CHAPTER EIGHTJAZZLENEINIANGAT ko ang sandok sa bibig ko para tikman kung tama lang ba ang timpla ng niluto kong sinigang para sa hapunan. Ako ang nagluto ngayon dahil wala pa sina Mommy at Daddy. Umalis sila kaninang hapon, bandang alas-tres para mag-grocery at bumili ng stocks ko rito sa bahay dahil sa isang araw na sila aalis.Okay na ang timpla. Binitiwan ko na ang sandok, tinakpan ang kaserola at pinatay ang kalan. Hinugot ko na rin ang rice cooker sa outlet bago ko damputin ang phone ko sa mesa. I was about to leave the kitchen when my phone rang. Si mommy."Hi, mom," I greeted first.Hindi siya agad sumagot. Medyo maingay ang background, may mga nagtatawanan. "Hi, anak, Jazz. Nagluto ka na ba ng dinner?""Opo. Sinigang." Nasa hagdan na ako at paakyat sa taas, sa room ko."'Nak, hindi kami makakauwi agad ng daddy mo. 'Wag mo na kaming hintayin for dinner. Nakorner kasi kami ng mga classmates ko noon at nagkayayaan mag-dinner. Mauna na kayong kumain ng Kuya Adam mo."I rolled my
ปรับปรุงล่าสุด : 2024-05-10 อ่านเพิ่มเติม