CHAPTER 354Pagkatapos nilang kumain na dalawa ay sakto naman na dumating sila Reign at Kenneth kasama ang anak ng mga ito na si Kurt. Dali dali naman na lumapit si Reign kay Shiela at agad nya itong yinakap dahil kagabi pa talaga sya nag aalala rito."Kumusta ka? Ayos ka lang ba?" agad na tanong ni Reign kay Shiela ng bumitaw sya sa pagkakayakap dito. Nginitian naman ni Shiela si Reign."Ayos lang ako. Wag mo akong alalahanin. Iniyak ko na kagabi ang sama ng loob ko kaya naman ayos na ako," sagot ni Shiela kay Reign at pinipilit nyang huwag pumiyok ang kanyang boses pero ang totoo ay gusto na nyang maiyak muli hindi dahil sa nalaman nya kagabi kundi dahil sa mahalaga pala talaga sya sa pamilya ni Rayver dahil kita nya kung paanong mag alala ang mga ito sa kanya."Sigurado ka ba? Kung may dinaramdam ka o gusto mo ng makakausap alam mo naman na narito lamang ako," sagot pa ni Reign habang hawak nya sa kamay si Shiela. "Oo. Ayos na ayos ako Reign kaya wag nyo na akong alalahanin pa," n
CHAPTER 355"Shiela tama si kuya Rayver. Isipin mo rin naman minsan ang sarili mo. Alam namin kung gaano ka kabait na anak pero kahit minsan man lang ay isipin mo rin ang sarili mo. At alam din namin na stress ka na sa mga nangyayare kaya mabuti pa siguro na magpahinga ka na lang muna," sabat na ni Reign.Napabuntong hininga naman si Shiela at saglit muna syang nag isip. Isa isa pa nyang tiningnan sila Rayver at Reign at maging si Kenneth na tahimik lamang na nakikinig sa kanila ay nginitian sya at tumango sa kanya."Shiela tama sila isipin mo rin ang sarili mo. Alam ko kung gaano ka pursigido na itaguyod ang pamilya mo pero tama sila Rayver at Reign na minsan isipin mo rin ang sarili mo. Mahalaga ka na rin sa amin dahil hindi ka na rin iba sa amin at pamilya na ang turing namin sa'yo kaya gusto rin naman namin na mapabuti ka," sabat na ni Kenneth. Alam nya kasi kung gaano kahalaga si Shiela sa kanyang mag ina dahil ito ang kasama ng mga ito noong mga panahon na nasa ibang bansa pa si
CHAPTER 356Nanag medyo kalmado na si Shiela ay dahan dahan na syang bumitaw sa pagkakayakap nya kay Aira saka nya pinunasan ang luha nya. Nakangiti naman na tiningnan ni Aira ang dalaga at gumanti rin ito ng ngiti sa kanya."Tama na ang iyak hija. Namumugto na yang mata mo," sabi ni Aira kay Shiela at hinawakan pa nya ang pisngi ng dalaga. Dahan dahan naman na tumango si Shiela bilang sagot nya sa ginang."Ano na ba ang nga napag usapan nyo kanina? Ano ng balak nyo ngayon?" tanong na ni Dave."Dad gaya po ng nasabi ko na sa inyo ay balak ko po na umuwi na muna si Shiela sa kanila at sasamahan ko na po muna sya roon," sagot ni Rayver sa kanyang ama.Napatango na lamang si Dave sa sinabi ni Rayver dahil nabanggit na nga ito sa kanya ni Rayver kagabe at mukhang napapayag naman nila si Shiela ngayon."Ahm. P-pasensya na nga po pala kayo kung pati po kayo ay naabala ng dahil sa mga nangyare kagabe," sabat naman ni Shiela."Wala iyon hija. Maganda nga na lumabas na ang tunay na ugali ni M
CHAPTER 357"Ahm. Mom, dad pwede po ba na bumalik na muna ako rito sa mansyon," sabat naman ni Reign kaya naman lahat sila roon ay napatingin kay Reign at nagtataka sa sinabi nito dahil nitong nakaraan lamang ay atat na atat na iting lumipat ng bahay."Oo naman anak. Wala namang problema iyon. Pwedwng pwede ka naman magpabalik balik dito sa mansyon," sagot ni Aira. "Teka nga bakit bigla mo naman guato ngayon na bumalik dito? May problema ba kayo ni Kenneth?" nagtataka pa na tanong ni Aira sa kanyang anak."Mom gusto ko po kasi dito lalo na at aalis na si Shiela. Wala na po akong palaging kasama. At isa pa po ay naiinis ako sa asawa ko kaya dito po muna ako sa mansyon kasama si Kurt," sagot ni Reign sa kanyang ina at inirapan pa nito si Kenneth. Napakamot na lamang sa ulo nya si Kenneth dahil nitong nakaraan pa ganito ang ugali ni Reign sa kanya. Maging kay Rayver ay galit nga rin ito."Nag aaway ba kayong mag asawa? Aba ay kakakasal nyo pa lamang ay nag aaway na ata kayo," sagot ni A
CHAPTER 1"Good morning dad. Ang aga nyo naman po yatang pumasok ngayon. Hindi ko na po kayo naabutan na magbreakfast sa bahay," bati ni Aira sa kanyang ama at linapitan pa nya eto at humalik sa pisngi neto."Oo anak masyadong marami ang ginagawa ko ngayon. Dumagdag pa ang problema ng ating kumpanya," sagot ni Ramon sa kanyang anak.Napatingin naman si Ramon kay Aira dahil naalala nya ang napag usapan nila ng kanyang matalik na kaibigan na si Clint."Aira anak pwede ba kitang makausap ng masinsinan?" sabi pa ni Ramon."Oo naman po dad. Tungkol po ba saan?" sagot naman ni Aira at umupo na sya sa sofa ng opisina ng kanyang ama.Linapitan naman ni Ramon si Aira at umupo na din sa katapat na upuan ng anak nya."Anak siguro naman hindi na lingid sa kaalaman mo ang nangyayare sa ating kumpanya diba," panimula ni Ramon."Yes dad," "Anak handa tayong tulungan ng tito Clint mo pero mayroon syang hinihingi na kundisyon," sabi pa ni Ramon."Kundisyon? At ano naman pong kundisyon nila?" tanong
CHAPTER 2"Dave, I told you na ayaw ko r'yan sa Trina na yan," bulyaw ni Divina sa anak nyang si Dave."But mom, I love Trina. Please mom sana naman po ay matanggap nyo na sya para sa akin," sagot naman ni Dave.Lalo namang nainis si Divina sa sinagot sa kanya ni Dave. "Pag-isipan mong mabuti yan Dave. Kitang kita naman kasi kung anong ugali meron yang Trina na yan," galit pa rin nyang sagot sa anak.Dave Lim came from a rich family. Solong anak lamang siya ng mag asawang Clint at Divina Lim. Nag iisang tagapagmana nila eto kaya gusto nila ay makapangasawa eto ng matinong babae.Ayaw na ayaw ni Divina sa kasintahan ni Dave na si Trina. Hindi nya gusto ang karakas ng babae. Kaya tutol na tutol sya sa relasyon nito sa anak nya."Alam mo Dave baka yang babae na yan pa ang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya natin. Kaya mag isip isip kang mabuti. Wag mo ng hintayin pa na gumawa ako ng paraan para lang paghiwalayin ko kayo," sabi pa ni Divina.Napag isip isip naman si Dave nang mabuti.
CHAPTER 3"Mom, ano 'yon? Nakakahiya!" pangaral ni Dave sa mommy nya nang makauwi sila ng mansyon.Pinandilatan sya ng mata ni Divina. "Nahihiya ka? Eh, sa pagpatol sa babaeng tulad ni Trina? Hindi ka nahihiya?" Galit na sagot ni Divina sa anak.Naihilamos na lang ni Dave ang dalawang kamay nya sa sa mukha nya sa sobrang inis. Ayaw kasi talagang tanggapin ng mommy nya ang desisyon nyang ituloy ang relasyon nila ni Trina."I told you, Dave. Hindi ko gusto ang babaeng 'yon, mas okay pa sa akin kung yung ate Aira nya ang makakatuluyan mo. Disente ang kapatid nya at pwede nating ipagyabang sa mga kamag-anak at kakilala natin. Ibang iba ang ugali ni Aira dyan sa kapatid nyang si Trina," pagbibida ni Divina."Mom please... I love Trina. Alam nyo naman po na matagal na din kaming may relasyon diba. Sana magustuhan nyo na din po sya para sa akin. Please mom tanggapin nyo na po si Trina," sagot ni Dave na mukhang nagpapaawa pa sa ina.Umiling iling naman sa kanya si Divina. "Binalaan na kita t
CHAPTER 4Kinabukasan ay magkasama na naman sila Dave at Trina. Umuwi lang saglit si Trina sa kanilang bahay upang magpalit ng damit at umalis na din kaagad upang makipag kita ulet kay Dave. Obsess na obsess sya kay Dave at gusto nya ay palagi nya etong nakikita."Okay ka lang ba babe? Pasensya ka na sa nangyari kahapon ha," agad na sabi ni Dave kay Trina."Okay lang ako babe. Naiintindihan ko naman si tita Divina," sagot ni Trina. "Babe naisip ko lang kung magpakasal na kaya tayo. Nasa tamang edad naman na tayo babe saka matagal na din naman tayo diba," sabi pa ni Trina kay Dave. Nasa isang park sila ngayon at naglalakad lakad dahil yun ang gustong puntahan ni Trina.Nagulat naman si Dave sa sinabi ni Trina at napatigil sa paglalakad. "W - what?" "Let's get married babe. Bat hindi pa tayo magpakasal. Mahal naman natin ang isat isa. I want to spend the rest of my life with you Dave," malambing pa na Sabi ni Trina habang nakangiti kay Dave.Hindi naman kaagad maka imik si Dave sa sina