CHAPTER 551 "Sabagay may punto ka naman r'yan Dylan. Pero sigurado ako na apo rin ang hiling sa inyo ni Bianca," natatawa pa na sagot ni Aira kay Dylan. Natawa na lamang nga si Amara at Dylan dahil sa sinabi na iyon ni Aira dahil talagang magkaibigan nga ang mga magulang nila at alam naman nila na magkasundong magkasundo ang mga ito lalo na ang kanilang mga ina kaya naman pati sa hinihiling sa kanila ng mga ito ay magkasundo pa rin talaga ang mga ito. "Hindi po kayo nagkakamali r'yan mom," natatawa pa na sagot ni Amara kay Aira. "Sya nga pala eto nga pala ang regalo ko para sa inyo," sabi ni Aira at saka nga niya kinuha sa kanyang bag ang isang maliit na box at agad nga nitong iniabot iyon kay Dylan. "Mom diba sabi ko naman na po sa inyo ay wag nyo na po kaming regaluhan," sabi ni Dylan at hindi nga nya kinukuha ang iniaabot ng kanyang ina sa kanya. "Bunsong anak kita Dylan at ayoko naman na hindi kita mareregaluhan sa kasal mo. Kaya sige na kunin mo na iyan," sagot ni Aira kay D
Last Updated : 2025-02-12 Read more