SA MISMONG GABI ng engagement party ni Albert ay mag-isang nagtungo ng bar at nagpakalasing si Bethany Guzman; ang ex-girlfriend ng lalake. Subalit hindi rin siya nagtagal dahil sa mabilis siyang malasing. Lumabas siya ng bar at nagpasyang umuwi na lang. Pagdating niya sa bahaging madilim na pasilyo papalabas ng bahay-aliwan ay may natanaw siyang bulto ng katawan, nakatalikod ‘yun banda sa dalaga. Napagkamalan niya itong ang ex-boyfriend, bunga ng espirito ng alak. Mahigpit niya itong niyakap. Biglang humarap sa kanya ang nagulat na binata. Namumungay ang mga matang inilagay ni Bethany ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ng lalake. Hindi pa siya doon nakuntento, tumingkayad pa ang dalaga upang abutin at taniman ng mariing halik ang labi ng lalakeng bahagyang napaawang na lang ang bibig dala ng labis niyang pagkagulat.“Alam kong miss na miss mo na rin ako, Albert…” usal ni Bethany sa pagitan ng kanilang mga halik, ginantihan na rin kasi siya ng lalake bagamat hindi siya kilala. “
MATABANG ANG TINGIN na binitawan ni Gavin ang katawan ng babae. Bahagyang isinandal niya ito sa pader. Dumukot siys ng isang stick ng sigarilyo sa kaha sa bulsa at inilagay na iyon sa kanyang bibig. Hinanap din niya sa bulsa ang lighter upang sindihan ang sigarilyo. Mukhang nakatulog na sa kalasingan ang babae na walang kagalaw-galaw sa pagkakasandal. Ang hindi niya alam ay nagpapanggap lang itong nakatulog. Gusto ng tuktukan ni Bethany ang sarili dahil hindi niya napigilang usalin ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend habang may ibang lalakeng kahalikan. Sino ba namang gaganahan na ituloy pa ang kanyang ginagawa doon?“Albert…” mahinang anas ni Gavin sa pangalang binanggit ni Bethany.Bumalatay sa mukha ang kakaibang pagkairita habang pinagmamasdang mabuti sa mukha si Bethany. Naisip na sobrang interesting naman na ang babaeng ito ay nagkataon pa lang ex-girlfriend ng gunggong na magiging future brother-in-law niya. Sa dami ng makakatagpo niya, sinadya nga ba iyon ng panahon na magkit
PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK pa lang ni Bethany sa kanilang pintuan ay natanaw na niya agad ang kanyang Tita. Nang mahagip ng mga mata nito ang pagdating niya ay mabilis itong napatayo sa sofa. Kapansin-pansin ang pamumula ng mata. Halatang galing lang sa bago at matinding pag-iyak. Lumibot sa paligid ang mga mata ni Bethany na mayroong hinahanap.“Anong nangyari po ba, Tita? Saka nasaan po ngayon si Papa?”Tita ang tawag niya sa babae dahil ito ang pangalawang asawa ng ama. Hindi naman sa ayaw niya dito kung kaya di matawag na Mama, nasanay kasi siya sa salitang ito.“Napakawalang-hiya talaga niyang ex-boyfriend mo, Bethany!” bungad ng Ginang na hindi sinagot ang tanong niya, “Napakaitim ng budhi!”Napanganga si Bethany. Hindi niya ma-gets kung bakit ipinasok iyon sa usapan nila ng madrasta. Kung tutuusin ay ang layo nito sa tanong niya.“Noong mga panahong nasa laylayan sila ng pamilya niya, pinili mo ang manatili sa tabi niya. Tapos ngayon na nakabangon na sila at nakaangat na, hindi k
MALAKAS NA NAPAMURA na ang madrasta ni Bethany pagkababa niya ng tawag kay Albert. Hindi niya namalayan na lumapit sa kanya kanina ang babae upang makinig lang sa magiging usapan nila ng ex-boyfriend. Hindi nakaligtas sa pandinig nito ang huling mga sinabi ng pagbabanta ni Albert na mas ikinagalit lang ng madrasta niya.“Walang utang na loob talaga ang lalakeng iyan! Anak talaga ng demonyo! Buhay pa siya dito sa mundo ay sinusunog na ang kaluluwa ng lalakeng iyan!”Napaupo na si Bethany. Hindi na niya alam ang gagawin. Litong-lito na siya sa mga nangyayari. Bakit ganun? Bakit hindi umaayon sa kanya ang anumang planuhin niya?“Huwag kang mag-alala, Bethany. Hanggang pangarap lang ang gagong iyon. Kahit pumuti ang kulay ng uwak ay hindi kami papayag ng Papa mo na sirain niya ang buhay mo. Mag-iisip tayo ng ibang paraan.”Ganunpaman ka-positibo ang sinabi ng kanyang ma-drasta ay hindi pa rin mapigilan ng babaeng patuloy na lumuha. Alalang-alala na sa asawa.“Huwag na huwag mong kakausapi
PARANG HINOG NA kamatis na namula ang buong mukha ni Bethany. Dala ng biglang pagkagulat sa sinabi ni Gavin ay bigla na lang niyang itinaas ang bitbit na paper bag, kung saan nakalagay ang jacket. Dinala niya ito para kung sakaling magkagipitan ay maaari niya itong gawing alibi sa pagpunta.“P-Pumunta ako dito para isauli itong jacket mo. Nakalimutan mo kagabi.”Biglang sumeryoso ang mukha ni Gavin. Ang buong akala niya ay iba ang sadya ng pagpunta ng babae rito. Umaasa siyang mas malalim ang dahilan ng babaeng kaharap. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinanggap niya ang paper bag. “Okay, salamat sa pagsauli. Hindi ka na sana nag-abala pang dalhin dito.”Pagkasabi noon ay mabilis na siyang humakbang patungo ng elevator. Iniwan na si Bethany doon. Dala ng pagkataranta ay mabilis siyang hinabol at sinundan ng babae. Kailangan niya itong makausap. Hindi naman hinarang ng mga receptionist si Bethany sa pag-aakala na kilala siya ng abugado dahil kinausap siya kanina.“Attorney Dankworth, pwed
“Eh bakit hindi mo dalhan ng foam?” pabalang na sagot na ni Bethany. Hindi na niya napigilan ang sarili dahil sobrang rinding-rindi na siya sa madrasta. Bakit siya ang sinisisi nito? Ginagawan naman niya ng paraan. Hindi siya nagpapabaya.“Sa tingin mo ba Tita ay hindi ako nasasaktan kada maiisip ko siya?” pumiyok na doon ang tinig ni Bethany, naiiyak na. “Ama ko siya. Dugo at laman niya ang nananalaytay sa katawan ko. Huwag mo po naman sanang iparamdam sa akin na wala akong kwentang anak, Tita. Ginagawa ko po ang lahat para makakuha ng magaling na abugado at nang matapos na ito. Please lang po, dahan-dahan ka naman po sa mga akusasyon mong pabaya ako!”Bunga ng matinding pressure at stress sa loob ng bahay nila ay umisip ng paraan si Bethany kung ano pa ang nararapat niyang gawin. Hindi na siya mapakali sa pagbubunganga ng madrasta niya. Minabuti niyang makipagkita sa isa sa mga kaibigan niya noong college, kay Rina. Pagkatapos nila ng college ay nagpakasal na ang kaibigan niya sa i
BATID NG ASAWA ni Rina na imposibleng hindi ito makilala ng abugado, ngunit para hindi ito mapahiya ay pinili na lang niyang sakyan. Wala namang mawawala. Isa pa, nabanggit na ng asawa niya ang pakay ni Bethany sa abugado.“Attorney Gavin Dankworth, ito nga po pala si Bethany Guzman. Kaibigan nitong asawa ko noong nag-aaral pa lang sila sa kolehiyo. Isa siyang talentadong music teacher. Tumutugtog din siya ng iba’t-ibang uri ng mga instrument.”Maliit na ngumiti si Gavin. “Ah, isa pala siyang guro.” usal nitong sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa si Bethany.Hinarap na ni Gavin ang dalaga upang ilahad ang kanyang kamay. Nagdulot iyon ng mahinang komosyon mula sa mga kapwa golfer's nasa paligid nila. Hindi lingid sa mga ito ang tunay na katauhan ni Attorney Gavin Dankworth. Hindi rin maikaila sa kanilang mga mata ang inggit dahil batid nilang ang abugado pala ang ipinunta ng maganda doong maestra ng musika.“Ang swerte naman ni Attorney, mukhang siya ang dahilan ng pagpunta dito n
MULA SA SIMULA ng relasyon nila hanggang dulo, walang kakayahan si Bethany upang lumaban kay Albert gaya ng pagmamahalan nilang unti-unting naglaho at nawala. Nilingon niya si Albert gamit ang mga matang puno ng labis na poot. Binitawan na siya ni Albert. “Gusto mong maka-close si Gavin Dankworth? May abilidad ka ba ha? Mataas ang standard niya pagdating sa mga babae at hindi siya mabilis ma-involve sa mga babae. At isa pa, naninigas ang katawan mo kapag nahalikan ka. Matatagalan mo ba ‘yun lalo na kapag tatanggalan ka na ng suot niyang damit?”Ayaw makita ni Bethany ang mukha ni Albert kung kaya naman pinanatili niya ang mukhang nakayukod dito.“Anong pakialam mo sa ginagawa ko? Wala namang kinalaman ito sa iyo, kaya wag ka na lang makialam.”Mataman siyang tiningnan ni Albert. “O baka naman hindi mo ako makalimutan kung kaya ginagawa mo ito? Intensyon mong makipaglapit sa future brother-in-law ko para lang makaganti ka sa akin? Sa tingin mo may pakialam ako?”Umasim na ang hitsur
PINAGPAG NI BRIEL ang bigat na nakadagan sa kanyang dibdib sa pamamagitan ng pakikipagharutan at kulitan sa dalawang bata na pinunuo ng malalakas na irit at tawanan ang bawat sulok ng kanilang silid. Hindi pwede na maging matamlay siya nang dahil lang doon. Hindi rin siya ang maninikluhod at dito ay manlilimos ng atensyon at panahon. Tama ang kanyang Kuya Gav, makakaya at makakaya niya rin iyon. “Iniwan ka na naman ba ng Mommy at Daddy mo dito, Gabe?” tanong niya nang mahuli niya ito ng kanyang mga bisig at mahigpit na niyakap. Hindi niya ito pinakawalan na pinaulanan na ng mga halik. “No, Tita Briel. Dito lang daw po kami kakain ng dinner tapos uuwi rin kami ng Batangas.”Tumango-tango lang si Briel. Wala namang problema kung manatili doon ang pamangkin. Sanay naman siya na naroon ang bata. Nagpapaalala lang ito sa kanya ng bagay na hindi naman dapat pero ayos lang.“Ayaw mo bang dito matulog?” lambing niya na mariing ikinailing ni Gabe, “Bakit? Hindi naman kita aawayin at paiiyaki
MAKAHULUGANG NGINITIAN ng Ginang si Briel sa pag-aakalang may ibang kahulugan ang kanyang mga sinabi. Agad niya nga lang pinutol ang pantasya ng kanyang ina dahil malinaw niya ng nabasa iyon. Hindi pwede na mag-conclude ito ng isang bagay na hindi naman tunay na nangyari. Aasa at aasa lang din sila.“Sa villa nina Kuya Gav sa Batangas ako natulog, Mom hindi sa kung saan gaya ng iniisip mo.” May pag-irap pa ito sa kanyang ina upang iparating ang inis na nararamdaman niya. Gulantang naman ang Ginang sa kanyang narinig. Ikiniling pa ang ulo upang mas sipatin ang mukha ng bunso niyang anak. Baka gino-goodtime lang siya nito at nais na itago ang kung anumang nangyari sa pagitan nila ng Gobernador.“Ha? Bakit naman doon? Sa tawag mo sa akin kagabi, hindi at si Governor Bianchi ang kasama mo—” “Kukunin na si Brian sa silid niyo, Mommy.” Bago pa muling maituloy ang salita ng ina ay tinalikuran na niya ito at tuluyang iniwan. Hahaba pa ang magiging explanation niya kung sakaling magtagal pa
PAGGISING NILA KINABUKASAN ay nakahanda na rin na umalis si Briel na halata sa mga mata niyang nangingitim ang nanlalaking eyebags na halos di man lang nakatulog nang nagdaang gabi. Malapad itong ngumiti sa mag-asawa na para bang walang nangyaring malalang iyakan nang nagdaang gabi sa pagitan.“Tita Briel?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Gabe nang maaninag ang tiyahin na nakatayo doon.“Hi, Gabe. Goodmorning!” kaway pa ni Briel at pinasigla ang kanyang boses na bumati sa pamangkin.Mabilis na tumakbo palapit sa kanya si Gabe matapos na bumitaw ito sa hawak ng kanyang ama. Naka-uniform na at handang pumasok na naman ng school. Lumuhod naman si Briel upang yakapin ang pamangkin na halos umabot sa kanyang tainga ang malapad na ngiti. Matapos na yakapin ito ng ilan pang minuto ay nagpaalam na rin si Briel sa kanyang kapatid at hipag na mauuna ng umuwi ng mansion.“Sumabay ka na sa amin, ihahatid lang namin si Gabe ng school at luluwas rin naman kami.” Puno ng katanungang nilingon ni
KINUROT NA NI Bethany si Gavin sa tagiliran para tumigil na ito sa paglason ng isipan ni Briel, ngunit hindi pa rin siya nito pinansin. Bahagyang napapiksi lang ng kaunti at nagpatuloy ang bibig nitong walang tigil. Napailing na lang doon si Bethany na sinulyapan na si Briel na masama na rin ang mga tingin sa kapatid. “It's not against the law to be in a relationship, Gabriella. O baka naman kasi natatakot ka na kahit may karelasyon ka ng iba ay wala pa ring pakialam sa’yo si Governor Bianchi? Kung siya pa rin ang gusto mo, e di sundin mo ang gusto niya. Hintayin mo siya. Magpaka-martir ka. Ganun lang. Huwag mo ng gawin pang komplikado ang lahat. Matanda ka na eh, dapat alam mo na ang ganitong bagay. Di ka na nahihirapan.”“Ayoko ngang maghintay, Kuya Gav!” may diin ang salitang iyon na para bang hindi makuha ng kapatid.“O e ‘di maghanap ka ng iba. Tapos ang problema mo. Ang dali lang hindi ba? Huwag mo ng idamay pa ang hipag mo at i-stress sa mga problema mo. Ngayon pa lang ay solv
SABAY NA SINUNDAN ng mga mata ng dalawang babae ang bulto ng katawan ni Gavin na dire-diretsong mabagal na umakyat ng hagdan bitbit ang baso ng gatas. Nang tuluyang makarating na ito ng itaas ay marahang hinawakan na ni Bethany ang isang braso ni Briel upang igiya naman ang hipag patungo ng kusina kung nasaan ang pagkain nitong nakahain na at naghihintay sa kanya. Nang lumingon si Briel ay matamis pang ngumiti si Bethany na animo ay bata ang kanyang inaamo ng mga sandaling iyon. “Halika, kumain ka na muna. Alam kong gutom na gutom ka na sa kakaiyak.”Walang angal na nagpahila naman si Briel sa hipag. Sumisinghot na naupo na siya sa tapat ng nakahaing pagkain na kagaya ng niluluto ng tiyuhin nitong si Giovanni. Humikbi pa si Briel na nais pa sanang magreklamo na bakit ganun ang pagkaing inihanda niya, feeling niya tuloy ay parang si Giovanni ang siyang may gawa noon kahit na hindi naman. Mas ipinakita ng mukha niya na na-touch siya sa ginawa ng hipag dahil kapag bumusangot siya, isipi
NAPAHAWAK NA SA kanyang dibdib si Bethany bilang pangunahing reaction sa sinabing iyon ng kanyang asawa. Bahagya na siyang namutla, tila ba nagbalik sa kanyang isipan ang bangungot ng panahon na nalaman niyang buntis siya noon. Hindi iyong dahil buntis siya, kung iyong panahon na bago siya manganak. Natatakot siya na paano kung may panibagong pagsubok na naman sa kanila? Ngunit ang lahat ng iyon ay napawi nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Gavin. Napalitan ng hagikhik ang malakas na dagundong at pintig ng kanyang puso na animo ay lalabas sa loob ng kanyang dibdib. Ano ba ang dapat niyang ikabahala? Nasa tabi niya naman ang asawa. Siguradong natuto na rin ito.“What’s wrong, Thanie? Bakit ganyan ang reaction mo? Hindi ka ba masaya na madadagdagan na tayo?” Ganun na lang ang naging iling niya habang nakahinang pa rin ang mga mata kay Gavin. Titig na titig siya sa asawa. Pilit na inaarok ang laman ng kanyang isipan ng mga sandaling iyon. Binabasa niya rin iyon.“I promise, h
KUNG ANONG BUHOS ng mga luha ng Gobernador na nagawa ng sapuhin ng dalawang palad ang mukha, ganundin ang lakas ng hagulhol ni Briel sa likod ng taxi dahil sobrang nasasaktan siya. Nag-expect pa naman siya na mabubuo na nila ang pamilya. Mabibigyan na niya ng kumpletong pamilya ang anak na si Brian na gaya ng kanyang pamangking si Gabe. Nabigo siya. Nagkamali siya. Iba ang gusto ni Giovanni. Ang gusto nito ay ang hintayin niya ulit ng two years? Isang kabaliwan iyon. Hindi pa rin siya nahihibang.“Miss ayos ka lang ba?” nag-aalangang tanong ng taxi driver, dahilan para mas lumakas ang iyak ni Briel. Tumango si Briel habang patuloy pa rin ang kanyang pag-atungal, tinanggap na ang balot ng tisyu na iniabot sa kanya ng driver. Kumuha siya ng fly at nagawa pang suminga. Nang bahagyang kumalma ay pinili niyang tawagan si Bethany na nang marinig itong umiiyak ay ganun na lang ang pag-aalala sa kanyang hipag. Nag-drama pa si Briel, alam niyang dadamayan siya nito at pakikinggan ang sasabihi
MUNTIK NG MABILAUKAN sa kanyang sariling laway si Briel sa naging katanungang iyon ng Gobernador. Cool na cool pa ang paraan ng tingin nito sa kanya na para bang normal na katanungan ang binitawan. Ano? Dalawang taon? Seryoso ba ang Giovanni na ‘to na dalawang taon siyang paghihintay? Tapos ano? Wala rin naman! Nangatal na ang labi ni Briel sa sobrang pagkairita kay Giovanni na parang naglalaro ng damdamin niya. Ano siya hibang? Bakit naman siya papayag na ganun katagal? Lingid sa kanyang kaalaman na dalawang taon pa ang natitirang termino ni Giovanni bilang Gobernador. Ayaw naman ng lalaking basta na lang magbitaw at abandonahin ang pwesto at hayaan niyang maiwan din ang mga proyekto na kanyang sinimulan. Gusto niyang tapusin ang laban. Hindi na lang siya uli hahangad. Walang humor na natawa na si Briel na para bang ang sinabi nito ay isang joke, kailangan niyang magbigay ng reaksyon. Sinamaan niya na ng tingin si Giovanni na hindi man lang din nagbago ang facial expression.“Ba
SOMEHOW AY NA-MISS rin naman ni Briel na asikasuhin siya at alagaan ng ganun ng Gobernador. Iba ang pag-aalalang ibinibigay nito sa kanya na batid niyang puno ng pagmamahal. Damang-dama niya. Marahil ay kaya sobrang minahal niya pa ito kumpara ng pagmamahal niya noon sa dati niyang fiance. Magiging ipokrita siya kung hindi niya aaminin ito ngayon sa kanyang sarili. Pahapyaw siyang tiningnan ni Briel nang marinig ang huling litanya na kanyang sinabi. Parang pinapalabas ni Giovanni na patay na patay siya dito.“Tigilan mo nga ako!” angil niya na muli pang ikinatawa nang mahina ng Gobernador.“Kumain ka habang nagbabasa.” Naupo na si Giovanni sa kanyang harapan at hindi pinansin ang pagtataray niya. Hindi rin ito naupo sa kanyang tabi na unang inaasahan ni Briel na medyo nagbigay sa kanya ng karampot na kahihiyan. Ibinalik ni Briel ang paningin sa papel na hawak kahit na wala pa rin siya doong maintindihan. Kumagat na siya sa apple na nakatusok sa tinidor. Lumambot ang puso doon ni Giov