Home / Romance / The Spoiled Wife of Attorney Dankworth / Kabanata 421 - Kabanata 430

Lahat ng Kabanata ng The Spoiled Wife of Attorney Dankworth: Kabanata 421 - Kabanata 430

649 Kabanata

Chapter 163.1

NATAWA NA DOON si Bethany. Hindi iyon magiging bugnutin kung hindi rin siya nito patuloy na aasarin. Ibig sabihin silang mag-asawa ang salarin kung mangyari man iyon. Hindi lang siya. Hindi lang din si Gavin. Unti-unti na siyang kumalma. Baka nga makuha ng anak nila ang magaspang na pag-uugali niya ngayon. “Hija, ayos ka lang ba? Bakit ang putla mo? Kumain ka ba bago umalis ng bahay?” sunod-sunod na tanong ng Ginang nang makita ang babae na bumaba ng kotse, mukhang lantang gulay ito at wala sa mood. Tipong tamad na tamad ang kanyang hitsura at napipilitan lang na pumunta upang makipagkita sa kanila. “Diyos ko, pinagpapawisan ka ng malagkit.” puna pa nitong sinalat na ang noo ni Bethany na nakangiti.Masama ang pakiramdam noon ni Bethany subalit hindi naman niya pwedeng i-cancel ang fitting ng mga damit at ang pamimili niya ng designs. Bukod sa naroon na ang hipag at biyenan niyang babae ay nakapangako na siya sa kanilang pupunta. Hindi na niya sinabi pa kay Gavin ang kanyang nararamd
last updateHuling Na-update : 2024-12-02
Magbasa pa

Chapter 163.2

HALOS PALIPARIN NA ni Gavin ang kanyang sasakyan patungo ng boutique kung nasaan ang kanyang asawa. Wala siyang pakialam kung may masabitan man ang kanyang sasakyan. Ang mahalaga ay makarating siya doon agad at makita ang asawa. Panay ang mura ni Gavin habang nasa biyahe. Nakailang palo pa siya sa mahigpit na hawak niyang manibela. Sinisisi niya ang sarili kung bakit hinayaan niya itong mag-isa. Dapat talaga ay pinilit niyang samahan ito kanina kahit na nagmamatigas siya. Hindi niya ipinagkatiwala na kaya ni Bethany ang lahat.“Come on, kung kailan ako nagmamadali saka pa magkaka-traffic! Fucking shit!”Gusto niyang tawagan ang ina at kumustahin ang asawa pero baka lalo lang siyang ma-distract kapag may narinig siyang wala pa ‘ring malay ang asawa. Baka mapano rin siya.Marahang tinapik-tapik ni Mrs. Dankworth ang isang pisngi ni Bethany habang si Briel naman ay hindi na alam ang gagawin. Panay ang silip niya sa labas ng pintuan. Hinihintay niya ang kapatid na dumating. Napalibutan na
last updateHuling Na-update : 2024-12-03
Magbasa pa

Chapter 163.3

SA LOOB NG sasakyan ay nanatiling tahimik pa rin si Bethany. Hindi niya pinansin ang panaka-nakang sulyap ng asawa sa kanya kahit nakikita niya iyon sa gilid ng kanyang mga mata. Natatamad siyang magsalita. Nasa labas lang ng sasakyan ang kanyang paningin. Sa malabong lugar na kanilang binabagtas. Iniisip na sana pala ay inamin na lang nila ang tunay niyang kalagayan kanina sa ina at kapatid ng asawa. Pagkakataon na nila iyon. Maiintindihan naman siguro ng mga ito kung malalaman nila ang tunay niyang kalagayan. Hindi na rin niya kailangan pang magtago. Kaso, ayon nalusutan pa rin nilang mag-asawa sila.“Mrs. Dankworth, ano ang iniisip mo? Mukhang ang lalim naman yata niyan?” gagap ni Gavin sa isa niyang kamay na malamig pa, naninibago siya sa pananahimik ng asawa. “Kanina ka pa diyan tahimik. Iniisip mo ba iyong nangyari kanina? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital para magpa-check up? Just to make sure lang na ayos ang baby natin?” malambing na tanong pa ng abogado na pinisil-pisil
last updateHuling Na-update : 2024-12-03
Magbasa pa

Chapter 163.4

NAPATITIG NA SA mukha ng babae si Bethany nang kunin nito ang kanyang kamay na nakapatong sa table. Ilang beses na kumibot-kibot ang bibig nito na tila ba may nais sabihin. Napakunot na ang noo ni Bethany nang bitawan ni Miss Gen ang kamay niya at iiwas ang mga mata na parang may itinatago siya. “Miss Gen?” muling untag niya sa kanya na sumasama pa ang kutob, “May sasabihin ka ba?” Maliit na ngumiti lang ang babae. Hinarap na ang baso ng kanyang juice. Dinampot na iyon at uminom. “Ayos lang ako, Miss Guzman. Huwag mo akong alalahanin.” Naburo pa ang mga mata ni Bethany sa kanya. Higit pang naging kuryuso sa itinatago nito. “Handa akong makinig, Miss Gen. Mahaba-haba pa ang breaktime natin.” sipat niya sa relo. Muli siyang hinarap ng babae. Namumuo na ang luha nito sa kanyang mata na nagpabahala pa kay Bethany. Kinakabahan na siya sa kakaibang ikinikilos nito. Hindi niya na ito maintindihan.“Spill it. Gaya ng sabi ko, handa akong makinig.” sambit ni Bethany na nakatingin pa rin
last updateHuling Na-update : 2024-12-03
Magbasa pa

Chapter 164.1

SA PAGITAN NG pag-iyak ni Bethany ay nagawa niyang sabihin kay Gavin ang lahat ng kanyang problema kahit na paputul-putol pa ang kanyang boses. Pinakinggan naman siyang mabuti ng asawa. Pilit na iniintindi kung saan galing ang baha ng kanyang emosyon. Humigpit pa ang yakap niya sa asawa habang pinapakinggan ito na parang batang nagsusumbong sa kanya dahil lalo pang bumaha ang mga luha ni Bethany. Lahat ay kanyang sinabi, maging ang sakit ni Miss Gen ay nabanggit nito sa asawa na mataman pa 'ring nakikinig at walang anumang imik. Nakatitig lang siya sa mukha ng asawa kung saan nakabalatay pa rin ang sakit. Naiintindihan niya ito. Para na kasing pamilya ang trato ng asawa sa kanyang ka-sosyo. Ang akala pa naman niya kung ano na ang nangyari at ganun na lang ito kung pumalahaw ng iyak. Walang arteng ginawa ni Gavin na pamunas ng uhog ng asawa at luha ang laylayan ng suot niyang pantulog na damit. Malayo kasi ang tisyu at mahihirapan pa siyang kunin iyon kung iyon. Ilang beses siyang humi
last updateHuling Na-update : 2024-12-04
Magbasa pa

Chapter 164.2

KINABUKASAN AY NAKIPAGKITA agad si Bethany kay Miss Gen na tinawagan niya muna upang siguraduhin na kaya nito ang katawan. Nang nagdaang araw kasi noong malaman niyang maysakit ito ay nagpaalam na rin itong hindi na muna makakapunta ng music center. Kumbaga, iyon na ang naging huling araw niya rin sa trabaho. Tinanggap na lang iyon ni Bethany kahit na mabigat sa kanyang kalooban at hindi pa sanay. Naalala niya na marahil kaya siya tinuturuan nito sa kanyang trabaho noong mga nakaraan. Nagkasundo silang magkita sa isang coffee shop na hindi rin naman gaanong malayo sa music center. Kapansin-pansin ang mabilis na pagbaba ng timbang ng babae bukod sa malamlam na mga mata. Halatang maysakit itong iniinda kahit hindi niya man aminin. Gusto niyang umorder sana ng kape, kaso pinigilan siya ni Bethany. “Huwag ka ng magkape, Miss Gen kung alam mo namang hindi pwede sa’yo. Mag-fruit tea ka na lang.” suggestion ni Bethany na siyang order niya, nakahiligan na niyang inumin iyon kumpara sa kape.
last updateHuling Na-update : 2024-12-04
Magbasa pa

Chapter 164.3

NAPAHARAP NA SI Bethany sa asawa ng walang pakundangan na umalikon na ang mga kamay nito sa kanyang beywang. Walang pakialam sa secretary na nasa likod niya at hinihintay siyang sumakay ng sasakyan. Dumukwang siya palapit sa tainga ni Bethany upang bumulong lang ng kanyang saloobin dito. “Alam ba ni Miss Gen na kasal ka na, hmm, Mrs. Dankworth?” mahina man iyon pero mayroong diin.Umiling si Bethany na may naglalaro ng kakaibang ngiti sa kanyang labi.“Hindi. Ang alam niya ay ikakasal pa lang tayo. Dapat bang sinabi ko na sa kanya ang tungkol doon?”Dismayadong umiling si Gavin. Alam niyang wala siyang takas kapag siya ang sinisisi ng asawa niya. Siya rin kasi ang salarin kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin iyon nabubulgar sa iba. “Ah, kaya pala nasabi niyang ire-reto ka niya sa gwapong doctor.” puno pa rin ng selos ang boses ng abogado kahit na alam naman niyang hindi si Bethany mismo ang mayroong gusto ng bagay na iyon. Mahinang natawa na doon si Bethany. An
last updateHuling Na-update : 2024-12-05
Magbasa pa

Chapter 164.4

MAKAHULUGANG SINUNDAN NG mga mata ni Bethany ang likod ng kanyang asawa. Bagsak pa rin ang balikat nito at halatang matamlay. Huminga ang babae nang malalim. Pilit na kinakalamay ang sarili. Hindi pwedeng paandarin niya ngayon ang pagiging emotional. Paniguradong disaster ang aabutin nila. Tinungo na lang niya ang kusina upang ihanda ang kanilang pagkain. Ininit niya ang sabaw ng sinigang na hipon. Iyon ang request niya kay Manang Esperanza na lutuin dahil bigla siyang nag-crave sa hipon.“Nag-donate ba siya ng dugo?” tanong niya sa kawalan dahil hindi niya naman nakita ang kamay nito. Eksaktong muli ng kumukulo at humahalimuyak ang bango ng kanilang ulam nang pumasok ng kusina si Gavin. Masigla na ang hilatsa ng mukha nito kahit na bakas pa rin ang panghihina ng kanyang katawan. Dumiretso siya kung nasaan ang asawa at malabing na yumakap mula sa kanyang likuran. Masuyong hinawakan naman ni Bethany ang kanyang mukha. Inabot ni Gavin ang labi ng asawa, agad na inangkin. Habang ginagaw
last updateHuling Na-update : 2024-12-05
Magbasa pa

Chapter 165.1

PARANG NAGDAHILAN LANG ng nagdaang gabi si Gavin dahil kinabukasan, pagdilat ng mga mata ni Bethany ay gising na ito at handa ng pumasok sa trabaho. Nagkukumahog na napabangon na si Bethany. “Naligo ka? Nilalagnat ka kagabi hindi ba? Gavin naman!” muli na naman nitong sapo sa kanyang noo.“Ayos na ako, Thanie—” “Kahit na, dapat nag-half bath ka na lang. Hindi ka na sana naligo muna!” Tinawanan lang siya ni Gavin na mahigpit ng niyakap. Pilit na nagpumiglas si Bethany. Nais niyang ipakita na hindi pa rin siya natutuwa sa ginawa nitong paliligo gayong masama ang pakiramdam nito ng dumaang gabi. Hindi naman siya pinakawalan ni Gavin na mas lalo pang humigpit ang yakap sa asawa. “Huwag ka ng magalit. Gumayak ka na at sabay na tayong umalis.”Gustuhin pa mang kutusan at sermunan ni Bethany ang asawa ay hindi niya magawa dahil paniguradong magtatagal sila. Gumayak na rin siya at matapos na kumain ng almusal ay umalis na rin sila ng bahay.“See you later, Mrs. Dankworth.” malambing na ya
last updateHuling Na-update : 2024-12-05
Magbasa pa

Chapter 165.2

TAPOS NG MABILI ni Bethany ang mga gamot ng ama at nailagay na rin niya iyon sa loob ng dala niyang bag nang may nahagip siya ng kanyang mga mata. Si Nancy iyon. Nakasakay sa wheelchair at tinutulak ito ng nurse. Sa malas nga naman, sa hospital pa lang iyon naka-confine ang gaga. Nakalimutan niya. Pahapyaw niyang sinulyapan ang hitsura nito. Ang payat. Sobrang haggard. Parang stress na stress siya. Sa unang tingin ay hindi aakalain na iyon ang Nancy Conley na mala-artista at model ang datingan dati. Kung hindi niya nga ito kilala at narinig ang boses ay iisipin niyang ibang tao roon ang kanyang nakita.‘Nakakaawa, pero iyon na ang karma niya sa mga mali niyang nagawa.’Pumihit si Bethany. Siya na lang ang iiwas. Ayaw na niyang makita pa siya nito at baka mas lalo lang itong ma-stress kapag nasilayan nito kung gaano siya ka-Diyosa kumpara sa hitsura nito ngayon. Kaawa lang. Subalit huli na ang lahat. Nakita na siya ng gaga na kagaya ng inaasahan, biglang naging demonyita roon. “Bethan
last updateHuling Na-update : 2024-12-05
Magbasa pa
PREV
1
...
4142434445
...
65
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status