Share

Kabanata 0004

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2024-05-31 02:52:10

Pakiramdam ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa ngayong araw. Nawalan ako ng matutuloyan at trabaho, pati mga gamit ko ay nawala rin sa akin dahil hindi ko nakuha kanina.

Pumara ulit ako ng jeep patungo sa hospital kung saan naka-confine si Nanay. Tiningnan ko ang pera sa loob ng wallet ko. Bumagsak ang balikat ko nang nakita ang isang libong piso. Paano ko pagkakasyahin ang perang 'to? Maghahanap pa ako ng matitirahan at trabaho. Bibigyan ko pa ng sahod si Lara dahil siya ang nagbabantay kay Nanay habang wala ako.

"Kuya, bayad po," sabi ko sabay abot ng isang libong piso.

Kumunot ang noo ng jeepney driver nang nakita ang pera ko. "Wala ka bang barya riyan, hija? Bente pesos lang ang makukuha sa pera mo. Mauubos ang perang panukli ko."

"Wala po akong barya, Manong. Ito lang talaga ang meron sa 'kin -"

"Bayad po, Manong. Ako na lang po ang magbabayad sa pamasahe niya."

Napalingon ako sa lalaking katabi ko. Nahihiyang ibinalik ko na lang sa wallet ang pera ko. "T-Thank you," usal ko.

Ngumiti lang siya sa akin. Hindi rin nagtagal ay bumaba na siya sa kabilang kanto.

"Manong, para po," sabi ko nang nasa tapat na ako ng hospital.

Pagbaba ko ay dumiretso ako sa isang sari-sari store na nagtitinda ng kanin at ulam. Kumain muna ako roon dahil hindi ko na talaga kayang pigilan ang pangangalam ng tiyan ko. Habang kumakain ay naki-charge na rin ako sa tindahan dahil ubos na ang baterya ng cellphone ko.

"Maraming salamat po," usal ko pagkatapos kong kumain at kunin ang cellphone.

Muntik ko nang mabitawan ang pagkaing binili ko para kay Lara nang napansin ang sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ko. Tiningnan ko ang mensahe galing kay Lara. Napatakip ako nang bibig at nabitawan ang pagkaing hawak ko.

From: Lara

Inataki sa puso ang Nanay mo. Pumunta ka ngayon sa hospital!

Para akong kabayong nakalabas sa hawla sa sobrang bilis ng pagtakbo ko papasok ng hospital. Halos nabangga ko lahat nang mga nakakasalubong ko sa daan sa pagmamadali. Napahawak ako sa dibdib ko nang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako para kay Nanay. Pinunasan ko ang namumuong luha sa aking mga mata habang hinihabol ang paghinga ko.

"Lara!" sambit ko nang nakita ko siya sa labas ng kwarto ni Nanay. Pinapatahan siya ng isang nurse. Mas lalo lang akong nakaramdam ng kaba sa nangyayari. "Nasaan si Na-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nahagip ng mga mata ko si Nanay na nag-aagaw buhay.

"Ma'am, hindi po kayo pwedeng pumasok!" saway ng nurse na nagpapatahan kay Lara nang sinubokan kong buksan ang pintuan. Naka-lock ito.

"Nay!" paulit-ulit kong sambit habang nakadungaw sa bintana. Halos masira ko na ang pinto. "Papasokin niyo ako! Kailangan kong makita si Nanay!"

"Ginagawa po namin ang lahat para mailigtas ang buhay ng Nanay niyo, Ma'am. Kumalma po kayo -"

"Paano ako kakalma? Nag-aagaw buhay si Nanay sa loob!" galit na sigaw ko sa nurse. Sinipa ko ang pinto at hinayaang lumabas ang aking mga luha. Lumapit ako sa nurse. "Gawin niyo ang lahat para mailigtas si Nanay. Maawa kayo sa akin..."

"Ginagawa po namin ang lahat ng makakaya namin to save your mother, Ma'am. Please, calm down. Hintayin na lang natin na lumabas ang doktor."

Nakadungaw lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang doktor at mga nurses sa ginagawa nila kay Nanay. Nakahinga lang kaming lahat ng maluwang nang bumalik ang heartbeat ni Nanay.

Dali-dali akong pumasok para makita si Nanay paglabas ng mga nurses. Tanging si Dr. Santos na lang ang naiwan sa loob, minomonitor niya ang ibang tube na nakakabit sa katawan ni Nanay.

"Kumusta po si Nanay?" nag-aalalang tanong ko sa doktor. Suminghap ako saka pinunasan ang mukha ko.

"Kailangan niya ng maoperahan, Ma'am. Habang tumatagal ay mas lalong nanghihina ang katawan niya. Hindi siya pwedeng atakihin ulit dahil..." Tumingin ang doktor sa akin. Bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko. "She might die if we cannot do the operation as soon as possible."

"Wala na po ba talagang ibang paraan, Dok?" Bumuhos na naman ang mga luha ko. "Wala po akong ganoong kalaking halaga ng pera para sa operasiyon ni Nanay. Ubos na ang naipon kong pera sa mga gamot niya at ibang kailangan dito sa hospital."

"Kung hindi siya maooperahan sa lalong madaling panahon, baka hindi niya kayanin ang sakit niya, Ma'am."

Isinubsob ko ang mukha ko sa kama pagkatapos naming mag-usap ng doktor. Hinawakan ko ang kamay ni Nanay at hinalikan ito. Hindi pa ako handang mawala si Nanay sa akin. Ulila na ako sa ama, ayokong maranasang maulila rin sa ina. Siya na lang ang natitira kong pamilya.

"Ate Ana, hindi ka ba papasok sa trabaho ngayon?"

Bumaling ako kay Lara. Nililigpit niya ang kaniyang pinagkainan. "Hindi na," tipid kong sagot.

"Uuwi muna ako sa amin. Kukuha lang ako ng mga gamit sa bahay, Ate Ana."

Tumango ako. "Sige. Mag-ingat ka sa biyahe. Tawagan o i-text mo lang ako kung anong oras ka makakabalik dito."

Pagkalabas ni Lara, kinuha ko ang calling card na binigay sa akin ni Chairman Marcelo kanina.

"Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, Nanay. Kumapit ka lang. Huwag mo muna akong iiwan," bulong ko at muling hinalikan ang kamay niya.

Huminga muna ako ng malalim bago dinial ang numero ni Chairman Marcelo. Kung kapalit ng inalok niyang pagpapakasal sa apo niya ang makakatulong sa akin para mailigtas si Nanay, tatanggapin ko.

Related chapters

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0005

    Nanginginig ang aking kamay habang hinihintay na sagotin ni Chairman Marcelo ang tawag ko. Kakapalan ko na ang pagmumukha ko. "Hello? Sino po sila? Ako po ang personal assistant ni Chairman Marcelo." "A-Anabelle Enriquez po, Sir. Pwede ko po bang makausap si Chairman?" sagot ko habang kinakagat

    Last Updated : 2024-05-31
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0006

    "Dearly beloved, we are gathered here today in the presence of God and these witnesses to join Raheel and Anabelle in holy matrimony. Marriage is a sacred union, a commitment of love and devotion between two souls." The priest looks at us, smiling warmly. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahaw

    Last Updated : 2024-06-01
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0007

    Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Raheel. Tama naman siya. Hindi namin parehong ginusto ang kasal na 'to. Pagkatapos kong magbihis, inayos ko muna ang higaan ko. Ako ang matutulog sa sahig habang siya naman ay sa kama matutulog. Tinanggal ko rin ang ibang palamuti na inilagay sa buhok ko at

    Last Updated : 2024-06-02
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0008

    Bumaba ang paningin ko sa sahig nang may nakita akong tumutulong dugo. Napabuga ako nang hangin nang napansin ang sugat sa daliri niya. "May sugat ka," sabi ko. Itinago niya ang kamay niya sa akin. "I know. Hindi naman ako manhid. Matulog ka na," malamig niyang sabi. Naglakad siya patungo sa cab

    Last Updated : 2024-06-03
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0009

    Tumayo ako at ibinalik sa kanya ang mga pagkaing dinala niya. "Hindi pera ang habol ko sa pamilya mo, Raheel. Kung may ibang paraan lang para mailigtas si Nanay ay hindi na ako pumayag na ikasal sa taong kagaya mo. Alam kong kinasusuklaman mo ako pero huwag mong ipamukha sa akin na pera-pera lang

    Last Updated : 2024-06-04
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0010

    Dalawang linggo na ang nakaraan mula nang natapos ang operasyon sa puso ni Nanay. Sa awa ng Diyos, matagumpay ang operasyon. Kagigising niya lang kahapon. Halos awayin ko na ang doktor sa kakatanong kung matagumpay ba talaga ang operasyon dahil ang tagal niyang nagising. Under monitoring pa rin si

    Last Updated : 2024-06-07
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0011

    Nanatili ako sa labas ng kwarto ni Nanay dahil nagwawala siya kapag nakikita niya ako. Magdadalawang oras na ako sa labas habang hinihintay na kumalma si Nanay. Wala akong ibang hinihiling kundi ang gunaling siya. Hindi ko aakalain na panunumbat ang makukuha ko sa kaniya matapos kong gawin ang lah

    Last Updated : 2024-06-13
  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0012

    Bumaba ako sa kama at inayos pinulot ang damit niya na nasa sahig. Pag-angat ko ng tingin, dumapo ang mga mata ko sa isang papel na nasa drawer niya. Naglakad ako patungo roon para tingnan sana ito, ngunit biglang bumukas ang pinto. "Bakit mo hawak ang damit ko?" tanong ni Raheel. Marahas niyang h

    Last Updated : 2024-06-14

Latest chapter

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0391

    Brielle’s POV “Kailan ka ba talaga uuwi?” tanong ko kay Mark. Dalawang linggo na siyang nasa Spain, pagkatapos niyang kausapin ang sinasabing potential investors ay sa Italy naman siya pupunta. Sinandal ko ang ulo ko sa kama habang nag-iimpaki ng mga gamit kasi pupunta na ako sa London. “I d

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0390

    “Dad!” sambit ko. “Why?” Ngumiti si Daddy. “Simula nang naging close kayong dalawa, nagkalaman ka na. Blooming ka rin araw-araw. In love ka na ba sa kaniya, Brielle?” “Alam n’yo, nagtataka ako kung anak n’yo ba talaga ako!” Pinagkrus ko ang aking mga braso. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at b

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0389

    Brielle’s POV “Hold my hand,” bulong ni Mark nang nasa labas na kami ng restaurant na binook niya. “Why?” “Ayaw mo?” “Fine.” Pinagsiklop ko ang mga kamay namin. May lumapit na tatlong staffs sa amin. “Good morning, Sir Mark. Dumating na po ang Del Fuego Family,” saad ng isang staff. Si

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0388

    Brielle’s POV Pinagmasdan ko si Mark na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Pareho kaming napuyat kagabi, pero maaga pa rin akong nagising. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin at bumangon. Nagpasya akong maligo na lang muna habang natutulog siya. Pagkalabas ko sa banyo, t

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0387

    Brielle’s POV “Sorry na,” paglalambing kay Mark at hinaplos ang kaniyang likod nang makalapit na ako. “First time kong may nilalambing. Worst, hindi ko pa boyfriend.” “I won’t forgive you.” “What?” Hinampas ko ang balikat niya kaya napasigaw siya. “Ikaw na nga itong nilalambing tapos ikaw pa ang

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0386

    Brielle’s POV “Saan ka galing? Buong araw kang wala.” Nagkibit-balikat ako at hinarap si Mark. Sinara ko ang pinto. “Bakit mo tinatanong? Concern ka pala sa akin?” “Hindi ako concern sa ‘yo! Hindi lang ako sanay na hindi kita nakikita.” Tinakpan ko ang bibig ko nang mapagtanto ang sinabi ko. “I m

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0385

    Brielle’s POV Tinitigan ko ang aking katawan sa malaking salamin habang si Mark ay nakayakap sa akin. Isubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko. Kanina ko pa gustong lumabas sa kwarto namin, pero palagi siyang nakasunod sa akin. “I’ll talk with your parents,” bulong niya sa tainga ko kaya bigla

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0384

    Brielle’s POV Masakit ang aking buong katawan nang magising ako kinabukasan. Napalingon ako kay Mark nang yakapin niya ako ng mahigpit. “Good morning, Lion Queen,” he whispered, hinalikan niya ang ulo ko. “Lion Queen? Ginagawa mo na akong hayop.” Ngumisi siya at hinaplos ang aking buhok. “Ho

  • The Billionaire's Substitute Bride   Kabanata 0383

    Brielle’s POV Nanigas ako nang bigla niya akong samahan sa bathtub. Para akong naging estatwa ng ilang minuto. “Sasamahan na lang kita para masanay ka na next time,” pilyong sabi ni Mark. Hindi ako makapagsalita. Niyakap ko ang aking sarili at pinikit ang aking mga mata. Ang init ng tubig ay

DMCA.com Protection Status