CHAPTER 358"Jenny anak please naman wag muna ngayon dahil napakarami ko ng iniisip," mahinahon pa na pakiusap ni Joey kay Jenny."No dad. Kailangang gumawa na kayo ng paraan ngayon pa lang dahil baka tuluyan ng agawin ng bastarda mong anak si Rayver. Hindi rin ako mananahimik na lamang dito at hahayaan na magakasama silang dalawa," sagot ni Jenny sa kanyang ama."Watch your mouth Jenny. Kapatid mo pa rin si Shiela. At pagbalibaliktarin mo man ang mundo ay magkapatid pa rin kayo. Kaya magdahan dahan ka sa pananalita mo," saway ni Joey kay Jenny dahil sumosobra na talaga ito."Hindi ko kailanman matatanggap na kapatid ko ang mang aagaw na yun. Wala akong kapatid dad. Wala," galit na sagot ni Jenny sa kanyang ama saka ito padabog na naglakad papunta sa silid nito.Napabuntong hininga na lamang si Joey dahil hindi na nya alam kung ano ba ang uunahin nyang gawin ngayon. Gusto nyang puntahan ang anak nyang si Shiela dahil gusto nya itong makausap upang makapagpaliwanag man lang sya rito at
CHAPTER 359Ilang oras din ang tinagal ng byahe nila Rayver at Shiela bago sila makarating ng Bicol kung nasaan ang pamilya ni Shiela. Mas matagal pa nga ang naging byahe nila dahil patigil tigil pa sila dahil kailangan nilang kumain at minsan naman ay tumitigil sila para naman makaidlip kahit papaano ang kanilang kasamang driver.Pagkarating nila Shiela sa kanilang lugar ay napapangiti na lamang sya lalo na ng pumasok na sila sa kanilang barangay."Pasensya ka na rito sa lugar namin dahil maingay talaga rito," hingi ng paumanhin kaagad ni Shiela kay Rayver dahil alam nya na sanay ang binata sa tahimik na lugar."Wala iyon. Ayos lang yan ang mahalaga ay masamahan kita rito sa iyong pamilya," nakangiti naman na sagot ni Rayver kay Shiela."Salamat," sagot naman ni Shiela saka nya muling ibinaling ang paningin nya sa labas ng bintana. Itinuro naman ni Shiela sa driver ang kanilang bahay at mabuti na lamang talaga at malaki pa ang kanilang bakuran kaya naman merong mapapagparadahan ang s
CHAPTER 360Nagpahid naman ng kanyang luha si Shiela at saka nya binalingan ng tingin ang kapatid nyang si Ashley na umiiyak na rin dahil sa pag aalala sa kanilang ina."Ano ba talaga ang nangyayare kay nanay? Ayos naman sya noong huli ko syang nakausap ah. Bakit bigla atang lumala ang sakit nya?" tanong ni Shiela sa kanyang kapatid. "Ate Shiela sorry. Ayaw kasing ipaalam sa'yo ni nanay ang kalagayan nya ngayon. Ayaw nya raw kasi na mag alala ka pa lalo sa kanya dahil naaawa na raw sya sa'yo dahil wala ka na raw ibang inisip at inatupag kundi puro trabaho na lamang at napapabayaan mo na raw ang sarili mo," umiiyak pa na sabi ni Ashley."Natural wala naman akong ibang hangad kundi ang mapabuti ang lagay nyo. At wala rin naman tayong ibang aasahan pa kung hindi ako magtatrabaho diba? Kaya nga ako nagsakripisyo na lamang para mabigyan ko kayo ng maayos na buhay. Ginagawa ko ang lahat ng to para sa inyo at masaya naman ako sa ginagawa ko kaya bakit hindi nyo sinasabi sa akin ang mga nang
CHAPTER 361"Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" agad na tanong ng doktor ng makalapit ito sa gawi nila Shiela. Kaya naman agad na napatingin si Shiela sa doktor at agad na syang kumalas sa pagkakayakap nya kay Rayver at agad ng hinarap ang doktor."O-opo. Kami nga po. K-kumusta po ang nanay namin? Ayos na po ba sya?" kandautal pa na tanong ni Shiela sa doktor dahil kinakabahan talaga sya sa maaaring sabihin ng doktor sa kanila.Napabuntong hininga naman ang doktor at seryosong tiningnan sila Shiela."Tatapatin ko na po kayo sa kalagayan ng pasyente. Sa nakikita po namin sa kanya ay malala na po ang kanyang kanser at ayon na rin po sa record nya rito sa ospital nitong nakaraang linggo lamang ay stage 3 lung cancer na nga po ang sakit nya at kailangan na po nyang mag undergo ng chemo therapy last week pa at mukhang hindi iyon nagawa ng pasyente kaya lalong lumala ang kanyang sakit," mahabang paliwanag ng doktor kila Shiela.Parang bigla namang nanghina ang tuhod ni Shiela at pakiramda
CHAPTER 362"Mabuti pa ay matulog ka na muna Shiela. Ako na lamang muna ang magbabantay sa iyong ina para kahit papaano ay makapagpahinga ka naman ng maayos," sabi ni Rayver kay Shiela dahil nag aalala na sya rito dahil kita na nya sa mukha nito ang pagod dahil sa mahabang byahe nila kanina at sinabayan pa na problema ang sumalubong dito pagdating nito sa kanilang bahay.Agad naman na naptingin si Shiela kay Rayver at kita nya sa mukha ng kanyang nobyo na pagod na nga rin ito."Kaya ko pa naman. Ang mabuti pa ay ikaw na lamang muna ang matulog at mamaya na lamang ako. Gusto ko kasing hintayin na magising si nanay," sagot ni Shiela kay Rayver saka nya iginala ang kanyang paningin at ngayon nya lang napansin na malaki pala ang silid ng kanilang ina dahil okupado ang isip nya kanina sa dami ng iniisip nya kaya hindi nya iyon napansin kanina kaya nagtataka ang tingin nya sa kanyang nobyo."Pinakausap ko kanina sa isa kong bodyguard ang naglilipat sa iyong ina at pinasabi ko na ilipat sa m
CHAPTER 363Pagkapasok nila sa silid na iyon ay nakita nila na malawak pa nga roon at may mga malalaking sofa pa na naroon na maaari pang tulugan kaya naman pinilit ni Shiela si Rayver na patulugin na rin muna ang kasama nilang driver at bodyguard doon para kahit papaano ay makapagpahinga rin naman ang mga ito dahil alam nya na kagaya nila.ay mga pagod din ang mga yun sa byahe.Wala namang nagawa si Rayver kundi ang pagbigyan ang gusto ni Shiela dahil ayaw nga nitong tumigil dahil alam naman nya na nag aalala rin ito sa kanyang mga tauhan kaya pinatulog na lamang din ni Rayver doon ang dalawa nyang bodyguard at isang driver sa silid na iyon dahil may mga sofa pa nga roon na maaaring tulugan.Ilang oras din na nakatulog sila Rayver at Shiela at magkatabi na nga silang natulog na dalawa sa kama na naroon dahil malaki naman iyon. Mababaw lamang din ang naging tulog ni Shiela at pagising gising din talaga sya kahit na pagod sya ay hindi sya makatulog ng maayos dahil iniisip nya ang kanyan
CHAPTER 364"Nay ayos lang po ba kayo? Ano pong nararamdaman nyo?" sunod sunod pa na tanong ni Shiela sa kanyang ina ng makita nya na hinawakan nito ang dibdib nya at parang naghahabol ng hininga."A-ayos lang a-ako anak. W-wag mo akong alalahanin," kandautal pa na sagot ni Nelia kay Shiela habang pilit ang ngiti nito sa labi."Ashley magtawag ka nga ng nurse doon. Bilisan mo," utos ni Shiela sa kanyang kapatid habang hindi nya binibitawan ang kamay ng kanyang ina.Dali dali naman na nagtatakbo si Ashley palabas sa silid ng kanilang ina at agad nga syang pumunta sa nurse station at pagbalik nga nya ay may mga kasama na syang mga nurse."Excuse mo po muna ma'm," sabi ng isang nurse kay Shiela dahil ayaw nitong bitawan ang kanyang ina. Agad naman na hinawakan ni Ashley ang ate Shiela nya upang paalisin na muna sa kinauupuan nito dahil parang wala itong balak na umalis doon.Bigla namang nagising si Rayver dahil may naririnig syang ingay mula sa labas ng silid na iyon at napabalikwas pa
CHAPTER 365Pagkalabas ng doktor at mga nurse sa silid na iyon ay agad ng hinarap ni Shiela si Rayver."S-sandali lang Rayver. B-baka nabibigla lang tayo. Alam mo naman kung gaano kamahal ang magpagamot sa Manila. Baka pwedeng pag usapan na muna natin ito," sabi agad ni Shiela kay Rayver dahil wala syang maraming pera para ipampagamot sa kanyang ina.Hinawakan naman ni Rayver ang pisngi ni Shiela saka nya ito matamis na nginitian."Wag mo ng isipin ang bagay na yun. Ako ng bahala doon. Ang isipin mo ngayon ay kailangang mapagamot natin ang kaagad ang iyong ina sa Manila. Wag mo ng isipin ang mga gastusin ha. Ako ng bahala doon," sagot naman ni Rayver kay Shiela. Pigil naman ni Shiela ang sarili nya na maluha dahil sa totoo lang ay sobrang dami na talaga ang naitulong ng pamilya ni Rayver sa kanila at hindi sapat ang salitang salamat sa mga ito sa lahat lahat ng itinulong sa kanya at sa pamilya nya."A-ang dami nyo ng naitulong sa akin at sa pamilya ko. Nakakahiya na sa inyo ng pamily
CHAPTER 527Kinaumagahan ay nagising nga si Dylan ng pasado alas syete na ng umaga. Pupungas pungas pa nga siya na bumangon siya pero ng maalala nga niya na pupuntahan nga pala niya ang pinakamamahal niyang si Amara ay parang biglang nabuhay ang dugo niya.Agad na nga syang naligo at nag ayos ng kanyang sarili at agad na naghanda upang umalis. Nakasuot na nga rin sya ng pang opisina dahil balak nya munang sumaglit sa kanyang opisina bago sya pumunta sa mansyon nila Amara. Pagkababa nga nya ng hagdan ay naabutan naman nya ang kanyang ina sa sala ng kanilang mansyon habang nagbabasa ng mga magazine."Dylan anak gising ka na pala. Hindi ko na namalayan pa ang pag uwi mo kahapon. Kumusta pala si Amara?" agad na sabi ni Aira kay Dylan ng makita nga nya ito na papalapit sa kanya."Good morning po mom," bati ni Dylan sa kanyang ina at saka nga sya humalik sa pisngi nito. "Gabing gabi na rin po kasi ako nakauwi kagabi mom dahil dinala ko po si Amara sa ospital kahapon pero ayos naman na po sy
CHAPTER 526Pagkalabas naman ni Dylan ng silid ni Amara ay agad na nga syang bumaba ng hagdan at pagkababa nga niya ay agad nga niyang nakita ang mga magulang ni Amara sa sala na mukhang seryosong nag uusap."Ahm... Excuse mo po Tito Gino, tita Amara uuwi na po muna ako at babalik na lamang po ako mamaya," pagpapaalam na ni Dylan sa magulang ni Amara pagkababa nya ng hagdan.Agad naman na napatingin sila Gino at Bianca kay Dylan na nakayuko na ang ulo.."Sabi ng tita Bianca mo ay may gusto ka raw sabihin sa akin hijo. Ano ba yun?" tanong ni Gino kay Dylan.Bigla namang napalunok ng sarili nyang laway si Dylan at saka sya huminga ng malalim at saka sya nag angat ng kanyang tingin."Opp tito. G-gusto ko po sanang magpaalam sa inyo dahil gusto ko ong ligawan si Amara. At gusto ko po sanang hingin ang basbas nyo na pumapayag po kayo," magalang na sabi ni Dylan sa ama ni Amara at talagang tumingin siya sa mata nito para maramdaman nito na seryoso sya sa kanyang sinasabi rito.Titig na titi
CHAPTER 525Ilang oras nga rin na namalagi si Amara sa ospital at talagang pinaubos nga rito ang laman ng kanyang dextrose. At talaga rin namang pinanindigan ni Dylan na hindi sya aalis diin at talagang binantayan nga nya si Amara roon.Halos gabi na nga rin talaga bago nga nakalabas ng ospital si Amara at rinesetahan na lang din naman sya ng kanyang doktor ng ilang gamot para nga muling bumalik ang kanyang lakas. Ayaw na rin naman kasi talaga nilang magtagal pa roon si Amara dahil nga mas gusto rin nila na nasa bahay nga nila ito.Pagkarating nga nila sa mansyon ng mga Dela Cueva ay agad na nga na inihatid muna ni Dylan si Amara sa silid nito."Salamat nga pala sa pagbabantay sa akin doon sa ospital," sabi ni Amara kay Dylan."Wala iyon. Sabi ko naman sa'yo ay hindi ako aalis sa tabi mo hindi ba?" nakangiti pa na sagot ni Dylan kay Amara. "Kumusta pala ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba?" tanong pa ni Dylan sa dalaga."Hindi naman na. Medyo okay oaky naman na ang pakiramdam ko hind
CHAPTER 524Nang tuluyan na ngang nakaalis ang doktor ay agad na nga ring lumapit si Dylan kay Amara at saka nya nga ito matamis na nginitian."Magpahinga ka na muna dahil hindi ka pa maaaring lumabas dito dahil kailangan mong ubusin ang laman ng dextrose na yan," sabi ni Dylan. "Wag kang mag alala dahil dito lamang ako at hindi ako aalis dito," sabi ni Dylan kay Amara at saka nya nga ito hinalikan sa ulo nito.Agad naman na napangiti si Amara kay Dylan dahil sa sinabi nito."Salamat Dylan ha," sabi ni Amara. "Pasensya ka na kung naabala ka pa namin. Pwede mo naman akong iwan na muna dito dahil nar'yan naman sila mommy," dagdag pa nya."Hindi Amara. Dito lang ako hanggang sa makauwi ka na. Hayaan mong makabawi ako sa'yo kahit papaano," sagot ni Dylan sa dalaga at saka nga sya naupo sa may tabi ni Amara.Napangiti na nga lamamg talaga si Amara at hindi na nga sya nagsalita pa. Hinayaan na lamang din nya si Dylan doon dahil mukhang hindi talaga magpapaawat ang isang ito at talagang mag
CHAPTER 523"Bakit? May problema ba?" puno ng pag aalala na tanong ni Dylan kay Amara ng maupo nga ulit ito at nakita nga nya na nakapikit nga ito."W-wala lamang ito. Nahilo lang ako bigla marahil ay dahil ito sa madalas akong nakahiga lamang," mahinang sagot ni Amara sa binata.Napabuntong hininga naman si Dylan at saka nya naaawang tiningnan si Amara."Ang mabuti pa siguro ay dalhin na muna kita sa ospital. Alam ko na dahil nga siguro yan sa pagmumukmok mo rito ng ilang araw pero kasi baka dehydrated ka na kaya ka nagkakaganyan," sabi ni Dylan at saka sya tumingin sa tita Bianca nya para magpasaklolo na pumayag ito sa gusto nya.Agad naman na napansin ni Bianca na nakatingin nga sa kanya si Dylan kaya naman napabuntong hininga na lamang din sya dahil mukhang tama nga ito. Pansin nya na rin kasi na medyo bumagsak nga ang katawan ni Amara at mukhang kailangan nga muna nila itong dalhin sa ospital."Sa tingin ko ay tama ka r'yan Dylan. Dapat nga siguro nating dalhin si Amara sa ospita
CHAPTER 522Ilang sandali pa nga silang nanatiling magkayakap habang parehas nga rin silang hilam ng luha ang mga mata.Unti unti naman na bumitaw si Dylan sa pagkakayakap nya kay Amara at saka nya nga pinunasan ang luha ng dalaga gamit ang kanyang daliri at saka sya matamis na ngumiti rito."Mahal na mahal kita Amara. Wag mo ng uulitin pa ito ha. Ayokong nakikita kang nahihirapan at nasasaktan ng ganyan kaya ingatan mo palagi ang sarili mo," sabi ni Dylan kay Amara. Agad naman na tumango si Amara rito."Oo. Hindi ko na ito uulitin at wala na rin namang dahilan para gawin ko pa ulit ang bagay na ito," sagot ni Amara at saka nya matamis na nginitian ang binata. "Mahal na mahal din kita Dylan at alam mo naman na yan noon pa man kaya naman sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas ay nasuklian mo na rin ang pagmamahal ko sa'yo," dagdag pa ni Amara at muli nga ay tumulo na naman ang luha nya."Sorry kung nasaktan kita," sabi ni Dylan at saka nya hinalikan sa noo si Amara. "Mahal na mahal kita
CHAPTER 521Titig na titiig naman si Amara kay Dylan at nagtataka nga siya sa sinasabi nito. Ang alam nya kasi ngayon ay ikakasal na ito sa iba kaya bakit nga ito mag aalala pa sa kanya ng ganito."Bakit? Para saan pa?" tanong ni Amara kay Dylan. "Ang mabuti pa ay pabayaan mo na lamang ako Dylan. Wag mo na akong alalahanin dahil lilipas din naman ito at makakalimutan din naman kita. Sadyang nagpapalipas lamang ako ng nararamdaman kong ito at darating ang araw na makakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko para sa'yo dahil siguro nga ay hindi talaga tayo para sa isa't isa," dagdag pa ni Amara kasabay ng pagpatak ng kanyang luha dahil sa sobra talaga syang nasasaktan sa mga nangyayare sa kanila ni Dylan. Agad din naman ng pinunansan ni Mara ang kanyang luha dahil ayaw nyang makita ni Dylan na umiiyak sya ng dahil dito."Hindi ko maaatim na pabayaan ka na lamang ng ganyan Amara," sagot ni Dylan at saka sya naupo sa kama ni Amara para magpantay sila ng dalaga at saka nga nya hinawakan ang
CHAPTER 520Pagkabukas nga ni Bianca ng pintuan ng silid ni Amara ay medyo madilim nga roon dahil dim light lamang ang nakabuhay na ilaw nito at sarado pa nga ang nga bintana nito kahit na mataas na ang araw pero agad din naman nilang nakita na nakahiga nga si Amara sa kama nito at nakakumot pa."Mom mamaya na lamang po ako kakain," mahinang sabi ni Amara ng marinig nga nya na nagbukas ang pinto ng kanyang silid. Wala naman kasing ibang pumapasok roon ng basta basta na lamang kundi ang kanyang ina at si Amanda lamang pero sa mga oras nga na ito ay alam nyang wala ang kanyang kapatid kaya alam nyang ang kanyang ina ang nagbukas noon. Alam nya rin na hindi naman puounta ng ganoong oras ang kanyang ama dahil alam nya na nasa opisina nga ito.Magsasalita na nga sana si Bianca ng bigla nga syang pigilan ni Dylan at sinenyasan sya nito na wag sasagot kaya hindi nga sya nagsalita at tumango na nga lamang sya kay Dylan. Nagpasya na rin si Bianca na lumabas na muna at hayaan na lamang muna nya
CHAPTER 519"Nasa kanilang mansyon lamang si Amara sabi ng tita Bianca mo at ilang araw na daw itong nagmumukmok doon simula ng malaman nga nito na ipagkakasundo ka namin sa ibang babae. Mukhang nasaktan natin ang damdamin ni Amara anak," malungkot pa na sagot ni Aira kay Dylan."Mom gusto ko po syang puntahan. Kailangan ko po syang makausap para malaman nya ang totoo. Kailangan nyang malaman na hindi nyo po ako ipinagkasundo at hindi ako ikakasal sa ibang babae," sabi ni Dylan sa kanyang ina at hindi na nga nya napansin pa ang pagpatak ng kanyang luha at luha ito sa sobrang saya dahil sa mga nalaman nya."Gusto ko pong sabibin kay Amara ngayon kung gaano ko po sya kamahal mom," dagdag pa ni Dylan.Agad naman na napangiti si Aira dahil sa sinabi ni Dylan at pinunasan pa nga nya ang luha ni Dylan na lumandas sa pisngi nito gamit ang kanyang kamay."Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Amara anak kaya hinding hindi kita pipigilan na kausapin sya ngayon," nakangiti pa na sbai ni Aira a