“GUSTO KO, KAPAG NAGKITA TAYONG MULI, iyong Debbie na nakilala ko ang dadatnan ko. Iyong masayahin, malakas at matapang na Debbie.”“Babalik ka na?” Umiiyak na tanong ni Debbie kay Kevin, “Uuwi ka na?”“Oo. Basta magpalakas ka. Hindi ko gusto ang itsura mo ngayon,” anito sa kanya, “Balita ko, ni hindi ka na raw nasisinagan ng araw kaya ang putla-putla mo na ngayon. Gusto mo bang pumangit ka? Ang dami yatang magagandang European dito at. . .”“Kevin, sobrang miss na miss na kita.”“Actually, namimiss rin kita. Di ko nga alam kung bakit. Kung tutuusin, mas marami pang magagandang babae dito pero. . .”“Dahil mahal mo rin ako, hindi ba Kevin? Alam kong mahal mo rin ako,” aniya rito, hindi humihinto ang pagtulo ng mga luha niya. Magkahalo ang emosyon na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pero kahit na paano ay nabuhayan siya ng pag-asa nang marinig muli ang tinig ni Kevin.Hindi nito sinagot ang tanong niya. Narinig lang niyang bumuntong hininga ito ng malalim.“Promise
Last Updated : 2024-09-19 Read more