Share

Kabanata 0007

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2024-06-02 01:34:21

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Raheel. Tama naman siya. Hindi namin parehong ginusto ang kasal na 'to.

Pagkatapos kong magbihis, inayos ko muna ang higaan ko. Ako ang matutulog sa sahig habang siya naman ay sa kama matutulog. Tinanggal ko rin ang ibang palamuti na inilagay sa buhok ko at sinuklay-suklay ko ang mahaba kong buhok. Nang matapos na akong magsuklay ay roon pa lang ako lumabas ng kwarto para balikan ang ibang panauhin.

Pagbaba ko nang hagdanan, nakita ko sina Chairman Marcelo at Raheel na nag-uusap. Sumilip ako sa labas, umuwi na ang ibang guest dahil wala na akong nakita.

Nginitian ako ni Chairman Marcelo nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Kumaway siya sa akin at pinapapunta sa kinaroroonan nila.

"Nagustohan mo ba ang mga binili kong damit para sa 'yo?" tanong ni Chairman Marcelo habang sumisimsim siya ng tsaa.

Tumango ako at umupo sa tabi ni Raheel. "Maraming salamat po. Nag-abala pa po kayo," nahihiyang saad ko.

May kinuha si Chairman Marcelo sa bulsa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang inabot niya sa akin ang kulay itim na ATM card.

"You can use this to buy some things na kailangan mo. You can shop and go everywhere if you want," sabi ni Chairman Marcelo.

Nahihiyang ibinalik ko sa kaniya ang itim na card. "Hindi na po kailangan, Chairman. Sapat na po ang perang ibinigay niyo para sa operasiyon ni Nanay. Wala naman po akong ibang gamit na bibilhin."

"Itago mo na lang 'yan. Magagamit mo rin 'to, hija."

"Accept it. Ang dami mo pang sinasabi," sabi ni Liam bago ininom ang wine sa baso niya. "Matutulog na ako kung wala na kayong ibang sasabihin, Lolo. May meeting pa ako bukas."

Wala akong ibang nagawa kundi tanggapin ang ibinigay niyang black card sa akin. Kung mag-iinarte pa ako baka mas lalong mairita ang apo niya sa akin.

"Raheel, hintayin mo ang asawa mo," sabi ni Chairman Marcelo nang naunang naglakad si Raheel paakyat ng hagdanan.

Raheel rolled his eyes at ipinagpatuloy ang paglalakad niya. Napansin ko ang pagbagsak ng dalawang balikat ni Chairman Marcelo.

"Pagpasensiyahan mo na ang apo ko, hija. Magaspang talaga ang ugali niya. May pinagmanahan kasi," sabi ni Chairman Marcelo habang napapailing.

"Ayos lang po. Hindi naman din big deal sa akin ang ugali niya." Dumapo ang paningin ko sa malaking frame na nasa harapan ko. "Sino po sila?"

Napalingon si Chairman Marcelo sa frame na tinitingnan ko. "Mga magulang 'yan ni Raheel."

"Nasaan po sila?" Curious kong tanong.

"Matagal na silang patay. Naaksidente kasi sila noong bata pa si Raheel. During his 10th birthday, may bagyo kasi that time tapos nagpumilit na umuwi ang mga magulang niya upang ipagdiriwang ang kaarawan niya. 'Yon din kasi ang gusto ni Raheel. Nasanay siyang palaging nandiyan ang mga magulang niya sa tuwing ipinagdiriwang ang kaarawan niya. Pero sa mismong kaarawan ni Raheel, hindi namin inaasahan na uuwi ang mga magulang niya sa bahay na wala ng buhay."

Napabuntong hininga ako. Nagsisisi tuloy ako kung bakit pa ako nagtanong. Si tatay rin namatay dahil naaksidente siya.

"Hindi ka pa ba inaantok, hija? Pupuntahan pa natin ang Nanay mo bukas." Tumayo si Chairman Marcelo at ibinigay sa katulong ang basong may lamang tsaa.

"Sige po. Aakyat na po ako para makapagpahinga na rin ako. Kayo rin po, Chairman," saad ko.

Tumango lang siya at nginitian ako. Nasa unang palapag lang ang kwarto niya dahil may edad na siya at mabilis lang siyang mapagod kung aakyat pa siya ng hagdanan. Nang hindi ko na siya makita ay saka pa lang ako umakyat ng hagdanan patungo sa kwarto namin ni Raheel.

Huminga muna ako ng malalim at kumatok bago binuksan ang pintuan. Pagpasok ko sa loob, nakita ko na namang nakabukas ang bintana sa kwarto niya. Nakaupo si Raheel habang nasa malayo ang paningin. Maingat kong kinuha ang kumot ko bago humiga sa sahig.

"Sa kama ka matutulog. Ako ang hihiga riyan," sabi niya gamit ang malamig niyang boses.

"Ayos lang. Sanay naman akong humiga sa sahig," pinilit ko ang sarili kong makipag-usap ng normal sa kaniya at hindi naiilang.

"Sleep on my bed. Baka gusto mo akong makatabi riyan sa sahig?" sarkastikong tanong niya. Napansin ko ang pag-igting ng bagang niya.

Bumuga ako ng hangin bago bumangon at sinunod ang sinabi niya. Matutulog na lang ako sa kama niya kesa makatabi siya.

"Good. Don't be scared. Hindi naman kita sasaktan," saad niya.

Napalingon ako sa kaniya nang napansin ang dalawang bote ng wine sa sahig. Wala ng laman ang isang bote at paubos na rin ang laman ng isa pang bote. Nagsindi siya ng sivarilyo sinimsim ito. Hindi ko alam kung ilang minuto ko siyang pinagmasdan sa ginagawa niya. Para siyang problemado sa inaasta niya ngayon.

"Huwag mo akong titigan ng ganiyan."

Agad kong ipinikit ang mga mata ko at nagpanggap na tulog. May narinig akong nabasag pero hindi ko iminulat ang mga mata ko.

"Damn it! I hate this life!" malutong na mura niya.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko para tingnan siya at kung ano ang nabasag na bagay. Bumaba ang paningin ko sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang basag na bote ng wine. Napabalikwas ako ng bangon nang nakitang hawak niya ang basag na bote.

"Raheel!" sambit ko at inagaw sa kaniya ang basag na bote. "Magpapakamatay ka ba? Nasisiraan ka na ba ng bait?" Itinapon ko sa basurahan ang nabasag na bote at binuksan ang mga ilaw. "Huwag kang magpapakamatay sa harapan ko. Baka ako ang ituturo nilang may kasalanan kapag nakita kang wala ng buhay dahil ako ang kasama mo rito sa kwarto!"

Hindi ko maitago ang iritasiyon na nararamdaman ko habang chinicheck ang sahig kung malinis na ba.

"Hindi ako magpapakamatay. Nabitawan ko lang ang bote kaya nabasag. Huwag kang mag-aalala dahil sisiguradohin kong walang makakakita sa akin kung magpapakamatay man ako," sabi niya at naglakad papasok ng banyo.

Napapikit ako sa sobrang hiya. Dapat pala ay natulog na lang ako kesa bantayan siya kung ano ang ginagawa niya.
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Curambao Rocelyn
anu ba yan balik sa uno..nakakawalang gana naman magbass haist
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0008

    Bumaba ang paningin ko sa sahig nang may nakita akong tumutulong dugo. Napabuga ako nang hangin nang napansin ang sugat sa daliri niya. "May sugat ka," sabi ko. Itinago niya ang kamay niya sa akin. "I know. Hindi naman ako manhid. Matulog ka na," malamig niyang sabi. Naglakad siya patungo sa cab

    Last Updated : 2024-06-03
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0009

    Tumayo ako at ibinalik sa kanya ang mga pagkaing dinala niya. "Hindi pera ang habol ko sa pamilya mo, Raheel. Kung may ibang paraan lang para mailigtas si Nanay ay hindi na ako pumayag na ikasal sa taong kagaya mo. Alam kong kinasusuklaman mo ako pero huwag mong ipamukha sa akin na pera-pera lang

    Last Updated : 2024-06-04
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0010

    Dalawang linggo na ang nakaraan mula nang natapos ang operasyon sa puso ni Nanay. Sa awa ng Diyos, matagumpay ang operasyon. Kagigising niya lang kahapon. Halos awayin ko na ang doktor sa kakatanong kung matagumpay ba talaga ang operasyon dahil ang tagal niyang nagising. Under monitoring pa rin si

    Last Updated : 2024-06-07
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0011

    Nanatili ako sa labas ng kwarto ni Nanay dahil nagwawala siya kapag nakikita niya ako. Magdadalawang oras na ako sa labas habang hinihintay na kumalma si Nanay. Wala akong ibang hinihiling kundi ang gunaling siya. Hindi ko aakalain na panunumbat ang makukuha ko sa kaniya matapos kong gawin ang lah

    Last Updated : 2024-06-13
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0012

    Bumaba ako sa kama at inayos pinulot ang damit niya na nasa sahig. Pag-angat ko ng tingin, dumapo ang mga mata ko sa isang papel na nasa drawer niya. Naglakad ako patungo roon para tingnan sana ito, ngunit biglang bumukas ang pinto. "Bakit mo hawak ang damit ko?" tanong ni Raheel. Marahas niyang h

    Last Updated : 2024-06-14
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0013

    Maraming tao sa loob ng kompanya nila. Pakiramdam ko ako lang ang naiiba sa lahat. Ang ganda-ganda ng mga kasuotan nila. Halatang mamahalin ang mga ito. "Your wife is here," saad ng lalaking misteso nang pumasok kami sa opisina ni Raheel. Nakaupo sila sa couch habang nagyoyosi. Kaya ko nalaman n

    Last Updated : 2024-06-15
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0014

    Nakaupo lang ako sa sulok habang pinagmamasdan ang mga empleyado na umiinom ng alak at sumasayaw pagkatapos ng program. Nagpaalam si Chairman Marcelo sa akin kanina na mauuna siyang umuwi dahil inaantok na siya. Gusto kong sumabay sa kaniya pero hindi siya pumayag dahil hindi pa raw umuuwi si Raheel

    Last Updated : 2024-06-16
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0015

    Nagpatulong ako sa driver namin na ipasok si Raheel papasok sa mansiyon. Pati si Kuya Berting ay nahihirapan siyang alalayan si Raheel dahil mabigat ito at may katandaan na siya. Nang nakita kami ng ilang mga bodyguards sa mansiyon, pinagtulongan nilang buhatin paakyat ng hagdanan si Raheel patung

    Last Updated : 2024-06-19

Latest chapter

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0439

    Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Paka

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0438

    Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lug

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0437

    “Thank you for helping me, hijo,” malumanay niyang sabi nang makasalubong ko siya sa lobby. I accepted her offer three days ago because she promised to help me find my wife and get back the things that belong to me. I am the newly appointed CEO of Sanchez Group. Walang alam si Lander na pinatals

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0436

    Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang akin

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0435

    Binigay niya sa akin ang susi ng room. Pagbukas ko sa pinto, bumungad sa amin ang mga katawan ng tao sa loob, nakahandusay sa sahig at naliligo ng sarili nilang mga dugo. Tinulongan kami ng staff sa pag-o-operate ng monitor upang mabilis mahanap si Brille. Nakita pa namim siyang kasama sina TJ at

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0434

    Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila.

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0433

    Brielle’s POV “Hindi ka pa ba inaantok? Hindi ba nangangawit ang mga kamay mo? Kanina mo pa sila hinihili,” sabi ko nang lumabas aki sa banyo. Katatapos ko lang maligo. “Hindi naman.” Ngumiti siya at sinulyapan ang triplets. “I can’t take off my eyes on them.” “Magpahinga na tayo. Tulog na ang m

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0432

    Brielle’s POV “Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni Ate Kaisha nang makasalubong ko siya sa hagdan kasama ang dalawang bata na sina Sevi at Macky. “Kailangan ko siyang puntahan,” natatarantang sabi ko. Sinulyapan ko si Macky. “Hindi siya pwedeng bumalik sa Pilipinas.” “Ano?” Bakas sa mukha n

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0431

    Brielle’s POV “Co-parenting?” hindi makapaniwalang tanong ni Ate Kaisha nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon sa bahay. Nagkibit-balikat siya at seryosong tumingin sa akin. “Suko na siya? Hindi ka na niya kukulitin?” “I don’t know. Siguro. Mas mabuti na rin ang ganoon. May karapatan din

DMCA.com Protection Status