Hindi ko naiintindihan. Bakit ngayon? Ano ang mapapala nila mula dito?“Ang kapatawaran mo?” Bumubulong ang parehong boses.Kapatawaran. Isang simpleng salita, ngunit komplikado rin.Paano ko ito ibibigay sa kanila kung hindi nila ito binibigay sa akin? Paano ko sila papatawarin kung sinira nila ako? Paano ko hahayaan ang lahat kung hindi nila ako hinayaang mabuhay ng payapa para sa nangyari?Tama si Ethan. Lasing kami nila Rowan, pero ako lang ang taong naparusahan. Ako lang ang tanging sinisi. Ako ang tinawag ng kung ano-ano. Ako ang tiningnan ng mababa. Ako lang ang binubully.Ako lang ang naging emosyonal at inabuso ng mga salita. Tinanggap ko ang lahat ng ito. Tinanggap ko ang sisi, kahit na hindi ko ito dapat ginawa, dahil mahal ko si Rowan.Habang pinag iisipan ko ito, mas lalo akong nagalit. Naramdaman ko na sinusubukan tumulo ng mga galit na luha ko, at ngayon ay ayaw ko itong pigilan.Pagod ako. Sa sobrang pagod na ako na tanggapin ang lahat. Pareho lang ang nawala sa
Rowan:Naghahanda ako para sa isang banquet. Hindi ito isang bagay na gusto ko, pero kailangan ko pa rin pumunta. Ang founder ng Hope Foundation ay ginawa ang banquet para sa thanksgiving at para sa karangalan ng lahat ng mga donor nito. Dahil isa ako sa maraming mga donor nito, inimbitahan ako.“Ano yun, Brian? Busy ako?” Sumagot ako pagkatapos tingnan ang caller ID.“Nagawa naming makuha ang isang DNA match para sa blood sample na nakolekta natin mula sa bahay ni Ms. Sharp,” Dumiretso siya sa punto.Napahinga ako ng malalim nang mabanggit ang pangalan ni Ava. Ang mga bagay na sinabi ko sa kanya ay nakatatak pa rin sa utak ko. Hindi ko dapat sinabi ang mga malupit na bagay na yun, pero sobrang galit ako dahil sinaktan niya si Emma.“At?” Ang tanong ko, gusto kong magpatuloy siya.Umaasa akong makatanggap ng magandang balita. Wala akong ibang gusto kundi ang ma-solve ang kaso kay Ava at matapos na ito.“Hindi maganda ang balita,” Ang sagot niya, huminga ako ng malalim.“Anong n
Dumating kami doon sa tamang oras, at nakahinga ako ng maluwag. Huminto ang kotse, at lumabas ako, pagkatapos ay tinulungan kong lumabas si Emma. Nagsimulang magflash ang mga camear sa oras na tumapak kami sa red carpet.“Mr. Woods, totoo ba na kasma niyo na ngayon si Emma Sharp, ang kapatid ng ex-wife niyo?” Ang tanong ng isang reporter. “May mga nagsasabi na si Ms. Emma ang tunay na mahal niyo habang napilitan lang kayo na makasama si Ava Sharp.” Ang sabi ng isa pa.“Nasaan ang ex-wife niyo, Mr. Woods?”“Ms. Emma, ano ang pakiramdam na makasama ang lalaki na minsang kinasal sa kapatid niyo? May anak pa sila.”Naramdaman ko na humigpit ang hawak ni Emma sa braso ko nang itanong nila ito. Dinala ko palayo si Emma habang nagpaulan sila ng mga katanungan. Sa huli, pumunta kami sa entrance at winelcome kami.Maganda ang trabaho ng organizer. Hindi ko gusto ang ganitong mga bagay, pero maganda talaga ng lugar. Dinala kami sa mesa namin. Nakita namin na nakaupo na sina Gabe, Travis, Le
Pareho si Emma at Christine ay nakatitig sa kanya gulat at galit. Siguro dahil walang naglakas loob na magsalita sa kanila ng ganoon. Nakakuyom ang kamao ni Emma. Bugso ng galit ang mararamdaman sa kanya.“Tama na yan, Letty… Hindi kita palalampasin kausapin si Emma ng ganyan, kapatid ko siya. Kung hindi mo siya marespeto kung gayon umalis ka.” Umangal si Travis sa kanya. Tumingin lang si Letty kay Emma bago ngumisi tapos humarap kay Travis.“Kung nakakalimutan mo, si Ava ay kapatid mo pero wala naman itong halaga sayo hindi ba? Kung sabagay isa ka sa mga tao na mismong nagpabagsak sa kanya at trinato siya na parang tae.” Tapos tumayo siya. “Masaya akong aalis, mas gugustuhin kong manatili sa bahay kaysa manatili buong gabi kasama ang mga siraulo. Nandidiri ako sa inyong lahat.”“Letty…” Nagmakaawa bigla ang tono ni Travis, pero siya ay tumalikod na at paalis.Ang lamesa ay nanatiling tahimik habang pinapanood namin siyang umalis. Hindi pa siya nakalayo. Pinahinto siya ng bodyguard
”Ano?” Bulong ni Emma sa tabi ko gulat.Ang buong kwarto ay tahimik. Ang lahat ay talagang nagulat. Walang nakakita na mangyayari ito. Walang nakaisip na si Ava ay ang founder ng ganito kalaking organization.Langya, ako ay kasal sa babae at ako ay walang clue. Nagiwan ito ng maraming masasabi tungkol sa akin kung hindi ko alam ito tungkol kay Ava.“Alam mo ba ito?” Tanong ni Gabe, ang mata at laglag ang panga.“Hindi” Angal ko, naiinis na hindi ko alam ang ganitong bagay.Pinapanood ko habang tinutulak niya paatras ang kanyang upuan. Tumayo siya at tumayo si Ethan kasama niya habang inaalok ang kanyang kamay. Ng nakangiti nilagay niya ang kanyang kamay dito at hinatid siya nito papunta sa stage. Nagngingitngit ang aking mga ngipin ng nilagay nito ang kanyang kamay sa nalalitaw na likod niya ng tinulungan nito siya paakyat ng hagdanan.Ng nandoon na siya, bumaba ito. Niyakap niya si Mary bago ito umakyat sa podium.Ngumiti ito bago umubo para malinis ang lalamunan nito.“Hi” Ka
”Perfect!” Wala siyang sinabing kahit na ano, kinuha niya lang ang kanyang tablet at nagsimulang magtype ng kung ano dito.“Oy!” Panimula ni Emma. “Hindi ba iyon si Caleb Kingstone ng Kingstone technologies? Ano ang ginagawa niya kasama si Ava? Kilala siya nito?”Tumingin ako kung saan ito nakatingin. Ito ay ang batang lalaki kasama ni Ava. Hindi nakakapagtaka na siya ay mukhang sobrang pamilyar.Ang Kingstone technologies ay nagsimula mga dalawang taon na ang nakalipas. Siya ang pinakabatang CEO at gumawa na ng sariling pangalan sa mundo ng negosyo. Dalawampung taong gulang pa lamang, siya na ay success story. Ang kanyang mga tech ay sumisikat at nakakuha na siya ng pwesto sa lamesa ng malalaking pangalan.Kung ako ay pasikat, ako ay magaalala na kunin niya ang numero unong pwesto bilang top entrepreneur sa bansa. Ang bata ay nilalampasan ang mga businessmen sa kanilang larangan.“Ah oo… siya ay beneficiary ng Hope Foundation. Siya ay ulila at inalagaan siya ni Ava. Siya ang siya
”Ang lakas ng loob mo?” Ang galit na boses ni Ava ay malinaw.Ngumisi si Brenda na para bang siya ay may mas mahalagang bagay na gagawin. “Hindi ko kasalanan na hindi niya tinitignan kung saan siya papunta. Ito ay limited edition na Luis Vuitton dress at ang bwisit na ito ay halos sinira ito sa pagtapon ng juice dito.”Si Brenda at Ava ay hindi kailanman nagkakasundo. Alam ko na siya ay inapi sa school at na si Brenda ang kanyang pinakamalaking nagpahirap sa kanya.Ang bata na kanilang tinutukoy ay nagtatago sa likod ni Ava. Siya ay hindi hihigit sa limang taong gulang. Siya ay cute, na may magandang pink dress, may heart shape na mukha, bilog na labi at mahabang itim na buhok na nasa kanyang likuran.Naiisip ko na magkaroon ng maliit na batang babae na may grey na mata at makinang na brown na buhok ni Ava.Napahinto ako sa aking upuan. Langya? Saan nanggaling ang ideyang iyon? Umiling at inalis ang mga ideyang iyon, tinuon ko ang focus kay Ava. Mukhang si Ava ay sa wakas ilalagay
”Sabihin sayo ang ano?”“Ang lahat… Ang Hope Foundation at ang katotohanan na hindi ka hirap sa pera. Bakit mo hinayaan kaming lahat na maliitin ka?”Suminghal siya bago humarap sa akin. “At kailan ko dapat na sabihin sayo? Halos ayaw mo na kasama ako at gumagawa ka pa ng mga paraan para lang siguruhin na hindi tayo magkasama ng matagal.”Nakatitig ako sa kanya. Nakatingin ng malalim sa kanyang brown na mata. Merong bago sa mga ito. Merong bagay na wala doon dati. Meron ding bagay na nawawala.Nagpatuloy siya habang nakatingin siya papunta sa hardin. “Atsaka magiging interesado ka ba? Sa aking pagkakaalala, ikaw ay walang pakialam tungkol sa kahit anong bagay na may kaugnayan sa akin.”Lumihis ang mata ko habang pinapanood ang mga tao na labas pasok sa hardin. Tama siya. Ako ay isang cold na t*rantado. Naalala ko ang sandali na wala akong pakialam sa mga bagay tungkol sa babae na sumira sa aking buhayMasama ang loob ko kay Ava at makikita ito sa paraan ng pagtrato ko sa kanya ng
Kinuha ko ang huling box at nilibot ang tingin sa kwarto ko. Ang silid na ito ang aking naging santuwaryo sa nakalipas na dalawang taon.Ito ang aking silid noong ako ay maliit pa, ngunit sa paglipas ng mga taon ay binago ko ito habang ako ay lumaki upang maging isang babae. Ang palamuti, ang pintura at ang kasangkapan. Binago ko ang lahat para magkasya sa babaeng naging ako.Ito ang kwartong iniyakan ko noong una kong nalaman na si Rowan ay natulog kay Ava... Makalipas ang ilang taon, sa silid ding ito, dinilaan ko ang aking mga sugat pagkatapos kong mapagtanto ang lahat ng sakit at sakit na dulot ko.Naging source of comfort ko ito. Ang isang lugar na kaya kong takbuhan at pagtaguan. Ang isang lugar na maaari kong masira nang walang sinumang makasaksi sa aking paglutas. Kung makapagsalita ang mga pader, sasabihin nila kung gaano sila nasaksihan. Mga sikretong tinatago ko. Ang nakakatakot na pag iisip na tapusin ang lahat.Pero ngayon, iniwan ko na. Alam kong dito pa rin ako matut
Hindi ko alam, pero sa hindi malamang dahilan, ang narinig niyang paghingi ng tawad ay naglabas ng kung ano sa loob ko. bagay na hindi ko maipaliwanag at hindi ko alam na pinanghahawakan ko."Wala kang kasalanan at wala kang dapat patawarin. Dapat narealize ko rin kanina na hindi kami meant to be. Na ang aming pag iibigan ay bata pa, ngunit ito ay hindi ang magpakailanman. Impiyerno, hindi ko talaga akalain na magkakasama kami kung hindi kami tinulak ng aming mga magulang sa isang relasyon."Tumawa si Rowan bago napalitan ng ngiti ang labi. “So, napagtanto mo rin na parents natin ang dahilan kung bakit tayo nagkasama? Ang usapan nila kung paano kami gagawa ng magandang mag asawa at lahat ng kalokohan. Iyon ang pumasok sa aming isipan at naririnig namin ito ng madalas na nagsimula kaming maniwala dito."“Totoo. Hindi ko akalain na magkakasama kami kung hindi dahil sa kanila. Kahit saan tayo lumingon, laging may nag iisip na magiging perpekto tayong magkasama. Well, maliban kay Ava."
"Kailan ka pa naging mature?" Pang aasar ko, binangga ang balikat ko sa balikat niya. "Ako ay mas matanda, dapat akong maging mas matalino.""Ang maturity ay may karanasan, alam mo." Nagkibit balikat siya at ngumiti. “Ang pag ibig ang nagtutulak sa atin na gawin ang pinakamabuti para sa ating mga anak. Kaya't hangga't ikaw ay hinihimok ng pag ibig, palagi mong gugustuhin kung ano ang pinakamahusay para sa iyong mga bata at gagawa ka ng mga desisyon batay doon."Natahimik kami saglit, natulala lang ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko hindi ako ganoon kapalpak na alam na si Ava ay may pagdududa kung para sa akin siya ang isang halimbawa ng isang perpektong ina."Nasaan pala si Iris?" Nagtatanong ako sa paligid, napansin kong hindi ko pa nakikita ang maliit mula noong dumating ako."Nasa kwarto nila si Rowan, naglalaro ng tea party." Ang sagot niya na may kasamang ngisi.Hindi ko napigilan nang humagalpak ako ng tawa. “Si Rowan? Naglalaro ng tea party?"Parang kakaiba. So out of the n
Nagseselos ako. Nagseselos si Ava kay Noah. Mayroon din siyang malapit na relasyon kay Gunner. Bakit hindi ako nagising sa katangahan ko bago pa huli ang lahat? Ang tanging dasal ko lang ay kahit hindi kami maging close ni Gunner gaya nina Ava at Noah, atleast dadating kami sa point na hindi niya kinamumuhian ang loob ko."Hindi ko gagawin, pangako ko," Bulong ko kahit na nahuhuli ang boses ko.Binigyan niya ako ng masamang tingin bago siya lumingon."Noah," Tawag ko sa kanya bago siya umalis. Naninigas ang likod niya pero tinignan niya ako sa balikat. "Pasensya na. Sa pagtrato sa iyong mom ng masama at sinubukan na pumagitan sa iyong ama at sa kanya. I'm really sorry. .”Hindi ko inaasahan na may sasabihin siya pabalik at hindi. Sa halip, tumalikod siya at iniwan akong nakatayo sa may pintuan.Napabuntong hininga, iniisip ko kung dapat ba akong pumasok o hintayin na lang na dumating si Ava at salubungin ako. Ang pagtuturo ng aking ina ay nakatanim pa rin sa aking isipan ilang tao
Emma.Kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan ako. Bumibilis ang tibok ng puso ko at halos hindi na ako makahinga. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela habang sinusubukan kong pakalmahin ang gulat na bumabalot sa loob ko.Kung tapat ako, aaminin ko na nag aalinlangan ako mula ng makipag usap kay Ava. Ang aking mga salita ay isang huwad na katapangan mula sa isang babae na, sa sandaling ito, ay may hindi pangkaraniwang pag akyat sa kumpyansa. Pagkaalis ni Ava, naglaho ang huwad na katapangan na iyon. Bumagsak ang kumpyansa ko at naiwan akong nagdududa sa desisyong ginawa ko.Pinaghirapan ko ito, iniisip kung tama ba ang ginagawa ko. Nagdududa ako sa mga aksyon na gusto kong gawin. Hindi ako sigurado kung magbubunga ito o kung papalalain ko ang mga bagay sa pamamagitan ng pagtulak sa sarili ko sa kanila.Sa wakas, nagpasya akong itigil ang aking mga plano. Nagulat ako, sa totoo lang. Hindi naman ako ganyan dati. Hindi ko kailanman pinagdudahan ang aking sarili o ang aking mga desisy
EmmaPumasok ako sa opisina ni Mia para sa isa pang therapy session. Gaya ng lagi naming ginagawa, hinubad ko muna ang sapatos ko bago umupo."Hi Emma," Nakangiting tanong ni Mia sa akin. Ang kanyang ngiti, tulad ng dati, ay nakakaakit at mainit. Ginagawa ka nitong kalmado at nakakarelaks."Hi Mia""Okay, alam mo kung ano ang una nating gagawin, di ba?"Tanong niya at tumango ako.Huminga ako ng malalim bago pumikit. Inayos ko ang mga iniisip ko. Hindi ko sila hinahawakan ng matagal o iniisip. Sa halip, hinayaan ko silang umalis nang hindi sinusubukang sumisid sa kanila.Itinutulak ko ang mga iniisip tungkol kay Calvin, Gunner, kapatid ko, nanay at Ava. Pinunasan ko ang ulo ko hanggang sa wala na. Hanggang sa mawalan na ng laman ang ulo ko at matahimik na ako.Ng matapos iyon, binuksan ko ang aking mga mata."Handa ka na bang magsimula tayo?" Tanong ni Mia na nakatingin sa akin.Tumango ako "Oo."“Noong huli tayong nag usap, sinabi mo sa akin na handa ka nang ibalik ang iyon
“Alam kong naguguluhan ka, pero ang dahilan kung bakit ko sinasabi ito sa iyo ay dahil gusto kong bigyan mo ng pagkakataon si Gabriel. Alam kong nanggugulo siya, pero sa pagtingin sa kanya ngayon, masasabi kong in love siya sayo. Ang aking mga anak na lalaki ay sumunod sa kanilang ama sa katangahan pagdating sa mga babaeng mahal nila. Kahit na bahagi ng katangahan ni Rowan ay dahil sa amin, bilang mga magulang—ako, si Antony at ang mga magulang ni Emma—ginulo namin siya.""Sarah..." Nagsisimula na akong magsalita pero pinutol niya ako.“Parang tumatakbo sa pamilya. Totoo nga yata ang kasabihang ‘ang mansanas ay hindi malayo sa puno’ dahil ang dalawang anak na lalaki ay nagawang saktan ang mga babaeng mahal nila, tulad ng ginawa sa akin ng kanilang ama. Ang hinihiling ko lang ay bigyan mo siya ng pagkakataon, dahil ang parehong kasabihan ay naaangkop sa positibong liwanag. Kapag nagmamahal ang mga Wood men, nagmamahal sila nang buong puso at nagmamahal sila ng matindi. Kung bibigyan m
"Handa na ba ang pagkain?" Tanong ko sa kasambahay namin sabay pasok sa kusina.Sumagot siya ng may magiliw na ngiti, "Hindi pa, pero ilang sandali na lang.""Okay, hayaan mo akong mag ayos ng mesa."Nakipagtalo siya, ngunit mabilis kong pinatigil ang argumentong iyon. Gusto kong tumulong. Dahil nagluluto siya, ito na lang ang magagawa ko.“Kailangan mo ba ng tulong?”Tumingala ako para hanapin ang mama ni Gabriel sa tapat ng hapag kainan. Nilapag ko ang plato na hawak ko at ngumiti sa kanya."Oo naman, pero malapit na akong matapos."Naglakad siya papunta sa akin at nagsimulang tumulong sa mga baso at kutsara."So, Harper, paano ka tinatrato ng anak ko?" Tanong niya out of nowhere.Hindi ako nakasagot agad. Nagisip ako ng sandali para lang pagisipan ang kanyang tanong, hindi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin, kundi dahil sa tono ng boses niya.Hindi lang siya humihiling na makipag-usap; gusto niyang malaman kung paano ako tinatrato ni Gabriel.Masyado sigurong nata
"Bakit ko hinayaan kayong dalawa na pagusapan ako na manatili?" frustration kong tanong habang nakatitig kay Gabriel at Lilly. "Ngayon late na tayo."Hindi man lang nag-apologetic ang dalawa. Nakangiti si Lilly, kumikinang ang mga mata sa kaligayahan, habang si Gabriel naman ay nakangisi. Pareho silang kuntento sa sarili nila.Napabuntong-hininga ako sa pagkatalo, iniisip kung ano ang gagawin ko sa dalawang ito. Kitang-kita ko ito. Ang mag-amang duo ay palaging magtutulungan upang madaig ako. Palagi nila akong inaaway.I mock-glare kay Lilly. "Nasaan ang katapatan?""Tanggapin mo na masaya, tama ba?" Sa halip ay sabi niya, inilagay ang kamay niya sa upuan ko at ni Gabriel.Napakasaya niya. Sa katunayan, mas naging masaya siya simula nang bumalik kami dito. Oo naman, masaya kami noon, pero hindi ganito kasaya.Si Lilly ay nagkaroon ng relasyon kay Liam, ngunit ito ay hindi katulad ng kung ano ang mayroon siya kay Gabriel. Siguro dahil siya ang tunay niyang ama. Siguro dahil marami