CHAPTER 347"Let's go Shiela," sabi pa ni Rayver pero hindi pa rin talaga natinag si Shiela sa kinatayuan nya kaya naman linapitan na nya ito. "May problema ba?" tanong pa ni Rayver kay Shiela pero wala syang nakuhang tugon mula sa dalaga kaya naman sinundan na nya ng tingin kung saan ito nakatingin at napakunot na lamang ang noo nya ng mapansin nya na titig na titig si Shiela kay Mr. Garcia."Hey Shiela. Are you okay? May problema ba? Wag mo na lamang silang pansinin pa dahil wala lamang silang magawa kundi ang ipagpilitan ang nga gusto nila," sabi pa muli ni Rayver kay Shiela at muli ay hinila nya ang kamay ng dalaga pero hindi pa rin ito nagpatinag bagkos ay binitiwan pa nito ang kamay ni Rayver at naglakad pa ito papalapit sa pwesto nila Mr. Garcia na inaalo ang kanyang anak na si Jenny na umiiyak na.Nagkatinginan naman sila Rayver at Dave dahil sa ginawa ni Shiela kaya naman agad ng linapitan ni Rayver si Shiela pero napakunot na lamang ang noo nya sa narinig nyang sinabi ni Shi
CHAPTER 348"Ang mabuti pa ay umalis na tayo rito," sabi ni Rayver kay Shiela at sa pagkakataon na ito ay inakbayan na nya ang dalaga na patuloy pa rin sa pag iyak. Pero bago sumama si Shiela kay Rayver ay sandaling pinunasan na muna nya ang kanyang luha at muli nyang hinarap ang kanyang ama na matagal na silang iniwan."Masaya ako tay dahil muli ko kayong nakita kahit na inabanduna nyo na talaga kami nila nanay at ng mga kapatid ko. Alam ko po na mas maganda ang buhay nyo ngayon kaya hindi ko naman po kayo masisisi na iniwanan nyo na lamang po kami ng basta na lang nila nanay dahil sa mahirap ang buhay sa probinsya Sana lang po talaga ay maging masaya kayo sa buhay nyo ngayon sa kabila ng pag iwan nyo sa amin," seryosong sabi ni Shiela sa kanyang ama na may halong hinanakit bago sya tuluyang sumama kay Rayver at diretsong lumabas na roon sa hotel kung saan dinaos ang dinner party na iyon at hindi na nga nila nagawa pang tapusin ang naturang event dahil sa mga nangyare.Nagpaiwan na
CHAPTER 349"Hindi ko linoko ang mommy mo anak. Naikasal kami ng mommy mo noon at sya ang nagloko ng mga panahon na yun dahil nahuli ko sya na mayroong ibang lalake," sagot ni Joey kay Jenny at bakas pa sa mukha nito ang sakit dahil mahal na mahal nya ang ina ni Jenny."Kaya nagpakalayo layo na lamang ako dahil totoong nasaktan ako sa ginawa ng mommy mo. Pero hindi ko alam na buntis na pala sya sa'yo ng mga panahon na yun. Noong nagpakalayo layo ako ay napunta ako sa probinsya at nakilala ko roon ang ina ni Shiela na si Nelia ay tuluyang nahulog ang loob ko sa kanya hanggang sa mabuntis ko sya at nagkaroon kami ng apat na anak. Totoong naghirap kami noon dahil wala talaga akong dala na kahit na ano ng umalis ako dahil sa sama ng loob ko sa iyong ina. Kaya nagtrabaho ako roon para ipambuhay sa mga anak namin Nelia pero hindi pa rin talaga dapat ang kita ko. Hanggang sa magkasakit si Nelia at kinailangan kong bumalik ng Manila para maghanap ng trabaho pero nalaman ko na nagkaroon pala k
CHAPTER 350Samantala naman agad na munang inuwi ni Rayver si Shiela sa kanilang mansyon. Habang nasa sasakyan nga sila ay tahimik lamang si Shiela pero patuloy pa rin itong umiiyak. Hinayaan na lamang muna ito ni Rayver at yinakap na lamang nya ito. Gustong gusto na nya sana itong tanunvin tungkol sa mga nangyari kanina pero naisip nya na pabayaan na muna nya itong umiyak dahil mukhang may dinaramdam pa ang kanyang nobya.Nang makarating sila ng mansyon ay agad ng inalalayan ni Rayver si Shiela na makaupo sa sala at nagpakuha rin sya kaagad ng tubig para ipainom kay Shiela dahil kanina pa ito umiiyak habang nasa byahe sila."Uminom ka na muna dahil baka kung mapaano ka na. Kanina ka pa umiiyak," sabi ni Rayver kay Shiela sabay abot ng isang basong tubig sa dalaga dahil nag aalala sya rito."Salamat," sagot ni Shiela kay Rayver saka nya kinuha ang inaabot ni Rayver na tubig saka sya uminom ng kaunti.Napabuntong hininga na lamang si Rayver habang tinitingnan nya si Shiela."Gusto mo
CHAPTER 351"Namimiss mo na siguro sila no?" tanong pa ni Rayver. Agad naman na tumango si Shiela."Oo naman. Sobrang Miss na miss ko na sila. Pero kailangan ko na munang magtiis at magsakripisyo para sa kanila. Kailangan kong makuntento na lamang muna sa video call," sagot ni Shiela kasabay ng pagpunas nya ng kanyang luha dahil muli nyang naalala ang kanyang ina at mga kapatid na nasa probinsya."Anong balak mo ngayon na nakita mo na ang iyong ama? Gusto mo ba syang kausapin?" tanong pa muli ni Rayver."Hindi ko alam. Siguro ay hayaan ko na lamang sya. Siguro ay wala na talaga syang pakialam pa sa amin. Okay na ako na makita sya at tatanggapin ko na lamang na iniwan na nya talaga kami kahit na napakahirap tanggapin non. Masaya naman na sya yata sya sa buhay nya ngayon at siguro ay talagang mas mahalaga si Jenny kesa sa amin nila nanay," sagot ni Shiela at talagang hindi na nya muli napigilan ang sarili nya na hindi maiyak.Napabuntong hininga na lamang si Rayver at agad na nyang kina
CHAPTER 352Kinabukasan pagkagising naman ni Shiela ay nagulat pa sya dahil nasa ibang kwarto nga sya pero muli nyang naalala ang mga nangyare kagabi at naalala nya na nasa silid nga pala sya ni Rayver. Nagawi agad ang tingin nya sa sofa dahil naalala nya na doon na natulog ang binata kagabi pero hindi na nya ito nakita pa roon at malinis na ang sofa kung saan ito natulog kagabi.Akmang babangon na sana si Shiela ng biglang bumukas ang pinto ng Cr at lumabas doon si Rayver kaya naman napalingon siya roon at napatulala na lamang sya ng makita nya na tanging boxer shorts lamang ang suot ng binata habang tumutulo tulo pa ang buhok nito at kitang kita nga nya ang matipunong katawan at abs ng kanyang nobyo dahil wala pa itong suot na pang itaas na damit kaya naman napalunok na lamang sya ng sarili nyang laway dahil sa kanyang nakikita."Good morning. Gising ka na pala," nakangiti pa na bati ni Rayver kay Shiela kaya naman biglang napabalik sa wisyo si Shiela at agad na nag iwas ng tingin
CHAPTER 353Pagkalabas ni Shiela ng CR ay naabutan na nya si Rayver na nakaupo sa sofa na naroon sa silid nito habang abala ito sa phone nito. Napagawi rin ang tingin nya sa orasan na naroon at napakunot na lamang ang noo nya dahil alas nuebe na pala ng umaga at narito pa rin ang binata."Wala ka bang pasok sa opisina ngayon?" hindi na napigilang tanong ni Shiela kay Rayver. Agad naman naagaw ang atensyon ni Rayver ng magsalita si Shiela kaya naman napatingin sya sa gawi ng dalaga."Ahm. Hindi ako pumasok ngayon dahil alam ko na mas higit na kailangan mo ako ngayon," nakangiti pa na sagot ni Rayver sa dalaga at ng mapansin nya na nakaayos naman na ito ay tumayo na rin sya at lumapit dito. "Tara na muna sa baba para makakain na tayo ng umagahan," pag aaya na nya sa dalaga saka nya ito hinawakan sa kamay. Agad naman na nagapatianod.si Shiela sa binata."Bakit? Kaya ko naman na ang sarili ko. Saka wag mo akong intindihin dahil ayos na ayos naman na ako. Sadyang nasaktan lamang ako sa mul
CHAPTER 354Pagkatapos nilang kumain na dalawa ay sakto naman na dumating sila Reign at Kenneth kasama ang anak ng mga ito na si Kurt. Dali dali naman na lumapit si Reign kay Shiela at agad nya itong yinakap dahil kagabi pa talaga sya nag aalala rito."Kumusta ka? Ayos ka lang ba?" agad na tanong ni Reign kay Shiela ng bumitaw sya sa pagkakayakap dito. Nginitian naman ni Shiela si Reign."Ayos lang ako. Wag mo akong alalahanin. Iniyak ko na kagabi ang sama ng loob ko kaya naman ayos na ako," sagot ni Shiela kay Reign at pinipilit nyang huwag pumiyok ang kanyang boses pero ang totoo ay gusto na nyang maiyak muli hindi dahil sa nalaman nya kagabi kundi dahil sa mahalaga pala talaga sya sa pamilya ni Rayver dahil kita nya kung paanong mag alala ang mga ito sa kanya."Sigurado ka ba? Kung may dinaramdam ka o gusto mo ng makakausap alam mo naman na narito lamang ako," sagot pa ni Reign habang hawak nya sa kamay si Shiela. "Oo. Ayos na ayos ako Reign kaya wag nyo na akong alalahanin pa," n