HINDI NA HININTAY pa ni Giovanni ang sagot ng pamangkin at nagkukumahog na siyang lumabas nang makita ang lalaking nagbigay ng matinding sakit sa kapatid niyang si Beverly at sumira sa buhay nito. Maingat niya pang hinila ang pintuan ng silid upang isara nang sa ganun ay hindi marinig ng pamangkin niya ang paninita niya sa musikero.“Anong ginagawa mo dito? May lakas ka pa talagang pumunta at magpakita? Ngayon mo pa lang naisipan ha? Ilang dekada na ang lumipas!” bulalas niya sa may kontrol ba boses upang huwag iyong marinig ng pamangkin sa loob. Uundayan na sana ito ng parang bakal sa tigas na kamao ni Giovanni ng pumagitna si Mr. Dankworth.“Governor Bianchi, ako ang nagpapunta sa kanya dito. Bilang ama ng pamangkin mo, nag-aalala din siya sa kalagayan ng manugang ko. Tao siyang pumunta dito, sana ay pakiharapan mo ng ayos. Hindi ikaw ang sadya niya kaya pumunta dito, si Bethany ang gusto niyang makausap. Kung anuman ang alitan o problema nilang mag-ama. Labas ka na. Labas na tayo.
SA MISMONG GABI ng engagement party ni Albert ay mag-isang nagtungo ng bar at nagpakalasing si Bethany Guzman; ang ex-girlfriend ng lalake. Subalit hindi rin siya nagtagal dahil sa mabilis siyang malasing. Lumabas siya ng bar at nagpasyang umuwi na lang. Pagdating niya sa bahaging madilim na pasilyo papalabas ng bahay-aliwan ay may natanaw siyang bulto ng katawan, nakatalikod ‘yun banda sa dalaga. Napagkamalan niya itong ang ex-boyfriend, bunga ng espirito ng alak. Mahigpit niya itong niyakap. Biglang humarap sa kanya ang nagulat na binata. Namumungay ang mga matang inilagay ni Bethany ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ng lalake. Hindi pa siya doon nakuntento, tumingkayad pa ang dalaga upang abutin at taniman ng mariing halik ang labi ng lalakeng bahagyang napaawang na lang ang bibig dala ng labis niyang pagkagulat.“Alam kong miss na miss mo na rin ako, Albert…” usal ni Bethany sa pagitan ng kanilang mga halik, ginantihan na rin kasi siya ng lalake bagamat hindi siya kilala. “
MATABANG ANG TINGIN na binitawan ni Gavin ang katawan ng babae. Bahagyang isinandal niya ito sa pader. Dumukot siys ng isang stick ng sigarilyo sa kaha sa bulsa at inilagay na iyon sa kanyang bibig. Hinanap din niya sa bulsa ang lighter upang sindihan ang sigarilyo. Mukhang nakatulog na sa kalasingan ang babae na walang kagalaw-galaw sa pagkakasandal. Ang hindi niya alam ay nagpapanggap lang itong nakatulog. Gusto ng tuktukan ni Bethany ang sarili dahil hindi niya napigilang usalin ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend habang may ibang lalakeng kahalikan. Sino ba namang gaganahan na ituloy pa ang kanyang ginagawa doon?“Albert…” mahinang anas ni Gavin sa pangalang binanggit ni Bethany.Bumalatay sa mukha ang kakaibang pagkairita habang pinagmamasdang mabuti sa mukha si Bethany. Naisip na sobrang interesting naman na ang babaeng ito ay nagkataon pa lang ex-girlfriend ng gunggong na magiging future brother-in-law niya. Sa dami ng makakatagpo niya, sinadya nga ba iyon ng panahon na magkit
PAGKAPASOK NA PAGKAPASOK pa lang ni Bethany sa kanilang pintuan ay natanaw na niya agad ang kanyang Tita. Nang mahagip ng mga mata nito ang pagdating niya ay mabilis itong napatayo sa sofa. Kapansin-pansin ang pamumula ng mata. Halatang galing lang sa bago at matinding pag-iyak. Lumibot sa paligid ang mga mata ni Bethany na mayroong hinahanap.“Anong nangyari po ba, Tita? Saka nasaan po ngayon si Papa?”Tita ang tawag niya sa babae dahil ito ang pangalawang asawa ng ama. Hindi naman sa ayaw niya dito kung kaya di matawag na Mama, nasanay kasi siya sa salitang ito.“Napakawalang-hiya talaga niyang ex-boyfriend mo, Bethany!” bungad ng Ginang na hindi sinagot ang tanong niya, “Napakaitim ng budhi!”Napanganga si Bethany. Hindi niya ma-gets kung bakit ipinasok iyon sa usapan nila ng madrasta. Kung tutuusin ay ang layo nito sa tanong niya.“Noong mga panahong nasa laylayan sila ng pamilya niya, pinili mo ang manatili sa tabi niya. Tapos ngayon na nakabangon na sila at nakaangat na, hindi k
MALAKAS NA NAPAMURA na ang madrasta ni Bethany pagkababa niya ng tawag kay Albert. Hindi niya namalayan na lumapit sa kanya kanina ang babae upang makinig lang sa magiging usapan nila ng ex-boyfriend. Hindi nakaligtas sa pandinig nito ang huling mga sinabi ng pagbabanta ni Albert na mas ikinagalit lang ng madrasta niya.“Walang utang na loob talaga ang lalakeng iyan! Anak talaga ng demonyo! Buhay pa siya dito sa mundo ay sinusunog na ang kaluluwa ng lalakeng iyan!”Napaupo na si Bethany. Hindi na niya alam ang gagawin. Litong-lito na siya sa mga nangyayari. Bakit ganun? Bakit hindi umaayon sa kanya ang anumang planuhin niya?“Huwag kang mag-alala, Bethany. Hanggang pangarap lang ang gagong iyon. Kahit pumuti ang kulay ng uwak ay hindi kami papayag ng Papa mo na sirain niya ang buhay mo. Mag-iisip tayo ng ibang paraan.”Ganunpaman ka-positibo ang sinabi ng kanyang ma-drasta ay hindi pa rin mapigilan ng babaeng patuloy na lumuha. Alalang-alala na sa asawa.“Huwag na huwag mong kakausapi
PARANG HINOG NA kamatis na namula ang buong mukha ni Bethany. Dala ng biglang pagkagulat sa sinabi ni Gavin ay bigla na lang niyang itinaas ang bitbit na paper bag, kung saan nakalagay ang jacket. Dinala niya ito para kung sakaling magkagipitan ay maaari niya itong gawing alibi sa pagpunta.“P-Pumunta ako dito para isauli itong jacket mo. Nakalimutan mo kagabi.”Biglang sumeryoso ang mukha ni Gavin. Ang buong akala niya ay iba ang sadya ng pagpunta ng babae rito. Umaasa siyang mas malalim ang dahilan ng babaeng kaharap. Mabilis pa sa alas-kwatrong tinanggap niya ang paper bag. “Okay, salamat sa pagsauli. Hindi ka na sana nag-abala pang dalhin dito.”Pagkasabi noon ay mabilis na siyang humakbang patungo ng elevator. Iniwan na si Bethany doon. Dala ng pagkataranta ay mabilis siyang hinabol at sinundan ng babae. Kailangan niya itong makausap. Hindi naman hinarang ng mga receptionist si Bethany sa pag-aakala na kilala siya ng abugado dahil kinausap siya kanina.“Attorney Dankworth, pwed
“Eh bakit hindi mo dalhan ng foam?” pabalang na sagot na ni Bethany. Hindi na niya napigilan ang sarili dahil sobrang rinding-rindi na siya sa madrasta. Bakit siya ang sinisisi nito? Ginagawan naman niya ng paraan. Hindi siya nagpapabaya.“Sa tingin mo ba Tita ay hindi ako nasasaktan kada maiisip ko siya?” pumiyok na doon ang tinig ni Bethany, naiiyak na. “Ama ko siya. Dugo at laman niya ang nananalaytay sa katawan ko. Huwag mo po naman sanang iparamdam sa akin na wala akong kwentang anak, Tita. Ginagawa ko po ang lahat para makakuha ng magaling na abugado at nang matapos na ito. Please lang po, dahan-dahan ka naman po sa mga akusasyon mong pabaya ako!”Bunga ng matinding pressure at stress sa loob ng bahay nila ay umisip ng paraan si Bethany kung ano pa ang nararapat niyang gawin. Hindi na siya mapakali sa pagbubunganga ng madrasta niya. Minabuti niyang makipagkita sa isa sa mga kaibigan niya noong college, kay Rina. Pagkatapos nila ng college ay nagpakasal na ang kaibigan niya sa i
BATID NG ASAWA ni Rina na imposibleng hindi ito makilala ng abugado, ngunit para hindi ito mapahiya ay pinili na lang niyang sakyan. Wala namang mawawala. Isa pa, nabanggit na ng asawa niya ang pakay ni Bethany sa abugado.“Attorney Gavin Dankworth, ito nga po pala si Bethany Guzman. Kaibigan nitong asawa ko noong nag-aaral pa lang sila sa kolehiyo. Isa siyang talentadong music teacher. Tumutugtog din siya ng iba’t-ibang uri ng mga instrument.”Maliit na ngumiti si Gavin. “Ah, isa pala siyang guro.” usal nitong sinipat ng tingin mula ulo hanggang paa si Bethany.Hinarap na ni Gavin ang dalaga upang ilahad ang kanyang kamay. Nagdulot iyon ng mahinang komosyon mula sa mga kapwa golfer's nasa paligid nila. Hindi lingid sa mga ito ang tunay na katauhan ni Attorney Gavin Dankworth. Hindi rin maikaila sa kanilang mga mata ang inggit dahil batid nilang ang abugado pala ang ipinunta ng maganda doong maestra ng musika.“Ang swerte naman ni Attorney, mukhang siya ang dahilan ng pagpunta dito n
HINDI NA HININTAY pa ni Giovanni ang sagot ng pamangkin at nagkukumahog na siyang lumabas nang makita ang lalaking nagbigay ng matinding sakit sa kapatid niyang si Beverly at sumira sa buhay nito. Maingat niya pang hinila ang pintuan ng silid upang isara nang sa ganun ay hindi marinig ng pamangkin niya ang paninita niya sa musikero.“Anong ginagawa mo dito? May lakas ka pa talagang pumunta at magpakita? Ngayon mo pa lang naisipan ha? Ilang dekada na ang lumipas!” bulalas niya sa may kontrol ba boses upang huwag iyong marinig ng pamangkin sa loob. Uundayan na sana ito ng parang bakal sa tigas na kamao ni Giovanni ng pumagitna si Mr. Dankworth.“Governor Bianchi, ako ang nagpapunta sa kanya dito. Bilang ama ng pamangkin mo, nag-aalala din siya sa kalagayan ng manugang ko. Tao siyang pumunta dito, sana ay pakiharapan mo ng ayos. Hindi ikaw ang sadya niya kaya pumunta dito, si Bethany ang gusto niyang makausap. Kung anuman ang alitan o problema nilang mag-ama. Labas ka na. Labas na tayo.
MULI LANG TUMANGO si Giovanni sa sinasabi ni Bethany. Hindi niya alam kung bakit napunta kay Briel ang kanilang usapan pero mabiti na ‘yun keysa naman tungkol sa anak ng pamangkin ang topic nila o sa aksidente ng kanyang asawa. Nadudurog ang puso niya sa sakit na nakabalatay sa mga mata ng pamangkin na wala siyang anumang magawa. Dito pa lang hindi na niya kaya, paano pa kaya kapag umabot sa kaalaman nito ang nangyari kay Gavin?“Kailangan mong magpalakas at magpagaling para naman pwede ka ng makalabas ng silid at matanaw mo ang inyong anak kahit sa labas lang. Hindi siya pwedeng dalhin dito dahil naka-incubator, pero okay naman siya doon. Kaka-check ko lang kanina.”Tumitig ang mga mata ni Bethany sa tiyuhin. Hangga’t maaari ay ayaw niyang pag-usapan nila ang anak dahil naiiyak na naman siya. Para tuloy gusto niyang hilingin sa tiyuhin na tawagan si Gavin dahil gusto niya itong makausap pero natatakot siya na magalit ito. Hindi pa siya handa. Magtitiis na lang siya muna. Itinatak niy
NAPAG-USAPAN NA NILANG mag-asawa nang masinsinan ang tungkol kay Bethany matapos na ilang araw na pumanaw si Nancy. Nagkaroon na rin naman ng linaw ang isipan ni Estellita na nagbago ang pananaw sa pagkawala ng tinuring nilang anak. “Ano pa bang magagawa ko kung hindi ang tanggapin ang anak mo sa ibang babae?”Himalang biglang hindi na siya galit kay Bethany at si Nancy ang nagpa-realize noon sa kanya bago ito tuluyang mawala sa mundo kung kaya ngayon balewala na lang sa kanya ang existence ng anak ng asawa sa iba. Kung noon halos putukan siya ng ugat sa ulo sa sobrang galit, ngayon masama pa rin naman ang ugali niya pero nabawas-bawasan. Isa pa, matagal na panahon na ‘ring wala ang ina ni Bethany at nasa piling pa rin naman niya ngayon si Mr. Conley. May asawa na rin si Bethany kaya kakarampot na lang namang atensyon at oras ang hihingiin nito dahil may sarili na itong pamilya na kailangan niyang pagtuonan ng pansin. Iyon na lang ang inisip ni Estellita na malaki rin ang natulong.
WALANG LABIS, WALANG kulang na sinabi na ni Giovanni ang tunay na nangyari kay Gavin sa Ginang sa hindi exaggerated na paraan. Sinabi lang niya na minor lang ang nangyaring aksidente kung kaya hindi ito nakaakyat agad dahil kung idedetalye niya ang tunay nitong hitsura, hindi niya alam ang magaganap sa Ginang. Aniya ay kasalukuyang nasa emergency room ang anak upang gamutin ng mga doctor ang sugat. Hindi niya sinabi kung gaano ito kalala dahil wala rin naman siyang alam. Ganunpaman ang ginawa niya ay gaya ng inaasahan muntik na naman itong mahimatay sa sobrang pagkabigla. Hindi pa rin niya ito kinaya.“Mrs. Dankworth!”Sinalo ang katawan ng Ginang na halos sumayaw sa kaba ng isa sa mga tauhan ni Giovanni. Sanay na sanay na sila sa mga ganung eksena kaya hindi na bago at alam na nila ang gagawin. Trained sila sa ganun bago pa pumasang maging bodyguard. Nang mahimasmasan ang Ginang ay pinasamahan niya ito sa isa sa kanyang mga tauhan kung nasaan ang kanyang mag-aama. Karapatan niya iyon
NAPAANGAT NA ANG mga mata ni Briel nang marinig ang boses ng ama. Sa mga sandaling iyon ay nakatuon iyon sa sahig ng hospital na para bang doon niya hinahanap ang sagot sa mga tanong niya. Pilit niyang kinakalamay ang sarili dahil hindi pa rin siya kumakalma at makapaniwala sa nangyari sa kapatid. Naaksidente si Gavin na kilala niyang magaling magmaneho. Parang ang imposible noon. Magaling na driver ang kapatid niya at ni minsan hindi pa ito nasangkot sa aksidente. Iniisip niya kung may sabotahe bang nangyari para humantong doon ang lahat. Umahon siya sa kanyang pagkakasalampak sa sahig habang hawak ng nanginginig niyang kamay ang bote ng tubig na ibinigay ni Giovanni. Hindi niya iyon tinanggihan dahil feeling niya rin ay naubos na ang lahat ng tubig niya sa katawan. Hinayaan lang naman siya ni Giovanni na umatungal ng iyak. Wala itong ibang sinabi at ginawa kung hindi ang panoorin lang siya. Hindi siya nito sinaway dahil batid ng Governor na sobrang nasasaktan ang dalaga. Biglang bum
ILANG SGUNDO NA nanigas ang katawan ni Mr. Dankworth nang marinig ang masamang balita mula sa isa sa mga tauhan ni Giovanni patungkol sa aksidente umano ng anak niyang si Gavin. Makailang beses siyang muntik matumba dahil sa pangangatog ng tuhod, mabuti na lang at bahagyang nakasandal siya sa gilid ng pintuan kung kaya naman sinalo nito ang bigat ng katawan niya. Pilit na pinigilan ni Mr. Dankworth ang mga mata na mag-react sa nalaman dahil paniguradong mahahalata iyon ng kanyang asawa na panay ang paninitig sa kanila ng malagkit at puno ng pagtatanong kung ano ba ang kanilang pinag-uusapan. Hilaw ang ngiting nilingon niya ang asawa na nakatingin pa rin sa kanilang banda. Puno ng pagtataka kung bakit ganun na lang ang reaction niya na alam niyang napansin ng Ginang kahit medyo nasa malayo sila. Lumapit siya sa pintuan ng silid nang sabihin ng tauhan na may pinapasabi ang Governor sa kanya kung kaya naman may distansya rin silang mag-asawa. Hindi pa rin inalis ni Mrs. Dankworth ang kan
WALANG NAGAWA SI Giovanni kung hindi ang bitawan ang nangangatal na katawan ni Briel na hindi malaman ng Governor kung dahil sa takot o labis na pagkabigla sa kanyang binalita. Isa pa, puno ng gigil na kinagat nito ang kanyang isang braso na wala naman siyang pakialam sa sakit na tinamo kaya niyang tiisin iyon pero hindi ang buhos ng kanyang mga luha. Puno ng kalungkutan ang mga mata ni Giovanni na pinanood ang dalaga na tumakbo patungo sa pinangyarihan ng aksidente na alam niyang hindi na niya magagawa pang pigilan. Bagama’t umiiyak si Briel ay nakipagsisikan siya sa mga taong nakikiusyuso na tumambak at umabot na sa may entrance ng hospital. Ginulo na ng Gobernador ang kanyang buhok. Problemado na ditong sumunod dahil nabalot na siya ng pag-aalala sa katawan na hindi niya kilala. Kamakailan lang ay ayaw na ayaw niya sa dalaga sa pagiging straightforward nito. Umamin ba naman sa kanya na gusto siya matapos ng kasal ng kanyang pamangkin. Nanunuot sa nerves niya ang mga salita nito na
INIP NA INIP na iginala ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid habang nakatayo sa may gilid ng entrance ng hospital. Hinihintay at inaabangan niya ang kapatid doon na dumating. Doon banda ang usapan nilang dalawa na magkikita nang makausap niya ito kanina paglapag ng private plane na sinakyan sa airport. Ilang beses na niyang tiningnan ang screen ng cellphone niyang hawak. Umaasa na may message man lang doon ang kapatid kung nasaan na siya, ngunit wala naman iyon kahit na isa. Hindi niya nga alam kung nakaalis na rin ba sila sa airport. Nasa isang oras na rin mula nang makalapag sila kanina. Naweywang na si Briel matapos na huminga ng malalim at sumimangot pa. Sinabi naman na niya sa kapatid kung anong floor naroon ang kwarto ng asawa nitong si Bethany para doon ito dumiretso pagdating, ngunit pinilit pa rin siya ng kanyang mga magulang na lumabas at hintayin niya doon si Gavin. “Ang tanda na niya, Mommy, alam na niya kung saan pupunta. Bakit kailaingan ko pa siyang sunduin? Kaya n
KASABAY NG PAGBAGSAK ng mga luha ni Gavin ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa handle ng kanyang dalang maleta. Tuluyang na-blangko na ang kanyang isipan. Nandilim na ang kanyang paningin na para bang ang kanyang narinig ay hindi boses ng sariling kapatid at guni-guni lang niya ang lahat ng narinig. Naghihina na ang kanyang mga tuhod na napaupo na. Hindi alintana ang lugar na kanyang kinaroroonan.“Lumabas na ang anak niyo kahit kulang pa siya sa buwan, Kuya Gav.”Naghiwalay pa ang kanyang labi sa sunod na sinabi ng kapatid. Hindi na alam kung ano ang dapat na reaksyon. Kotang-kota na siya sa mga pasabog na nalaman niya. Isang maling desisyon, sobrang laki ng naging impact noon. Kung hindi siya nagpilit na umalis ng bansa, wala sanang ganitong kapahamakan.“Bakit mo ba kasi siya iniwan? Inuna mo pa ang trabaho mo diyan! Alam mo namang buntis siya!”“Sagutin mo ang tanong ko, Briel. Kumusta ang asawa ko?!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg.Wala ng pakialam si Gavin kung pinagtitin