Share

Kabanata 0002

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2024-05-31 02:51:17

Nakaramdam ako ng gutom habang naglalakad sa daan. Nakalimutan kong kumain kanina dahil dumating si Aling Maria. Hindi ko rin nadala ang paboritong ulam ni Nanay na niluto ko. May nakita akong maliit na tindahan at naglakad patungo roon. Bumili ako ng limang pirasong tinapay at isang bote ng tubig.

Kumakain ako ng tinapay hanggang sa napadpad ako sa isang iskinita kung saan may nakita akong kumpolan ng mga lalaki. Nagtago ako sa likod ng poste at sinusubokang tingnan ang kanilang ginagawa. May nakita akong matandang lalaki na nakahiga sa lupa habang ito’y binubugbog at sinisipa ng mga kalalakihan.

“Papatayin ka namin!” sigaw ng isang lalaki.

Kinilabotan ako sa aking narinig. Sinuntok niya ang mukha nito at sinipa. Kumuha ako ng mga maliliit na bato at iniligay iyon sa aking bulsa. Nagsuot din ako ng face mask para matakpan ang aking mukha. Kung hindi ako tutulong paniguradong mamamatay ang taong binugbog nila.

Ibinato ko sa iba’t-ibang parte ng lugar ang mga bato upang gumawa ng ingay. Naalarma silang lahat sa aking ginagawa. Dahan-dahan akong lumapit sa grupo ng kalalakihan habang nagtatago sa mga puno.

“Halagubgubin niyo ang buong lugar baka nasundan tayo!” utos ng lalaki na medyo may kalakihan ang pangangatawan. Siya ang sumuntok at sumipa sa mukha ng lalaki.

Naglagay ako ng buhangin sa kabilang bulsa ng aking sinusuot na jacket. Umalis ang ibang kalalakihan at naiwan ang tatlong lalaki. Kumuha ako ng maliit na bato sa loob ng aking bulsa at binato sa kanilang direksiyon. Tumama sa ulo ng lalaking may malaking katawan ang bato. Nakaramdam ako ng pinaghalong kaba at takot sa aking ginagawa lalo na’t hindi ko kilala kung sinu-sino silang lahat. Nakatalikod silang tatlo kaya dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanilang likuran ng hindi nila namamalayan. Tiningnan ko ang matandang lalaki, hindi ko alam kung buhay pa ba ito o patay na dahil nakapikit ang mga mata nito.

Napatalon ako sa gulat nang pag-angat ko ng tingin ay nakatingin na ang tatlong lalaki sa akin. Pinapalibutan nila ako habang may ngiti sa labi.

“Are you here to save this old man?” Hindi ako sumagot. Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa bulsa ng jacket at kumuha ng buhangin. “Take off your mask or we will kill —”

Mabilis kong itinapon sa kanilang mga mukha ang buhangin. Napaungol at napamura ang mga lalaki habang kinukusot ang kanilang mga mata. Tinulongan kong tumayo ang matandang lalaki nang nakita ko siyang gumalaw.

“Bilisan mo, Sir!” bulong ko saka inalalayan siyang maglakad. May kinuha siya sa kaniyang bulsa at ibinigay ito sa akin.

“D-Drive my c-car,” wika niya sabay turo ng itim na sasakyan. Pinipilit niyang lumakad kahit hinang-hina na siya. Mabilis kong kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan at inalalayan siya patungo roon.

Binitawan ko siya at mabilis akong tumakbo patungo sa kaniyang sasakyan. Pumasok ako sa loob at agad na pinaandar ang makina ng sasakyan. Inalalayan ko siyang makapasok sa loob ng sasakyan saka pinahiga. Dali-dali akong pumasok pabalik sa driver’s seat nang nakita kong tumatakbo patungo sa amin ang mga bumugbog sa kaniya.

Nang sa tingin ko ay nakalayo na kami sa mga humahabol sa amin, pinark ko sa kilid ng kalsada ang sasakyan. Chineck ko ang kaniyang palapulsohan. Napapikit ako nang mapansing hindi na siya humihinga. Dali-dali kong kinapa sa aking bulsa ang cellphone at dinial ang 911. Inilagay ko ang cellphone sa gilid niya at dumungaw muna ako sa labas ng bintana para i-check kung nasaan kami. Ibinigay ko sa kanila ang lokasiyon.

“Pakibilisan dahil hindi na siya humihinga!” natatarantang sigaw ko sa kabilang linya.

Bumuntong hininga ako at ni-ready ang sarili para bigyan siya ng chest compression. Chineck ko muli ang kaniyang palapulsohan. Napaupo ako ng bumalik muli ang kaniyang heartbeat.

“Thanks, God!” usal ko sa sarili at mabilis na bumalik sa driver’s seat.

Pinaandar ko ang makina at pinaharurot ito patungo sa isang malapit na hospital. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na hintaying dumating ang emergency team. Kung hihintayin ko sila baka tuloyan ng mamamatay ang taong ‘to.

Pinark ko ang sasakyan malapit sa emergency at tumakbo patungo sa loob. “Tulongan niyo ako, walang malay ang kasama ko sa loob ng sasakyan!”

Mabilis silang kumilos at sumunod sa akin. Binuksan ko ang sasakyan at maingat nilang inilagay sa scoop stretcher ang matandang lalaki.

Hindi na ako sumunod sa kanila nang hilahin nila ang stretcher papasok sa loob ng hospital. Umupo ako sa isang bakanteng upoan malapit sa front desk. Nasapo ko ang aking noo ng makalimutan ko ang aking mga dalang gamit. Pati uniform ko sa trabaho ay hindi ko nadala. Tanging cellphone at pitaka lang ang aking nakuha ko. Huminga ako ng malalim habang tumitingin sa malaking orasan sa aking harapan.

“Where’s, Grandpa?! I need to see my him!”

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumingin sa lalaking nakatayo sa front desk.

“Please calm down, Sir Raheel. Your Grandpa will be okay. We will just wait his doctor and will ask him about the condition of your Grandma, Sir.” Pagpapakalma ng nurse sa kaniya.

“Hindi ako kakalma hangga’t hindi ko siya nakikita!” sigaw ni Raheel sa nurse.

Tumingin ako sa malaking orasan. Napatayo ako ng makitang tatlong oras na akong late sa trabaho. Ngunit bigla kong naalala na wala akong masusuot na uniporme. Sinubokan kong tawagan si Shiela, ang aking kasama sa trabaho para manghiram ng uniporme dahil rest day niya ngayon. Sa kasamaang palad, hindi ko siya makontak. Nakita kong lumabas ang doctor na nakausap ko kanina at patungo ito sa aming direksiyon. Tumingin siya sa akin at tumango bago kinausap ang lalaking nasa front desk na sinusubokang pakalmahin ng nurse.

“Good day, Sir Raheel!” bati ng doctor ngunit parang wala lang sa lalaki

“I need to see him,” mahina pero ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng pananalita ni Raheel. Bumalik ako sa pagkakaupo at nanatiling nakatingin sa kanila. “I badly want to see him. I want to check if he’s totally alright. You know that he is sick for years. How is he?”

Yumuko ang doctor habang nasa bitbit niyang papel ang paningin. “Tapos na po namin gamotin ang kaniyang mga sugat. Hindi ko alam kung saan niya ito nakuha. Mabuti na lang at dinala siya agad sa hospital. Nagka-cardiac arrest siya kanina.” Umaangat ang tingin ng doctor at tumingin sa akin. “You should thank her for saving his life,” wika ng doctor.

Tumayo ako at yumuko. “Magandang araw po,” bati ko habang kagat-kagat ang labi.

“This woman saves him?” Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki sa doctor.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ikinuyom ko ang aking mga kamao nang napansin ang ang pagtitig niya sa mula ulo hanggang paa. Nakakainsulto ang pagninitig niya.

“Yes, Sir. She saved him –”

“I don’t fucking care who save him from those bastards! I want to see him. Right. Now.” Lumingon siya sa akin. “Huwag kang aalis hanggat hindi nagigising si Lolo.”

“Pero may trabaho pa po ako –”

“I don’t care. Mananatili ka rito. Kung aalis ka, ibig sabihin kasabwat ka ng mga taong kumidnap kay Lolo!”

Napalingon kaming lahat sa body guard niyang tumatakbo patungo sa amin. Hinihingal itong humarap sa kaniya. “Nawawala po si Ma’am Andrea, Sir.”

“Nawawala ang bride?”

Lumipat ang paningin namin sa matandang lalaki na naka-wheelchair. Siya ang tinulongan ko kanina. May benda ang ibang parte ng katawan niya. Nagtataka tuloy ako kung bakit pinayagan siyang lumabas kahit kagigising niya lang.

“Lolo!” sambit ni Raheel saka nilapitan ang matanda. Bumaling siya sa kaniyang mga tauhan. “Ano ang tiningin-tingin niyo riyan? Hanapin niyo si Andrea!”

Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit ang matanda sa akin. Pinaalis niya ang ibang body guards nila. Inutosan niya akong magtulak sa wheel chair niya pabalik sa kaniyang room.

“If you can’t find your bride, mapipilitan akong ipakasal ka sa iba, Raheel,” sabi ng matanda pagpasok namin sa kwarto niya.

Natatawang umupo si Raheel sa kama at bumaling sa Lolo niya. “Hindi niyo pwedeng gawin sa akin ‘yan, Lolo –”

“Matanda na ako, hijo. Hindi natin alam kung ilang araw o buwan na lang akong mananatili rito sa mundo. Kung hindi ka maikakasal sa lalong madaling panahon wala kang makukuhang mana sa akin.” Tumingin ang matanda sa akin. “You’ll be the substitute bride if we can’t find his bride, hija.”
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Thank you poo 🩷
goodnovel comment avatar
Lia Repones
ang ganda magbasa
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Maraming salamat po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0003

    "You want me to marry this woman kung hindi ko makikita si Andrea?" Napasinghap ang apo ng matanda. Hindi ko maiwasang tingnan ito ng masama nang nakita ang nakakainsulto niyang pagtingin sa akin. "I will not marry this woman!" "Asa ka rin na magpapakasal ako sa isang tulad mo, 'no!" galit na sing

    Last Updated : 2024-05-31
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0004

    Pakiramdam ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa ngayong araw. Nawalan ako ng matutuloyan at trabaho, pati mga gamit ko ay nawala rin sa akin dahil hindi ko nakuha kanina. Pumara ulit ako ng jeep patungo sa hospital kung saan naka-confine si Nanay. Tiningnan ko ang pera sa loob ng wallet

    Last Updated : 2024-05-31
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0005

    Nanginginig ang aking kamay habang hinihintay na sagotin ni Chairman Marcelo ang tawag ko. Kakapalan ko na ang pagmumukha ko. "Hello? Sino po sila? Ako po ang personal assistant ni Chairman Marcelo." "A-Anabelle Enriquez po, Sir. Pwede ko po bang makausap si Chairman?" sagot ko habang kinakagat

    Last Updated : 2024-05-31
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0006

    "Dearly beloved, we are gathered here today in the presence of God and these witnesses to join Raheel and Anabelle in holy matrimony. Marriage is a sacred union, a commitment of love and devotion between two souls." The priest looks at us, smiling warmly. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahaw

    Last Updated : 2024-06-01
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0007

    Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Raheel. Tama naman siya. Hindi namin parehong ginusto ang kasal na 'to. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko muna ang higaan ko. Ako ang matutulog sa sahig habang siya naman ay sa kama matutulog. Tinanggal ko rin ang ibang palamuti na inilagay sa buhok ko at

    Last Updated : 2024-06-02
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0008

    Bumaba ang paningin ko sa sahig nang may nakita akong tumutulong dugo. Napabuga ako nang hangin nang napansin ang sugat sa daliri niya. "May sugat ka," sabi ko. Itinago niya ang kamay niya sa akin. "I know. Hindi naman ako manhid. Matulog ka na," malamig niyang sabi. Naglakad siya patungo sa cab

    Last Updated : 2024-06-03
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0009

    Tumayo ako at ibinalik sa kanya ang mga pagkaing dinala niya. "Hindi pera ang habol ko sa pamilya mo, Raheel. Kung may ibang paraan lang para mailigtas si Nanay ay hindi na ako pumayag na ikasal sa taong kagaya mo. Alam kong kinasusuklaman mo ako pero huwag mong ipamukha sa akin na pera-pera lang

    Last Updated : 2024-06-04
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0010

    Dalawang linggo na ang nakaraan mula nang natapos ang operasyon sa puso ni Nanay. Sa awa ng Diyos, matagumpay ang operasyon. Kagigising niya lang kahapon. Halos awayin ko na ang doktor sa kakatanong kung matagumpay ba talaga ang operasyon dahil ang tagal niyang nagising. Under monitoring pa rin si

    Last Updated : 2024-06-07

Latest chapter

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0435

    Binigay niya sa akin ang susi ng room. Pagbukas ko sa pinto, bumungad sa amin ang mga katawan ng tao sa loob, nakahandusay sa sahig at naliligo ng sarili nilang mga dugo. Tinulongan kami ng staff sa pag-o-operate ng monitor upang mabilis mahanap si Brille. Nakita pa namim siyang kasama sina TJ at

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0434

    Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila.

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0433

    Brielle’s POV “Hindi ka pa ba inaantok? Hindi ba nangangawit ang mga kamay mo? Kanina mo pa sila hinihili,” sabi ko nang lumabas aki sa banyo. Katatapos ko lang maligo. “Hindi naman.” Ngumiti siya at sinulyapan ang triplets. “I can’t take off my eyes on them.” “Magpahinga na tayo. Tulog na ang m

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0432

    Brielle’s POV “Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni Ate Kaisha nang makasalubong ko siya sa hagdan kasama ang dalawang bata na sina Sevi at Macky. “Kailangan ko siyang puntahan,” natatarantang sabi ko. Sinulyapan ko si Macky. “Hindi siya pwedeng bumalik sa Pilipinas.” “Ano?” Bakas sa mukha n

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0431

    Brielle’s POV “Co-parenting?” hindi makapaniwalang tanong ni Ate Kaisha nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon sa bahay. Nagkibit-balikat siya at seryosong tumingin sa akin. “Suko na siya? Hindi ka na niya kukulitin?” “I don’t know. Siguro. Mas mabuti na rin ang ganoon. May karapatan din

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0430

    Brielle’s POV Pinagmasdan ko si Mark na niyayakap ang mga bata. Hindi maalis sa mga labi niya ang ngiti. Nangingilid ang mga luha niya sa saya. Hindi rin nagtagal ay dumating ang mga pulis. Ikuwento ko sa kanila ang mga nangyari. Gising na rin ang mga security guards sa bahay. Kinausap ng mga p

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0429

    Nanginginig ang mga kamay kong binuksan ang pinto ng bahay. Pagpasok ko, bumungad sa akin ang katahimikan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko. Binuksan ko ang flashlight nang phone ko upang tingnan kung ano ang naapakan ko. Namilog ang aking mga mata at muntik ko ng mabitawan an

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0428

    Mark’s POV “Don’t you dare touch them!” sigaw ko kay Lander nang matapos kong makita ang pinadala niyang larawan sa akin. Isa sa nag-aalaga ng kambal ay tauhan ni Lander. Ilang beses ko nang tinawagan si Brielle, pero hindi ko siya makontak. “Bumalik ka sa Pilipinas kung ayaw mong mapaaga ang

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0427

    Brielle’s POV 3K’s Coffee Shop Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang pagbukas nito. Doon ko nakita si Mark, naka-apron at abala sa pag-aasikaso ng mga customer. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ko inaasahang makikita siya rito, sa coffee shop ko. “Brielle,” tawag niya sa akin nang m

DMCA.com Protection Status