Share

Kabanata 67

Author: Evelyn M.M
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
“Sinabi niya na hindi pa siya handa. Na gusto niyang mag pokus muna sa school. Bakit ayaw niya akong pakasalan? Hindi niya ba ako mahal?” Ang tanong niya, ang boses niya ay puro sakit.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. May parte sa loob ko na masaya na tumanggi si Emma, habang ang isang parte ko ay nasaktan para kay Rowan dahil nakikita ko na masakit talaga ito para sa kanya.

“Isa kang mabuting lalaki, Rowan. Kung ayaw ka niyang pakasalan, siya ang mawawalan. Bahala siya sa buhay niya, marami pa namang iba dyan.” Tinaas ko ang inumin ko.

Tumitig siya sa akin ng matagal bago siya ngumiti. “Tama ka, bahala siya.” Ang sabi niya habang nag toast kami ng baso.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nanatili doon. Nag usap kami, nagsayaw, at uminom. Sa oras na paalis na kami, pareho kaming lasing, as lasing siya kaysa sa akin.

Ang mungkahi niya ay kumuha kami ng isang hotel room, at pumayag ako. Hindi ako pwedeng umuwi ng lasing. Babalatan ako ng buhay ng mga magulang ko, halos hindi ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 68

    Tumingin ako sa kanya ay tinulak ko siya palayo dahil sa sakit. Mukhang kailangan niya ng magpapagaan ng loob niya, kaya lumapit ako sa kanya at nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya. Sinubukan kong pagaanin ang loob niya.Sa halip bayolente ang reaksyon niya. Tinulak niya ako ng pwersahan at natumba ako.“Wag mo akong hawakan, p*ta ka!” Ang sigaw niya, at halata ang galit pati pait sa boses niya.Tumayo ako, puno ng luha ang mga mata. “Rowan, hindi ko plano na mangyari ito.”Alam ko na galit na siya sa akin.“Umalis ka na lang… Ayaw ko na ulit makita ang pagmumukha mo, kahit kailan,” Ang sabi niya, umupo siya sa kama, basag ang puso. Puno ng luha ang mga mata.Nabasag ang puso ko mula sa ekspresyon niya. Mukha siyang magulo at nasaktan talaga. Gusto ko siyang tulungan, pero alam ko na hindi niya tatanggapin ang tulong ko. Sa halip, umalis ako.Gusto ko na maging masamang panaginip ito, pero totoo ito. Gumawa ako ng malaking pagkakamali.************Makalipas ang dalawang a

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 69

    Makalipas ang dalawang buwan.Tumitig ako ng takot sa pregnancy test. Pinanood ko habang naging doble ang linya, sinasabi nito na buntis talaga ako.Gusto ko na maging mali ito, kumuha ako ng isa pa, pero pareho ang resulta. Buntis ako kay Rowan.Ang buhay nitong nakalipas na mga buwan ay naging impyerno. Hindi lang ako naging salot sa parehong pamilya, pati rin sa school. Alam ng lahat ang nangyari sa pagitan namin ni Rowan, pero walang naniniwala sa akin noong sinabi ko sa kanila na lasing ako.Ang lahat ng sisi ay nasa balikat ko dahil isa akong p*ta na inakit ang boyfriend ng kapatid ko noong lasing ito.Binubully ako sa school at umiiwas sa akin ang mga tao sa lungsod.Minsan lang ako kinakausap ng mga magulang ko ngayon. Hindi na talaga ako kinakausap ni Emma, sinabi niya na patay na ako para sa kanya. Para naman kay Travis, para bang hindi niya na ako nakikita. Hindi ko nakita o kinausap si Rowan simula noong araw na yun.Nabasag ang puso ko ng paulit-ulit nitong nakalipa

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 70

    Walang ibang daan palabas maliban sa bintana. Kumuha ako ng upuan, hinampas ko ang salamin nito at nabasag ito. TInulak ko ang mga kahoy na ginamit para takpan ito hanggang sa umusog ito. Tinulak ko ang maleta ko sa bintana at nahulog iot.Tulad ng sinabi ko, ako ang may pinaka malayong kwarto sa bahay, kaya hindi maaalerto ang kahit sino sa tunog. Mabagal akong bumaba, maingat na iniwasan ang mga bubog. Nakahinga ako ng maluwag noong bumaba ako.Masaya ako na nakatakas ako, kinuha ko ang maleta ko at hinila ko ito. Nakatingin ako sa phone habang tumawag ako ng taxi. Nawala ang saya ko noong nakasalubong ko ang isang tao. Lumingon ako sa takot nang makita ko ang intense na mga mata ni Rowan.“Seryoso ka ba? Sinusubukan mong tumakas kasama ang baby ko?” Ang tanong niya, may malupit na tono sa boses niya. Tinaas ko ang mga kamay ko sa ere. Binitawan ko ang maleta sa prosesong ito.“Sinabi ko na kay nanay na hindi sayo ang baby.” Nagsinungaling ako habang umaatras.Hindi ko hahayaan

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 71

    Kasalukuyan:“Kasi, may rason sila para kamuhian ako… sinira ko ang pag ibig nila.” Ang bulong ko habang napuno ng luha ang mga mata ko.Masakit para sa akin para tandaan ang mga bagay na ito. Tanga ako at walang alam. Akala ko ay kaya ko siyang kumbinsihin na mahalin ako pagkatapos kong sirain ang buhay niya. Makalipas ang siyam na taon, nagbabayad pa rin ako sa presyo sa pagmamahal kay Rowan Woods.“Hindi mo ito kasalanan?” Ang tanong ni Ethan sa akin, ang mga daliri niya ay hinihimas ako.“Kasalanan ko ito. Hinayaan kong manguna ang obsession ko para sa kanya. At dahil doon, nagawa ko ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko.” Walang tigil ang pagtulo ng luha ko.Kung pwede lang ako bumalik sa oras. Kung pwede ko lang baguhin ang mga bagay. Nabuhay ako ng may pagsisisi. Sana ay nakinig ako sa boses sa isipan ko. Sana ay nakinig ako dito sa halip na hindi ko ito pinansin. Naligtas sana ako mula sa sobrang sakit ng puso.Sana ay nalaman ko ng mas maaga na buntis ako. Nakatakas

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 72

    Nagising ako sa mainit na ilaw sa mukha ko. Noong una, nalilito ako kung paano ako nakarating sa kwarto ko, pero bumalik ang mga alaala ko sa mabigat na kamay sa baywang ko.Nataranta ako ng sobra at natakot ako na magising si Ethan. Ayaw ko siyang magising ngayon at may nervous breakdown ako, ngayon at magulo pa ang buhok ko. Mabagal akong bumangon at umalis ng kama.Lumingon siya at bumulong ng isang bagay sa tulog niya, pero hindi siya gumising. Nakahinga ako ng maluwag habang nag suot ako ng mga damit at kinuha ang phone mula sa dresser ko.Dahan-dahan akong pumunta sa pinto at ngumiwi ng konti noong buksan ko ang pinto at tumunog to. Tumingin ako sa likod, mabilis ang tibok ng puso ko. Agad akong nagpasalamat nang makita na nasa kama pa rin si Ethan.Ang kumot ay nasa baywang niya, kita ang kanyang magandang abs, at ang braso niya ay nasa mukha niya. Lumunok ako ng malakas, umalis ako ng kwarto.Naglakad ako pababa ng hagdan at pakiramdam ko na naglalakad ako ng may kahihiyan

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 73

    Hindi ko naiintindihan. Bakit ngayon? Ano ang mapapala nila mula dito?“Ang kapatawaran mo?” Bumubulong ang parehong boses.Kapatawaran. Isang simpleng salita, ngunit komplikado rin.Paano ko ito ibibigay sa kanila kung hindi nila ito binibigay sa akin? Paano ko sila papatawarin kung sinira nila ako? Paano ko hahayaan ang lahat kung hindi nila ako hinayaang mabuhay ng payapa para sa nangyari?Tama si Ethan. Lasing kami nila Rowan, pero ako lang ang taong naparusahan. Ako lang ang tanging sinisi. Ako ang tinawag ng kung ano-ano. Ako ang tiningnan ng mababa. Ako lang ang binubully.Ako lang ang naging emosyonal at inabuso ng mga salita. Tinanggap ko ang lahat ng ito. Tinanggap ko ang sisi, kahit na hindi ko ito dapat ginawa, dahil mahal ko si Rowan.Habang pinag iisipan ko ito, mas lalo akong nagalit. Naramdaman ko na sinusubukan tumulo ng mga galit na luha ko, at ngayon ay ayaw ko itong pigilan.Pagod ako. Sa sobrang pagod na ako na tanggapin ang lahat. Pareho lang ang nawala sa

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 74

    Rowan:Naghahanda ako para sa isang banquet. Hindi ito isang bagay na gusto ko, pero kailangan ko pa rin pumunta. Ang founder ng Hope Foundation ay ginawa ang banquet para sa thanksgiving at para sa karangalan ng lahat ng mga donor nito. Dahil isa ako sa maraming mga donor nito, inimbitahan ako.“Ano yun, Brian? Busy ako?” Sumagot ako pagkatapos tingnan ang caller ID.“Nagawa naming makuha ang isang DNA match para sa blood sample na nakolekta natin mula sa bahay ni Ms. Sharp,” Dumiretso siya sa punto.Napahinga ako ng malalim nang mabanggit ang pangalan ni Ava. Ang mga bagay na sinabi ko sa kanya ay nakatatak pa rin sa utak ko. Hindi ko dapat sinabi ang mga malupit na bagay na yun, pero sobrang galit ako dahil sinaktan niya si Emma.“At?” Ang tanong ko, gusto kong magpatuloy siya.Umaasa akong makatanggap ng magandang balita. Wala akong ibang gusto kundi ang ma-solve ang kaso kay Ava at matapos na ito.“Hindi maganda ang balita,” Ang sagot niya, huminga ako ng malalim.“Anong n

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 75

    Dumating kami doon sa tamang oras, at nakahinga ako ng maluwag. Huminto ang kotse, at lumabas ako, pagkatapos ay tinulungan kong lumabas si Emma. Nagsimulang magflash ang mga camear sa oras na tumapak kami sa red carpet.“Mr. Woods, totoo ba na kasma niyo na ngayon si Emma Sharp, ang kapatid ng ex-wife niyo?” Ang tanong ng isang reporter. “May mga nagsasabi na si Ms. Emma ang tunay na mahal niyo habang napilitan lang kayo na makasama si Ava Sharp.” Ang sabi ng isa pa.“Nasaan ang ex-wife niyo, Mr. Woods?”“Ms. Emma, ano ang pakiramdam na makasama ang lalaki na minsang kinasal sa kapatid niyo? May anak pa sila.”Naramdaman ko na humigpit ang hawak ni Emma sa braso ko nang itanong nila ito. Dinala ko palayo si Emma habang nagpaulan sila ng mga katanungan. Sa huli, pumunta kami sa entrance at winelcome kami.Maganda ang trabaho ng organizer. Hindi ko gusto ang ganitong mga bagay, pero maganda talaga ng lugar. Dinala kami sa mesa namin. Nakita namin na nakaupo na sina Gabe, Travis, Le

Pinakabagong kabanata

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 350

    Ava. Bumalik ang mga alaala ko, at ang sabihin na galit ako ay isang understatement. Sobrang galit na galit ako. Galit na galit ako."Sinungaling ka!"Sumigaw ako kay Rowan, ang kamay ko ay tumama sa kanyang dibdib. Parang tumama ako sa pader, pero wala akong pakialam. "Sinungaling ka, gago ka." Sa loob ng ilang buwan. Buwan, RowanAng kaalaman na bumalik na ang aking mga alaala ay sumisikat sa kanya. Takot ang pumuno sa kanyang mga mata, at sa una'y nagulat ako dahil hindi kailanman nagpakita ng takot si Rowan, pero naalala ko na galit ako sa kanya.Kailangan kong umalis. May pupuntahan ako,” sabi ko nang hindi talaga tumitingin sa sinuman.Hinahanap ko ang kwarto, at nang makita ko ang susi ng kotse ko, kinuha ko ito. Nasa gitna na akong umalis nang hawakan ni Rowan ang kamay ko at pinigilan ako."Hindi ka makakaalis." Kailangan kitang dalhin sa ospital; nahimatay ka, Ava. Kailangan mong magpatingin sa doktor.” Malambot ang kanyang mga mata habang nagmamakaawa siya sa akin."B

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 349

    "Nagulat ako, pero humanga rin." sabi ni Reaper, at swear ko, narinig ko ang kasiyahan sa kanyang boses. "Ang lahat ay nagsalita kung gaano mo siya kamahal; hindi ko akalain na masasaktan mo siya, lalo na para kay Ava." "Ang mga tao ay walang alam."Tulad ng sinabi ko, saka lang ako naisipan. Ang pagmamahal ko kay Emma ay tuluyan nang nawala. Patay na ito, at marahil matagal na itong patay. Ang nararamdaman ko para kay Ava ay mas malakas.Sa pagninilay, nahulog ako kay Emma at sa ideya ng pag-ibig. Bukod pa rito, lahat ay nagsasabi na para kami sa isa't isa. Na tayo ay perpekto nang magkasama. Sa tingin ko, pumasok ito sa isip ko. Narinig ko itong sinabi nang napakaraming beses noong bata pa tayo na baka na brainwash ako nito na isipin na ito ang katotohanan.Gusto ng lahat na magkasama kami, pati na rin ang mga ina namin, na pinilit kaming laging magkasama. Paano kung ang akala kong pag-ibig ay wala kundi isang ideya na itinanim sa ating mga isipan ng ating mga ina? Isang pantasy

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 348

    Rowan. Tinititigan ko ang blangkong screen ng laptop ko, hindi talaga ako nasa mood magtrabaho. Naglalaro si Noah ng video games, at natutulog si Iris. Matagal na mula nang umalis si Ava para ihatid si Gunner; dapat nandito na siya ngayon.Mula nang mag-shootout siya, palagi na akong nag-aalala para sa kanya. Hindi ko maalis ang takot na bumabalot sa akin tuwing nasa labas siya. Hindi ko maalis-alis ang takot na baka mawala ko siya sa kamatayan. Halos nagawa ko na noon, at nag-iwan ito ng marka sa akin.Gagawin ko ang lahat para masiguro na siya ay ligtas. Kasama na rito ang pagpapadala sa taong nanakit sa kanya sa isang lugar kung saan hindi na siya makakapagpahirap kay Ava muli.Bumubuntong-hininga ako at tumayo. Ang isa pang bagay na ikinabahala ko ay ang pahayag ni Ava ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit at paano niya pinaniniwalaan na inosente si Emma. Na-realize ko na lang ito nang huli, pero si Emma ay matagal nang sumusunod kay Ava simula nang mapansin niyang nagbago

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 347

    "Magandang umaga," bati ko, nakatayo sa pintuan ng kusina. Si Gunner ay nagmamadali at niyayakap ang kanyang ama habang sinasabi ang tungkol sa magandang oras na kanilang pinagsaluhan ni Noah sa aming bahay.“Magandang Umaga, Ava.”Tinutukso ko ang sarili ko. Sinusubukan niyang mag-multitask. Inaalagaan niya ako habang nakikinig sa kanyang anak at sinisikap pa ring gawin ang kanyang trabaho."Maaga pa ba ito?"Tinanong ko siya. “Maaari akong bumalik sa kanya para makapagpatuloy ka sa iyong trabaho nang walang abala.”"Hindi, ayos lang, pero salamat." Malapit na akong matapos,” sagot niya. "Plus, ngayon ay Linggo; may ginagawa kami tuwing Linggo."Ngumiti ako at tumango. Nasa isip ko nang humingi ng paumanhin nang muling makuha ng bahay sa tabi ang aking atensyon. Ang kusina ni Calvin ay nakaharap sa likod-bahay ng bahay."Calvin?" tawag ko, at tumingin siya pataas."Oo?""Sino ang may-ari ng bahay na iyon? Hindi ko maintindihan kung bakit ako naaakit dito."Pinaikot niya ang

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 346

    "Hindi ako sigurado, pero magtiwala ka sa akin," sagot ko sa kanya. "Ang mga instinct ko ay hindi kailanman nagkakamali." Mukhang hindi siya sigurado sa simula hanggang sa punasan niya ang kanyang mga tampok, at alisin ang ekspresyon mula sa kanyang mukha. Pagkatapos, tumayo siya at lumapit upang tumayo sa tabi ko. Bago ko pa maunawaan kung ano ang ginagawa niya, binigyan niya ako ng mabilis na halik at agad na humiwalay."Sige," simula niya. "Pagkakatiwalaan kita, pero kung mali ka, pagbabayarin ko siya sa pananakit niya sa iyo."May pinal na tono siya, na sinasamahan ng isang bagay na lubos na mapanganib.Tinatanggap ko ang kompromiso. "Sige, pero makikita mo na hindi ako nagkakamali dito."Wala siyang sinasabi; hinahalikan lang niya ang aking noo at pagkatapos ay bumalik sa kanyang kape. Nag-usap pa kami nang kaunti. Walang partikular na mahalaga, pero masarap ang pakiramdam.Makipag-usap sa kanya at makasama siya, ang lahat ay tila maganda. Para bang nasa bahay ako pagkatapo

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 345

    Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi, at kitang-kita ito sa hitsura ko ngayong umaga. Pagod na pagod ako, pareho sa isip at katawan. Si Rowan at ako ay hindi na natulog sa parehong kama mula noong gabi ng aming date. Sa unang pagkakataon mula noon, naisipan kong imbitahan siya pagkatapos naming umuwi mula sa istasyon ng pulis. Mabagal akong naglalakad papuntang kusina. Maaga pa, at malamang ako lang ang gising. Kailangan ko ng kape agad kasi kailangan kong ibalik si Gunner. Sinabi ni Calvin na magiging abala siya at baka hindi niya makuha siya, kaya't inalok ko na ihatid siya.Nagiingat, tinatawid ko ang threshold papuntang kusina pero bigla akong natigilan. Naupo si Rowan sa kitchen island na may mainit na tasa.Lumingon siya nang marinig ako, at nagtagpo ang aming mga mata."Hindi ka makatulog?""tanong niya, tumatayo."Tumango na lang ako habang pinapanood siyang buksan ang aparador para kumuha ng isa pang tasa. Nang hindi ko siya tinanong, nagbuhos siya sa akin ng kape mula

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 344

    Nakarating kami sa istasyon, at tumaas ang aking pagkabahala. Naging sobrang nerbiyoso ako, hindi ko talaga alam kung gusto kong marinig ang sasabihin ni Brian. Ano ang gagawin ko kung siya talaga ang nasa likod ng aking tangkang pagpatay?Sige, hindi kami magkasundo, pero kilala ko na siya simula pagkabata ko. Magkasama kaming lumaki, at para sa akin, siya ang aking kapatid. Nakatira kami sa parehong bahay hanggang sa siya ay magtapos at lumipat sa kolehiyo."Okay ka lang?""Tanong ni Rowan, ang kanyang pag-aalala ay nakikita sa kanyang mukha.""Medyo kinakabahan lang."Hawak niya ang kamay ko bago niya ako hinagkan nang malumanay. Hindi ako tumitigil dahil kailangan ko ito. Kailangan ko siya."Okay lang ang lahat; huwag kang mag-alala." Pinatibay niya ako pagkatapos humiwalay.Tumango ako, at lumabas kami ng kotse. Hawak pa rin ang kamay ko sa kanya, naglakad kami patungo sa istasyon at pumasok. Ang iba ay sumunod din sa amin, at kami ay dinala sa opisina ng hepe ng pulis."Sal

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 343

    Tumango ako, nauunawaan kung bakit siya kinakabahan sa tawag. Gusto kong magmadali roon nang mabilis hangga't maaari, pero may mga bisita rin kami, at abala pa rin ang kaarawan ni Noah."Tapusin muna natin ang party ni Noah, saka tayo makikipagkita kay Brian," sabi ko sa kanila habang tumatayo.Sang-ayon kaming lahat doon at bumalik kami sa party.Tama ako; iniwan ni Rowan si Iris sa mga magulang ko. Pumunta ako sa mga kaibigan ko na may mga nag-aalalang ekspresyon sa kanilang mga mukha.Ano'ng nangyayari? At nasaan sina Emma, Trevor, at Kate?Ang mga mata ni Letty ay nag-iikot sa paligid, marahil ay hinahanap ang kanyang kasintahan."Naaresto si Emma, kaya sinundan siya nina Trevor at Kate papunta sa istasyon."Ano?Ang kanilang gulat na sigaw ay nagulat sa ilang mga bata na naglalaro malapit sa amin. Pinatahimik ko sila at saka ko sinabi sa kanila ang lahat ng nangyari. Si Calvin ay may malamig at walang pakialam na hitsura, samantalang si Corrine at Letty ay mukhang naguguluha

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 342

    Patuloy akong nakatitig sa mga opisyal sa pagkabigla. Lahat tayo. Parang lahat kami ay natigilan, hindi makapaniwala sa nangyayari.Hindi hanggang matapos nilang ikulong siya at sinimulan na siyang hilahin, doon lamang nagising si Trevor at Kate at kumilos."Anong nangyayari?" Mali ang tao na napuntahan mo!Sumigaw si Trevor, pero tiningnan lang siya ng mga pulis nang masama.Tumigil sila at humarap upang tingnan siya. Parang nasa panaginip si Emma. Parang nalayo siya somehow, at may ekspresyon ng hindi makapaniwala sa kanyang mukha."Siyempre, hindi natin ginawa," sagot ng blonde. "Sabi niya mismo na siya si Emma Sharp at siya ang ipinadala naming arestuhin."Hindi kumilos si Emma, at hindi siya lumaban. Nakatayo siya nang parang estatwa, ang kanyang mga mata ay nawawala at nalilito. Naiintindihan ko siya, though. Nalito rin ako nang husto. Bakit nila siya arestuhin? Bakit nila iisipin na siya ang may kasalanan sa aking sinadyang pagpatay?"Dapat may pagkakamali." Hindi susubukan

DMCA.com Protection Status