Chapter Fourteen: “Heto ako, bakit hindi ninyo diretsuhin at linawin sa akin kung ano ba talaga ang layunin ng mga salitang inilalabas ng bibig ninyo? Chairman Kyo nagustuhan ko ang walang takot ninyo na pagduro sa akin. Nga pala, bakit si Chairman Kyo lamang ang nagsalita? Bakit hindi niyo siya gayahin?” Hamon ni Gabriel sa kanila. Kaya lalong itinikom ng mga naroroon ang kanilang bibig.“Walang kabuluhan ang bibig ninyo kung hindi naman sa akin makakadirekta ang sinasabi nito. Puro kayo salita. At yun ang nakita ko sa inyo sa loob ng sampung taon. Reklamo. Kaliwa kanan na pagrereklamo. Ako si Gabriel Aquinas, anak ni William Aquinas, ay hindi naghahabol sa mga katulad ninyo. Simple lang naman ang dapat ninyong gawin hindi ba? Ang kunin ang share ninyo kung talagang nagdadalawang isip kayo sa pamamahala ko. Saka kahit kailan hindi ko kinailangan ang mga kagaya ninyo. Walang tiwala sa akin. What is the worst, nagbubulagbulagan kayo. Hindi ko na kailangan sabihin ang nagawa ko, nakaka
Huling Na-update : 2024-05-08 Magbasa pa