoso ba ang Giovanni na ‘to na dalawang taon siyang paghihintay? Tapos ano? Wala rin naman! Nangatal na ang labi ni Briel sa sobrang pagkairita kay Giovanni na parang naglalaro ng damdamin niya. Ano siya hibang? Bakit naman siya papayag na ganun katagal? Lingid sa kanyang kaalaman na dalawang taon pa ang natitirang termino ni Giovanni bilang Gobernador. Ayaw naman ng lalaking basta na lang magbitaw at abandonahin ang pwesto at hayaan niyang maiwan din ang mga proyekto na kanyang sinimulan. Gusto niyang tapusin ang laban. Hindi na lang siya uli hahangad. Walang humor na natawa na si Briel na para bang ang sinabi nito ay isang joke, kailangan niyang magbigay ng reaksyon. Sinamaan niya na ng tingin si Giovanni na hindi man lang din nagbago ang facial expression.“Ba
KUNG ANONG BUHOS ng mga luha ng Gobernador na nagawa ng sapuhin ng dalawang palad ang mukha, ganundin ang lakas ng hagulhol ni Briel sa likod ng taxi dahil sobrang nasasaktan siya. Nag-expect pa naman siya na mabubuo na nila ang pamilya. Mabibigyan na niya ng kumpletong pamilya ang anak na si Brian na gaya ng kanyang pamangking si Gabe. Nabigo siya. Nagkamali siya. Iba ang gusto ni Giovanni. Ang gusto nito ay ang hintayin niya ulit ng two years? Isang kabaliwan iyon. Hindi pa rin siya nahihibang.“Miss ayos ka lang ba?” nag-aalangang tanong ng taxi driver, dahilan para mas lumakas ang iyak ni Briel. Tumango si Briel habang patuloy pa rin ang kanyang pag-atungal, tinanggap na ang balot ng tisyu na iniabot sa kanya ng driver. Kumuha siya ng fly at nagawa pang suminga. Nang bahagyang kumalma ay pinili niyang tawagan si Bethany na nang marinig itong umiiyak ay ganun na lang ang pag-aalala sa kanyang hipag. Nag-drama pa si Briel, alam niyang dadamayan siya nito at pakikinggan ang sasabihi
NAPAHAWAK NA SA kanyang dibdib si Bethany bilang pangunahing reaction sa sinabing iyon ng kanyang asawa. Bahagya na siyang namutla, tila ba nagbalik sa kanyang isipan ang bangungot ng panahon na nalaman niyang buntis siya noon. Hindi iyong dahil buntis siya, kung iyong panahon na bago siya manganak. Natatakot siya na paano kung may panibagong pagsubok na naman sa kanila? Ngunit ang lahat ng iyon ay napawi nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Gavin. Napalitan ng hagikhik ang malakas na dagundong at pintig ng kanyang puso na animo ay lalabas sa loob ng kanyang dibdib. Ano ba ang dapat niyang ikabahala? Nasa tabi niya naman ang asawa. Siguradong natuto na rin ito.“What’s wrong, Thanie? Bakit ganyan ang reaction mo? Hindi ka ba masaya na madadagdagan na tayo?” Ganun na lang ang naging iling niya habang nakahinang pa rin ang mga mata kay Gavin. Titig na titig siya sa asawa. Pilit na inaarok ang laman ng kanyang isipan ng mga sandaling iyon. Binabasa niya rin iyon.“I promise, h
SABAY NA SINUNDAN ng mga mata ng dalawang babae ang bulto ng katawan ni Gavin na dire-diretsong mabagal na umakyat ng hagdan bitbit ang baso ng gatas. Nang tuluyang makarating na ito ng itaas ay marahang hinawakan na ni Bethany ang isang braso ni Briel upang igiya naman ang hipag patungo ng kusina kung nasaan ang pagkain nitong nakahain na at naghihintay sa kanya. Nang lumingon si Briel ay matamis pang ngumiti si Bethany na animo ay bata ang kanyang inaamo ng mga sandaling iyon. “Halika, kumain ka na muna. Alam kong gutom na gutom ka na sa kakaiyak.”Walang angal na nagpahila naman si Briel sa hipag. Sumisinghot na naupo na siya sa tapat ng nakahaing pagkain na kagaya ng niluluto ng tiyuhin nitong si Giovanni. Humikbi pa si Briel na nais pa sanang magreklamo na bakit ganun ang pagkaing inihanda niya, feeling niya tuloy ay parang si Giovanni ang siyang may gawa noon kahit na hindi naman. Mas ipinakita ng mukha niya na na-touch siya sa ginawa ng hipag dahil kapag bumusangot siya, isipi
KINUROT NA NI Bethany si Gavin sa tagiliran para tumigil na ito sa paglason ng isipan ni Briel, ngunit hindi pa rin siya nito pinansin. Bahagyang napapiksi lang ng kaunti at nagpatuloy ang bibig nitong walang tigil. Napailing na lang doon si Bethany na sinulyapan na si Briel na masama na rin ang mga tingin sa kapatid. “It's not against the law to be in a relationship, Gabriella. O baka naman kasi natatakot ka na kahit may karelasyon ka ng iba ay wala pa ring pakialam sa’yo si Governor Bianchi? Kung siya pa rin ang gusto mo, e di sundin mo ang gusto niya. Hintayin mo siya. Magpaka-martir ka. Ganun lang. Huwag mo ng gawin pang komplikado ang lahat. Matanda ka na eh, dapat alam mo na ang ganitong bagay. Di ka na nahihirapan.”“Ayoko ngang maghintay, Kuya Gav!” may diin ang salitang iyon na para bang hindi makuha ng kapatid.“O e ‘di maghanap ka ng iba. Tapos ang problema mo. Ang dali lang hindi ba? Huwag mo ng idamay pa ang hipag mo at i-stress sa mga problema mo. Ngayon pa lang ay solv
PAGGISING NILA KINABUKASAN ay nakahanda na rin na umalis si Briel na halata sa mga mata niyang nangingitim ang nanlalaking eyebags na halos di man lang nakatulog nang nagdaang gabi. Malapad itong ngumiti sa mag-asawa na para bang walang nangyaring malalang iyakan nang nagdaang gabi sa pagitan.“Tita Briel?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Gabe nang maaninag ang tiyahin na nakatayo doon.“Hi, Gabe. Goodmorning!” kaway pa ni Briel at pinasigla ang kanyang boses na bumati sa pamangkin.Mabilis na tumakbo palapit sa kanya si Gabe matapos na bumitaw ito sa hawak ng kanyang ama. Naka-uniform na at handang pumasok na naman ng school. Lumuhod naman si Briel upang yakapin ang pamangkin na halos umabot sa kanyang tainga ang malapad na ngiti. Matapos na yakapin ito ng ilan pang minuto ay nagpaalam na rin si Briel sa kanyang kapatid at hipag na mauuna ng umuwi ng mansion.“Sumabay ka na sa amin, ihahatid lang namin si Gabe ng school at luluwas rin naman kami.” Puno ng katanungang nilingon ni
MAKAHULUGANG NGINITIAN ng Ginang si Briel sa pag-aakalang may ibang kahulugan ang kanyang mga sinabi. Agad niya nga lang pinutol ang pantasya ng kanyang ina dahil malinaw niya ng nabasa iyon. Hindi pwede na mag-conclude ito ng isang bagay na hindi naman tunay na nangyari. Aasa at aasa lang din sila.“Sa villa nina Kuya Gav sa Batangas ako natulog, Mom hindi sa kung saan gaya ng iniisip mo.” May pag-irap pa ito sa kanyang ina upang iparating ang inis na nararamdaman niya. Gulantang naman ang Ginang sa kanyang narinig. Ikiniling pa ang ulo upang mas sipatin ang mukha ng bunso niyang anak. Baka gino-goodtime lang siya nito at nais na itago ang kung anumang nangyari sa pagitan nila ng Gobernador.“Ha? Bakit naman doon? Sa tawag mo sa akin kagabi, hindi at si Governor Bianchi ang kasama mo—” “Kukunin na si Brian sa silid niyo, Mommy.” Bago pa muling maituloy ang salita ng ina ay tinalikuran na niya ito at tuluyang iniwan. Hahaba pa ang magiging explanation niya kung sakaling magtagal pa
NAMEYWANG PA ANG Donya na nakalarawan na sa kanyang mukha ang labis na pagkadismaya sa anak. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang parang nawalan ito ng pakialam, lakas at kapangyarihan. Kung noon mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-deny niya sa mga lumalabas na mga rumor patungkol sa kanya, ngunit ngayon para bang kinakailangan niyang pag-isipan iyong mabuti kung ano ang magiging hakbang.“Huwag mong hayaang mas paniwalaan nila na totoo ang online articles. Maglabas ka ng statement mo. Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nakatunganga lang dito? Kailangang kontrahin mo iyong sinabi ni Margie, unless plano mong pakasalan nga talaga siya?” puno ng tabang na turan ng kanyang ina dito. “Mama hindi, humahanap lang naman akong pagkakataon—”“Anong humahanap ng pagkakataon? Kung hindi ka kikilos ngayon, hindi ka talaga makakahanap ng pagkakataong sinasabi mo! Mag-release ka ng statement. Sabihin mong hindi totoo ang kumakalat na balita. Anong mahirap doon? Hindi mo ba iniisip ang bunso ng mga
MARAHAN NG HINAGOD ni Bethany ang likod ni Gavin na halatang nagtitimpi lang na makialam sa sitwasyon ng kanyang tiyuhin at kapatid nito. Kung tutuusin ay kaya naman ng abogadong tumulong, kung lalapit si Giovanni sa kanya dahil batid niyang ito lang ang makakapagbigay ng kasiyahan kay Briel. Ngunit sa tingin niya ay hindi ito makikipag-usap sa kanya dahil paniguradong mahihiya ang Gobernador na humingi ng favor dahil pinaiyak niya na naman ang kanyang kapatid. Ganunpaman pa man ay nakahanda pa rin naman siyang tumulong sa kanila kung hihingiin nila pero hindi siya ang kusang mag-o-offer nito.“Kaya nila iyan Gavin, tayo nga nakaya natin ang lahat ng pagsubok noon sa atin sila pa kaya? Nasa tamang daan sila patungo sa magandang katapusan. Ang kailangan lang nilang gawin ay maging matatag gaya natin, di ba? Iyon lang ang kailangan nilang panghawakan at gawin.” patuloy na alo ni Bethany sa asawa. “Thanie, iba naman tayo sa kanila—” “Tama ka, iba nga tayo at iyong mga pagsubok nila ay
SAPILITANG KINALMA ANG sarili ni Briel dahil kung magiging demanding siya at sisigawan niya si Giovanni ay wala sa kanilang mangyayari. Ayaw niyang marinig ng Gobernador ang kanyang mga iyak dahil baka lalo pa itong panghinaan ng loob dahil ganun siya. Kailangan niyang ayusin ang pakikipag-usap. Kailangan niya na kumbinsihin ito. Kailangan niyang mapapayag si Giovanni na umakyat sila ng Baguio. Saka pa lang siya doon mapapanatag. Saka pa lang kakalma ang daluyong na nasa loob ng dibdib niya ng sandaling iyon. “Tamang-tama, hindi ko pa natatanggal iyong mga gamit namin sa maleta ni Brian. Hmm? Aakyat kami—” “Hindi na. Diyan na lang kayong mag-ina. Aayusin ko ng mabilis ang isyu at bababa ako diyan para makipag-usap ng maayos sa pamilya mo, Briel. Isyu ko 'to, kaya ako ang aayos. Mas magiging panatag ako kung nandiyan lang kayo at kasama ang pamilya mo. Hindi niyo kailangang magtungong dalawa dito. Ayos lang naman ako. Kilala mo ako. Kaya kong ayusin ito, bigyan mo lang ako ng ilang p
WALANG PASABING PINATAY na ni Briel ang tawag ng kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may lumamukos na malaking palad sa kanyang puso ng mga sandaling iyon hindi niya pa man nalalaman. Hindi kaya wala lang ang kanyang pangalan sa announcement nito at gusto siyang e-surprise? Basta sinabi lang ni Giovanni na ikakasal siya? Naipilig na ni Briel ang kanyang ulo. Imposible iyon. Lahat ng magiging plano nito ay sinasabi sa kanya. Hindi magiging ganun ka-petty ng Gobernador. Kung magsasabi man sila ng kasal, ipapaalam nito iyon sa kanya. Saka, bakit sinasabi ng kanyang kaibigan na huwag siyang iiyak? Hindi kaya may ibang babae na tinutukoy ito sa kasal? Kailangan niyang malaman iyon. Aalamin niya ito. “H-Huwag kang magkakamali, Giovanni…” mahinang hiling niya na dumudungaw na ang mga luha, humahapdi na ang sulok ng kanyang mga mata. “Hindi mo pwedeng gawin sa amin ito ng anak mo...”Sapo ang noong nanghihina ang katawan niyang napaupo na sa gilid ng kama. Hawak niya pa rin a
MAHINANG NATAWA NA doon si Briel. Iyon ang kanyang initial na reaction. Hindi na niya binigyan pa ng ibang kahulugan ang ginagawa at pinagsasabi ng kanyang ina. Kung tutuusin ay na-miss na niyang asikasuhin ng ina kung kaya ay feel na feel niya ang bagay na ginagawa nito. Pakiramdam niya ay para pa rin siyang bata sa paningin ng ina.“Mamayat? I’m not on diet, Mommy. Wala na rin naman akong pakialam sa shape ko o kahit pa ang tumaba ako.” ngisi pa ni Briel na nilantakan na ang pagkaing ibinigay ng kanyang ina, “Well, na-miss ko ang ganitong trato mo sa akin.”“Basta, makinig ka na lang sa akin Gabriella…” anito pang malalim na ang tingin sabay hugot ng hingang malalim na patuloy pa rin sa paglalagay ng pagkain sa kanyang pinggan at hindi pinansin ang huling sinabi niya sa kanya.Ilang oras ang ginugol nila sa pagkain na kahit tapos na ay hindi pa rin doon umalis dahil nag-uusap-usap pa sila tungkol sa mga bagay-bagay na tungkol sa kanilang buhay. Nang magsawa na doon ay lumabas na rin
EXCITED PA RIN na hinarap na ni Briel ang bagong pamangkin sa kanyang mukha. Kuminang pa ang kanyang mga mata nang makita ang kainosentehan ng batang kanyang karga. Bahagyang napaawang na ang bibig niya. Nakikita niya ang imahe ni Brian dito noong unang beses niya itong kinarga pagkatapos na manganak. Hindi niya mapigilan na ma-miss ang mga sandaling iyon. Kinagat na niya ang labi upang huwag maging emosyonal. Dinaan na lang ito sa ngiti. “Hi, Bryson? Ang pogi mo naman. Kilala mo ba kung sino ako? It’s me ang magandang Tita Briel niyo ng iyong Ate Gabe. Ang gwapo naman talaga niyan. Kamukha mo si Brian noong baby pa siya. Achuchuchu. Ang cute naman niyan. Kapag nakita kaya ako ni Brian ngayon na karga ka, magselos kaya siya?” tanong pa ni Briel na aliw na aliw na sa pamangkin. “Magseselos iyon, pati si Gabe.” sagot ni Bethany na nakatingin na rin sa reaction ng mukha ni Briel sa anak niya.“Hanggang ilan ang plano niyong anak, Bethany?” baling na ni Briel sa hipag na napakurap-kurap
UMIIGTING ANG PANGANG tinawagan na niya si Margie. Ring lang nang ring ang cellphone nito. Halatang sinasadyang ayaw siyang sagutin. Lingid sa kaalaman ni Giovanni ay pinagtatawanan na siya ni Margie noon na may tangang glass ng wine ang kamay. Maagang nagce-celebrate na sa kanyang ginawanang kalokohan. Inaasahan na niyang tatawagan siya nito, ngunit nungkang kausapin niya ang Gobernador. Kung hindi niya makuha ang lalaki sa paraang gusto niya, idadamay niya ang reputasyon at pangalan nito. Sa ginawa niyang iyon, imposible rin na hindi lumutang ang babae nitong matagal na niyang inaalam kung sino. May hint siya, ngunit wala naman siyang makalap na ebidensya. Oras na totoo ang kutob niya, paniguradong mas masisira ang Gobernador. Isa pa, malamang upang protektahan ang babaeng iyon, hindi na papalag si Giovanni sa kanyang hihilingin kapalit nito. Mabuti na lang din at hindi siya tatanga-tanga.“Ngayon gusto mo na akong makausap? Sinabihan na kita. Huwag mo akong subukan. Sinagad mo ako,
MALAKI ANG NAGING pasasalamat ni Giovanni na nakinig sa kanya ang ina na lumabas na ng silid keysa ang patuloy itong makiusisa sa bagay na hindi niya rin naman alam kung ano ang kanyang masasabi. Nang mapag-isa siya ay kinuha na muli ang cellphone upang mas malinawan kung ano ang nangyayari. Gulo pa ang buhok na palakad-lakad na siya sa harap ng bintana ng silid habang tinatawagan ang secretary. Nakangiti ang haring araw sa labas na maganda ang sikat ngunit para sa Gobernador, isang bangungot ang panimula ng araw na iyon sa kanyang buhay. Pinili niya pa rin maging kalmado kahit na sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang sumabog ang ulo at maghanap ng masisisi dito.“Hello, Governor Bianchi…” sagot ng kanyang secretary na halatang problemado na ang tono ng boses, pahinga rin sana nito sa trabaho ngunit sa kumalat na isyu kinailangan niyang magtungo ng opisina dahil sa dami ng tawag sa kanya ng mga media upang makibalita kung totoo ba ang kumalat. “Nasa office niyo po ako ngayon sa ka
MAKAILANG BESES NG napamura si Giovanni na nanghihinang pabagsak ng napaupo sa kanyang swivel chair. Lutang na ang utak sa dami ng kanyang mga iniisip. Kinapa na niya ang bulsa, naghahanap ng sigarilyo ngunit wala naman siyang makuha. Sa halip na maghanap noon at tawagin ang kanyang secretary upang utusan na bilhan siya, minabuti na lang niyang uminom ng tubig upang kumalma na ang katawan niya. Biglang nanakit ang batok niya sa dalang stress ng biglaang pagsulpot sa harapan niya ng dating kasintahan niyang si Margie. Hindi kalaunan ay pumasok na ang kanyang secretary na sa halip na makapahinga na rin ay gaya niyang hindi pa magawang makauwi sa kanila dahil inaantabayanan din ang pag-uwi niya muna sa kanilang mansion.“Governor Bianchi, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito nang mapansing hawak niya ng kanyang isang kamay ang batok na para bang masakit iyon, “Kailangan mo bang madala ngayon sa hospital?” nag-aalala pa ang boses nito dahil sa ipinapakita niyang sobrang pagod na hi