Share

The Billionaire's Substitute Bride
The Billionaire's Substitute Bride
Author: Deigratiamimi

Kabanata 0001

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2024-05-31 02:42:58

Tinanghali ako ng gising dahil madaling araw na akong nakauwi kanina. Nagtatrabaho ako sa isang convenience store bilang cashier. Nagsaing ako ng kanin at nagluto ng hotdog. Binuksan ko ang aking mini refrigerator at kumuha ng karneng manok na nakasilid sa isang plastic. Magluluto ako ng adobong manok para kay Nanay dahil bibisitahin ko siya mamaya bago ako pumunta sa trabaho. Ito ang paborito niyang ulam kaya sisiguradohin kong magugustohan niya ito.

Napatalon ako nang may marinig akong sunod-sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto. “Sandali lang!” sigaw ko habang tinatanggal ang suot kong apron.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Aling Maria na nakabusangot ang mukha habang ito’y nakapamewang. Siya ang may ari ng bahay o kwartong inuupahan dito. Kasama niya ang tatlong lalaking karpintero na nagtatrabaho sa kaniya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

“Magandang tanghali po,” bati ko ngunit nilampasan niya lang ako. Pumasok siya sa loob ng kwarto at tiningnan ang aking niluluto. Buti na lang at natapos ko ng lutuoin ang adobong manok bago sila dumating.

“Mukhang masarap itong niluto mo. Para ba ito sa akin?” sarkastikong tanong niya at kumuha ng isang pirasong manok. Tinikman niya ito. “Masarap,” komento niya sa aking nilutong ulam para kay Nanay.

“Maraming salamat po,” saad ko habang kinakagat ang aking labi dahil sa sobrang kaba.

Umupo siya sa sofa saka in-ON ang TV. “Kailan mo balak magbayad sa lahat ng bayarin mo rito, Anabelle?” diretsong tanong niya sa akin. Mas lalong bumilis ang pintig ng aking puso sa sobrang kaba. “Kumusta ang iyong buhay prinsesa rito sa puder ko?” dagdag niyang tanong.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Kumuha ako ng isang malinis na plastic at inilagay ang adobong manok. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tumabing umupo sa sofa.

“Aling Maria, pasensiya na po dahil medyo kapos pa po ako sa pera ngayon,” sabi ko sa mahinang tono.

Ang totoo ay mas inuuna kong bayaran ang mga utang ng mga magulang ko kesa bumayad sa upa ng kwarto, kuryente, at tubig.

Tumayo siya at nagsalin ng tubig. “Anong petsa na ngayon at wala kang maibigay na pambayad sa inuupahan mong kwarto kahit isang piso?! Wala ka bang balak bumayad o sadyang makapal lang talaga ang mukha mo!” sigaw ni Aling Maria at binuhos sa akin ang tubig na sinasalin niya. Yumuko ako at nanatiling tahimik. “Tatlong buwan na Anabelle at kailangan ko ng maningil sa ’yo. May trabaho ka naman pero bakit hindi ka marunong magbayad? Hindi ako nagpapatira ng libre rito lalong-lalo na’t tumataas ang bayarin ng kuryente at tubig!” Suminghap si Aling Maria. “Kunin niyo itong TV at ang ibang mga gamit niya na pwedeng isangla!” utos niya sa tatlong lalaki.

“Aling Maria magbabayad naman po ako. Kinapos lang po talaga ako sa pera ngayon. Binabayaran ko rin kasi ang mga natitirang utang ng mga magulang ko. Huwag niyo naman po kunin ang mga gamit ko,” pagmamakaawa ko sa kaniya nang sinisimulan nilang buhatin ang TV.

“At kalian ka magbabayad? Kapag namatay na ako? Kailangan ko rin ng pera at nauubos mo na ang pasensiya ko sa kahihintay ng bayad mo! Tatlong buwan ka ng hindi nakapagbayad sa upa ng kwarto, kuryente at tubig!”

“Bigyan niyo pa po ako ng isang buwan. Mababayaran ko rin po lahat-lahat. Isang buwan lang po, Aling Maria.” Kinuha ko ang aking wallet at kumuha ng isang libong piso. Inabot ko sa kaniya ang pera at mabilis niya itong hinablot. “’Yan lang po ang maibibigay kong pera sa ngayon. Huwag niyo po sanang kunin ang aking mga gamit dahil ‘yan na lang po ang natitirang alaala ko sa tatay ko.”

“Kulang na kulang ang isang libo! Tatlong buwan akong naghintay tapos ito lang ang ibibigay mo? Kung ibenta mo kaya ang katawan mo para may pambabayad ka sa akin kagaya ng ibang ginagawa ng mga taong umuupa rito!”

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaniyang sinabi. Kailanman ay hindi ko naisip na ibenta ang aking katawan para lang sa pera. Kahit gaano ako kahirap, hinding-hindi ko ibebenta ang aking katawan.

“Magkaiba po kami ng prinsipyo sa buhay! Kahit gaano ako kahirap, hinding-hindi ko ibebenta ang aking katawan. Kaya huwag na huwag mo akong utosan na gawin ang bagay na iyan, Aling Maria!” Hindi ko mapigilang mapasigaw sa harap niya. Nanlaki ang kaniyang mga mata at sinampal ako.

“At ang lakas ng loob mo para sigawan ako! Wala akong pakialam kung naghihirap ka sa buhay! Bayaran mo lang ako para matapos na ito at kung hindi, mapipilitan akong paalisin ka rito!”

“Aling Maria, kahit isang buwan lang po. Wala akong ibang matutuloyan kapag pinaalis niyo ako rito,” pagmamakaawa ko ngunit hindi siya nakinig. Tinalikuran niya ako at nagsimulang kunin ang mga gamit na pwedeng masangla sa loob ng aking kwarto. “Huwag niyo naman po gawin ‘to sa akin. Nagmamakaawa po ako sa inyo.” Lumuhod ako at nagsimulang umiyak. Hindi ako pwedeng umalis dito lalo na’t wala akong mga kakilalang kamag-anak. Wala akong ibang matutuloyan at mahihingan ng tulong.

“Kahit umiyak ka pa ng dugo riyan hindi mo mababago ang desisyon ko! Umalis kana rito kung wala kang pambayad sa akin!” sigaw ni Aling Maria.

Inilabas nilang lahat ang aking mga gamit. Umiiyak ako habang pinupulot ang mga nakakalat kong gamit sa labas ng aking kwarto. Panay ang bulongan ng mga renters habang nakatingin silang lahat sa akin. Mabilis kong inilagay sa malaking bag ang aking mga gamit. Nakita ko sina Aling Maria at ang tatlong lalaki na lumabas sa aking kwarto. Padabog niyang isinara ang pinto at kinandado ito.

“Ganiyan din ang mangyayari sa inyo kapag hindi kayo marunong magbayad!” sigaw niya sa ibang renters.

Isa-isa silang bumalik sa kani-kanilang mga kwarto at iniwan ako. Nakaramdam ako ng sobrang hiya sa lahat ng nakakita sa nangyari. Pagkatapos kong pulotin lahat ng mga gamit ay dumiretso ako sa terminal ng mga bus. Hindi na ako nakapagbihis at nakapag-ayos sa sarili dahil sa sobrang hiya. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Mahigit isang oras akong nanatili sa bus terminal habang umiiyak. Napapansin ko rin ang pagtingin ng ibang pasahero sa akin sa tuwing napapadaan sila sa harapan ko.

Kinuha ko ang aking cellphone sa loob ng bag nang napansin kong may tumatawag. Huminga muna ako ng malalim bago ko ito sinagot. “Hello, sino po ‘to?” tanong ko sa kabilang linya nang nakita ang unknown number.

“Si Miss Enriquez po ba ito?” tanong ng isang babae sa kabilang linya.

“Opo. Bakit po?”

“Isa ako sa mga nurse na nag-aalaga sa Nanay mo. Pwede ka po bang pumunta rito? Ayaw niyang uminom ng gamot, Ma’am,” mahinahong sabi niya na siyang nagpaiyak sa akin muli. “Mahigit tatlong oras na po siyang nagwawala, Ma’am. Naiisturbo niya po ang ibang pasiyente. Pinapasabi rin po ni Dr. Alejandro kung nakapag-isip na po ba kayo tungkol sa operasiyon ng Nanay niyo, Ma’am. Kung hindi po kayo busy ngayong araw baka pwede po kayong pumunta rito para makausap si –”

Pinutol ko ang tawag at mabilis na pinunasan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Kinuha ko ang aking mga dalang gamit at nagsimulang maglakad paalis ng bus terminal. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Hinayaan ko ang aking sarili kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga problema ko. Saan ako kukuha ng pera para sa operasiyon ni Nanay kung hindi sapat ang sahod ko bilang isang cashier sa pinapasokan kong trabaho?
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Hindi ko rin po alam. First ko makaranas ng ganito sa book ko. Huhu 🥹
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
thank youu
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
thank you po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0002

    Nakaramdam ako ng gutom habang naglalakad sa daan. Nakalimutan kong kumain kanina dahil dumating si Aling Maria. Hindi ko rin nadala ang paboritong ulam ni Nanay na niluto ko. May nakita akong maliit na tindahan at naglakad patungo roon. Bumili ako ng limang pirasong tinapay at isang bote ng tubig.

    Last Updated : 2024-05-31
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0003

    "You want me to marry this woman kung hindi ko makikita si Andrea?" Napasinghap ang apo ng matanda. Hindi ko maiwasang tingnan ito ng masama nang nakita ang nakakainsulto niyang pagtingin sa akin. "I will not marry this woman!" "Asa ka rin na magpapakasal ako sa isang tulad mo, 'no!" galit na sing

    Last Updated : 2024-05-31
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0004

    Pakiramdam ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa ngayong araw. Nawalan ako ng matutuloyan at trabaho, pati mga gamit ko ay nawala rin sa akin dahil hindi ko nakuha kanina. Pumara ulit ako ng jeep patungo sa hospital kung saan naka-confine si Nanay. Tiningnan ko ang pera sa loob ng wallet

    Last Updated : 2024-05-31
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0005

    Nanginginig ang aking kamay habang hinihintay na sagotin ni Chairman Marcelo ang tawag ko. Kakapalan ko na ang pagmumukha ko. "Hello? Sino po sila? Ako po ang personal assistant ni Chairman Marcelo." "A-Anabelle Enriquez po, Sir. Pwede ko po bang makausap si Chairman?" sagot ko habang kinakagat

    Last Updated : 2024-05-31
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0006

    "Dearly beloved, we are gathered here today in the presence of God and these witnesses to join Raheel and Anabelle in holy matrimony. Marriage is a sacred union, a commitment of love and devotion between two souls." The priest looks at us, smiling warmly. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahaw

    Last Updated : 2024-06-01
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0007

    Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Raheel. Tama naman siya. Hindi namin parehong ginusto ang kasal na 'to. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko muna ang higaan ko. Ako ang matutulog sa sahig habang siya naman ay sa kama matutulog. Tinanggal ko rin ang ibang palamuti na inilagay sa buhok ko at

    Last Updated : 2024-06-02
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0008

    Bumaba ang paningin ko sa sahig nang may nakita akong tumutulong dugo. Napabuga ako nang hangin nang napansin ang sugat sa daliri niya. "May sugat ka," sabi ko. Itinago niya ang kamay niya sa akin. "I know. Hindi naman ako manhid. Matulog ka na," malamig niyang sabi. Naglakad siya patungo sa cab

    Last Updated : 2024-06-03
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0009

    Tumayo ako at ibinalik sa kanya ang mga pagkaing dinala niya. "Hindi pera ang habol ko sa pamilya mo, Raheel. Kung may ibang paraan lang para mailigtas si Nanay ay hindi na ako pumayag na ikasal sa taong kagaya mo. Alam kong kinasusuklaman mo ako pero huwag mong ipamukha sa akin na pera-pera lang

    Last Updated : 2024-06-04

Latest chapter

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0435

    Binigay niya sa akin ang susi ng room. Pagbukas ko sa pinto, bumungad sa amin ang mga katawan ng tao sa loob, nakahandusay sa sahig at naliligo ng sarili nilang mga dugo. Tinulongan kami ng staff sa pag-o-operate ng monitor upang mabilis mahanap si Brille. Nakita pa namim siyang kasama sina TJ at

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0434

    Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila.

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0433

    Brielle’s POV “Hindi ka pa ba inaantok? Hindi ba nangangawit ang mga kamay mo? Kanina mo pa sila hinihili,” sabi ko nang lumabas aki sa banyo. Katatapos ko lang maligo. “Hindi naman.” Ngumiti siya at sinulyapan ang triplets. “I can’t take off my eyes on them.” “Magpahinga na tayo. Tulog na ang m

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0432

    Brielle’s POV “Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni Ate Kaisha nang makasalubong ko siya sa hagdan kasama ang dalawang bata na sina Sevi at Macky. “Kailangan ko siyang puntahan,” natatarantang sabi ko. Sinulyapan ko si Macky. “Hindi siya pwedeng bumalik sa Pilipinas.” “Ano?” Bakas sa mukha n

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0431

    Brielle’s POV “Co-parenting?” hindi makapaniwalang tanong ni Ate Kaisha nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon sa bahay. Nagkibit-balikat siya at seryosong tumingin sa akin. “Suko na siya? Hindi ka na niya kukulitin?” “I don’t know. Siguro. Mas mabuti na rin ang ganoon. May karapatan din

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0430

    Brielle’s POV Pinagmasdan ko si Mark na niyayakap ang mga bata. Hindi maalis sa mga labi niya ang ngiti. Nangingilid ang mga luha niya sa saya. Hindi rin nagtagal ay dumating ang mga pulis. Ikuwento ko sa kanila ang mga nangyari. Gising na rin ang mga security guards sa bahay. Kinausap ng mga p

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0429

    Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang pinto ng bahay. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang katahimikan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko. Binuksan ko ang flashlight nang phone ko upang tingnan kung ano ang naapakan ko. Namilog ang aking mga mata at muntik ko ng mabitawan an

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0428

    Mark’s POV “Don’t you dare touch them!” sigaw ko kay Lander nang matapos kong makita ang pinadala niyang larawan sa akin. Isa sa nag-aalaga ng kambal ay tauhan ni Lander. Ilang beses ko nang tinawagan si Brielle, pero hindi ko siya makontak. “Bumalik ka sa Pilipinas kung ayaw mong mapaaga ang

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0427

    Brielle’s POV 3K’s Coffee Shop Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang pagbukas nito. Doon ko nakita si Mark, naka-apron at abala sa pag-aasikaso ng mga customer. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ko inaasahang makikita siya rito, sa coffee shop ko. “Brielle,” tawag niya sa akin nang m

DMCA.com Protection Status