Home / Romance / Ex-Husband's Regret / Kabanata 61 - Kabanata 70

Lahat ng Kabanata ng Ex-Husband's Regret: Kabanata 61 - Kabanata 70

373 Kabanata

Kabanata 61

Ava:Masaya ako ngayong araw. Hindi lang sa naging maayos ang dinner date namin ni Ethan, babalik din ako sa trabaho bukas at ang araw pagkatapos nun ay ang birthday ko.Tulad ng inaasahan ko noong Sabado, natulungan ako ni Ethan na kumalimot. Makalipas ang ilang minuto pagkatapos kong dumating sa lugar niya, tumatawa na ako ng masaya.Nagluto siya, at hindi niya ako binigo. Ang pagkain ay masarap talaga. May bagay talaga sa isang lalaking kaya magluto at kaya kang patawanin. Sa huli ay naging masaya at maligaya ang gabi. Mas naging maganda ito noong umuwi ako at kinausap ko si Noah.Huminahon na siya ng konti. Marami kaming pinag usapan, bago siya nakatulog habang nasa phone pa rin. Ito ang highlight ng araw ko.Nagb-bake ako nang may taong kumatok sa pintuan ko. Gusto ko ng comfort food kaya nagdesisyon ako na gumawa ng cookies at chocolate cake.Pinunasan ko ang mga kamay ko gamit ang kitchen towel, pumunta ako at binuksan ang pinto. May parte sa akin na nagulat nang makaharap
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 62

“Lumayas ka!” Tumayo ako at tumuro ako sa direksyon ng pinto.Tapos na ako sa kalokohan niya. Hindi ko siya hahayaan na sirain ang kaligayahan na nararamdaman ko ngayon.Tumayo rin siya. “Ano? Hindi mo gusto na natuklasan ko ang plano mo? Balang araw, malalaman din ng lahat na ang mga atake na ito ay peke lang.”“Tapos ka na bang ipakita sa akin na tanga ka?” Ang tanong ko. “Sa tingin mo ay ginagawa ko ang pekeng mga atake na ito, pero alam mo ba kung ano ang iniisip ko? Sa tingin ko ay ikaw ang nasa likod ng lahat ng ito. Wala akong kalaban maliban sayo, at sino ang makikinabang kapag namatay talaga ako? Ikaw.”“Kung wala na ako, wala ka nang kaagaw kay Rowan at hindi mo na magiging problema na makita ako dahil ang buong kustodiya ay mapupunta kay Rowan.”Tumitig siya sa akin ng gulat. Malamang ay nagulat siya na nalaman ko ito o nagulat siya na inaakusahan ko siya. Pinag iisipan ko ito at may punto ito.Gusto ni Emma na mamatay na ako dahil sa dalawang bagay. Una, ang paghihiga
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 63

Tumitig ako sa galit na mukha ni Rowan, sana ay hindi ko na lang binuksan ang pinto. Bago pa ako makakilos, tinulak niya ako papunta sa loob at sinara niya ang pinto. Patuloy siya sa pagtulak hanggang humito kami sa lugar sa pagitan ng entrance, kusina, at sala.“Ano ba ang problema mo?” Yumuko si Rowan, nanginig ako sa galit.“Ano?”“Akala mo ba ay hindi sasabihin sa akin ni Emma? O sa tingin mo ay hindi ko mapapansin ang bakas ng palad na iniwan mo sa pisngi niya?”Naglakad siya. Naintindihan ko na ang mga sinabi niya at naalala ko ang rason kung bakit ako nandito.“Hindi mo naiintindihan.” Sinubukan kong ipaliwanag ang mga rason ko, pero hindi niya ako pinayagan.“Naiintindihan ang ano? Na sinampal mo siya ng walang rason? Na inakusahan mo siya na siya ang nagpadala ng mga atake sayo ng wala kang ebidensya? O gusto mo bang maintindihan ko lahat ng masamang bagay na sinabi mo sa kanya?” Lumapit siya, nagliliyab ang mga mata.Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa kanya ni Emma,
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 64

Nagring ang phone ko ng saandaang beses ngayong araw. Umilaw ang pangalan ni Letty, pero hindi ko pa rin pinansin ang mga tawag niya. Sinusubukan niya akong tawagan kahapon pa.Wala sa tamang kondisyon ang isipan ko para kausapin siya. Konektado pa rin siya sa mundo at sa mga taong gusto kong layuan.“Isa pa.” Ang sabi ko agad sa bartender sa oras na matapos magring ang phone ko.Birthday ko ngayong araw, at ito ang paraan kung paano ko ito ipinagdiriwang. Mag isa sa isang bar, umiinom ng mga fruity na inumin, nasasaktan pa rin sa mga malupit na sinabi ni Rowan.Sinubukan kong isantabi ang mga isipang ito. Sinubukan kong kalimutan ang bawat salita na hinagis niya sa akin, pero mahirap ito. Nanatili ito sa utak ko na parang isang tattoo.Maraming taon na kaming kasal, pero kahit kailan ay hindi napunta sa isip ka na isang p*ta lang ako para sa kanya. Na ginagamit niya lang ako bilang substitute para kay Emma sa kama. Nabasag ang puso ko ng paulit-ulit simula noong araw na yun sa ba
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 65

“Ayos lang ako… Ayaw ko lang siyang kausapin ngayon.” Ang malakas kong sinabi.Hindi masyadong malakas ang musika, pero malakas pa rin ito.“Nasa club ka ba?” Ang tanong niya sa oras na may taong sumigaw na ang musika na tumutugtog ay ang paborito nilang kanta.“Parang ganun na nga.”“Lasing ka ba?”“Tipsy lang.” Ang sagot ko, pero plano ko na uminom hanggang sa malasing ako.“May driver ka ba para umuwi?”Tumawa ako dahil dito. Pulis talaga ang ugali niya ngayon, at gusto ko ito. Gusto ko rin na nag aalala siya kung paano ako uuwi.“Hindi, pero plano ko sumakay ng taxi.” Ang sagot ko.“Hindi. Bigyan mo ako ng sampung minuto.” Ang sabi niya bago niya ibaba ang phone.Kumunot ang noo ko sa phone ko. Iniisip ko kung bakit niya ito sinabi. Nagdesisyon ako na hindi ito mahalaga, itinabi ko ito sa sulok ng isipan ko. Ngayon ang araw na kakalimutan ko ang mga bagay at hahayaan ko ang sarili ko na mag enjoy.Hindi ko alam kung gaano katagal na ang lumipas, nang may taong umupo sa t
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 66

Nakaraang siyam na taon:Nagring ang phone ko at may bagong notification, nagising ako mula sa isang gabi na hindi mapakali sa tulog. Sa hindi malamang rason, hindi pa ako nakatulog noong nakalipas na dalawang taon.Iniisip ko na ito ay dahil kay Rowan. Na ang puso at isip ko ay hindi payapa dahil hindi siya malapit sa akin. Nagsimula ang pagiging hindi mapakali ko noong pumasok siya ng university noong nakaraang dalawang taon. Sa panahon na nasa university siya, minsan lang ako natutulog, pero kapag nasa bahay siya para sa mga break, nakatulog ako ng mahimbing.Muli na naman itong isang gabing walang tulog, gumising ako para tingnan ang phone. Nabigla ako, pero mabilis itong naging kaligayahan nang makita ko ang notification.Nagbayad ako ng isang tao para mag install ng isang app upang matrack ko tuwing nasa malapit si Rowan. Ngayon, nag-notify sa akin na nasa bahay si Rowan.Bumangon ako, nagbihis ako ng mabilis. Bumalik siguro siya para kay Emma, o baka para kay Travis o Gabe,
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 67

“Sinabi niya na hindi pa siya handa. Na gusto niyang mag pokus muna sa school. Bakit ayaw niya akong pakasalan? Hindi niya ba ako mahal?” Ang tanong niya, ang boses niya ay puro sakit.Hindi ko alam ang sasabihin ko. May parte sa loob ko na masaya na tumanggi si Emma, habang ang isang parte ko ay nasaktan para kay Rowan dahil nakikita ko na masakit talaga ito para sa kanya.“Isa kang mabuting lalaki, Rowan. Kung ayaw ka niyang pakasalan, siya ang mawawalan. Bahala siya sa buhay niya, marami pa namang iba dyan.” Tinaas ko ang inumin ko.Tumitig siya sa akin ng matagal bago siya ngumiti. “Tama ka, bahala siya.” Ang sabi niya habang nag toast kami ng baso.Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nanatili doon. Nag usap kami, nagsayaw, at uminom. Sa oras na paalis na kami, pareho kaming lasing, as lasing siya kaysa sa akin.Ang mungkahi niya ay kumuha kami ng isang hotel room, at pumayag ako. Hindi ako pwedeng umuwi ng lasing. Babalatan ako ng buhay ng mga magulang ko, halos hindi ako
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 68

Tumingin ako sa kanya ay tinulak ko siya palayo dahil sa sakit. Mukhang kailangan niya ng magpapagaan ng loob niya, kaya lumapit ako sa kanya at nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya. Sinubukan kong pagaanin ang loob niya.Sa halip bayolente ang reaksyon niya. Tinulak niya ako ng pwersahan at natumba ako.“Wag mo akong hawakan, p*ta ka!” Ang sigaw niya, at halata ang galit pati pait sa boses niya.Tumayo ako, puno ng luha ang mga mata. “Rowan, hindi ko plano na mangyari ito.”Alam ko na galit na siya sa akin.“Umalis ka na lang… Ayaw ko na ulit makita ang pagmumukha mo, kahit kailan,” Ang sabi niya, umupo siya sa kama, basag ang puso. Puno ng luha ang mga mata.Nabasag ang puso ko mula sa ekspresyon niya. Mukha siyang magulo at nasaktan talaga. Gusto ko siyang tulungan, pero alam ko na hindi niya tatanggapin ang tulong ko. Sa halip, umalis ako.Gusto ko na maging masamang panaginip ito, pero totoo ito. Gumawa ako ng malaking pagkakamali.************Makalipas ang dalawang a
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 69

Makalipas ang dalawang buwan.Tumitig ako ng takot sa pregnancy test. Pinanood ko habang naging doble ang linya, sinasabi nito na buntis talaga ako.Gusto ko na maging mali ito, kumuha ako ng isa pa, pero pareho ang resulta. Buntis ako kay Rowan.Ang buhay nitong nakalipas na mga buwan ay naging impyerno. Hindi lang ako naging salot sa parehong pamilya, pati rin sa school. Alam ng lahat ang nangyari sa pagitan namin ni Rowan, pero walang naniniwala sa akin noong sinabi ko sa kanila na lasing ako.Ang lahat ng sisi ay nasa balikat ko dahil isa akong p*ta na inakit ang boyfriend ng kapatid ko noong lasing ito.Binubully ako sa school at umiiwas sa akin ang mga tao sa lungsod.Minsan lang ako kinakausap ng mga magulang ko ngayon. Hindi na talaga ako kinakausap ni Emma, sinabi niya na patay na ako para sa kanya. Para naman kay Travis, para bang hindi niya na ako nakikita. Hindi ko nakita o kinausap si Rowan simula noong araw na yun.Nabasag ang puso ko ng paulit-ulit nitong nakalipa
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 70

Walang ibang daan palabas maliban sa bintana. Kumuha ako ng upuan, hinampas ko ang salamin nito at nabasag ito. TInulak ko ang mga kahoy na ginamit para takpan ito hanggang sa umusog ito. Tinulak ko ang maleta ko sa bintana at nahulog iot.Tulad ng sinabi ko, ako ang may pinaka malayong kwarto sa bahay, kaya hindi maaalerto ang kahit sino sa tunog. Mabagal akong bumaba, maingat na iniwasan ang mga bubog. Nakahinga ako ng maluwag noong bumaba ako.Masaya ako na nakatakas ako, kinuha ko ang maleta ko at hinila ko ito. Nakatingin ako sa phone habang tumawag ako ng taxi. Nawala ang saya ko noong nakasalubong ko ang isang tao. Lumingon ako sa takot nang makita ko ang intense na mga mata ni Rowan.“Seryoso ka ba? Sinusubukan mong tumakas kasama ang baby ko?” Ang tanong niya, may malupit na tono sa boses niya. Tinaas ko ang mga kamay ko sa ere. Binitawan ko ang maleta sa prosesong ito.“Sinabi ko na kay nanay na hindi sayo ang baby.” Nagsinungaling ako habang umaatras.Hindi ko hahayaan
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa
PREV
1
...
56789
...
38
DMCA.com Protection Status