SABAY NA SINUNDAN ng mga mata ng dalawang babae ang bulto ng katawan ni Gavin na dire-diretsong mabagal na umakyat ng hagdan bitbit ang baso ng gatas. Nang tuluyang makarating na ito ng itaas ay marahang hinawakan na ni Bethany ang isang braso ni Briel upang igiya naman ang hipag patungo ng kusina kung nasaan ang pagkain nitong nakahain na at naghihintay sa kanya. Nang lumingon si Briel ay matamis pang ngumiti si Bethany na animo ay bata ang kanyang inaamo ng mga sandaling iyon. “Halika, kumain ka na muna. Alam kong gutom na gutom ka na sa kakaiyak.”Walang angal na nagpahila naman si Briel sa hipag. Sumisinghot na naupo na siya sa tapat ng nakahaing pagkain na kagaya ng niluluto ng tiyuhin nitong si Giovanni. Humikbi pa si Briel na nais pa sanang magreklamo na bakit ganun ang pagkaing inihanda niya, feeling niya tuloy ay parang si Giovanni ang siyang may gawa noon kahit na hindi naman. Mas ipinakita ng mukha niya na na-touch siya sa ginawa ng hipag dahil kapag bumusangot siya, isipi
KINUROT NA NI Bethany si Gavin sa tagiliran para tumigil na ito sa paglason ng isipan ni Briel, ngunit hindi pa rin siya nito pinansin. Bahagyang napapiksi lang ng kaunti at nagpatuloy ang bibig nitong walang tigil. Napailing na lang doon si Bethany na sinulyapan na si Briel na masama na rin ang mga tingin sa kapatid. “It's not against the law to be in a relationship, Gabriella. O baka naman kasi natatakot ka na kahit may karelasyon ka ng iba ay wala pa ring pakialam sa’yo si Governor Bianchi? Kung siya pa rin ang gusto mo, e di sundin mo ang gusto niya. Hintayin mo siya. Magpaka-martir ka. Ganun lang. Huwag mo ng gawin pang komplikado ang lahat. Matanda ka na eh, dapat alam mo na ang ganitong bagay. Di ka na nahihirapan.”“Ayoko ngang maghintay, Kuya Gav!” may diin ang salitang iyon na para bang hindi makuha ng kapatid.“O e ‘di maghanap ka ng iba. Tapos ang problema mo. Ang dali lang hindi ba? Huwag mo ng idamay pa ang hipag mo at i-stress sa mga problema mo. Ngayon pa lang ay solv
PAGGISING NILA KINABUKASAN ay nakahanda na rin na umalis si Briel na halata sa mga mata niyang nangingitim ang nanlalaking eyebags na halos di man lang nakatulog nang nagdaang gabi. Malapad itong ngumiti sa mag-asawa na para bang walang nangyaring malalang iyakan nang nagdaang gabi sa pagitan.“Tita Briel?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Gabe nang maaninag ang tiyahin na nakatayo doon.“Hi, Gabe. Goodmorning!” kaway pa ni Briel at pinasigla ang kanyang boses na bumati sa pamangkin.Mabilis na tumakbo palapit sa kanya si Gabe matapos na bumitaw ito sa hawak ng kanyang ama. Naka-uniform na at handang pumasok na naman ng school. Lumuhod naman si Briel upang yakapin ang pamangkin na halos umabot sa kanyang tainga ang malapad na ngiti. Matapos na yakapin ito ng ilan pang minuto ay nagpaalam na rin si Briel sa kanyang kapatid at hipag na mauuna ng umuwi ng mansion.“Sumabay ka na sa amin, ihahatid lang namin si Gabe ng school at luluwas rin naman kami.” Puno ng katanungang nilingon ni
MAKAHULUGANG NGINITIAN ng Ginang si Briel sa pag-aakalang may ibang kahulugan ang kanyang mga sinabi. Agad niya nga lang pinutol ang pantasya ng kanyang ina dahil malinaw niya ng nabasa iyon. Hindi pwede na mag-conclude ito ng isang bagay na hindi naman tunay na nangyari. Aasa at aasa lang din sila.“Sa villa nina Kuya Gav sa Batangas ako natulog, Mom hindi sa kung saan gaya ng iniisip mo.” May pag-irap pa ito sa kanyang ina upang iparating ang inis na nararamdaman niya. Gulantang naman ang Ginang sa kanyang narinig. Ikiniling pa ang ulo upang mas sipatin ang mukha ng bunso niyang anak. Baka gino-goodtime lang siya nito at nais na itago ang kung anumang nangyari sa pagitan nila ng Gobernador.“Ha? Bakit naman doon? Sa tawag mo sa akin kagabi, hindi at si Governor Bianchi ang kasama mo—” “Kukunin na si Brian sa silid niyo, Mommy.” Bago pa muling maituloy ang salita ng ina ay tinalikuran na niya ito at tuluyang iniwan. Hahaba pa ang magiging explanation niya kung sakaling magtagal pa
PINAGPAG NI BRIEL ang bigat na nakadagan sa kanyang dibdib sa pamamagitan ng pakikipagharutan at kulitan sa dalawang bata na pinunuo ng malalakas na irit at tawanan ang bawat sulok ng kanilang silid. Hindi pwede na maging matamlay siya nang dahil lang doon. Hindi rin siya ang maninikluhod at dito ay manlilimos ng atensyon at panahon. Tama ang kanyang Kuya Gav, makakaya at makakaya niya rin iyon. “Iniwan ka na naman ba ng Mommy at Daddy mo dito, Gabe?” tanong niya nang mahuli niya ito ng kanyang mga bisig at mahigpit na niyakap. Hindi niya ito pinakawalan na pinaulanan na ng mga halik. “No, Tita Briel. Dito lang daw po kami kakain ng dinner tapos uuwi rin kami ng Batangas.”Tumango-tango lang si Briel. Wala namang problema kung manatili doon ang pamangkin. Sanay naman siya na naroon ang bata. Nagpapaalala lang ito sa kanya ng bagay na hindi naman dapat pero ayos lang.“Ayaw mo bang dito matulog?” lambing niya na mariing ikinailing ni Gabe, “Bakit? Hindi naman kita aawayin at paiiyaki
KINABUKASAN NA NAGAWANG makita ni Briel ang message ni Giovanni paggising niya, saglit lang siyang natuwa dahil bigla na lang niyang naalala ang pagtitikis nito ng mga nakaraang araw sa kanilang mag-ina. Para kay Briel ay marapat lang na parusahan niya si Giovanni. Umismid siya kahit na hindi niya kaharap ang lalaki. Piniling hinid pansinin ang mga message ng Gobernador. Binuksan niya lang ang mga iyon. Ilang beses na binasa habang halos mapunit na ang mga ngiti sa labi niya. Pakiramdam niya ay nagwagi na siya. Muli pang umirap ang kanyang mga mata sa kawalan ngunit may halo ng kilig iyon. Nungkang reply’an niya ang message nitong wala namang kabuluhan para sa kanya. Habang nasa kanyang trabaho ay hindi pa rin mawala sa isipan ni Briel ang laman ng mga message ni Giovanni. Nangungumusta lang naman ito. “Tsk, nag-alala? Kung nag-alala siya, sana ng gabing iyon tinawagan niya na ako o di kaya ay tinext.”Ilang beses niyang inisip na mag-reply kaya siya? Kinukumusta rin kasi nito ang an
PARANG HANGING DUMAAN sa pandinig ni Patrick ang mga salitang binitawan ni Briel. Wala rin siyang panahon na pakinggan ito. Gustong-gusto niyang makita ang pagkapikon ng babae na para sa kanya ay mas naging hot sa kanyang paningin kahit na manipis ang katawan nito. Nananatiling malakas ang appeal.“Saka, himala na naka-move on ka na sa hipag ko? Hindi mo ako mauuto. Ayoko ng maulit iyong nangyari sa amin ng gago kong ex-fiance, kaya pwede ba? Huwag mo akong madiskartehan niyang bulok mong paraan. Bakit, Patrick? Kasi alam mong hindi mo magagawang matalo si Kuya Gav at maagaw si Bethany sa kanya?” humagalpak ng tawa si Briel nang makita ang pagbabago ng hilatsa ng mukha ni Patrick, “Oh, well…wala ka naman talagang panama sa kapatid ko. Walang-wala. Alam ko ang likaw ng bituka mo...” Sa halip na magpaliwanag si Patrick ay mas ininis lang niya si Briel sa kanyang naging sagot sa kanya.“Tama ka, Gabriella. Hindi ko nga makakayang talunin ang kapatid mo kaya naman ang kapatid na lang niy
NABURO NA ANG mga mata ni Giovanni sa ina na nanatiling nakatingin pa rin sa kanya . Tumatak sa isipan ng Gobernador ang huling sinabi nito patungkol kay Briel. Hindi niya inaasahan iyon, marahil ay napansin na rin ng kanyang ina ang nangyayari sa kanya kung kaya naman iyon ang nauna niyang hinuha. Hindi niya hahayaang makialam ang ina sa kanilang o bibigyan niya ito ng pahintulot na manghimasok na sa buhay nila.“Gusto mo bang tulungan kita sa kanya, hijo?” medyo nakakaloko ang tono ng boses nito na offer sa kanya, “I can talk to her. Pwede kong padaanin din iyon kay Rosita para dalawa kaming tutulong sa’yo na kukumbinsi sa anak niya. Tingin ko naman ay kaya pang remedyuhan ang lahat at dugtungan pa ang natapos na.” dagdag pa nitong tinutukoy ay ang ina nina Briel na nais pa ‘ring isali sa problema nila.Ganun na lang ang naging iling ni Giovanni sa ina. Ayaw niyang makialam ito sa kanyang buhay dahil paniguradong mas magugulo ang kanyang plano lalo pa kung magiging involved ang ina
NAMEYWANG PA ANG Donya na nakalarawan na sa kanyang mukha ang labis na pagkadismaya sa anak. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang parang nawalan ito ng pakialam, lakas at kapangyarihan. Kung noon mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-deny niya sa mga lumalabas na mga rumor patungkol sa kanya, ngunit ngayon para bang kinakailangan niyang pag-isipan iyong mabuti kung ano ang magiging hakbang.“Huwag mong hayaang mas paniwalaan nila na totoo ang online articles. Maglabas ka ng statement mo. Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nakatunganga lang dito? Kailangang kontrahin mo iyong sinabi ni Margie, unless plano mong pakasalan nga talaga siya?” puno ng tabang na turan ng kanyang ina dito. “Mama hindi, humahanap lang naman akong pagkakataon—”“Anong humahanap ng pagkakataon? Kung hindi ka kikilos ngayon, hindi ka talaga makakahanap ng pagkakataong sinasabi mo! Mag-release ka ng statement. Sabihin mong hindi totoo ang kumakalat na balita. Anong mahirap doon? Hindi mo ba iniisip ang bunso ng mga
MARAHAN NG HINAGOD ni Bethany ang likod ni Gavin na halatang nagtitimpi lang na makialam sa sitwasyon ng kanyang tiyuhin at kapatid nito. Kung tutuusin ay kaya naman ng abogadong tumulong, kung lalapit si Giovanni sa kanya dahil batid niyang ito lang ang makakapagbigay ng kasiyahan kay Briel. Ngunit sa tingin niya ay hindi ito makikipag-usap sa kanya dahil paniguradong mahihiya ang Gobernador na humingi ng favor dahil pinaiyak niya na naman ang kanyang kapatid. Ganunpaman pa man ay nakahanda pa rin naman siyang tumulong sa kanila kung hihingiin nila pero hindi siya ang kusang mag-o-offer nito.“Kaya nila iyan Gavin, tayo nga nakaya natin ang lahat ng pagsubok noon sa atin sila pa kaya? Nasa tamang daan sila patungo sa magandang katapusan. Ang kailangan lang nilang gawin ay maging matatag gaya natin, di ba? Iyon lang ang kailangan nilang panghawakan at gawin.” patuloy na alo ni Bethany sa asawa. “Thanie, iba naman tayo sa kanila—” “Tama ka, iba nga tayo at iyong mga pagsubok nila ay
SAPILITANG KINALMA ANG sarili ni Briel dahil kung magiging demanding siya at sisigawan niya si Giovanni ay wala sa kanilang mangyayari. Ayaw niyang marinig ng Gobernador ang kanyang mga iyak dahil baka lalo pa itong panghinaan ng loob dahil ganun siya. Kailangan niyang ayusin ang pakikipag-usap. Kailangan niya na kumbinsihin ito. Kailangan niyang mapapayag si Giovanni na umakyat sila ng Baguio. Saka pa lang siya doon mapapanatag. Saka pa lang kakalma ang daluyong na nasa loob ng dibdib niya ng sandaling iyon. “Tamang-tama, hindi ko pa natatanggal iyong mga gamit namin sa maleta ni Brian. Hmm? Aakyat kami—” “Hindi na. Diyan na lang kayong mag-ina. Aayusin ko ng mabilis ang isyu at bababa ako diyan para makipag-usap ng maayos sa pamilya mo, Briel. Isyu ko 'to, kaya ako ang aayos. Mas magiging panatag ako kung nandiyan lang kayo at kasama ang pamilya mo. Hindi niyo kailangang magtungong dalawa dito. Ayos lang naman ako. Kilala mo ako. Kaya kong ayusin ito, bigyan mo lang ako ng ilang p
WALANG PASABING PINATAY na ni Briel ang tawag ng kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may lumamukos na malaking palad sa kanyang puso ng mga sandaling iyon hindi niya pa man nalalaman. Hindi kaya wala lang ang kanyang pangalan sa announcement nito at gusto siyang e-surprise? Basta sinabi lang ni Giovanni na ikakasal siya? Naipilig na ni Briel ang kanyang ulo. Imposible iyon. Lahat ng magiging plano nito ay sinasabi sa kanya. Hindi magiging ganun ka-petty ng Gobernador. Kung magsasabi man sila ng kasal, ipapaalam nito iyon sa kanya. Saka, bakit sinasabi ng kanyang kaibigan na huwag siyang iiyak? Hindi kaya may ibang babae na tinutukoy ito sa kasal? Kailangan niyang malaman iyon. Aalamin niya ito. “H-Huwag kang magkakamali, Giovanni…” mahinang hiling niya na dumudungaw na ang mga luha, humahapdi na ang sulok ng kanyang mga mata. “Hindi mo pwedeng gawin sa amin ito ng anak mo...”Sapo ang noong nanghihina ang katawan niyang napaupo na sa gilid ng kama. Hawak niya pa rin a
MAHINANG NATAWA NA doon si Briel. Iyon ang kanyang initial na reaction. Hindi na niya binigyan pa ng ibang kahulugan ang ginagawa at pinagsasabi ng kanyang ina. Kung tutuusin ay na-miss na niyang asikasuhin ng ina kung kaya ay feel na feel niya ang bagay na ginagawa nito. Pakiramdam niya ay para pa rin siyang bata sa paningin ng ina.“Mamayat? I’m not on diet, Mommy. Wala na rin naman akong pakialam sa shape ko o kahit pa ang tumaba ako.” ngisi pa ni Briel na nilantakan na ang pagkaing ibinigay ng kanyang ina, “Well, na-miss ko ang ganitong trato mo sa akin.”“Basta, makinig ka na lang sa akin Gabriella…” anito pang malalim na ang tingin sabay hugot ng hingang malalim na patuloy pa rin sa paglalagay ng pagkain sa kanyang pinggan at hindi pinansin ang huling sinabi niya sa kanya.Ilang oras ang ginugol nila sa pagkain na kahit tapos na ay hindi pa rin doon umalis dahil nag-uusap-usap pa sila tungkol sa mga bagay-bagay na tungkol sa kanilang buhay. Nang magsawa na doon ay lumabas na rin
EXCITED PA RIN na hinarap na ni Briel ang bagong pamangkin sa kanyang mukha. Kuminang pa ang kanyang mga mata nang makita ang kainosentehan ng batang kanyang karga. Bahagyang napaawang na ang bibig niya. Nakikita niya ang imahe ni Brian dito noong unang beses niya itong kinarga pagkatapos na manganak. Hindi niya mapigilan na ma-miss ang mga sandaling iyon. Kinagat na niya ang labi upang huwag maging emosyonal. Dinaan na lang ito sa ngiti. “Hi, Bryson? Ang pogi mo naman. Kilala mo ba kung sino ako? It’s me ang magandang Tita Briel niyo ng iyong Ate Gabe. Ang gwapo naman talaga niyan. Kamukha mo si Brian noong baby pa siya. Achuchuchu. Ang cute naman niyan. Kapag nakita kaya ako ni Brian ngayon na karga ka, magselos kaya siya?” tanong pa ni Briel na aliw na aliw na sa pamangkin. “Magseselos iyon, pati si Gabe.” sagot ni Bethany na nakatingin na rin sa reaction ng mukha ni Briel sa anak niya.“Hanggang ilan ang plano niyong anak, Bethany?” baling na ni Briel sa hipag na napakurap-kurap
UMIIGTING ANG PANGANG tinawagan na niya si Margie. Ring lang nang ring ang cellphone nito. Halatang sinasadyang ayaw siyang sagutin. Lingid sa kaalaman ni Giovanni ay pinagtatawanan na siya ni Margie noon na may tangang glass ng wine ang kamay. Maagang nagce-celebrate na sa kanyang ginawanang kalokohan. Inaasahan na niyang tatawagan siya nito, ngunit nungkang kausapin niya ang Gobernador. Kung hindi niya makuha ang lalaki sa paraang gusto niya, idadamay niya ang reputasyon at pangalan nito. Sa ginawa niyang iyon, imposible rin na hindi lumutang ang babae nitong matagal na niyang inaalam kung sino. May hint siya, ngunit wala naman siyang makalap na ebidensya. Oras na totoo ang kutob niya, paniguradong mas masisira ang Gobernador. Isa pa, malamang upang protektahan ang babaeng iyon, hindi na papalag si Giovanni sa kanyang hihilingin kapalit nito. Mabuti na lang din at hindi siya tatanga-tanga.“Ngayon gusto mo na akong makausap? Sinabihan na kita. Huwag mo akong subukan. Sinagad mo ako,
MALAKI ANG NAGING pasasalamat ni Giovanni na nakinig sa kanya ang ina na lumabas na ng silid keysa ang patuloy itong makiusisa sa bagay na hindi niya rin naman alam kung ano ang kanyang masasabi. Nang mapag-isa siya ay kinuha na muli ang cellphone upang mas malinawan kung ano ang nangyayari. Gulo pa ang buhok na palakad-lakad na siya sa harap ng bintana ng silid habang tinatawagan ang secretary. Nakangiti ang haring araw sa labas na maganda ang sikat ngunit para sa Gobernador, isang bangungot ang panimula ng araw na iyon sa kanyang buhay. Pinili niya pa rin maging kalmado kahit na sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang sumabog ang ulo at maghanap ng masisisi dito.“Hello, Governor Bianchi…” sagot ng kanyang secretary na halatang problemado na ang tono ng boses, pahinga rin sana nito sa trabaho ngunit sa kumalat na isyu kinailangan niyang magtungo ng opisina dahil sa dami ng tawag sa kanya ng mga media upang makibalita kung totoo ba ang kumalat. “Nasa office niyo po ako ngayon sa ka
MAKAILANG BESES NG napamura si Giovanni na nanghihinang pabagsak ng napaupo sa kanyang swivel chair. Lutang na ang utak sa dami ng kanyang mga iniisip. Kinapa na niya ang bulsa, naghahanap ng sigarilyo ngunit wala naman siyang makuha. Sa halip na maghanap noon at tawagin ang kanyang secretary upang utusan na bilhan siya, minabuti na lang niyang uminom ng tubig upang kumalma na ang katawan niya. Biglang nanakit ang batok niya sa dalang stress ng biglaang pagsulpot sa harapan niya ng dating kasintahan niyang si Margie. Hindi kalaunan ay pumasok na ang kanyang secretary na sa halip na makapahinga na rin ay gaya niyang hindi pa magawang makauwi sa kanila dahil inaantabayanan din ang pag-uwi niya muna sa kanilang mansion.“Governor Bianchi, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito nang mapansing hawak niya ng kanyang isang kamay ang batok na para bang masakit iyon, “Kailangan mo bang madala ngayon sa hospital?” nag-aalala pa ang boses nito dahil sa ipinapakita niyang sobrang pagod na hi