CHAPTER 342Kinabukasan ay maaga namang gumising muli si Rayver para kausapin ang kanyang mga magulang para ipaalam sa mga ito ang balak nyang pagpapakilala kay Shiela bilang nobya nya."Good morning mom, dad," nakangiti pa na bati ni Rayver sa kanyang mga magulang na kabababa pa lamang ng kanilang hagdan."Good morning naman anak. Himala yata at narito ka pa. Hindi ka ba pupunta kay Shiela ngayong umaga?" agad na sagot naman ni Aira dahil nagtataka pa sila dahil naroon pa nga si Rayver. Nasanay na kasi silang maagang umaalis ang kanilang anak para puntahan muna si Shiela bago ito pumasok sa opisina nito."May gusto po sana kasi akong sabibin sa inyo mom, dad," sagot naman ni Rayver. Nagkatinginan naman sila Aira at Dave."Ano yun anak? May problema ba?" tanong naman kaagad ni Dave kay Rayver."Ahm. Mom, dad gusto ko na po kasing ipakilala si Shiela bilang nobya ko. Gusto ko po sanang magdaos din ng dinner party saka ko sya ipapakilala sa lahat bilang nobya ko," seryosong sagot ni Ray
Read more