PROLOGUE
"JAZZLENE, wait!"
Rinig ko ang pagtawag sa akin pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Hindi ko alam kung paanong hindi ako nadadapa sa kabila ng panlalabo ng paningin ko dahil sa luhang umaagos sa aking mga mata.
"Jazzlene!"
Ayoko siyang makita. Ayoko siyang makaharap. Masakit at parang hindi ko kayang tanggapin. Kaya ba hindi ako invited sa birthday ni Jenna?
Jenna is my best frie—no. It should be past tense. Was. Dahil simula ngayon hindi ko na rin siya kayang harapin. She was my best friend. We're both fifteen. Limang taon na kaming magkaibigan at para ko na rin siyang Ate kaya naman ngayong araw—sixteenth birthday niya ay nagtaka ako kung bakit hindi man lang niya ako inimbitahan.
Last week ay napag-usapan namin ni Jenna ang tungkol sa birthday niya kasama pa ang dalawa naming kaibigan na sina Sheena at Abigail na hindi na maghahanda. Wala kasi ang parents niya at nasa Thailand pa kung saan naka-base ang business nila. 'Tsaka na lang daw siya mag-ce-celebrate once na makauwi ang mga magulang.
Pero dahil sobra siyang malapit sa akin, gusto ko siyang sorpresahin at dalhan ng regalo kaya naisipan kong pumunta sa kanila nang mag-isa. Hindi kasi nag-re-reply sa mga chat at tawag ko sina Sheena at Abigail.
Nang makarating sa kanila, laking pagtataka ko dahil maraming sasakyan ang nakaparada sa harap ng bahay nila. Hindi pa man ako nakabababa ng taxi ay tumambad sa harapan ko ang mga tent na maayos na nakahilera sa maluwang nilang garden. Nakabukas ang gate ng bahay nila at doon inayos ang mga lamesa. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang catering na nasa gitna at ang mga taong kani-kaniyang huntahan at kainan sa bawat mesa.
Nalilito man ay dali-dali akong bumaba ng taxi habang bitbit ang shopping bag kung saan naroon ang swimsuit na binili ko sa kaniya bilang regalo. Nabanggit niya kasi sa amin noon na gusto niyang swimsuit ang matanggap sa birthday niya. Sa isang kamay naman ay bitbit ko ang box ng cake.
Malaya akong nakapasok dahil bukas ang gate at hindi rin napansin ng ibang tao ang presensya ko hanggang sa makarating ako sa maluwang nilang terrace. Doon pa lamang ako napansin ng ate ni Jenna na kalalabas lang sa main door. Bahagya pang namilog ang mga mata nito na tila ba nakakita ng multo.
"J-Jazzlene?"
"Hi, Ate Laira. Nasaan si Jenna?" tanong ko at saka kiming ngumiti.
Hindi pa man niya nasasagot ang tanong ko nang makarinig ako ng pamilyar na tawa mula sa loob. Tawa ng isang babae at lalaki na sinabayan ng pagtawa ng sa palagay ko ay mga magulang ni Jenna. Maglalakad na sana ako papasok nang muli ay makarinig ako ng pagtawa—boses nina Sheena at Abigail. Bigla ang pagkabog ng dibdib ko. Andito sila?
Itinuloy ko ang paglapit sa main door na nakabukas ngunit agad akong napahinto nang makita kung sino ang naroon sa loob—sa sala, magkakaharap at masayang nagtatawanan habang may mga pagkaing nakahain sa kanilang harapan sina Sheena, Abigail, ang parents ni Jenna...at si Vince, my boyfriend na dikit na dikit kay Jenna na nakaabrisyete rito.
Ramdam ko ang tila kuryenteng dumaloy sa katawan ko papunta sa aking ulo. Tila ako kinilig hiindi dahil sa tuwa kundi dahil sa sakit na naramdaman ko. Tila eksena sa isang pelikula na agad bumagsak ang luha ko. Nakita kong inakbayan ni Vince si Jenna, kung paano nila tingnan ang isa't isa, malagkit at may pagmamahal na tila ayaw nang humiwalay sa bawat isa.
Nabitiwan ko ang cake at shopping bag na hawak ko, dahilan para maagaw ko ang atensyon nilang lahat. Mabilis pa sa alas-kuwatrong napatayo si Vince sa kaniyang kinauupuan, gayundin sina Jenna, Sheena at Abigail na namimilog ang mga mata.
"Jazzlene . . ." sabay-sabay at mahina nilang tawag sa 'kin. Pero nanatili akong tahimik. Ang bigat ng pakiramdam ko. My boyfriend betrayed me with my best friend and I got betrayed by my so-called best friends.
"Jazzlene!" Narinig ko ang malakas na pagtawag sa 'kin ni Vince noong nagsimula na akong tumalikod at tumakbo palayo. Wala na ang taxi na sinakyan ko kanina kaya binilisan ko na lamang ang takbo, hoping na may madaanan akong kahit anong masasakyan. Kahit na puting van ay okay lang. Mas mabuti nga siguro 'yon na i-chop-chop na lang ako ng mga nangunguha ng bata para wala na silang problema. Para hindi na nila kailangan pang itago ang relasyon nila kapag nawala ako.
Pero walang puting van akong nadaanan. Instead, isang Matte Black na Aston Martin ang huminto sa tapat ko. Kusa rin akong napahinto dahil kilala ko kung kanino ang magarang sasakyan na 'yon. Sa kaibigan ng mga Kuya ko... si Adam.
Hindi nga ako nagkamali dahil bigla siyang lumabas sa driver's seat wearing his college uniform.
"Jazzlene?" Blangko ang mukhang tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung nagtataka ba siya kung bakit ako tumatakbo. I don't know. Ang tanging alam ko lang ay malapit na sa akin si Vince and all I wanted to do was to hurt him ten thousandfold.
"Adam . . ." Nanginginig ang boses ko dahil sa totoo lang ay natatakot ako sa kanya. Sa lahat ng mga kaibigan nila Kuya, siya ang pinakakinatatakutan ko dahil sa pagiging cold niya. Hindi mo mababakas sa mukha niya kung galit ba siya, masaya, malungkot, o ano. And that was the reason kung bakit para sa akin ay nakatatakot siya at hindi approachable. "I'm ready to die in your hands. But first . . ." I took a step forward, "—let me kiss you."
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Lumapit ako kay Adam. At dahil matangkad siya, kinailangan ko pang tumingkayad bago humawak sa magkabila niyang balikat.
"Jazz—" Hindi naituloy ni Vince ang pagtawag sa akin nang makita niya ang paglapat ng labi ko sa labi ni Adam.
Mint. Amoy mint ang bibig ni Adam. Sweet.
Lasang candy rin—
"He's gone." Kasunod noon ay naramdaman ko ang bahagya niyang pagtulak sa akin palayo sa katawan niya. Nang lumingon ako, wala na nga si Vince. Gaano ba katagal nagkadikit ang labi namin?
"Why the hell did you kiss me? And why are you crying?"
"K-Kasi . . ."
"Kasi . . .? What?"
"K-Kasi . . ." I started to sob.
Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya. All I wanted to do right now was to go home and rest. Pagod na pagod hindi lang ang katawan ko kundi lalo na ang puso ko. And I hate it. But before I could ask Adam to take me home, I felt his arms in my body, hugging me tightly as if telling me to calm down and everything would be okay.
I don't know what happened pero naramdaman ko na lang ang sarili kong kusang yumakap pabalik at umiyak nang umiyak sa dibdib niya.
"Kung sinunod mo lang ang Mommy, Daddy at mga Kuya mo na 'wag munang mag-boyfriend... hindi ka sana nasasaktan ngayon." Si Adam. At parang bata na lalo akong napaiyak habang humahagod sa likod ko ang isa niyang kamay.
CHAPTER ONESix years later.JAZZLENETAHIMIK akong nakaupo sa bus stop shelter habang hawak ang phone ko—nag-iisip kung sino sa mga Kuya ko ang dapat kong tawagan para magpasundo. Umaagos ang luha ko at nanginginig na ang katawan ko sa ginaw dahil basang-basa ako. Hindi sa ulan. Walang ulan.It's just that... nakasuot ako ng two-piece, basa 'yon at pinatungan ko lang ng t-shirt dahil may get together kami ng mga kaibigan ko dito sa isang hotel and resort. Ako, sina Camille, Violet at Leigh. Nakaugalian na namin na after ng exam ay nagbo-bonding kami para pambawi man lang sa mga stressful days namin.Nakabihis na kaming apat na magkakaibigan kanina. Naka-two-piece at nakalublob na sa swimming pool when I spotted someone na hindi gaanong kalayuan sa amin. Out of curiosity ay sumilip ako sa mga siwang ng mga halamang naroon. And to my surprise, doon ko nasilip si Dominic, my boyfriend.He was flirting with someone, someone na hindi ko akalain na papatulan niya.Lalaki!The way they hold
CHAPTER TWOJAZZLENETAMA nga ang kutob ko, ang aroganteng si Adam Meadows ang susundo sa akin. Hindi ko tuloy alam kung sasama ako or maglalakas-loob na lang na bumalik sa hotel. Hindi niya 'yon direktang sinabi pero ramdam ko sa malamig niyang pakikitungo noon pa.Saglit akong napayuko at ibinaba ang tingin sa mga paa kong marumi dahil nakayapak akong pumunta rito. Nakatayo na ako sa harap ng kotse niya. As I bit my lower lip, kasunod din no'n ang pagbaba ng salamin sa bintana ng shotgun seat."Get in," aniya sa malumanay na boses. "O gusto mo pang pagbuksan kita?" he said in a very cold tone. I felt my body froze in a bit."Salamat sa pagsundo sa 'kin," I said, almost a whisper bago umayos ng upo at ipinulupot nang mabuti ang t-shirt na nakabalot sa akin. Hindi ko alam kung nanginginig ako sa lamig o dahil sa presensiya ng frozen guy na ito.Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Maski hininga niya, hindi ko naririnig. He didn't respond or even glance at me as he expertly navig
CHAPTER THREEADAM MEADOWS"SO? Is she your type?" Gerald asked as I was staring at his mobile screen.Picture ng babae. Pangatlo na 'to sa mga babaeng inirereto sa akin ng mga kaibigan ko. 'Yong una at pangalawa ay hindi ko nagustuhan. Ni hindi tumagal nang dalawang segundo ang mga mata ko sa kanila. Pinagmasdan ko 'yong picture dahil kilala ko. Ate siya ni Jenna, ang dating kaibigan ni Jazzlene.Natatawa na lang ako at napapailing sa kanila sa pangbubuyo nila sa 'kin kung kani-kaninong babae. Gusto kasi nila na magkaroon na ako ng girlfriend, someone na I can be with lalo na kapag alam n'yo na. But I don't do girlfriend. Hindi naman porke wala akong girlfriend ay dry na ang s*x life ko. May mga babae pa rin naman akong naikakama kapag kailangan kong mag-release. At hindi sila basta-basta dahil hindi ako pumapatol sa kung kani-kanino lang.Tulad na lang ngayon, wala man lang ni isa ang pumasa sa taste ko lalong-lalo na 'yong ate ng ex-best friend ni Jazzlene. Despite her revealing dre
CHAPTER FOURADAM MEADOWSMAGKAKAHARAP na kami sa dining table. Magkatabi ang parents nila Zane. Napagigitnaan naman ako nina David at Gerald at sa tapat naman ang tatlo."Malapit na OJT ng kapatid n'yo." Si Attorney Hart.Hindi pa kami nagsisimulang kumain dahil wala pa si Jazz."OJT? Where?" Zane asked."La Vienna Hotel."Nagsalubong ang kilay ni Zian. "La Vienna? Ang layo naman, Mom."He was right. Malayo 'yon dito sa Aloha City. Three hours ang biyahe papunta ro'n. But I understand kung bakit doon mag-o-OJT si Jazz. 'Yon kasi ang pinakakilalang hotel sa bansa. For now."Oo. Kaya nga nag-aalala kami ng dad n'yo kapag nagsimula na siya. Alam n'yo naman 'yang kapatid n'yo. Sa sobrang kabaitan, napakadaling mauto." Napailing si Tita.I agree."Ayoko nga sana s'yang payagan na doon mag-OJT," panimula ni Tito Angelo, ang Daddy nila. "Pero doon din daw kasi mag-o-OJT mga kaibigan niya. Sama-sama raw sila." He shrugged."Kailan?" Zero asked, curious."Three months from now." Si Tita Franxi
CHAPTER FIVEJAZZLENEKASAMA ko sina Camille, Leigh at Violet habang naglalakad kami papunta sa main gate dahil tapos na ang huli naming klase.Hindi na katulad noong una na pinagkakaguluhan si Camille sa campus at dinudumog ng mga estudyanteng gustong magpa-picture sa kaniya. Ngayon ay medyo sanay na ang mga tao na nakikita siya araw-araw kaya parang naging normal na lang din ang buhay niya rito sa university. Pero hindi pa rin nawawala 'yong mga estudyanteng kumakaway sa kaniya at nag-he-hello or hi kapag makasasalubong siya. At dahil down to earth 'tong frenny namin, kahit hindi niya kilala ay binabati niya rin pabalik.Ang pinakamaldita naman sa amin ay si Violet. Pangalan pa lang may pagkamataray na. Si Leigh naman 'yong simpleng tahimik pero maraming ka-fling sa iba't ibang department.At ako... ako lang naman 'yong babaeng isinumpa. 'Yong palaging niloloko. Hindi ko rin alam kung bakit. Ang hirap hanapin ng sagot. I mean, hindi naman ako pangit. Maganda naman din ako tulad ng mg
CHAPTER SIXADAM MEADOWSLUMAPIT akong lalo para maitutok sa mukha ng lalaking may hawak sa braso ni Jazzlene ang baril ko. Ngayon, nanginginig na siya sa takot habang may butil-butil na pawis sa sentido niya."I'm gonna count to three. One... two—"'Tsaka niya pa lang binitiwan si Jazz. And I took the opportunity to grab Jazzlene's arm para ikubli siya sa likuran ko. I covered her with my body habang sa lalaki pa rin ako nakatingin. Sa lalaking hindi pa nadala sa pagkakatanggal niya sa trabaho. Ano pa kaya'ng gusto niyang mangyari sa kaniya? Does he want to die now? I can give it to him if he wants."A-Adam . . ." Naramdaman ko ang paghawak ni Jazzlene sa laylayan ng coat ko. "Baka... b-baka maiputok mo 'yan. Ibaba mo."Without looking back at her, I said firmly, "No. Because I'm gonna kill this man and buried him eight feet under kapag hindi pa siya umalis sa harap ko in three sec—"Hindi ko pa natatapos ang sentence ko nang bigla itong kumaripas nang takbo palayo. Takot naman pala s
CHAPTER SEVENJAZZLENEPUMASOK ako sa kuwarto ng panganay naming si Kuya Zane at naabutan ko siyang nakagayak na. Suot na niya ang pilot uniform at nasa paanan ng kama naman ang suitcase at isang duffel bag. Abala siyang nagta-type sa phone niya kaya hindi niya ako pinansin kahit na alam niyang pumasok ako sa loob. Alam kong sa mga oras na ito ay gumagayak na rin ang dalawa ko pang kuya sa mga sarili nilang kuwarto.Umupo ako sa gilid ng bed niya at ibinagsak ang katawan ko roon at nakadipa ang mga kamay. "Mag-iingat ka palagi. 'Wag kang tatanga-tanga ro'n, a?" sabi ko, dahilan para lingunin niya ako.Kumunot ang noo niya. "Ikaw ang huwag tatanga-tanga rito, lalo na at maiiwan kang mag-isa.""Kasama ko naman si Mommy at Daddy."He scoffed. "Aalis din sila. Sa pagkakaalam ko, next week dahil may case na aasikasuhin si Mom. Kailangan niyang puntahan 'yong client niya at ang alam ko, sa vacation house ng client niya sila mag-stay ni daddy habang nag-he-hearing para malapit lang sila ro'n
CHAPTER EIGHTJAZZLENEINIANGAT ko ang sandok sa bibig ko para tikman kung tama lang ba ang timpla ng niluto kong sinigang para sa hapunan. Ako ang nagluto ngayon dahil wala pa sina Mommy at Daddy. Umalis sila kaninang hapon, bandang alas-tres para mag-grocery at bumili ng stocks ko rito sa bahay dahil sa isang araw na sila aalis.Okay na ang timpla. Binitiwan ko na ang sandok, tinakpan ang kaserola at pinatay ang kalan. Hinugot ko na rin ang rice cooker sa outlet bago ko damputin ang phone ko sa mesa. I was about to leave the kitchen when my phone rang. Si mommy."Hi, mom," I greeted first.Hindi siya agad sumagot. Medyo maingay ang background, may mga nagtatawanan. "Hi, anak, Jazz. Nagluto ka na ba ng dinner?""Opo. Sinigang." Nasa hagdan na ako at paakyat sa taas, sa room ko."'Nak, hindi kami makakauwi agad ng daddy mo. 'Wag mo na kaming hintayin for dinner. Nakorner kasi kami ng mga classmates ko noon at nagkayayaan mag-dinner. Mauna na kayong kumain ng Kuya Adam mo."I rolled my
A month later...JAZZLENEIsang linggo na ang lumipas simula nang maikasal kami ni Adam. Hindi enggrande ang naging kasal namin dahil private wedding. Iyon kasi ang gusto namin pareho para sa mas ikatatahimik ng buhay namin. Family and close friends lang namin ang nakasaksi sa pag-iisang dibdib namin. Kabilang na rin doon ang biological father niyang si Darwin. Ayaw sana ni Adam na imbitahin ito, pero ako ang nakiusap sa kaniya, dahil kahit baligtarin ang mundo, ito pa rin ang tunay niyang ama. Then, after ng kasal, bumalik na rin naman ito sa Australia. Si Fritzie naman ay dito sa bansa ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.Sa mga kaibigan ko naman, si Leigh lang ang hindi naka-attend sa kasal ko dahil hindi raw siya napayagan sa ini-file niyang vacation leave. Pero ayos lang, naintindihan ko naman dahil bago pa lang siya sa trabaho niya sa Australia. Babawi na lang daw siya sa kapag nakauwi.So far, naging okay naman ang lahat. Kahit lumabas sa news at sa internet ang balitang kasal
BONUS CHAPTER FIVEJAZZLENE"Are you sure? Bakit? May problema ka ba rito sa hotel?" May halong concern ang tono ni Ate Brianna nang banggitin ko sa kaniya ang plano kong pag-re-resign. Plano pa lang naman, hindi pa talaga ako sure. Bahagya akong ngumiti. "Hindi. Walang problema. Ano lang, uh, personal problem," sagot ko, hoping na huwag na siyang mang-ungkat pa. Mukhang nahalata naman niya na hindi ako handang magsabi kaya hindi na siya nang-usisa pa. Pagdating ng lunch break namin, nakatanggap ako ng message kay Adam, pinapupunta niya ako sa office niya para sabayan siyang kumain since narito siya ngayon sa hotel. As usual, pasimple ulit ang pagpunta ko roon. Kunwari ay may inutos sa akin si Sir Mikko, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga tao rito na may relasyon kaming dalawa. Pagdating ko sa opisina niya, naabutan ko siyang nakapuwesto na roon sa sofa na nasa center. Naihain na rin niya ang pagkain sa salaming mesa kung saan kami lagi kumakain sa tuwing narito ak
CONTENT WARNING:Please note: The following chapter contains s*xual scenes and is intended for mature audiences only! This material is not suitable for minors. Reader discretion is advised. Siyempre, kahit 17 ka pa lang pababa, hindi ka pa rin susunod dahil matigas bungo mo, kaya sige. Forda go!ADAM MEADOWS"Baby, what are you doing?" I asked Jazz habang nakahiga ako sa kitchen counter nila. Nakatali ang mga kamay ko gamit ang bra niya, and I was naked, without a single piece of clothing. Jazzlene was rummaging through the fridge, her bare feet making soft padding sounds against the cool kitchen tiles. She was focused, her eyes scanning the shelves intently. Wala siyang suot na pang-ibaba, tanging 'yong shirt lang na katerno ng pajama niya. Its hem barely covering her hips, and no panties since I had removed them earlier when we were still in the bedroom. Jazzlene's movements were swift yet deliberate, clearly on a mission. Hindi ko alam kung ano'ng hinahanap niya sa fridge. Nagsisi
BONUS CHAPTER THREEADAM MEADOWS I thought I'd finally have Jazz all to myself for an entire week once her parents left for Hawaii. But then her annoying oldest brother showed up. Sa isang araw pa raw uli ang flight nito kaya hindi ko maiuuwi agad si Jazz sa penthouse ko. 'Yon pa naman sana ang balak ko; na doon muna kami habang wala ang parents niya. Now, I'm at their house, sitting in the dining room. Jazz is preparing dinner for us, while Zane and I are seated across from each other at the counter. His arms are crossed as he engages in a silent staring contest with me, occasionally shaking his head and letting out a slight chuckle, na parang nang-iinis. "Something funny?" I glared at him. Daig pa namin ang magkaaway. We weren't like this before Jazz and I started dating. Pero naiintindihan ko naman siya kung bakit hanggang ngayon ay parang hindi niya pa rin ako matanggap. Naalala ko ang seryosong pag-uusap namin last month matapos naming magtulakan sa swimming pool nila sa liko
BONUS CHAPTER TWOJAZZLENE The city lights shimmered through the floor-to-ceiling windows of Adam's penthouse bedroom, casting a gentle glow over the plush surroundings. The air was warm and heavy with the scent of passion as we lay intertwined on his bed, our bodies still humming with the echoes of our intimacy. Nestled in his arms, under the soft blanket, I felt an overwhelming sense of closeness and contentment. "Nahihiya akong umuwi sa bahay bukas. Siguradong pagdududahan ako ni Mommy at Daddy," pabulong kong sabi. Ang una ko kasing paalam sa text ko kay mommy kanina ay ma-la-late ako nang uwi dahil may event sa hotel at kailangan kong mag-overtime. Pero matapos lang ang unang round namin kanina ni Adam, sinabihan niya ako na hindi niya ako kayang pauwiin ngayong gabi, gusto niya pa raw akong makasama, kaya naman napilitan uli akong mag-message kay mommy para sabihing sa hotel na ako mag-overnight. "Alam mo naman ang mga parents, they have the strangest radar." "Then don't bothe
BONUS CHAPTER ONEJAZZLENE"Glass flower two hundred and thirty-one," mahina kong bulong, nakangiti, habang pinagmamasdan ang isang pirasong rose na gawa sa babasagin na inabot sa akin ni Adam matapos kong sumakay sa sasakyan niya. Narito siya sa parking lot ng M-Power Hotel, nauna siya sa akin dito nang bahagya para hindi makita ng mga empleyado na magkasabay kaming uuwi."Do you want me to stop giving you flowers?" tanong niyang dumukwang sa akin para humalik sandali sa labi ko, may bahagyang ngiti sa labi niya."No. Not yet. Stop when we reached one thousand." I giggled. Simula kasi nang bumalik siya galing sa Singapore, naging deretso na uli ang pagbibigay niya sa akin ng bulaklak na gawa sa glass. Two hundred and ten ang huling bilang ko roon pag-alis niya. Medyo marami nang nadagdag."So? Where are we heading now? Your place or mine?" Nginisihan niya ako."Your place. Meadows Tower. Sa penthouse mo. Nami-miss ko na pumunta ro'n." I smiled back."All right. Let's go."Isang buwan
EPILOGUEFive months laterJAZZLENE"Happy anniversary, Mr. and Mrs. Hart.30th wedding anniversary nina Mommy at Daddy ngayon, at dito sa M-Power Hotel ginanap ang celebration. Surprise nila kuya sa kanila ang party na 'to at sila ang sumagot sa lahat ng expenses. Hindi na nila ako hiningan ng share tutal naman ay mas malaki ang suweldo nila sa akin. Lahat ba naman sila piloto. However, hindi nila alam na mayroon akong five million galing kay Adam.Speaking of Adam, limang buwan na siyang wala at wala rin kaming contact sa isa't isa. Sa tuwing tatanungin ko naman sila kuya tungkol sa kaniya, hindi nila ako mabigyan ng sagot dahil hanggang ngayon daw ay deactivated ang lahat ng social media account ni Adam kaya hindi nila rin ito mai-private message.Gano'n din si Fritzie. Minsan kong kinumusta si Adam sa kaniya at ang sabi niya, sa email niya lamang daw nakakausap ang kuya niya. At kapag daw binabanggit niya ako rito ay hindi na raw ito mag-re-reply kaya naman iniwasan niya na raw na
CHAPTER FIFTY-FIVEJAZZLENE"Bakit kasi hindi mo pa patawarin kung okay naman na pala sila ulit ng parents mo?" ani Camille. Magkakatabi kami sa bar counter. Kasama ko sila ni Violet."Ilang buwan na ba siyang nanunuyo sa 'yo?" Si Violet, 'tsaka nito tinungga ang tequila niya."Uh, seven months, I think," sagot ko before I took a sip of mine. "I've also collected two hundred and ten glass flowers from him.""How about the five million? Did you give it back to him?" Violet asked."No. Ayaw niyang ibalik ko." Ilang beses kong hiningi noon kay Adam ang bank account niya para mai-transfer ko ang pera niya pabalik, pero ayaw niyang ibigay. Alam ko na rin kung para saan ang perang 'yon. Actually, noong araw na i-transfer niya 'yon sa akin, pag-uwi ko sa bahay ay naalala ko rin agad ang pustahan namin noon. But I acted clueless. Hanggang ngayon ay inaakala niyang hindi ko pa rin 'yon naaalala."Hayaan mo na." Si Camille. "Huwag mo nang ibalik kay Adam. Tutal, barya lang naman 'yon para sa kan
CHAPTER FIFTY-FOURJAZZLENE"Galing na naman kay Adam?" kunot-noong tanong ni Kuya Zero nang makita niya ako sa sala, inaayos ko ang mga bulaklak na bigay ni Adam sa isang babasaging transparent vase."Oo. Pang-thirty na 'yong binigay sa 'kin ng guwardiya kaninang umaga, equivalent for thirty days. Feeling ko hindi siya titigil hangga't hindi kami nagkakaayos.""Baka mamaya niyan nagkikita kayo nang palihim sa hotel? Malilintikan kayong dalawa sa 'min."I sighed. "Hindi kami nagkikita, monggi. Madalang naman siyang gumawi sa hotel. Base sa narinig ko kay Sir Mikko, twice a week lang dumaraan doon si Adam. Mas madalas siya sa Meadows Group.""Good. Dahil kapag nabalitaan naming ine-entertain mo gago na 'yon, pagbubuhulin ko kayong dalawa."Isang buwan na simula nang magsimula akong pumasok sa M-Power Hotel bilang isa sa mga receptionist. Hindi ako mapagsamantalang tao kaya si Sir Mikko ang kinausap ko at sinabi kong receptionist ang a-apply-an ko. Kaysa mag-back out, ginrab ko na lamang