Nagising ako sa mainit na ilaw sa mukha ko. Noong una, nalilito ako kung paano ako nakarating sa kwarto ko, pero bumalik ang mga alaala ko sa mabigat na kamay sa baywang ko.Nataranta ako ng sobra at natakot ako na magising si Ethan. Ayaw ko siyang magising ngayon at may nervous breakdown ako, ngayon at magulo pa ang buhok ko. Mabagal akong bumangon at umalis ng kama.Lumingon siya at bumulong ng isang bagay sa tulog niya, pero hindi siya gumising. Nakahinga ako ng maluwag habang nag suot ako ng mga damit at kinuha ang phone mula sa dresser ko.Dahan-dahan akong pumunta sa pinto at ngumiwi ng konti noong buksan ko ang pinto at tumunog to. Tumingin ako sa likod, mabilis ang tibok ng puso ko. Agad akong nagpasalamat nang makita na nasa kama pa rin si Ethan.Ang kumot ay nasa baywang niya, kita ang kanyang magandang abs, at ang braso niya ay nasa mukha niya. Lumunok ako ng malakas, umalis ako ng kwarto.Naglakad ako pababa ng hagdan at pakiramdam ko na naglalakad ako ng may kahihiyan
Hindi ko naiintindihan. Bakit ngayon? Ano ang mapapala nila mula dito?“Ang kapatawaran mo?” Bumubulong ang parehong boses.Kapatawaran. Isang simpleng salita, ngunit komplikado rin.Paano ko ito ibibigay sa kanila kung hindi nila ito binibigay sa akin? Paano ko sila papatawarin kung sinira nila ako? Paano ko hahayaan ang lahat kung hindi nila ako hinayaang mabuhay ng payapa para sa nangyari?Tama si Ethan. Lasing kami nila Rowan, pero ako lang ang taong naparusahan. Ako lang ang tanging sinisi. Ako ang tinawag ng kung ano-ano. Ako ang tiningnan ng mababa. Ako lang ang binubully.Ako lang ang naging emosyonal at inabuso ng mga salita. Tinanggap ko ang lahat ng ito. Tinanggap ko ang sisi, kahit na hindi ko ito dapat ginawa, dahil mahal ko si Rowan.Habang pinag iisipan ko ito, mas lalo akong nagalit. Naramdaman ko na sinusubukan tumulo ng mga galit na luha ko, at ngayon ay ayaw ko itong pigilan.Pagod ako. Sa sobrang pagod na ako na tanggapin ang lahat. Pareho lang ang nawala sa
Rowan:Naghahanda ako para sa isang banquet. Hindi ito isang bagay na gusto ko, pero kailangan ko pa rin pumunta. Ang founder ng Hope Foundation ay ginawa ang banquet para sa thanksgiving at para sa karangalan ng lahat ng mga donor nito. Dahil isa ako sa maraming mga donor nito, inimbitahan ako.“Ano yun, Brian? Busy ako?” Sumagot ako pagkatapos tingnan ang caller ID.“Nagawa naming makuha ang isang DNA match para sa blood sample na nakolekta natin mula sa bahay ni Ms. Sharp,” Dumiretso siya sa punto.Napahinga ako ng malalim nang mabanggit ang pangalan ni Ava. Ang mga bagay na sinabi ko sa kanya ay nakatatak pa rin sa utak ko. Hindi ko dapat sinabi ang mga malupit na bagay na yun, pero sobrang galit ako dahil sinaktan niya si Emma.“At?” Ang tanong ko, gusto kong magpatuloy siya.Umaasa akong makatanggap ng magandang balita. Wala akong ibang gusto kundi ang ma-solve ang kaso kay Ava at matapos na ito.“Hindi maganda ang balita,” Ang sagot niya, huminga ako ng malalim.“Anong n
Dumating kami doon sa tamang oras, at nakahinga ako ng maluwag. Huminto ang kotse, at lumabas ako, pagkatapos ay tinulungan kong lumabas si Emma. Nagsimulang magflash ang mga camear sa oras na tumapak kami sa red carpet.“Mr. Woods, totoo ba na kasma niyo na ngayon si Emma Sharp, ang kapatid ng ex-wife niyo?” Ang tanong ng isang reporter. “May mga nagsasabi na si Ms. Emma ang tunay na mahal niyo habang napilitan lang kayo na makasama si Ava Sharp.” Ang sabi ng isa pa.“Nasaan ang ex-wife niyo, Mr. Woods?”“Ms. Emma, ano ang pakiramdam na makasama ang lalaki na minsang kinasal sa kapatid niyo? May anak pa sila.”Naramdaman ko na humigpit ang hawak ni Emma sa braso ko nang itanong nila ito. Dinala ko palayo si Emma habang nagpaulan sila ng mga katanungan. Sa huli, pumunta kami sa entrance at winelcome kami.Maganda ang trabaho ng organizer. Hindi ko gusto ang ganitong mga bagay, pero maganda talaga ng lugar. Dinala kami sa mesa namin. Nakita namin na nakaupo na sina Gabe, Travis, Le
Pareho si Emma at Christine ay nakatitig sa kanya gulat at galit. Siguro dahil walang naglakas loob na magsalita sa kanila ng ganoon. Nakakuyom ang kamao ni Emma. Bugso ng galit ang mararamdaman sa kanya.“Tama na yan, Letty… Hindi kita palalampasin kausapin si Emma ng ganyan, kapatid ko siya. Kung hindi mo siya marespeto kung gayon umalis ka.” Umangal si Travis sa kanya. Tumingin lang si Letty kay Emma bago ngumisi tapos humarap kay Travis.“Kung nakakalimutan mo, si Ava ay kapatid mo pero wala naman itong halaga sayo hindi ba? Kung sabagay isa ka sa mga tao na mismong nagpabagsak sa kanya at trinato siya na parang tae.” Tapos tumayo siya. “Masaya akong aalis, mas gugustuhin kong manatili sa bahay kaysa manatili buong gabi kasama ang mga siraulo. Nandidiri ako sa inyong lahat.”“Letty…” Nagmakaawa bigla ang tono ni Travis, pero siya ay tumalikod na at paalis.Ang lamesa ay nanatiling tahimik habang pinapanood namin siyang umalis. Hindi pa siya nakalayo. Pinahinto siya ng bodyguard
”Ano?” Bulong ni Emma sa tabi ko gulat.Ang buong kwarto ay tahimik. Ang lahat ay talagang nagulat. Walang nakakita na mangyayari ito. Walang nakaisip na si Ava ay ang founder ng ganito kalaking organization.Langya, ako ay kasal sa babae at ako ay walang clue. Nagiwan ito ng maraming masasabi tungkol sa akin kung hindi ko alam ito tungkol kay Ava.“Alam mo ba ito?” Tanong ni Gabe, ang mata at laglag ang panga.“Hindi” Angal ko, naiinis na hindi ko alam ang ganitong bagay.Pinapanood ko habang tinutulak niya paatras ang kanyang upuan. Tumayo siya at tumayo si Ethan kasama niya habang inaalok ang kanyang kamay. Ng nakangiti nilagay niya ang kanyang kamay dito at hinatid siya nito papunta sa stage. Nagngingitngit ang aking mga ngipin ng nilagay nito ang kanyang kamay sa nalalitaw na likod niya ng tinulungan nito siya paakyat ng hagdanan.Ng nandoon na siya, bumaba ito. Niyakap niya si Mary bago ito umakyat sa podium.Ngumiti ito bago umubo para malinis ang lalamunan nito.“Hi” Ka
”Perfect!” Wala siyang sinabing kahit na ano, kinuha niya lang ang kanyang tablet at nagsimulang magtype ng kung ano dito.“Oy!” Panimula ni Emma. “Hindi ba iyon si Caleb Kingstone ng Kingstone technologies? Ano ang ginagawa niya kasama si Ava? Kilala siya nito?”Tumingin ako kung saan ito nakatingin. Ito ay ang batang lalaki kasama ni Ava. Hindi nakakapagtaka na siya ay mukhang sobrang pamilyar.Ang Kingstone technologies ay nagsimula mga dalawang taon na ang nakalipas. Siya ang pinakabatang CEO at gumawa na ng sariling pangalan sa mundo ng negosyo. Dalawampung taong gulang pa lamang, siya na ay success story. Ang kanyang mga tech ay sumisikat at nakakuha na siya ng pwesto sa lamesa ng malalaking pangalan.Kung ako ay pasikat, ako ay magaalala na kunin niya ang numero unong pwesto bilang top entrepreneur sa bansa. Ang bata ay nilalampasan ang mga businessmen sa kanilang larangan.“Ah oo… siya ay beneficiary ng Hope Foundation. Siya ay ulila at inalagaan siya ni Ava. Siya ang siya
”Ang lakas ng loob mo?” Ang galit na boses ni Ava ay malinaw.Ngumisi si Brenda na para bang siya ay may mas mahalagang bagay na gagawin. “Hindi ko kasalanan na hindi niya tinitignan kung saan siya papunta. Ito ay limited edition na Luis Vuitton dress at ang bwisit na ito ay halos sinira ito sa pagtapon ng juice dito.”Si Brenda at Ava ay hindi kailanman nagkakasundo. Alam ko na siya ay inapi sa school at na si Brenda ang kanyang pinakamalaking nagpahirap sa kanya.Ang bata na kanilang tinutukoy ay nagtatago sa likod ni Ava. Siya ay hindi hihigit sa limang taong gulang. Siya ay cute, na may magandang pink dress, may heart shape na mukha, bilog na labi at mahabang itim na buhok na nasa kanyang likuran.Naiisip ko na magkaroon ng maliit na batang babae na may grey na mata at makinang na brown na buhok ni Ava.Napahinto ako sa aking upuan. Langya? Saan nanggaling ang ideyang iyon? Umiling at inalis ang mga ideyang iyon, tinuon ko ang focus kay Ava. Mukhang si Ava ay sa wakas ilalagay
Ava. Bumalik ang mga alaala ko, at ang sabihin na galit ako ay isang understatement. Sobrang galit na galit ako. Galit na galit ako."Sinungaling ka!"Sumigaw ako kay Rowan, ang kamay ko ay tumama sa kanyang dibdib. Parang tumama ako sa pader, pero wala akong pakialam. "Sinungaling ka, gago ka." Sa loob ng ilang buwan. Buwan, RowanAng kaalaman na bumalik na ang aking mga alaala ay sumisikat sa kanya. Takot ang pumuno sa kanyang mga mata, at sa una'y nagulat ako dahil hindi kailanman nagpakita ng takot si Rowan, pero naalala ko na galit ako sa kanya.Kailangan kong umalis. May pupuntahan ako,” sabi ko nang hindi talaga tumitingin sa sinuman.Hinahanap ko ang kwarto, at nang makita ko ang susi ng kotse ko, kinuha ko ito. Nasa gitna na akong umalis nang hawakan ni Rowan ang kamay ko at pinigilan ako."Hindi ka makakaalis." Kailangan kitang dalhin sa ospital; nahimatay ka, Ava. Kailangan mong magpatingin sa doktor.” Malambot ang kanyang mga mata habang nagmamakaawa siya sa akin."B
"Nagulat ako, pero humanga rin." sabi ni Reaper, at swear ko, narinig ko ang kasiyahan sa kanyang boses. "Ang lahat ay nagsalita kung gaano mo siya kamahal; hindi ko akalain na masasaktan mo siya, lalo na para kay Ava." "Ang mga tao ay walang alam."Tulad ng sinabi ko, saka lang ako naisipan. Ang pagmamahal ko kay Emma ay tuluyan nang nawala. Patay na ito, at marahil matagal na itong patay. Ang nararamdaman ko para kay Ava ay mas malakas.Sa pagninilay, nahulog ako kay Emma at sa ideya ng pag-ibig. Bukod pa rito, lahat ay nagsasabi na para kami sa isa't isa. Na tayo ay perpekto nang magkasama. Sa tingin ko, pumasok ito sa isip ko. Narinig ko itong sinabi nang napakaraming beses noong bata pa tayo na baka na brainwash ako nito na isipin na ito ang katotohanan.Gusto ng lahat na magkasama kami, pati na rin ang mga ina namin, na pinilit kaming laging magkasama. Paano kung ang akala kong pag-ibig ay wala kundi isang ideya na itinanim sa ating mga isipan ng ating mga ina? Isang pantasy
Rowan. Tinititigan ko ang blangkong screen ng laptop ko, hindi talaga ako nasa mood magtrabaho. Naglalaro si Noah ng video games, at natutulog si Iris. Matagal na mula nang umalis si Ava para ihatid si Gunner; dapat nandito na siya ngayon.Mula nang mag-shootout siya, palagi na akong nag-aalala para sa kanya. Hindi ko maalis ang takot na bumabalot sa akin tuwing nasa labas siya. Hindi ko maalis-alis ang takot na baka mawala ko siya sa kamatayan. Halos nagawa ko na noon, at nag-iwan ito ng marka sa akin.Gagawin ko ang lahat para masiguro na siya ay ligtas. Kasama na rito ang pagpapadala sa taong nanakit sa kanya sa isang lugar kung saan hindi na siya makakapagpahirap kay Ava muli.Bumubuntong-hininga ako at tumayo. Ang isa pang bagay na ikinabahala ko ay ang pahayag ni Ava ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit at paano niya pinaniniwalaan na inosente si Emma. Na-realize ko na lang ito nang huli, pero si Emma ay matagal nang sumusunod kay Ava simula nang mapansin niyang nagbago
"Magandang umaga," bati ko, nakatayo sa pintuan ng kusina. Si Gunner ay nagmamadali at niyayakap ang kanyang ama habang sinasabi ang tungkol sa magandang oras na kanilang pinagsaluhan ni Noah sa aming bahay.“Magandang Umaga, Ava.”Tinutukso ko ang sarili ko. Sinusubukan niyang mag-multitask. Inaalagaan niya ako habang nakikinig sa kanyang anak at sinisikap pa ring gawin ang kanyang trabaho."Maaga pa ba ito?"Tinanong ko siya. “Maaari akong bumalik sa kanya para makapagpatuloy ka sa iyong trabaho nang walang abala.”"Hindi, ayos lang, pero salamat." Malapit na akong matapos,” sagot niya. "Plus, ngayon ay Linggo; may ginagawa kami tuwing Linggo."Ngumiti ako at tumango. Nasa isip ko nang humingi ng paumanhin nang muling makuha ng bahay sa tabi ang aking atensyon. Ang kusina ni Calvin ay nakaharap sa likod-bahay ng bahay."Calvin?" tawag ko, at tumingin siya pataas."Oo?""Sino ang may-ari ng bahay na iyon? Hindi ko maintindihan kung bakit ako naaakit dito."Pinaikot niya ang
"Hindi ako sigurado, pero magtiwala ka sa akin," sagot ko sa kanya. "Ang mga instinct ko ay hindi kailanman nagkakamali." Mukhang hindi siya sigurado sa simula hanggang sa punasan niya ang kanyang mga tampok, at alisin ang ekspresyon mula sa kanyang mukha. Pagkatapos, tumayo siya at lumapit upang tumayo sa tabi ko. Bago ko pa maunawaan kung ano ang ginagawa niya, binigyan niya ako ng mabilis na halik at agad na humiwalay."Sige," simula niya. "Pagkakatiwalaan kita, pero kung mali ka, pagbabayarin ko siya sa pananakit niya sa iyo."May pinal na tono siya, na sinasamahan ng isang bagay na lubos na mapanganib.Tinatanggap ko ang kompromiso. "Sige, pero makikita mo na hindi ako nagkakamali dito."Wala siyang sinasabi; hinahalikan lang niya ang aking noo at pagkatapos ay bumalik sa kanyang kape. Nag-usap pa kami nang kaunti. Walang partikular na mahalaga, pero masarap ang pakiramdam.Makipag-usap sa kanya at makasama siya, ang lahat ay tila maganda. Para bang nasa bahay ako pagkatapo
Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi, at kitang-kita ito sa hitsura ko ngayong umaga. Pagod na pagod ako, pareho sa isip at katawan. Si Rowan at ako ay hindi na natulog sa parehong kama mula noong gabi ng aming date. Sa unang pagkakataon mula noon, naisipan kong imbitahan siya pagkatapos naming umuwi mula sa istasyon ng pulis. Mabagal akong naglalakad papuntang kusina. Maaga pa, at malamang ako lang ang gising. Kailangan ko ng kape agad kasi kailangan kong ibalik si Gunner. Sinabi ni Calvin na magiging abala siya at baka hindi niya makuha siya, kaya't inalok ko na ihatid siya.Nagiingat, tinatawid ko ang threshold papuntang kusina pero bigla akong natigilan. Naupo si Rowan sa kitchen island na may mainit na tasa.Lumingon siya nang marinig ako, at nagtagpo ang aming mga mata."Hindi ka makatulog?""tanong niya, tumatayo."Tumango na lang ako habang pinapanood siyang buksan ang aparador para kumuha ng isa pang tasa. Nang hindi ko siya tinanong, nagbuhos siya sa akin ng kape mula
Nakarating kami sa istasyon, at tumaas ang aking pagkabahala. Naging sobrang nerbiyoso ako, hindi ko talaga alam kung gusto kong marinig ang sasabihin ni Brian. Ano ang gagawin ko kung siya talaga ang nasa likod ng aking tangkang pagpatay?Sige, hindi kami magkasundo, pero kilala ko na siya simula pagkabata ko. Magkasama kaming lumaki, at para sa akin, siya ang aking kapatid. Nakatira kami sa parehong bahay hanggang sa siya ay magtapos at lumipat sa kolehiyo."Okay ka lang?""Tanong ni Rowan, ang kanyang pag-aalala ay nakikita sa kanyang mukha.""Medyo kinakabahan lang."Hawak niya ang kamay ko bago niya ako hinagkan nang malumanay. Hindi ako tumitigil dahil kailangan ko ito. Kailangan ko siya."Okay lang ang lahat; huwag kang mag-alala." Pinatibay niya ako pagkatapos humiwalay.Tumango ako, at lumabas kami ng kotse. Hawak pa rin ang kamay ko sa kanya, naglakad kami patungo sa istasyon at pumasok. Ang iba ay sumunod din sa amin, at kami ay dinala sa opisina ng hepe ng pulis."Sal
Tumango ako, nauunawaan kung bakit siya kinakabahan sa tawag. Gusto kong magmadali roon nang mabilis hangga't maaari, pero may mga bisita rin kami, at abala pa rin ang kaarawan ni Noah."Tapusin muna natin ang party ni Noah, saka tayo makikipagkita kay Brian," sabi ko sa kanila habang tumatayo.Sang-ayon kaming lahat doon at bumalik kami sa party.Tama ako; iniwan ni Rowan si Iris sa mga magulang ko. Pumunta ako sa mga kaibigan ko na may mga nag-aalalang ekspresyon sa kanilang mga mukha.Ano'ng nangyayari? At nasaan sina Emma, Trevor, at Kate?Ang mga mata ni Letty ay nag-iikot sa paligid, marahil ay hinahanap ang kanyang kasintahan."Naaresto si Emma, kaya sinundan siya nina Trevor at Kate papunta sa istasyon."Ano?Ang kanilang gulat na sigaw ay nagulat sa ilang mga bata na naglalaro malapit sa amin. Pinatahimik ko sila at saka ko sinabi sa kanila ang lahat ng nangyari. Si Calvin ay may malamig at walang pakialam na hitsura, samantalang si Corrine at Letty ay mukhang naguguluha
Patuloy akong nakatitig sa mga opisyal sa pagkabigla. Lahat tayo. Parang lahat kami ay natigilan, hindi makapaniwala sa nangyayari.Hindi hanggang matapos nilang ikulong siya at sinimulan na siyang hilahin, doon lamang nagising si Trevor at Kate at kumilos."Anong nangyayari?" Mali ang tao na napuntahan mo!Sumigaw si Trevor, pero tiningnan lang siya ng mga pulis nang masama.Tumigil sila at humarap upang tingnan siya. Parang nasa panaginip si Emma. Parang nalayo siya somehow, at may ekspresyon ng hindi makapaniwala sa kanyang mukha."Siyempre, hindi natin ginawa," sagot ng blonde. "Sabi niya mismo na siya si Emma Sharp at siya ang ipinadala naming arestuhin."Hindi kumilos si Emma, at hindi siya lumaban. Nakatayo siya nang parang estatwa, ang kanyang mga mata ay nawawala at nalilito. Naiintindihan ko siya, though. Nalito rin ako nang husto. Bakit nila siya arestuhin? Bakit nila iisipin na siya ang may kasalanan sa aking sinadyang pagpatay?"Dapat may pagkakamali." Hindi susubukan