HUMIGPIT PA ANG yakap ni Mr. Conley sa anak habang nakaawang ang kanyang bibig at patuloy na bumabagsak ang mga luha. Hindi niya alam kung ano pa ang mga salitang sasabihin niya. Masyado siyang na-overwhelm ng mga kaganapan. Napakabuti talaga ng puso ng kanyang anak na alam niyang nagmana sa ina nitong si Beverly. Walang kasing-ligaya ang puso niya sa mga sandaling iyon na naisip niya na pwede na siyang kunin ng langit kung gugustuhin nito. Hindi niya batid kung sa saya ba iyon o dahil sa gumaan na ang pakiramdam niya na matagal-tagal na rin niyang dala-dala. Sumilid sa isipan ni Mr. Conley na marami man silang hindi nagawa noong kabataan ng anak, tama naman ito, makakabawi pa sila, mayroon pang pag-asa at napakarami pa nilang panahon at pagkakataon para gawin iyon.“Babawi ang Papa, hmm, Thanie? Sisiguraduhin ko na makakabawi ako sa’yo at susulitin natin ang mga panahong hindi mo ako nakasama, anak.” marahang haplos pa ni Mr. Conley sa ulo ni Bethany na marahan na niyang hinalikan.D
Huling Na-update : 2025-01-16 Magbasa pa