HINDI RIN LINGID kay Patrick ang pakikipag-date ni Briel sa ibang lalaki na nire-reto naman ng mga magulang niya. Hindi na rin iyon binigyan pa ng halaga ni Patrick dahil wala rin naman siyang mapapala dahil wala siyang karapatan kay Briel. Pag-aawayan lang din nila iyon ng babae oras na buksan niya ang usaping iyon at igiit na ang sarili. “Mom? Bakit ayaw niyong magsalita? Ayaw niyong sabihin sa akin? Anong problema ba ni Kuya Gav?”Huminga muna nang malalim ang Ginang na para bang kailangan niyang gawin iyon upang kumalma. Hindi sa tinatakot at pinapakaba niya ang anak na babae, hindi niya lang alam kung marapat bang sa kanya manggaling ang balita.“May sakit ang Kuya Gavin mo, Gabriella.”Literal na nagulat doon si Briel, ngunit hindi naman niya ipinahalata sa iba. Kunway binalewala niya.“Sakit? Ano namang klase ng sakit?” pilit niyang kinalma ang sarili at hindi pinakita ang panic, “Sa hitsura niyo parang ang lala naman yata ng sakit niya. Huwag niyong sabihing may taning na siy
MARAHANG HINAPLOS NI Bethany ang mukha ng anak. Pilit na kinakalma ang kanyang sarili kahit na pakiramdam niya ay wala na siyang lakas pa para gawin ang bagay na iyon. Kung anu-ano na ang masasamang bagay na pumapasok sa kanyang isipan at naglalaro doon habang wala pa ang asawa. Naisip niya na hindi kaya bunga iyon noong naaksidente ang kanyang asawa? Kaso ang tagal na noon. Apat na taon na halos kaya imposible na ngayon pa lang iyon lalabas ngunit malaki rin ang posibilidad na ito ang rason.“Huwag kang mainip, Gabe. Darating na rin ang Daddy. Baka nga ilang minuto lang ay narito na siya.”Sabay na napatingin ang mag-ina sa may pintuan ng marinig nila ang pagdating ng sasakyan na alam nilang kay Gavin. Tila nagdilang-anghel si Bethany sa huling sinabi niya sa anak. Punong napatayo na ang babae at walang pag-aalinlangang binuhat na ang anak kahit na mabigat upang salubungin ang kanyang asawa sa labas. Lumabas naman ng sasakyan si Gavin na pilit pinasigla ang katawan nang makita ang bu
HALOS WALANG NAGING gana ang buong pamilya na kumain nang sumapit ang hapunan. Ni hindi nila halos malunok ang kanilang pagkain na nasa bibig at inilagay sa kanilang mga plato. Hulog ang kanilang isipan sa suliraning iyon ng panganay ng kanilang pamilya. Mabilis din na natapos ang kanilang dinner. Umuwi na rin agad sina Gavin at Bethany sa kadahilanang may kailangan pa silang pag-usapang mag-asawa nang sila lang. Nagmukmok naman si Briel sa kanyang silid kasama ang anak matapos noon. Naghahanap ng makakausap tungkol sa kanilang negosyo at sa crisis na kinakaharap ng kanilang pamilya. Pati nga yata ang Law Firm ng kapatid ay gustong ipahawak sa kanila. Ano bang malay nilang dalawa doon ng kanyang hipag? Isiniksik na lang niya sa kanyang isipan na kung sakali man, may tutulong nga naman sa kanila ni Bethany. Gagabay upang magawa nila nang maayos ang kanilang trabaho na pag-aalaga sa kumpanya nila doon.Ilang minuto niyang tinitigan ang numero ni Giovanni, matanda na ito sa larangan ng n
MABILIS NA LUMIPAS ang ilang mga araw na para bang palaging nagmamadali. Natagpuan na naman ni Briel ang kanyang sarili na nasa study room ng ama sa kanilang mansion ng umagang iyon. Kaharap sina Bethany at Gavin na animo ay may napaka-importanteng sasabihin sa kanila. Sa harapan nila ay naroon ang makapal na mga documents na ipinahanda ng kanyang kapatid sa kanyang secretary na kung hindi nagkakamali si Briel ay may kaugnayan sa kanyang kumpanya na hinahawakan. Hindi niya alam kung bakit kinakailangang naroon pa rin siya gayong hindi naman siya ang tatanggap noon kundi ang kanyang hipag. Kumbaga ay support lang siya. Ginagawa lang silang witness ng kapatid niya na alam niyang masakit din sa kalooban ng kanilang mga magulang. Medyo natawa siya doon ngunit hindi na niya ipinakita pa sa kanila. Nagawa pa kasi niyang mag-absent sa trabaho ng araw na iyon nang dahil lang dito. Napag-isipan niya na ang lahat, pwede naman siyang tumulong sa hipag kahit na may trabaho siya. Nag-usap na rin s
WALANG GATOL AT pakundangan na sinabi ni Briel ang lahat ng gusto niyang sabihin sa Gobernador. Hindi siya nagtira ng kahit na ano dahil gusto niyang ilabas ang lahat ng kanyang hinanakit sa kaptid. Pati ang tungkol sa paglilipat ng kumpanya kay Bethany ay nagawa niyang ibulalas ngunit nag-focus siya sa nakakabahalang behaviour ng kapatid niyang iyon. Gusto niyang humingi ng opinyon nito sa mga nangyayari, baka kasi may nabanggit dito si Bethany na nasabi ng kanyang asawa. Ang totoo gusto niyang makasagap ng balita. Iyon lang ang siyang nais niya. Tahimik lang naman si Giovanni na pinakinggan ang hinanakit niya.“Siguro ang lala na ng lagay niya, ano sa tingin mo? Ang sabi niya naman may cure pa pero bakit kailangang ilipat? Nakakapagtaka. Doon pa lang parang bigla na lang akong hindi makampante. Pwede naman kasing pangsamantala lang naman hindi ba? Hindi sa hinahabol ko iyon dahil sa pamilya namin at wala naman akong pakialam, ang concern ko lang ay si Kuya Gav. Sa ginagawa niya as i
WALANG MAY ALAM na parating ang Gobernador sa villa ng mga Dankworth kung kaya naman ganun na lang ang gulat ni Gavin na prenting nakaupo sa sofa ng living room ng villa nang makita siya. Bagama't kunot ang noong napatayo na ito upang sumalubong sa tiyuhin ng kanyang asawa ay na pilit niya pang bigyan si Giovanni ng malaking ngiti upang ipakita na okay lang siya at walang anumang karamdaman na iniinda ang katawan. Hindi man lang umabot sa mga mata. “Tito, anong ginagawa mo dito?” medyo nababagabag ang tono ng kanyang boses.Lingid sa kaalaman ng dating abogado na alam na niya ang tungkol sa sakit nito. Wala pa kasi silang pinagsabihang iba kung kaya naman hindi siya umaasang pupunta ang Gobernador doon upang mangumusta sa kanya o kung ano pa man ang pakay nito. Medyo nailang si Gavin sa kanya.“Narito ba ang pamangkin kong si Bethany?” Umiling si Gavin na hindi pa rin inaalis ang tingin sa Gobernador na halatang wala namang alam.“Wala siya dito, Tito. Umalis lang saglit upang mayro
NAGING MALUNGKOT PA si Giovanni nang makita niya na ganun na lang ang pag-iling ni Gavin.. Ilang beses niyang ibinuka ang kanyang bibig upang isatinig ang kanyang mga nasa isip. Kailangan niyang kumbinsihin ang abogado. Kailangan niyang bigyan ito ng lakas ng loob upang magpatuloy at hindi mawalan ng pag-asa. Bata pa ito para sumuko. “Gavin, magpagamot ka. May gamot pa naman hindi ba? Naniniwala akong may gamot pa ang sakit mo. Hindi mo kailangang panghinaan ng loob. Nariyan lang ang pamilya mo na handang umalalay sa’yo. May asawa at mga anak ka na maaari mong paghugutan ng lakas ng loob upang mas tatagan pa ang loob. Huwag ganyan ang mindset mo. Susuko? Sa tingin mo masaya ba sila na nagkakaganyan ka? Hindi naman di ba? Subukan mong mas tumapang pa na lumaban.”Sa wakas ay nagawa na rin siyang maitayo ni Giovanni mula sa kanyang pagkakaluhod kahit pa nagmamatigas siya kanina. Pwersahan na ang ginawa sa kanya ni Giovanni. Mabuti na lang na nagawa na niya iyon bago bumukas ang pinto a
KUMIBOT-KIBOT ANG BIBIG at lihim na natawa na si Giovanni na kakasa na sanang tikman ang luto ng dating kasintahan. Gusto na niyang humalakhak sa pagiging isip-bata ng asawa ng pamangkin niya. Mahal niya ang kapatid, inaasar niya lang ito para paiyakin? Ganun naman ito. Pero alam ni Giovanni na malalim ang pagmamahal sa kanila ng dating abogado. Nasasaktan siya na hindi niya mawari habang nakatingin sa kanilang magkapatid na nag-aasaran dito.“Hindi na ako magtatagal. Dumaan lang naman ako saglit. Sa weekend na lang, Gabriella.”Napaangat na ng paningin si Gavin na humigop na ng sabay ng tinola. Hindi niya iyon malasahan ngunit nakita niya kung paano sumugat ang ngiti sa labi ng kapatid sa sinabi ng Gobernador. Hindi mapigilan ni Gavin na mapangiti doon. Alam niyang kailanman ay hindi ito pababayaan ng abogado kahit na hindi niya ibilin sa kanya. Nakikita niyang mahal din nito ang kapatid niya. Estado at sitwasyon lang ang nagpapagulo sa utak ng Gobernador na pinapaniwalaan ni Gavin n
NAMEYWANG PA ANG Donya na nakalarawan na sa kanyang mukha ang labis na pagkadismaya sa anak. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang parang nawalan ito ng pakialam, lakas at kapangyarihan. Kung noon mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-deny niya sa mga lumalabas na mga rumor patungkol sa kanya, ngunit ngayon para bang kinakailangan niyang pag-isipan iyong mabuti kung ano ang magiging hakbang.“Huwag mong hayaang mas paniwalaan nila na totoo ang online articles. Maglabas ka ng statement mo. Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nakatunganga lang dito? Kailangang kontrahin mo iyong sinabi ni Margie, unless plano mong pakasalan nga talaga siya?” puno ng tabang na turan ng kanyang ina dito. “Mama hindi, humahanap lang naman akong pagkakataon—”“Anong humahanap ng pagkakataon? Kung hindi ka kikilos ngayon, hindi ka talaga makakahanap ng pagkakataong sinasabi mo! Mag-release ka ng statement. Sabihin mong hindi totoo ang kumakalat na balita. Anong mahirap doon? Hindi mo ba iniisip ang bunso ng mga
MARAHAN NG HINAGOD ni Bethany ang likod ni Gavin na halatang nagtitimpi lang na makialam sa sitwasyon ng kanyang tiyuhin at kapatid nito. Kung tutuusin ay kaya naman ng abogadong tumulong, kung lalapit si Giovanni sa kanya dahil batid niyang ito lang ang makakapagbigay ng kasiyahan kay Briel. Ngunit sa tingin niya ay hindi ito makikipag-usap sa kanya dahil paniguradong mahihiya ang Gobernador na humingi ng favor dahil pinaiyak niya na naman ang kanyang kapatid. Ganunpaman pa man ay nakahanda pa rin naman siyang tumulong sa kanila kung hihingiin nila pero hindi siya ang kusang mag-o-offer nito.“Kaya nila iyan Gavin, tayo nga nakaya natin ang lahat ng pagsubok noon sa atin sila pa kaya? Nasa tamang daan sila patungo sa magandang katapusan. Ang kailangan lang nilang gawin ay maging matatag gaya natin, di ba? Iyon lang ang kailangan nilang panghawakan at gawin.” patuloy na alo ni Bethany sa asawa. “Thanie, iba naman tayo sa kanila—” “Tama ka, iba nga tayo at iyong mga pagsubok nila ay
SAPILITANG KINALMA ANG sarili ni Briel dahil kung magiging demanding siya at sisigawan niya si Giovanni ay wala sa kanilang mangyayari. Ayaw niyang marinig ng Gobernador ang kanyang mga iyak dahil baka lalo pa itong panghinaan ng loob dahil ganun siya. Kailangan niyang ayusin ang pakikipag-usap. Kailangan niya na kumbinsihin ito. Kailangan niyang mapapayag si Giovanni na umakyat sila ng Baguio. Saka pa lang siya doon mapapanatag. Saka pa lang kakalma ang daluyong na nasa loob ng dibdib niya ng sandaling iyon. “Tamang-tama, hindi ko pa natatanggal iyong mga gamit namin sa maleta ni Brian. Hmm? Aakyat kami—” “Hindi na. Diyan na lang kayong mag-ina. Aayusin ko ng mabilis ang isyu at bababa ako diyan para makipag-usap ng maayos sa pamilya mo, Briel. Isyu ko 'to, kaya ako ang aayos. Mas magiging panatag ako kung nandiyan lang kayo at kasama ang pamilya mo. Hindi niyo kailangang magtungong dalawa dito. Ayos lang naman ako. Kilala mo ako. Kaya kong ayusin ito, bigyan mo lang ako ng ilang p
WALANG PASABING PINATAY na ni Briel ang tawag ng kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may lumamukos na malaking palad sa kanyang puso ng mga sandaling iyon hindi niya pa man nalalaman. Hindi kaya wala lang ang kanyang pangalan sa announcement nito at gusto siyang e-surprise? Basta sinabi lang ni Giovanni na ikakasal siya? Naipilig na ni Briel ang kanyang ulo. Imposible iyon. Lahat ng magiging plano nito ay sinasabi sa kanya. Hindi magiging ganun ka-petty ng Gobernador. Kung magsasabi man sila ng kasal, ipapaalam nito iyon sa kanya. Saka, bakit sinasabi ng kanyang kaibigan na huwag siyang iiyak? Hindi kaya may ibang babae na tinutukoy ito sa kasal? Kailangan niyang malaman iyon. Aalamin niya ito. “H-Huwag kang magkakamali, Giovanni…” mahinang hiling niya na dumudungaw na ang mga luha, humahapdi na ang sulok ng kanyang mga mata. “Hindi mo pwedeng gawin sa amin ito ng anak mo...”Sapo ang noong nanghihina ang katawan niyang napaupo na sa gilid ng kama. Hawak niya pa rin a
MAHINANG NATAWA NA doon si Briel. Iyon ang kanyang initial na reaction. Hindi na niya binigyan pa ng ibang kahulugan ang ginagawa at pinagsasabi ng kanyang ina. Kung tutuusin ay na-miss na niyang asikasuhin ng ina kung kaya ay feel na feel niya ang bagay na ginagawa nito. Pakiramdam niya ay para pa rin siyang bata sa paningin ng ina.“Mamayat? I’m not on diet, Mommy. Wala na rin naman akong pakialam sa shape ko o kahit pa ang tumaba ako.” ngisi pa ni Briel na nilantakan na ang pagkaing ibinigay ng kanyang ina, “Well, na-miss ko ang ganitong trato mo sa akin.”“Basta, makinig ka na lang sa akin Gabriella…” anito pang malalim na ang tingin sabay hugot ng hingang malalim na patuloy pa rin sa paglalagay ng pagkain sa kanyang pinggan at hindi pinansin ang huling sinabi niya sa kanya.Ilang oras ang ginugol nila sa pagkain na kahit tapos na ay hindi pa rin doon umalis dahil nag-uusap-usap pa sila tungkol sa mga bagay-bagay na tungkol sa kanilang buhay. Nang magsawa na doon ay lumabas na rin
EXCITED PA RIN na hinarap na ni Briel ang bagong pamangkin sa kanyang mukha. Kuminang pa ang kanyang mga mata nang makita ang kainosentehan ng batang kanyang karga. Bahagyang napaawang na ang bibig niya. Nakikita niya ang imahe ni Brian dito noong unang beses niya itong kinarga pagkatapos na manganak. Hindi niya mapigilan na ma-miss ang mga sandaling iyon. Kinagat na niya ang labi upang huwag maging emosyonal. Dinaan na lang ito sa ngiti. “Hi, Bryson? Ang pogi mo naman. Kilala mo ba kung sino ako? It’s me ang magandang Tita Briel niyo ng iyong Ate Gabe. Ang gwapo naman talaga niyan. Kamukha mo si Brian noong baby pa siya. Achuchuchu. Ang cute naman niyan. Kapag nakita kaya ako ni Brian ngayon na karga ka, magselos kaya siya?” tanong pa ni Briel na aliw na aliw na sa pamangkin. “Magseselos iyon, pati si Gabe.” sagot ni Bethany na nakatingin na rin sa reaction ng mukha ni Briel sa anak niya.“Hanggang ilan ang plano niyong anak, Bethany?” baling na ni Briel sa hipag na napakurap-kurap
UMIIGTING ANG PANGANG tinawagan na niya si Margie. Ring lang nang ring ang cellphone nito. Halatang sinasadyang ayaw siyang sagutin. Lingid sa kaalaman ni Giovanni ay pinagtatawanan na siya ni Margie noon na may tangang glass ng wine ang kamay. Maagang nagce-celebrate na sa kanyang ginawanang kalokohan. Inaasahan na niyang tatawagan siya nito, ngunit nungkang kausapin niya ang Gobernador. Kung hindi niya makuha ang lalaki sa paraang gusto niya, idadamay niya ang reputasyon at pangalan nito. Sa ginawa niyang iyon, imposible rin na hindi lumutang ang babae nitong matagal na niyang inaalam kung sino. May hint siya, ngunit wala naman siyang makalap na ebidensya. Oras na totoo ang kutob niya, paniguradong mas masisira ang Gobernador. Isa pa, malamang upang protektahan ang babaeng iyon, hindi na papalag si Giovanni sa kanyang hihilingin kapalit nito. Mabuti na lang din at hindi siya tatanga-tanga.“Ngayon gusto mo na akong makausap? Sinabihan na kita. Huwag mo akong subukan. Sinagad mo ako,
MALAKI ANG NAGING pasasalamat ni Giovanni na nakinig sa kanya ang ina na lumabas na ng silid keysa ang patuloy itong makiusisa sa bagay na hindi niya rin naman alam kung ano ang kanyang masasabi. Nang mapag-isa siya ay kinuha na muli ang cellphone upang mas malinawan kung ano ang nangyayari. Gulo pa ang buhok na palakad-lakad na siya sa harap ng bintana ng silid habang tinatawagan ang secretary. Nakangiti ang haring araw sa labas na maganda ang sikat ngunit para sa Gobernador, isang bangungot ang panimula ng araw na iyon sa kanyang buhay. Pinili niya pa rin maging kalmado kahit na sa mga sandaling iyon ay gusto na niyang sumabog ang ulo at maghanap ng masisisi dito.“Hello, Governor Bianchi…” sagot ng kanyang secretary na halatang problemado na ang tono ng boses, pahinga rin sana nito sa trabaho ngunit sa kumalat na isyu kinailangan niyang magtungo ng opisina dahil sa dami ng tawag sa kanya ng mga media upang makibalita kung totoo ba ang kumalat. “Nasa office niyo po ako ngayon sa ka
MAKAILANG BESES NG napamura si Giovanni na nanghihinang pabagsak ng napaupo sa kanyang swivel chair. Lutang na ang utak sa dami ng kanyang mga iniisip. Kinapa na niya ang bulsa, naghahanap ng sigarilyo ngunit wala naman siyang makuha. Sa halip na maghanap noon at tawagin ang kanyang secretary upang utusan na bilhan siya, minabuti na lang niyang uminom ng tubig upang kumalma na ang katawan niya. Biglang nanakit ang batok niya sa dalang stress ng biglaang pagsulpot sa harapan niya ng dating kasintahan niyang si Margie. Hindi kalaunan ay pumasok na ang kanyang secretary na sa halip na makapahinga na rin ay gaya niyang hindi pa magawang makauwi sa kanila dahil inaantabayanan din ang pag-uwi niya muna sa kanilang mansion.“Governor Bianchi, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito nang mapansing hawak niya ng kanyang isang kamay ang batok na para bang masakit iyon, “Kailangan mo bang madala ngayon sa hospital?” nag-aalala pa ang boses nito dahil sa ipinapakita niyang sobrang pagod na hi