CHAPTER TWO
JAZZLENE
TAMA nga ang kutob ko, ang aroganteng si Adam Meadows ang susundo sa akin. Hindi ko tuloy alam kung sasama ako or maglalakas-loob na lang na bumalik sa hotel. Hindi niya 'yon direktang sinabi pero ramdam ko sa malamig niyang pakikitungo noon pa.
Saglit akong napayuko at ibinaba ang tingin sa mga paa kong marumi dahil nakayapak akong pumunta rito. Nakatayo na ako sa harap ng kotse niya. As I bit my lower lip, kasunod din no'n ang pagbaba ng salamin sa bintana ng shotgun seat.
"Get in," aniya sa malumanay na boses. "O gusto mo pang pagbuksan kita?" he said in a very cold tone. I felt my body froze in a bit.
"Salamat sa pagsundo sa 'kin," I said, almost a whisper bago umayos ng upo at ipinulupot nang mabuti ang t-shirt na nakabalot sa akin. Hindi ko alam kung nanginginig ako sa lamig o dahil sa presensiya ng frozen guy na ito.
Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Maski hininga niya, hindi ko naririnig. He didn't respond or even glance at me as he expertly navigated the twists and turns of the road to my house. He drove with the same precision and intensity as he walked, talked, and breathed—steady and controlled, yet exuding an unmistakable aura of danger, warning anyone reckless enough to challenge him that they'd be signing their own death warrant.
Saan ba siya napulot ng mga Kuya ko? Bakit sila nagkasundo?
Ibang-iba kasi siya sa mga kapatid ko, kaya nga hanggang ngayon ay isang malaking puzzle sa isip ko kung paano niya nakasundo 'yong tatlo kong Kuya. Maliban kasi kay Gerald at David, itong si Adam ang pinakamalapit sa mga kapatid ko. Gano'n din si Adam. Ang tatlong Kuya ko ang pinaka-best friends niya.
Hindi ko alam kung bakit sila nag-click. Dahil ba matalino si Adam at sobrang yaman? Pero, I doubt, hindi naman materyoso ang mga kapatid ko.
As I said, he's pretty d*mn rich at the age of twenty-seven. Sabi nila Kuya, mga business tycoon ang parents ni Adam. Ang mas magilas pa, ang yaman nila ay napalago niya nang limang beses noong tumuntong na siya sa legal age na twenty-one.
He has an IQ of 180 at in-invest niya ang kaniyang katalinuhan sa makabagong teknolohiya. Sa pagkakatanda ko pa nga ay nakaimbento siya ng tatlong financial modelling software at isang security software bago siya maka-graduate ng high school. Kaya naman that time, seventeen pa lang siya ay kinilala na siyang multi-millionaire at naging laman pa siya ng mga balita mapa-TV man or internet. At sa edad na twenty-seven, ay kinikilala siya bilang pinakabatang bilyonaryo sa bansa.
Now, at his age, he's the CEO of one of the country's most renowned and successful electronics companies. Isa siyang alamat, and he knew it. Kaya siguro ako nayayabangan sa aura niya.
Ang mga Kuya ko naman ay puro pilot. Same age si Adam at Kuya Zane. Si Kuya Zero naman ay twenty-six, at si Kuya Zian ay twenty-five. Naging kaibigan nila si Adam simula noong high school pa sila. Nagkahiwalay lang sila ng landas dahil pilot school ang kinahinatnan ng mga kapatid ko sa kagustuhan nilang sundan ang career ni Daddy. Pumasok naman sa business school si Adam. Sina David at Gerald naman ay nakilala nila Kuya sa pilot school bago naging tropa. Nang maipakilala nila Kuya si Adam sa dalawa, nagkasundo agad sila.
Saglit kong sinulyapan si Adam habang nagmamaneho. Kung hindi lang siya masungit at parang yelo ang aura baka nagustuhan ko pa siya. Ang guwapo naman kasi talaga. Tall, not very dark and handsome ika nga. Nasa kaniya na ang lahat.
Kung bibilangin ang taon ng pagkakaibigan nila ng mga Kuya ko ay halos hindi ko na mabilang, pero masasabi kong hindi ko pa rin siya lubos na kilala. Sila lang naman kasi nila Kuya ang close. Not us. Kapag nasa bahay siya ay hindi naman kami nag-uusap.
"P-Pupunta ka ba sa bahay? Or ipinasuyo lang ako ni Kuya Zane sa 'yo?" I finally asked, trying to break the awkward atmosphere between us.
"Papunta dapat ako sa inyo no'ng tumawag siya." Okay. Still cold.
Noong nai-park na niya ang sasakyan niya sa tapat ng gate ng bahay namin, hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa pagbukas ko ng pinto sa side ko.
Napalunok ako. "Bakit? Narito na tayo sa bahay. Bababa na 'ko. Thank you."
"Lalabas ka nang ganyan?" A subtle flicker of disapproval played at the corners of his mouth.
Nang hindi ako kumibo, he inclined his head toward my legs and chest. Nagbaba ako ng tingin doon at bahagyang namilog ang mga mata dahil nakabakat na sa basang t-shirt ang katawan ko. Bakat na bakat ang dibdib ko at litaw naman ang legs ko, obvious na wala akong short at naka-underwear lang. At salamat sa malamig na aircon dahil kanina pa pala niya binuhay ang magkabila kong nipples.
I instinctively crossed my arms over my chest, my cheeks blazing heat. "B-Bakit ngayon mo lang sinabi? You could've told me sooner." Nilingon ko siya at napansin kong nasa legs ko ang mga mata niya na lalong nagpainit sa mukha ko. "H'wag ka ngang tumingin! Isusumbong kita kina Kuya, sige! Sasabihin kong minamanyak mo 'ko sa isip mo!" medyo inis kong sabi.
He smirked. "Magsumbong ka. Hindi ka naman nila paniniwalaan dahil alam nilang hindi kita type." Nahiya ako bigla sa sinabi niya. Well, it's a tie naman. "Anyway, ano'ng ginagawa mo sa bus stop kanina? Bakit mag-isa ka ro'n? Tapos ganyan pa suot mo?" Muli niya akong sinulyapan, this time ay sa dibdib ko siya tumingin, pero saglit lang. Iniwas niya rin agad ang tingin.
I sighed. "May bonding kami ng mga friends ko sa resort. Tapos . . ." Napaisip ako kung itutuloy ko ba. What if sabihan niya uli ako ng, "buti nga sa 'yo" like noong kinuwento ko sa kanya noon ang nangyari sa amin ni Vince? Nakahihiya pa kung malalaman niyang nag-cheat sa akin ang boyfriend ko sa kapwa nito lalaki. "Sumama ang pakiramdam ko kaya umalis agad ako sa hotel para magpasundo kay Kuya Zane. Pero hindi raw kasi siya makakaalis sa bahay dahil may mga bisita, kaya siguro ikaw ang pinakisuyuan."
Napabuntonghininga siya at hinubad ang suot niyang itim na leather jacket at hinagis sa kandungan ko. "Suot mo 'yan. 'Di ka puwedeng lumabas na walang balot. Baka nariyan na sa loob sina Gerald."
Pagkasabi no'n ay nauna na siyang lumabas sa sasakyan, iniwan akong mag-isa sa loob. Mula sa bintana ng sasakyan ay tinanaw ko siya. Hindi naka-lock ang gate namin kaya nagawa niya 'yon itulak at pumasok. Ang loko, feeling niya ay rito na rin siya nakatira.
Napatitig ako sa jacket niyang iniwan sa akin. Wala sa sariling dinala ko 'yon sa ilong ko para amuyin.
Amoy Adam.
Amoy ng masarap magmahal.
Amoy masarap baby-hin.
Huy!
CHAPTER THREEADAM MEADOWS"SO? Is she your type?" Gerald asked as I was staring at his mobile screen.Picture ng babae. Pangatlo na 'to sa mga babaeng inirereto sa akin ng mga kaibigan ko. 'Yong una at pangalawa ay hindi ko nagustuhan. Ni hindi tumagal nang dalawang segundo ang mga mata ko sa kanila. Pinagmasdan ko 'yong picture dahil kilala ko. Ate siya ni Jenna, ang dating kaibigan ni Jazzlene.Natatawa na lang ako at napapailing sa kanila sa pangbubuyo nila sa 'kin kung kani-kaninong babae. Gusto kasi nila na magkaroon na ako ng girlfriend, someone na I can be with lalo na kapag alam n'yo na. But I don't do girlfriend. Hindi naman porke wala akong girlfriend ay dry na ang s*x life ko. May mga babae pa rin naman akong naikakama kapag kailangan kong mag-release. At hindi sila basta-basta dahil hindi ako pumapatol sa kung kani-kanino lang.Tulad na lang ngayon, wala man lang ni isa ang pumasa sa taste ko lalong-lalo na 'yong ate ng ex-best friend ni Jazzlene. Despite her revealing dre
CHAPTER FOURADAM MEADOWSMAGKAKAHARAP na kami sa dining table. Magkatabi ang parents nila Zane. Napagigitnaan naman ako nina David at Gerald at sa tapat naman ang tatlo."Malapit na OJT ng kapatid n'yo." Si Attorney Hart.Hindi pa kami nagsisimulang kumain dahil wala pa si Jazz."OJT? Where?" Zane asked."La Vienna Hotel."Nagsalubong ang kilay ni Zian. "La Vienna? Ang layo naman, Mom."He was right. Malayo 'yon dito sa Aloha City. Three hours ang biyahe papunta ro'n. But I understand kung bakit doon mag-o-OJT si Jazz. 'Yon kasi ang pinakakilalang hotel sa bansa. For now."Oo. Kaya nga nag-aalala kami ng dad n'yo kapag nagsimula na siya. Alam n'yo naman 'yang kapatid n'yo. Sa sobrang kabaitan, napakadaling mauto." Napailing si Tita.I agree."Ayoko nga sana s'yang payagan na doon mag-OJT," panimula ni Tito Angelo, ang Daddy nila. "Pero doon din daw kasi mag-o-OJT mga kaibigan niya. Sama-sama raw sila." He shrugged."Kailan?" Zero asked, curious."Three months from now." Si Tita Franxi
CHAPTER FIVEJAZZLENEKASAMA ko sina Camille, Leigh at Violet habang naglalakad kami papunta sa main gate dahil tapos na ang huli naming klase.Hindi na katulad noong una na pinagkakaguluhan si Camille sa campus at dinudumog ng mga estudyanteng gustong magpa-picture sa kaniya. Ngayon ay medyo sanay na ang mga tao na nakikita siya araw-araw kaya parang naging normal na lang din ang buhay niya rito sa university. Pero hindi pa rin nawawala 'yong mga estudyanteng kumakaway sa kaniya at nag-he-hello or hi kapag makasasalubong siya. At dahil down to earth 'tong frenny namin, kahit hindi niya kilala ay binabati niya rin pabalik.Ang pinakamaldita naman sa amin ay si Violet. Pangalan pa lang may pagkamataray na. Si Leigh naman 'yong simpleng tahimik pero maraming ka-fling sa iba't ibang department.At ako... ako lang naman 'yong babaeng isinumpa. 'Yong palaging niloloko. Hindi ko rin alam kung bakit. Ang hirap hanapin ng sagot. I mean, hindi naman ako pangit. Maganda naman din ako tulad ng mg
CHAPTER SIXADAM MEADOWSLUMAPIT akong lalo para maitutok sa mukha ng lalaking may hawak sa braso ni Jazzlene ang baril ko. Ngayon, nanginginig na siya sa takot habang may butil-butil na pawis sa sentido niya."I'm gonna count to three. One... two—"'Tsaka niya pa lang binitiwan si Jazz. And I took the opportunity to grab Jazzlene's arm para ikubli siya sa likuran ko. I covered her with my body habang sa lalaki pa rin ako nakatingin. Sa lalaking hindi pa nadala sa pagkakatanggal niya sa trabaho. Ano pa kaya'ng gusto niyang mangyari sa kaniya? Does he want to die now? I can give it to him if he wants."A-Adam . . ." Naramdaman ko ang paghawak ni Jazzlene sa laylayan ng coat ko. "Baka... b-baka maiputok mo 'yan. Ibaba mo."Without looking back at her, I said firmly, "No. Because I'm gonna kill this man and buried him eight feet under kapag hindi pa siya umalis sa harap ko in three sec—"Hindi ko pa natatapos ang sentence ko nang bigla itong kumaripas nang takbo palayo. Takot naman pala s
CHAPTER SEVENJAZZLENEPUMASOK ako sa kuwarto ng panganay naming si Kuya Zane at naabutan ko siyang nakagayak na. Suot na niya ang pilot uniform at nasa paanan ng kama naman ang suitcase at isang duffel bag. Abala siyang nagta-type sa phone niya kaya hindi niya ako pinansin kahit na alam niyang pumasok ako sa loob. Alam kong sa mga oras na ito ay gumagayak na rin ang dalawa ko pang kuya sa mga sarili nilang kuwarto.Umupo ako sa gilid ng bed niya at ibinagsak ang katawan ko roon at nakadipa ang mga kamay. "Mag-iingat ka palagi. 'Wag kang tatanga-tanga ro'n, a?" sabi ko, dahilan para lingunin niya ako.Kumunot ang noo niya. "Ikaw ang huwag tatanga-tanga rito, lalo na at maiiwan kang mag-isa.""Kasama ko naman si Mommy at Daddy."He scoffed. "Aalis din sila. Sa pagkakaalam ko, next week dahil may case na aasikasuhin si Mom. Kailangan niyang puntahan 'yong client niya at ang alam ko, sa vacation house ng client niya sila mag-stay ni daddy habang nag-he-hearing para malapit lang sila ro'n
CHAPTER EIGHTJAZZLENEINIANGAT ko ang sandok sa bibig ko para tikman kung tama lang ba ang timpla ng niluto kong sinigang para sa hapunan. Ako ang nagluto ngayon dahil wala pa sina Mommy at Daddy. Umalis sila kaninang hapon, bandang alas-tres para mag-grocery at bumili ng stocks ko rito sa bahay dahil sa isang araw na sila aalis.Okay na ang timpla. Binitiwan ko na ang sandok, tinakpan ang kaserola at pinatay ang kalan. Hinugot ko na rin ang rice cooker sa outlet bago ko damputin ang phone ko sa mesa. I was about to leave the kitchen when my phone rang. Si mommy."Hi, mom," I greeted first.Hindi siya agad sumagot. Medyo maingay ang background, may mga nagtatawanan. "Hi, anak, Jazz. Nagluto ka na ba ng dinner?""Opo. Sinigang." Nasa hagdan na ako at paakyat sa taas, sa room ko."'Nak, hindi kami makakauwi agad ng daddy mo. 'Wag mo na kaming hintayin for dinner. Nakorner kasi kami ng mga classmates ko noon at nagkayayaan mag-dinner. Mauna na kayong kumain ng Kuya Adam mo."I rolled my
CHAPTER NINEADAM MEADOWS"Work problem? Women?" tanong ni Dante matapos kong tunggain ang alak sa baso. Bahagya niya pa akong tinawanan. Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba siya sa women. Alam niya namang wala akong girlfriend."Work. It's a sh*tty stress." Bukod sa Hart brothers, Gerald at David, tinuturing ko rin siyang kaibigan. Pero sa kanilang lahat, ang Hart brothers at itong si Dante ang masasabi kong nakakausap ko nang mas malalim. Komportable ako sa kanila. Dati ko siyang empleyado na naging kaibigan ko na rin. Hindi siya nagtagal sa kompanya ko dahil kinailangan niyang i-take over ang bar—kinaroroonan namin ngayon—noong nawala ang kuya niya. Dito ang destinasyon ko kapag nai-stress ako at kailangan ng alcohol sa katawan.Habang nagkukuwentuhan kami, I fired off a quick text to Jazz para tanungin kung pauwi na ba siya sa kanila. Alas-singko na ng hapon at alam kong ganitong oras ay tapos na ang klase niya.I wasn't exactly thrilled about taking on babysitting duties, but I'd
CHAPTER TENJAZZLENE"SA sobrang inis ko, hindi ako nagluto ng hapunan namin kahit pa binilinan ako ni Mommy na maghanda ng makakain namin," I finished dramatically before I took a sip of my coffee.Narito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa isang coffee shop sa labas ng university dahil breaktime. Inis kong ikinuwento sa kanila ang ginawa ni Adam sa bahay nina Janina. For the record, hindi naman ako basta nagsaya kasama ang friends ko. Bonding namin 'yon na napagkasunduan ng buong block dahil malapit na kaming mag-OJT at hindi kami magkakasama.Kaya naman hanggang ngayon ay inis na inis ako sa ginawa ni Adam. Ang totoo nga ay hindi ko pa siya kinakausap simula pa kagabi matapos niya akong iuwi sa bahay namin. Gumawa ako ng paraan para hindi ko siya makasabay sa pagpasok.I couldn't believe he had the audacity to show up and boss me around like that. Even my Kuyas never treated me like that."Bakit ka ba kasi niya natunton? Akala ko ba hindi mo ipinaalam sa kaniya ang lakad n'yo?" Si Cam
A month later...JAZZLENEIsang linggo na ang lumipas simula nang maikasal kami ni Adam. Hindi enggrande ang naging kasal namin dahil private wedding. Iyon kasi ang gusto namin pareho para sa mas ikatatahimik ng buhay namin. Family and close friends lang namin ang nakasaksi sa pag-iisang dibdib namin. Kabilang na rin doon ang biological father niyang si Darwin. Ayaw sana ni Adam na imbitahin ito, pero ako ang nakiusap sa kaniya, dahil kahit baligtarin ang mundo, ito pa rin ang tunay niyang ama. Then, after ng kasal, bumalik na rin naman ito sa Australia. Si Fritzie naman ay dito sa bansa ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.Sa mga kaibigan ko naman, si Leigh lang ang hindi naka-attend sa kasal ko dahil hindi raw siya napayagan sa ini-file niyang vacation leave. Pero ayos lang, naintindihan ko naman dahil bago pa lang siya sa trabaho niya sa Australia. Babawi na lang daw siya sa kapag nakauwi.So far, naging okay naman ang lahat. Kahit lumabas sa news at sa internet ang balitang kasal
BONUS CHAPTER FIVEJAZZLENE"Are you sure? Bakit? May problema ka ba rito sa hotel?" May halong concern ang tono ni Ate Brianna nang banggitin ko sa kaniya ang plano kong pag-re-resign. Plano pa lang naman, hindi pa talaga ako sure. Bahagya akong ngumiti. "Hindi. Walang problema. Ano lang, uh, personal problem," sagot ko, hoping na huwag na siyang mang-ungkat pa. Mukhang nahalata naman niya na hindi ako handang magsabi kaya hindi na siya nang-usisa pa. Pagdating ng lunch break namin, nakatanggap ako ng message kay Adam, pinapupunta niya ako sa office niya para sabayan siyang kumain since narito siya ngayon sa hotel. As usual, pasimple ulit ang pagpunta ko roon. Kunwari ay may inutos sa akin si Sir Mikko, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga tao rito na may relasyon kaming dalawa. Pagdating ko sa opisina niya, naabutan ko siyang nakapuwesto na roon sa sofa na nasa center. Naihain na rin niya ang pagkain sa salaming mesa kung saan kami lagi kumakain sa tuwing narito ak
CONTENT WARNING:Please note: The following chapter contains s*xual scenes and is intended for mature audiences only! This material is not suitable for minors. Reader discretion is advised. Siyempre, kahit 17 ka pa lang pababa, hindi ka pa rin susunod dahil matigas bungo mo, kaya sige. Forda go!ADAM MEADOWS"Baby, what are you doing?" I asked Jazz habang nakahiga ako sa kitchen counter nila. Nakatali ang mga kamay ko gamit ang bra niya, and I was naked, without a single piece of clothing. Jazzlene was rummaging through the fridge, her bare feet making soft padding sounds against the cool kitchen tiles. She was focused, her eyes scanning the shelves intently. Wala siyang suot na pang-ibaba, tanging 'yong shirt lang na katerno ng pajama niya. Its hem barely covering her hips, and no panties since I had removed them earlier when we were still in the bedroom. Jazzlene's movements were swift yet deliberate, clearly on a mission. Hindi ko alam kung ano'ng hinahanap niya sa fridge. Nagsisi
BONUS CHAPTER THREEADAM MEADOWS I thought I'd finally have Jazz all to myself for an entire week once her parents left for Hawaii. But then her annoying oldest brother showed up. Sa isang araw pa raw uli ang flight nito kaya hindi ko maiuuwi agad si Jazz sa penthouse ko. 'Yon pa naman sana ang balak ko; na doon muna kami habang wala ang parents niya. Now, I'm at their house, sitting in the dining room. Jazz is preparing dinner for us, while Zane and I are seated across from each other at the counter. His arms are crossed as he engages in a silent staring contest with me, occasionally shaking his head and letting out a slight chuckle, na parang nang-iinis. "Something funny?" I glared at him. Daig pa namin ang magkaaway. We weren't like this before Jazz and I started dating. Pero naiintindihan ko naman siya kung bakit hanggang ngayon ay parang hindi niya pa rin ako matanggap. Naalala ko ang seryosong pag-uusap namin last month matapos naming magtulakan sa swimming pool nila sa liko
BONUS CHAPTER TWOJAZZLENE The city lights shimmered through the floor-to-ceiling windows of Adam's penthouse bedroom, casting a gentle glow over the plush surroundings. The air was warm and heavy with the scent of passion as we lay intertwined on his bed, our bodies still humming with the echoes of our intimacy. Nestled in his arms, under the soft blanket, I felt an overwhelming sense of closeness and contentment. "Nahihiya akong umuwi sa bahay bukas. Siguradong pagdududahan ako ni Mommy at Daddy," pabulong kong sabi. Ang una ko kasing paalam sa text ko kay mommy kanina ay ma-la-late ako nang uwi dahil may event sa hotel at kailangan kong mag-overtime. Pero matapos lang ang unang round namin kanina ni Adam, sinabihan niya ako na hindi niya ako kayang pauwiin ngayong gabi, gusto niya pa raw akong makasama, kaya naman napilitan uli akong mag-message kay mommy para sabihing sa hotel na ako mag-overnight. "Alam mo naman ang mga parents, they have the strangest radar." "Then don't bothe
BONUS CHAPTER ONEJAZZLENE"Glass flower two hundred and thirty-one," mahina kong bulong, nakangiti, habang pinagmamasdan ang isang pirasong rose na gawa sa babasagin na inabot sa akin ni Adam matapos kong sumakay sa sasakyan niya. Narito siya sa parking lot ng M-Power Hotel, nauna siya sa akin dito nang bahagya para hindi makita ng mga empleyado na magkasabay kaming uuwi."Do you want me to stop giving you flowers?" tanong niyang dumukwang sa akin para humalik sandali sa labi ko, may bahagyang ngiti sa labi niya."No. Not yet. Stop when we reached one thousand." I giggled. Simula kasi nang bumalik siya galing sa Singapore, naging deretso na uli ang pagbibigay niya sa akin ng bulaklak na gawa sa glass. Two hundred and ten ang huling bilang ko roon pag-alis niya. Medyo marami nang nadagdag."So? Where are we heading now? Your place or mine?" Nginisihan niya ako."Your place. Meadows Tower. Sa penthouse mo. Nami-miss ko na pumunta ro'n." I smiled back."All right. Let's go."Isang buwan
EPILOGUEFive months laterJAZZLENE"Happy anniversary, Mr. and Mrs. Hart.30th wedding anniversary nina Mommy at Daddy ngayon, at dito sa M-Power Hotel ginanap ang celebration. Surprise nila kuya sa kanila ang party na 'to at sila ang sumagot sa lahat ng expenses. Hindi na nila ako hiningan ng share tutal naman ay mas malaki ang suweldo nila sa akin. Lahat ba naman sila piloto. However, hindi nila alam na mayroon akong five million galing kay Adam.Speaking of Adam, limang buwan na siyang wala at wala rin kaming contact sa isa't isa. Sa tuwing tatanungin ko naman sila kuya tungkol sa kaniya, hindi nila ako mabigyan ng sagot dahil hanggang ngayon daw ay deactivated ang lahat ng social media account ni Adam kaya hindi nila rin ito mai-private message.Gano'n din si Fritzie. Minsan kong kinumusta si Adam sa kaniya at ang sabi niya, sa email niya lamang daw nakakausap ang kuya niya. At kapag daw binabanggit niya ako rito ay hindi na raw ito mag-re-reply kaya naman iniwasan niya na raw na
CHAPTER FIFTY-FIVEJAZZLENE"Bakit kasi hindi mo pa patawarin kung okay naman na pala sila ulit ng parents mo?" ani Camille. Magkakatabi kami sa bar counter. Kasama ko sila ni Violet."Ilang buwan na ba siyang nanunuyo sa 'yo?" Si Violet, 'tsaka nito tinungga ang tequila niya."Uh, seven months, I think," sagot ko before I took a sip of mine. "I've also collected two hundred and ten glass flowers from him.""How about the five million? Did you give it back to him?" Violet asked."No. Ayaw niyang ibalik ko." Ilang beses kong hiningi noon kay Adam ang bank account niya para mai-transfer ko ang pera niya pabalik, pero ayaw niyang ibigay. Alam ko na rin kung para saan ang perang 'yon. Actually, noong araw na i-transfer niya 'yon sa akin, pag-uwi ko sa bahay ay naalala ko rin agad ang pustahan namin noon. But I acted clueless. Hanggang ngayon ay inaakala niyang hindi ko pa rin 'yon naaalala."Hayaan mo na." Si Camille. "Huwag mo nang ibalik kay Adam. Tutal, barya lang naman 'yon para sa kan
CHAPTER FIFTY-FOURJAZZLENE"Galing na naman kay Adam?" kunot-noong tanong ni Kuya Zero nang makita niya ako sa sala, inaayos ko ang mga bulaklak na bigay ni Adam sa isang babasaging transparent vase."Oo. Pang-thirty na 'yong binigay sa 'kin ng guwardiya kaninang umaga, equivalent for thirty days. Feeling ko hindi siya titigil hangga't hindi kami nagkakaayos.""Baka mamaya niyan nagkikita kayo nang palihim sa hotel? Malilintikan kayong dalawa sa 'min."I sighed. "Hindi kami nagkikita, monggi. Madalang naman siyang gumawi sa hotel. Base sa narinig ko kay Sir Mikko, twice a week lang dumaraan doon si Adam. Mas madalas siya sa Meadows Group.""Good. Dahil kapag nabalitaan naming ine-entertain mo gago na 'yon, pagbubuhulin ko kayong dalawa."Isang buwan na simula nang magsimula akong pumasok sa M-Power Hotel bilang isa sa mga receptionist. Hindi ako mapagsamantalang tao kaya si Sir Mikko ang kinausap ko at sinabi kong receptionist ang a-apply-an ko. Kaysa mag-back out, ginrab ko na lamang