All Chapters of ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO: Chapter 181 - Chapter 190
268 Chapters
Chapter 93.2
Sa mga oras na iyon ay bigla na namang dumating ang napakalakas na kulog at kasunod nito ay ang pag-uumpisa ng pagbagsak ng ulan. Sa una ay maliit pa ang patak nito ngunit hindi nagtagal, wala pang dalawang minuto ay naging malalaki na ang mga patak ng ulan. Ilang sandali pa nga ay tuluyan nang bumuhos ang napakalakas na ulan at halos ang paligid nila ay nabalot ng ulap at halos wala na ring masyadong makita.Pareho silang tumakbo ni Greg. ngunti dahil sa kanyang pag-aalala sa kanyang mga baby ay bigla na lamang siyang bumagal sa pagtakbo sa takot na baka madulas siya at nang mapansin ito ni Greg ay bigla siya nitong nilingon.“Huwag kang matakot.” sabi nito sa kaniya at ilang sandali pa nga ay tuluyan na niyang naramdaman ang mainit na palad na humawak sa kanyang mga kamay. “Hindi kita hahayaang mapahamak.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Ang maalalahaning boses ni Greg ay mahinang umalingawngaw sa ulan. Nang marinig niya ang sinabi nito ay nabawasan ng kaunti ang takot niya. Sa kab
Read more
Chapter 94.1
Matapos niyang marinig ang sagot nito ay napakagat na lamang si Annie sa kanyang mga labi at pagkatapos ay unti-unti nang umakyat sa likod ni Greg. matapos naman siyang sumakay sa likod nito ay inagaw nito sa kanyang ang sandals na hawak niya.“Ako na ang hahawak ng sandals ko.” sabi niya rito at agad na inagaw mula rito ang sandals na hindi naman na nito inilayo pa sa kaniya at ipinaubaya na lamang sa kaniya ang sandals. Ilang sandali pa nga ay nag-umpisa nang maglakad si Greg habang nasa likod siya nito. Ang buong paligid ay halos wala na silang halos makita at mas lalo pang lumakas ang ulan.Sa mga oras na iyon ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Greg. naisip tuloy ni Annie na baka ang pamilya na ito ni Greg at nag-aalala na ang mga ito rito. “Greg, please ibaba mo na ako at ako na lang ang maglalakad mag-isa.” kaagad na sabi niya rito.Sa totoo lang ay wala ni isa man ang trumtato sa kaniya ng ganito na may sobrang pag-aaalala at pag-aalaga. Sa mga sandaling iyon kahit na
Read more
Chapter 94.2
Siniguro niya muna na bago siya muling humarap rito ay handa na siya talaga at nakatago na ang lahat ng kanyang dapat na itago. Sa mga oras na iyon ay muli na namang tumunog ang cellphone ni Greg.AGAD naman na dinukot ni Greg ang kanyang cellphone at pagkatapos ay doon niya nakita na ang kanyang ate pala ang tumatawag. “Sobrang lakas ng ulan. Saan ka nagpunta?” dire-diretsong tanong nito sa kaniya pagkasagot na pagkasagot pa lamang niya ng tawag.“Ayos lang ako, huwag niyo akong alalahanin. Nandito ako sa pavillion ngayon at pwede niyo naman akong daanan na lang rito.” sagot niya kaagad rito.Narinig naman niya na napabuntung-hininga ito sa kabilang linya. “Sige, hintayin mo na lang kami diyang at dadaanan ka na lang namin diyan.” sabi nito sa kaniya.Ngunit nang marinig ni Greg na isasama ng kanyang ate na dumaan doon ang kanyang ina ay mabilis siyang nagsalita. “Ate may kasama pa kasi akong kaibigan ko ngayon. Pwede bang ihatid mo na lang muna si Mommy pauwi at ipasundo mo na lang
Read more
Chapter 95.1
Kahit na hindi sagutin ni Annie ang tanong nito ay alam na niya kaagad kung ano ang magiging sagot nito. Aminado si Annie na dahil sa sinabi nito ay lumambot na naman ang matigas niyang puso. Bigla siyang nagulahan sa mga sinasabi nito at hindi niya akalain na magiging ganito ito. Palagi na lamang itong ganito. Pagkatapos siya nitong saktan ay tyaka naman siya nito aamuhin na akala mo ay bumabawi talaga sa mga nagawa nitong kasalanan sa kaniya. "Tara na, umuwi na tayo." sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay naglakad ito palapit sa kaniya. Pagkatapos namang sabihin iyon ni Lucas ay hindi niya sinasadyang mapatingin sa suot ni Annie at doon niya nga napansin na nakasuot ito ng damit ng isang lalaki.Nang sumunod na sandali, nakita niya ang lalaking nakatayo sa kabilang sulok ng pavillion at nakatalikod sa kanya. Nang makita niya ang likod nito ay tila ba naramdaman niya na medyo pamilyar ang likod na iyon ngunit hindi niya lang masigurado kung saan niya na nga ba iyon nakita. Sa san
Read more
Chapter 95.2
Samantala ay gusto namang matawa ni Lucas dahil ang kanyang asawa sa panahon ng kagipitan ay mas pinili pang paboran ang ibang lalaki kaysa sa kaniya. At talaga namang masasabi niya na pinoprotektahan pa talaga nito ito. Wala siyang ibang masabi kung napakagaling nito. Pakiramdam tuloy ni Lucas ng mga oras na iyon ay parang sasabog na ang kanyang baga sa unang pagkakataon sa kanyang buhay at masasabi niya na siya ay galit na galit talaga. Napakuyom siya ang kanyang mga kamao at pilit na pinipigilan ang sarili. Gayunpaman, hangga't iniisip niya na si Annie ay puno ng pagmamahal kay Greg ay halos mabaliw siya sa matinding selos. Sa huli ay hindi pa rin napigilan ni Lucas ang kanyang sarili at isa-isa na binaluktot niya ang kanyang mga daliri. Nang makita naman ni Annie kung ano ang ginagawa ni Lucas ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata lalo na nang makita niyang ang paghakbang nito palapit kay Greg. "Lucas, huwag!" Malakas na sigaw ni Annie at tumakbo ng hindi na nag-iisip at tuma
Read more
Chapter 96.1
Siya ay orihinal na nakasuot ng isang mahabang trench coat, na hanggang tuhod na sa kanyang taas at ngayon na sinuot niya ito kay Annie ay halos direkta na ito sa bukung-bukong nito dahil sa haban."Sobrang haba naman." Nakasimangot na sabi ni Annie dahil sa habang isinuot nito sa kanyang trench coat nito at sa totoo lang ay hindi niya maintindihan ang ginagawa ng lalaking ito."Tama lang yan sayo lalo na diyang sa suot mong damit sa loob." sagot ni Lucas at hindi pa siya nasiyahan pagkatapos nito. "Basa pa ang damit mo, pero malinis at maayos naman ang ipinatong kong damit ko sayo." dagdag nitong sabi sa kaniya."I mean, sobrang haba at madali lang madumihan.” sabi naman bigla ni Annie dahil mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya, isa pa ay wala naman siyang masamang intensiyon sa sinabi niya. “Diba nagagalit ka kapag nadumihan ng ibang tao ang damit mo?" tanong niya pa rito para kahit papano ay mawala ng kung anumang nasa isip nito."Oo, pero iba ka naman sa kanila." mabi
Read more
Chapter 96.2
"Kung ano-ano ang sinasabi mo. pumunta ka na nga doon, napakagulo mo lang rito." sabi niya at pagkatapos ay bahagya pa itong itinulak dahil sa sobrang pagkapahiya niya sa harapani ni Annie. Napakadaldal talaga ng kapatid niyang ito at halos wala man lang kapreno-preno ang bibig nito."Sa totoo lang kuya ay ngayon lang kita nakitang ganito ka-gentle at maingat sa isang babae. May mga babaeng humahabol sa iyo noon, pero tinanggihan mo silang lahat ng walang kaawa-awa." sabi nito sa kaniya. Dahil sa sinabi nito ay halos hindi na niya alam kung may mukha pa ba siyang ihaharap kay Annie ng mga oras na iyon.“Pumunta ka na sa sasakyan." sabi niya rito na may halong banta na ang tinig at talaga namang sinamaan na niya ito ng tingin, yung tipong sa isang tingin lamang ay makukuha na nitong matakot sa kaniya at sa wakas ay nagawa na ni Kenna na bumalik sa kotse at pagkatapos ay naglakad siya pabalik sa harapan ni Annie.“Pasensiya na at pinaghintay kita." sabi niya at pagkatapos ay bahagyang
Read more
Chapter 97.1
Pagdating sa bahay ay kaagad na naligo si Annie para hindi siya magkasakit. Dahil sa ulan ay hindi niya maiwang hindi mag-alala na baka magkaroon siya ng sipon kaya't mas matagal siyang nagbabad sa mainit na tubig dahil gusto niyang mawala ang lamig sa kanyang katawan.Nang makapagdesisyon siya na sa wakas ay lumabas siya ng banyo ay siniguro niya talaga na mainit na siya at maluwag at komportable na ang pakiramdam niya. Pero hindi niya inaasahan na agad niyang makikita si Lucas pagkalabas na pagkalabas niya ng banyo.Kapapasok lang din nito ng pinto at mukhang katatapos lang din nitong magshower at nakasuot din ito ng pajama katulad niya at ang itim niyang buhok ay tumutulo pa dahil sa pagligo nito.Habang nakatitig rito ay hindi niya maiwasan na hindi makita nag kagwapuhang taglay nito habang nakausot ito ng pantulog na talaga namang nagpalutang sa kagwapuhan nito. At sa ilalim ng liwanag ng ilaw ay mas lalo pang lumakas ang appeal nito. Wala man lang siyang makitang konting kapan
Read more
Chapter 97.2
Hindi namalayan ni Annie na gumalaw na pala ang kanyang mga kamay at yumakap kay Lucas at hindi lang basta yumakpa dahil bigla na lamang itong gumalaw upang tanggalin ang pagkakatali ng suot nitong roba. Ilang sandali pa nga ay tumigil si Lucas sa paghalik sa kaniya at pagkatapos ay isinandal nito ang noo sa kanyang noo at tumitig sa kaniya na may kaakit-akit na ngiti sa kanyang mga labi. "Annie, mukhang hindi ka na makapaghintay. Kahit ang damit ko ay unti-unti mo ng tinatanggal." tukso nito sa kaniya.Nang marinig ito ni Annie, hindi niya naiwasan na manginig ang buo niyang katawan, dahil nga halos hindi na niya nakayang mapigilan ang kanyang sarili. Ilang sandali pa nga ay narinig na niyang tinatanggal na nito ang butones ng pantulog niya kaya mabilis na yumuko si Annie upang tingnan ito. Sa pagkakataong iyon ay doon niya nakita na ang suot ngang roba ni Lucas ay wala na talagang tali at tumambad na sa kanyang paningin ang dibdib nito at tiyan na mayroong abs. Nang makita niya it
Read more
Chapter 98.1
Samantala, sa mga sandaling iyon ay naisip ni Annie na palagi na lamang siyang napapahiya kapag nagtatanong siya rito tungkol sa nararamdaman nito para sa kaniya. Hinayaan na lamang niya itong gawin ang gusto nito sa katawan niya, tutal naman ay ang katawan lang naman niya ang gusto nito.Nang tingnan ni Lucas ang mga mata ni Annie ay napakalamig na wala man lang mababakas na kahit na anumang emosyon hindi katulad kanina kaya habang nakatitig rito ay hindi niya maiwasang maramdaman na tila ba may nagbuhos sa kaniya ng isang balde ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa na dahilan kung bakit nagising ang buong sistema niya.Kumurap siya dahil baka nagkakamali lamang siya ng nakikita ngunit nang muli niyang itaas ang kanyang ulo upang tingnan ito ganun pa rin ang mga mata nito, wala pa ring kahit na anong emosyon ang mababakas rito at hindi niya tuloy maiwasan na hindi mag-isip ng kung ano-ano. Isa pa ay bigla na lang din nanlamig ang tingin niya rito dahil sa mukhang kawalan ng inte
Read more
PREV
1
...
1718192021
...
27
DMCA.com Protection Status