HALOS PALIPARIN NA ni Gavin ang kanyang sasakyan patungo ng boutique kung nasaan ang kanyang asawa. Wala siyang pakialam kung may masabitan man ang kanyang sasakyan. Ang mahalaga ay makarating siya doon agad at makita ang asawa. Panay ang mura ni Gavin habang nasa biyahe. Nakailang palo pa siya sa mahigpit na hawak niyang manibela. Sinisisi niya ang sarili kung bakit hinayaan niya itong mag-isa. Dapat talaga ay pinilit niyang samahan ito kanina kahit na nagmamatigas siya. Hindi niya ipinagkatiwala na kaya ni Bethany ang lahat.“Come on, kung kailan ako nagmamadali saka pa magkaka-traffic! Fucking shit!”Gusto niyang tawagan ang ina at kumustahin ang asawa pero baka lalo lang siyang ma-distract kapag may narinig siyang wala pa ‘ring malay ang asawa. Baka mapano rin siya.Marahang tinapik-tapik ni Mrs. Dankworth ang isang pisngi ni Bethany habang si Briel naman ay hindi na alam ang gagawin. Panay ang silip niya sa labas ng pintuan. Hinihintay niya ang kapatid na dumating. Napalibutan na
SA LOOB NG sasakyan ay nanatiling tahimik pa rin si Bethany. Hindi niya pinansin ang panaka-nakang sulyap ng asawa sa kanya kahit nakikita niya iyon sa gilid ng kanyang mga mata. Natatamad siyang magsalita. Nasa labas lang ng sasakyan ang kanyang paningin. Sa malabong lugar na kanilang binabagtas. Iniisip na sana pala ay inamin na lang nila ang tunay niyang kalagayan kanina sa ina at kapatid ng asawa. Pagkakataon na nila iyon. Maiintindihan naman siguro ng mga ito kung malalaman nila ang tunay niyang kalagayan. Hindi na rin niya kailangan pang magtago. Kaso, ayon nalusutan pa rin nilang mag-asawa sila.“Mrs. Dankworth, ano ang iniisip mo? Mukhang ang lalim naman yata niyan?” gagap ni Gavin sa isa niyang kamay na malamig pa, naninibago siya sa pananahimik ng asawa. “Kanina ka pa diyan tahimik. Iniisip mo ba iyong nangyari kanina? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital para magpa-check up? Just to make sure lang na ayos ang baby natin?” malambing na tanong pa ng abogado na pinisil-pisil
NAPATITIG NA SA mukha ng babae si Bethany nang kunin nito ang kanyang kamay na nakapatong sa table. Ilang beses na kumibot-kibot ang bibig nito na tila ba may nais sabihin. Napakunot na ang noo ni Bethany nang bitawan ni Miss Gen ang kamay niya at iiwas ang mga mata na parang may itinatago siya. “Miss Gen?” muling untag niya sa kanya na sumasama pa ang kutob, “May sasabihin ka ba?” Maliit na ngumiti lang ang babae. Hinarap na ang baso ng kanyang juice. Dinampot na iyon at uminom. “Ayos lang ako, Miss Guzman. Huwag mo akong alalahanin.” Naburo pa ang mga mata ni Bethany sa kanya. Higit pang naging kuryuso sa itinatago nito. “Handa akong makinig, Miss Gen. Mahaba-haba pa ang breaktime natin.” sipat niya sa relo. Muli siyang hinarap ng babae. Namumuo na ang luha nito sa kanyang mata na nagpabahala pa kay Bethany. Kinakabahan na siya sa kakaibang ikinikilos nito. Hindi niya na ito maintindihan.“Spill it. Gaya ng sabi ko, handa akong makinig.” sambit ni Bethany na nakatingin pa rin
SA PAGITAN NG pag-iyak ni Bethany ay nagawa niyang sabihin kay Gavin ang lahat ng kanyang problema kahit na paputul-putol pa ang kanyang boses. Pinakinggan naman siyang mabuti ng asawa. Pilit na iniintindi kung saan galing ang baha ng kanyang emosyon. Humigpit pa ang yakap niya sa asawa habang pinapakinggan ito na parang batang nagsusumbong sa kanya dahil lalo pang bumaha ang mga luha ni Bethany. Lahat ay kanyang sinabi, maging ang sakit ni Miss Gen ay nabanggit nito sa asawa na mataman pa 'ring nakikinig at walang anumang imik. Nakatitig lang siya sa mukha ng asawa kung saan nakabalatay pa rin ang sakit. Naiintindihan niya ito. Para na kasing pamilya ang trato ng asawa sa kanyang ka-sosyo. Ang akala pa naman niya kung ano na ang nangyari at ganun na lang ito kung pumalahaw ng iyak. Walang arteng ginawa ni Gavin na pamunas ng uhog ng asawa at luha ang laylayan ng suot niyang pantulog na damit. Malayo kasi ang tisyu at mahihirapan pa siyang kunin iyon kung iyon. Ilang beses siyang humi
KINABUKASAN AY NAKIPAGKITA agad si Bethany kay Miss Gen na tinawagan niya muna upang siguraduhin na kaya nito ang katawan. Nang nagdaang araw kasi noong malaman niyang maysakit ito ay nagpaalam na rin itong hindi na muna makakapunta ng music center. Kumbaga, iyon na ang naging huling araw niya rin sa trabaho. Tinanggap na lang iyon ni Bethany kahit na mabigat sa kanyang kalooban at hindi pa sanay. Naalala niya na marahil kaya siya tinuturuan nito sa kanyang trabaho noong mga nakaraan. Nagkasundo silang magkita sa isang coffee shop na hindi rin naman gaanong malayo sa music center. Kapansin-pansin ang mabilis na pagbaba ng timbang ng babae bukod sa malamlam na mga mata. Halatang maysakit itong iniinda kahit hindi niya man aminin. Gusto niyang umorder sana ng kape, kaso pinigilan siya ni Bethany. “Huwag ka ng magkape, Miss Gen kung alam mo namang hindi pwede sa’yo. Mag-fruit tea ka na lang.” suggestion ni Bethany na siyang order niya, nakahiligan na niyang inumin iyon kumpara sa kape.
NAPAHARAP NA SI Bethany sa asawa ng walang pakundangan na umalikon na ang mga kamay nito sa kanyang beywang. Walang pakialam sa secretary na nasa likod niya at hinihintay siyang sumakay ng sasakyan. Dumukwang siya palapit sa tainga ni Bethany upang bumulong lang ng kanyang saloobin dito. “Alam ba ni Miss Gen na kasal ka na, hmm, Mrs. Dankworth?” mahina man iyon pero mayroong diin.Umiling si Bethany na may naglalaro ng kakaibang ngiti sa kanyang labi.“Hindi. Ang alam niya ay ikakasal pa lang tayo. Dapat bang sinabi ko na sa kanya ang tungkol doon?”Dismayadong umiling si Gavin. Alam niyang wala siyang takas kapag siya ang sinisisi ng asawa niya. Siya rin kasi ang salarin kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin iyon nabubulgar sa iba. “Ah, kaya pala nasabi niyang ire-reto ka niya sa gwapong doctor.” puno pa rin ng selos ang boses ng abogado kahit na alam naman niyang hindi si Bethany mismo ang mayroong gusto ng bagay na iyon. Mahinang natawa na doon si Bethany. An
MAKAHULUGANG SINUNDAN NG mga mata ni Bethany ang likod ng kanyang asawa. Bagsak pa rin ang balikat nito at halatang matamlay. Huminga ang babae nang malalim. Pilit na kinakalamay ang sarili. Hindi pwedeng paandarin niya ngayon ang pagiging emotional. Paniguradong disaster ang aabutin nila. Tinungo na lang niya ang kusina upang ihanda ang kanilang pagkain. Ininit niya ang sabaw ng sinigang na hipon. Iyon ang request niya kay Manang Esperanza na lutuin dahil bigla siyang nag-crave sa hipon.“Nag-donate ba siya ng dugo?” tanong niya sa kawalan dahil hindi niya naman nakita ang kamay nito. Eksaktong muli ng kumukulo at humahalimuyak ang bango ng kanilang ulam nang pumasok ng kusina si Gavin. Masigla na ang hilatsa ng mukha nito kahit na bakas pa rin ang panghihina ng kanyang katawan. Dumiretso siya kung nasaan ang asawa at malabing na yumakap mula sa kanyang likuran. Masuyong hinawakan naman ni Bethany ang kanyang mukha. Inabot ni Gavin ang labi ng asawa, agad na inangkin. Habang ginagaw
PARANG NAGDAHILAN LANG ng nagdaang gabi si Gavin dahil kinabukasan, pagdilat ng mga mata ni Bethany ay gising na ito at handa ng pumasok sa trabaho. Nagkukumahog na napabangon na si Bethany. “Naligo ka? Nilalagnat ka kagabi hindi ba? Gavin naman!” muli na naman nitong sapo sa kanyang noo.“Ayos na ako, Thanie—” “Kahit na, dapat nag-half bath ka na lang. Hindi ka na sana naligo muna!” Tinawanan lang siya ni Gavin na mahigpit ng niyakap. Pilit na nagpumiglas si Bethany. Nais niyang ipakita na hindi pa rin siya natutuwa sa ginawa nitong paliligo gayong masama ang pakiramdam nito ng dumaang gabi. Hindi naman siya pinakawalan ni Gavin na mas lalo pang humigpit ang yakap sa asawa. “Huwag ka ng magalit. Gumayak ka na at sabay na tayong umalis.”Gustuhin pa mang kutusan at sermunan ni Bethany ang asawa ay hindi niya magawa dahil paniguradong magtatagal sila. Gumayak na rin siya at matapos na kumain ng almusal ay umalis na rin sila ng bahay.“See you later, Mrs. Dankworth.” malambing na ya
WALANG LABIS, WALANG kulang na sinabi na ni Giovanni ang tunay na nangyari kay Gavin sa Ginang sa hindi exaggerated na paraan. Sinabi lang niya na minor lang ang nangyaring aksidente kung kaya hindi ito nakaakyat agad dahil kung idedetalye niya ang tunay nitong hitsura, hindi niya alam ang magaganap sa Ginang. Aniya ay kasalukuyang nasa emergency room ang anak upang gamutin ng mga doctor ang sugat. Hindi niya sinabi kung gaano ito kalala dahil wala rin naman siyang alam. Ganunpaman ang ginawa niya ay gaya ng inaasahan muntik na naman itong mahimatay sa sobrang pagkabigla. Hindi pa rin niya ito kinaya.“Mrs. Dankworth!”Sinalo ang katawan ng Ginang na halos sumayaw sa kaba ng isa sa mga tauhan ni Giovanni. Sanay na sanay na sila sa mga ganung eksena kaya hindi na bago at alam na nila ang gagawin. Trained sila sa ganun bago pa pumasang maging bodyguard. Nang mahimasmasan ang Ginang ay pinasamahan niya ito sa isa sa kanyang mga tauhan kung nasaan ang kanyang mag-aama. Karapatan niya iyon
NAPAANGAT NA ANG mga mata ni Briel nang marinig ang boses ng ama. Sa mga sandaling iyon ay nakatuon iyon sa sahig ng hospital na para bang doon niya hinahanap ang sagot sa mga tanong niya. Pilit niyang kinakalamay ang sarili dahil hindi pa rin siya kumakalma at makapaniwala sa nangyari sa kapatid. Naaksidente si Gavin na kilala niyang magaling magmaneho. Parang ang imposible noon. Magaling na driver ang kapatid niya at ni minsan hindi pa ito nasangkot sa aksidente. Iniisip niya kung may sabotahe bang nangyari para humantong doon ang lahat. Umahon siya sa kanyang pagkakasalampak sa sahig habang hawak ng nanginginig niyang kamay ang bote ng tubig na ibinigay ni Giovanni. Hindi niya iyon tinanggihan dahil feeling niya rin ay naubos na ang lahat ng tubig niya sa katawan. Hinayaan lang naman siya ni Giovanni na umatungal ng iyak. Wala itong ibang sinabi at ginawa kung hindi ang panoorin lang siya. Hindi siya nito sinaway dahil batid ng Governor na sobrang nasasaktan ang dalaga. Biglang bum
ILANG SGUNDO NA nanigas ang katawan ni Mr. Dankworth nang marinig ang masamang balita mula sa isa sa mga tauhan ni Giovanni patungkol sa aksidente umano ng anak niyang si Gavin. Makailang beses siyang muntik matumba dahil sa pangangatog ng tuhod, mabuti na lang at bahagyang nakasandal siya sa gilid ng pintuan kung kaya naman sinalo nito ang bigat ng katawan niya. Pilit na pinigilan ni Mr. Dankworth ang mga mata na mag-react sa nalaman dahil paniguradong mahahalata iyon ng kanyang asawa na panay ang paninitig sa kanila ng malagkit at puno ng pagtatanong kung ano ba ang kanilang pinag-uusapan. Hilaw ang ngiting nilingon niya ang asawa na nakatingin pa rin sa kanilang banda. Puno ng pagtataka kung bakit ganun na lang ang reaction niya na alam niyang napansin ng Ginang kahit medyo nasa malayo sila. Lumapit siya sa pintuan ng silid nang sabihin ng tauhan na may pinapasabi ang Governor sa kanya kung kaya naman may distansya rin silang mag-asawa. Hindi pa rin inalis ni Mrs. Dankworth ang kan
WALANG NAGAWA SI Giovanni kung hindi ang bitawan ang nangangatal na katawan ni Briel na hindi malaman ng Governor kung dahil sa takot o labis na pagkabigla sa kanyang binalita. Isa pa, puno ng gigil na kinagat nito ang kanyang isang braso na wala naman siyang pakialam sa sakit na tinamo kaya niyang tiisin iyon pero hindi ang buhos ng kanyang mga luha. Puno ng kalungkutan ang mga mata ni Giovanni na pinanood ang dalaga na tumakbo patungo sa pinangyarihan ng aksidente na alam niyang hindi na niya magagawa pang pigilan. Bagama’t umiiyak si Briel ay nakipagsisikan siya sa mga taong nakikiusyuso na tumambak at umabot na sa may entrance ng hospital. Ginulo na ng Gobernador ang kanyang buhok. Problemado na ditong sumunod dahil nabalot na siya ng pag-aalala sa katawan na hindi niya kilala. Kamakailan lang ay ayaw na ayaw niya sa dalaga sa pagiging straightforward nito. Umamin ba naman sa kanya na gusto siya matapos ng kasal ng kanyang pamangkin. Nanunuot sa nerves niya ang mga salita nito na
INIP NA INIP na iginala ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid habang nakatayo sa may gilid ng entrance ng hospital. Hinihintay at inaabangan niya ang kapatid doon na dumating. Doon banda ang usapan nilang dalawa na magkikita nang makausap niya ito kanina paglapag ng private plane na sinakyan sa airport. Ilang beses na niyang tiningnan ang screen ng cellphone niyang hawak. Umaasa na may message man lang doon ang kapatid kung nasaan na siya, ngunit wala naman iyon kahit na isa. Hindi niya nga alam kung nakaalis na rin ba sila sa airport. Nasa isang oras na rin mula nang makalapag sila kanina. Naweywang na si Briel matapos na huminga ng malalim at sumimangot pa. Sinabi naman na niya sa kapatid kung anong floor naroon ang kwarto ng asawa nitong si Bethany para doon ito dumiretso pagdating, ngunit pinilit pa rin siya ng kanyang mga magulang na lumabas at hintayin niya doon si Gavin. “Ang tanda na niya, Mommy, alam na niya kung saan pupunta. Bakit kailaingan ko pa siyang sunduin? Kaya n
KASABAY NG PAGBAGSAK ng mga luha ni Gavin ay ang pagbitaw ng kanyang kamay sa handle ng kanyang dalang maleta. Tuluyang na-blangko na ang kanyang isipan. Nandilim na ang kanyang paningin na para bang ang kanyang narinig ay hindi boses ng sariling kapatid at guni-guni lang niya ang lahat ng narinig. Naghihina na ang kanyang mga tuhod na napaupo na. Hindi alintana ang lugar na kanyang kinaroroonan.“Lumabas na ang anak niyo kahit kulang pa siya sa buwan, Kuya Gav.”Naghiwalay pa ang kanyang labi sa sunod na sinabi ng kapatid. Hindi na alam kung ano ang dapat na reaksyon. Kotang-kota na siya sa mga pasabog na nalaman niya. Isang maling desisyon, sobrang laki ng naging impact noon. Kung hindi siya nagpilit na umalis ng bansa, wala sanang ganitong kapahamakan.“Bakit mo ba kasi siya iniwan? Inuna mo pa ang trabaho mo diyan! Alam mo namang buntis siya!”“Sagutin mo ang tanong ko, Briel. Kumusta ang asawa ko?!” halos mapatid na ang ugat niya sa leeg.Wala ng pakialam si Gavin kung pinagtitin
MULI LANG TUMANGO si Bethany at binigyan ng malungkot na ngiti ang biyenan. Pagod na siyang umiyak o madaling sabihin na wala na siyang lakas at luhang mailabas. Naubos na iyon kanina. Tinuyo na ang mga mata niya. Natanaw niya sa may pintuan ng silid ang biyenan niyang lalaki na matamang nakatingin lang sa kanyang banda. Hindi niya pa nakikita ang tiyuhin at si Briel ng mga sandaling iyon na alam niyang nasa labas lang ng kanyang silid. Lingid sa kaalaman niya na sinusubukan pa rin Briel tawagan ang asawa niya kahit na pagod na ito at ubos na ubos na ang pasensya sa sobrang frustration na kanyang nararamdaman.“Ang ganda at cute ng baby niyo ni Gavin, hija. Nakita namin siya kanina ng Daddy niyo at tiyuhin mo.” masuyo pang haplos ng Ginang sa kanyang isang pisngi at hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. “Paniguradong palaban din at matapang ang batang iyon na nagmana sa inyong mag-asawa, kung kaya naman siguradong hindi magtatagal ay magiging maayos ang lagay niya. Sa ngayon ay m
MARAHANG TUMANGO ANG Gobernador sa tinurang iyon ng pamangkin. Masuyong pinunasan niya ang mga luhang patuloy na naglalandas sa mukha ng kanyang pamangkin. Hindi pa man sabihin ni Bethany ay alam na ni Giovanni na iyon ang magiging desisyon ng pamangkin para sa kanyang anak. Hindi na nito kailangang pag-isipan pang mabuti, ang kanyang pagkatao ay masyadong katulad ng ina nitong si Beverly na mayroong iisang desisyon sa buhay. Nasanay na palaging maging kalmado sa lahat ng oras ang Governor, ngunit bahagyang nanginginig ang kanyang boses sa sandaling iyon nang dahil sa mahirap na sitwasyon na kinakaharap ngayon ng kanyang pamangkin.“Igagalang ko ang desisyon mo, hija. Nasa labas lang ako. Hihintayin kong ilabas mo ang dagdag na miyembro ng ating pamilya.”Hinawakan niya ulit ang ulo ni Bethany na muli niya pang marahan na hinaplos. “Maging malakas ka, maging matatag ka. Matapang ka. Malalagpasan mo ang lahat ng ito na kagaya ng iyong ina.” Pagkatapos sabihin iyon ay umayos na si Gio
PUNO NG KAHULUGAN ang mga salita ng doctor na ang dating sa Governor ay para bang sinasabi nito na kung wala lang ang baby sa katawan ng pamangkin niya, hindi siya gaanong mahihirapan sa kanyang sitwasyon. Hindi niya maatim na isipin na kailangan nilang mamili sa dalawa. Wala sila sa tamang posisyon upang gawin ang bagay na iyon. Ilang minutong natulala si Giovanni sa sinabi ng doctor. Hindi niya namalayan na nakalapit na ang mag-asawang Dankworth sa kanya na may alanganin pang mga tingin na para bang naiilang sila kung kakausapin ba siya o hindi. Sinabi na rin iyon sa kanila ng doctor kanina at hindi sila makapag-decide. Ilang beses nilang pinag-iisipan ang gagawin, at ngayon na naroon na ang tiyuhin nito iniisip nila na siya na ang mag-decide. Kung ano ang magiging desisyon nito, iyon na lang din ang kanila dahil wala naman doon ang kanilang anak para siya ang magpasya ng lahat.“Governor Bianchi—”“Nasaan ang asawa ng pamangkin ko?” malamig ang tono ng boses nito. Alam ng mag-asaw