All Chapters of The Billionaire's Substitute Bride: Chapter 371 - Chapter 380

392 Chapters

Chapter 371

Mark’s POV Narinig ko ang marahan na katok sa pinto ng selda ko. Nag-angat ako ng tingin at halos hindi makapaniwala nang makita si Jarren na nakatayo sa may pintuan. Ang taong naging dahilan kaya ako nakakulong ngayon. Ang taong akala ko ay patay na sa loob ng mahabang panahon. “Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ko sa kaniya, ang boses ko ay malamig na parang yelo. Ngumisi siya. “Aba, hindi ba halata? Bibisita sa pinakamamahal kong kapatid.” Ang kanyang boses ay puno ng sarkasmo. “Kapatid?” Umirap ako. “Huwag mo akong tawaging kapatid. Hindi kita itinuturing na kapatid.” “Talaga ba? Eh bakit parang natutuwa ka na nakikita ako?” sarkastikong tanong niya. “Natutuwa? Ako? Natutuwa sa isang halimaw na tulad mo? Hindi. Ang tanging nararamdaman ko ay galit,” matigas kong sabi. “Galit? Bakit ka galit? Dahil sa mga ginawa ko sa ’yo? Dapat nga ikaw ang magpasalamat sa akin. Dahil sa akin, nalaman ng lahat kung sino ka talaga. Isang malaking manloloko.” “Ikaw ang manloloko! Wala
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

Chapter 372

Mark’s POV Napabangon ako sa higaan ko, pawis na pawis. Ang panaginip na iyon ay parang isang matalim na kutsilyo na tumusok sa puso ko. Nakita ko si Brielle, umiiyak habang sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. At ako? Nakatayo lang doon, walang magawa. Napahawak ako sa aking dibdib. Ang sakit. Ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko maipaliwanag.Tumayo ako at lumapit sa bintana. Pinagmasdan ko ang labas. Ang mga ilaw ng siyudad ay kumikislap na parang mga bituin. Pero kahit gaano kaganda ang tanawin, hindi ko magawang ngumiti. Napabuntong-hininga ako. Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong maging isang lalaki. Kailangan kong harapin ang mga kahihinatnan ng aking desisyon. Bumalik ako sa kama at naupo. Kailangan kong makausap si TJ ngayong araw para mapag-usapan namin ang mga plano kapag nakalabas ako rito. Kung ito lang ang magiging paraan upang makalaya ako at maipaghigante ang mga taong pinatay ni Jarren, hihiwalayan ko si Brielle. Sana maintindihan niya
last updateLast Updated : 2024-12-28
Read more

Chapter 373

Brielle’s POV “Mag-impaki ka ng mga gamit. Pupunta tayong London,” sabi ni Kuya TJ sa akin nang makauwi siya sa bahay. “Why?” curious kong tanong. Pinasadahan ko siya ng tingin nang bigla niyang sinuntok ang dingding. “What happened, Theo?” nag-aalalang tanong ni Ate Kaisha, na katatapos lang magluto ng dinner namin. “Your husband is an asshole, Brielle. He wants to divorce you. Kapalit ng pakikipaghiwalay niya sa ‘yo ay ang kalayaan niya.” Sinuntok ulit ni Kuya TJ ang dingding. “Ano ang ibig mong sabihin? Makikipaghiwalay siya sa akin?” Napahawak ako sa couch nang bigla akong mawalan ng balanse. “Nakipagkasundo si Mark kay Jarren na hihiwalayan ka at papakasalan niya si Karina kapag nakalaya siya. Fuck. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya ito sa atin. Pagkatapos natin siyang tulongan, ito ang igaganti niya? Mag-impaki ka na dahil aalis tayo ngayong gabi.” Padabog na umakyat ng hagdan si Kuya TJ at naiwan naman kami ni Ate Kaisha sa sala. Napaupo ako sa sahig habang pri
last updateLast Updated : 2024-12-28
Read more

Chapter 374

Brielle’s POV Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo lang sa lupa habang nakatingala sa madilim na kalangitan at umuulan. Pakiramdam ko sumabay ang ulan sa nararamdaman ko ngayon. “Brielle?” Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses. Bumuhos ang luha ko nang makita ko si Luigi. Dumoble ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil kay Mark. He fooled me. Nagmukha akong tanga. Tinulongan niya akong makatayo, basang-basa rin siya sa ulan. “Ano ang nangyari? Bakit ka umiiyak at nagpapaulan?” nag-aalalang tanong ni Luigi. “Ihahatid kita sa inyo.” “N-No…” Finally, naibuka ko ang aking bibig. “Huwag mo akong iuuwi sa bahay.” Hinawi ko ang kamay niya at nagpasyang umalis, ngunit mabilis niyang hinawakan ang braso ko. “What happened?” Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Luigi. “I want to disappear…” mahinang sabi ko. “Ang bigat-bigat ng nararamdaman ko…” Hinila ako ni Luigi palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit. “Iiyak mo lang lahat.” I h
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more

Chapter 375

Mark’s POVNaibato ko ang telepono sa sahig nang ibaba ni Brielle ang tawag. Fuck. Tama ba ang narinig ko? May bago na siya?Dumapo ang paningin ko sa pregnancy result ni Karina na nasa ibabaw ng study table. She is pregnant.We’ve been together for four months, but I never touched her. We’re engaged. Nag-hire ako ng taong mag-iimbestiga kaya nalaman ko na hindi sa akin ang batang nasa sinapupunan niya. Five months ago, Brielle and I broke up. It was the hardest decision that I have made in my life. I leave my wife and kids. I don’t have an intention to leave them behind. I love my family. They are the best gift that I have received. Mas pinili kong iwan sila kasi sa ganoong paraan ko lang mapapanstili ang kaligtasan nila dahil nasa loob pa ako ng kulungan. Five months ago, walsng kasiguradohan kong susunod ba si Jarren sa kasunduan namin, pero malaki ang tiwala ko kay TJ na mapoprotektahan niya anh aking mag-ina.Nang makalabas ako sa kulungan, pinuntahan ko kaagad sila Brielle sa
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more

Chapter 376

Mark’s POV Palabas ako ng hotel nang makasalubong ko sina Kaisha at TJ sa labas. Napahinto ako nang magtama ang paningin namin ni TJ. Napamura ako nang bigla niya akong sinuntok sa mukha. Pinunasan ko ang gilid ng aking labi nang mapansin ang paghapdi. “Binalaan na kita na huwag kang magpapakita sa akin pagkatapos mong lokohin ang kapatid ko!” sigaw ni TJ sa akin, habang si Kaisha naman ay pumagitna sa amin. “Ano ang ginawa ng kapatid ko sa ‘yo?! Her life became miserable when you leave her! Hindi mo man lang inisip ang nararamdaman niya!” “TJ, let me explain. I don’t have an intention to –” Napahawak ako sa pisngi ko nang bigla akong sampalin ni Kaisha, dahilan kaya kumalma si TJ. “Explanation? For what? You leave your family! Mas pinili mo ang sarili mo kesa sa kanila! Napunta sa wala lahat ng pinaghirapan namin dahil naging makasarili ka!” sigaw ni Kaisha sa akin. Sinampal niya ang kabilang pisngi ko. “Ang kapal-kapal ng mukha mo! Pinaniwala mo kaming lahat!” “Iniwan ko
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more

Chapter 377

Brielle’s POV “Hindi ka pa ba matutulog, Ate Brielle?” tanong ni Alexus nang pumasok siya sa silid ko. Nilapitan niya ang triplets at pinagmasdan. “Tinatapos ko pa ang inventory sa coffee shop,” sagot ko. “Magpahinga ka na. Kanina ka pa nakatutok sa computer mo.” Sinulyapan ko si Alexus at muling ibinalik ang aking atensiyon sa computer. “How’s school?” “Mabuti naman. Nakakapagod minsan.” “Ilang taon na lang ay ga-graduate ka na.” Napalingon ako sa kaniya nang mapansing nasa tabi ko na si Alexus. “May sasabihin ako sa ‘yo, Ate Brielle. Huwag kang magagalit ha?” Kaagad nangunot ang aking noo. “Para saan ba ang sasabihin mo? Hindi naman ako magagalit nang walang dahilan.” Huminto muna ako sa ginagawa ko upang harapin ang aking kapatid. “Importante ba ‘yan?” Tumango si Alexus. “Ano kasi…” “Ano?” Tumaas ang kilay ko. Nagkamot ng ulo si Alexus. “Bumagsak ako sa isang major subject.” “Why? May problema ka ba?” nag-aalalang tanong ko. “Nakabuntis ako, Ate Bri
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more

Chapter 378

Brielle’s POV 3K’s Coffee Shop Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang pagbukas nito. Doon ko nakita si Mark, naka-apron at abala sa pag-aasikaso ng mga customer. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ko inaasahang makikita siya rito, sa coffee shop ko. “Brielle,” tawag niya sa akin nang mapansin niya ako. May bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata. Hindi ako umimik. Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?” malamig kong tanong. “I’m working here.” Nangunot ang aking noo. “Sino naman ang may sabi sa ‘yo na pwede kang magtrabaho sa coffee shop?” Luminga-linga ako sa paligid, hinanap si Manager Silva. “Your parents hired me,” saad ni Mark kaya ibinalik ko ang aking atensiyon sa kaniya. “I owned this store. Umalis ka na,” mariin kong sabi. “Please, Brielle. Bigyan mo ako ng isang pagkakataon. Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako,” pagmamakaawa niya. “Sabi ko na, umalis ka na!” sigaw ko. Hindi ko na kaya ang presensya niya rito. “Br
last updateLast Updated : 2024-12-31
Read more

Chapter 379

Mark’s POV “Don’t you dare touch them!” sigaw ko kay Lander nang matapos kong makita ang pinadala niyang larawan sa akin. Isa sa nag-aalaga ng kambal ay tauhan ni Lander. Ilang beses ko nang tinawagan si Brielle, pero hindi ko siya makontak. “Bumalik ka sa Pilipinas kung ayaw mong mapaaga ang pagkamatay ng mga anak mo,” pagbabanta niya at binaba ang tawag. Hindi ko alam kung paniniwalaan ba nila ako kung sasabihin ko sa kanila na tauhan ni Lander ang bagong yaya ng triplets, tinawagan ko pa rin ang mga magulang ni Brielle. Wala na akong dahilan pa na bumalik sa Pilipinas. Hindi na ako babalik doon dahil nandito ang pamilya ko. Nakausap ko na si Karina at nagpasya siyang titigilan niya na ako. Sinabi ko kay Karina na hindi ko siya pwedeng pakasalan dahil hindi naman talaga kami naghiwalay ni Brielle. Hindi ako ang ama sa batang nasa sinapupunan niya. Si Lander ang ama ng kaniyang anak. Walang annulment na nangyari dahil hindi siya pumirma sa mga dokumento. Walang divorce s
last updateLast Updated : 2025-01-01
Read more

Chapter 380

Brielle’s POVPinagmasdan ko si Mark na niyayakap ang mga bata. Hindi maalis sa mga labi niya ang ngiti. Nangingilid ang mga luha niya sa saya. Hindi rin nagtagal ay dumating ang mga pulis. Ikuwento ko sa kanila ang mga nangyari. Gising na rin ang mga security guards sa bahay. Kinausap ng mga pulis si Carol dahil siya ang witness sa ginawa ni Lila. Nang makaalis na ang mga pulis, lumipat kami sa guest room dahil palilinisan ko pa sa mga kasambahay ang kwarto. I remained quiet. Shock pa rin ako sa nangyari kanina. Akala ko ay mawawala na sa akin ang mga bata. May parte sa akin na gustong magpasalamat kay Mark. Hindi ko alam kung maaabutan ko pa ba ang mga bata kung hindi siya tumawag sa akin. Inaamin ko naman na hindi ako kaagad naniwala sa kaniya kasi baka prank lang, pero nangibabaw ang takot ko kanina. “T-Thank you…” Finally, nagawa kong ibuka ang aking bibig. Tumingin si Mark sa akin at nilagay sa crib si Kiefer nang makatulog ito sa kaniyang bisig. “Paano mo pala nalaman a
last updateLast Updated : 2025-01-02
Read more
PREV
1
...
353637383940
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status