CHAPTER 364"Nay ayos lang po ba kayo? Ano pong nararamdaman nyo?" sunod sunod pa na tanong ni Shiela sa kanyang ina ng makita nya na hinawakan nito ang dibdib nya at parang naghahabol ng hininga."A-ayos lang a-ako anak. W-wag mo akong alalahanin," kandautal pa na sagot ni Nelia kay Shiela habang pilit ang ngiti nito sa labi."Ashley magtawag ka nga ng nurse doon. Bilisan mo," utos ni Shiela sa kanyang kapatid habang hindi nya binibitawan ang kamay ng kanyang ina.Dali dali naman na nagtatakbo si Ashley palabas sa silid ng kanilang ina at agad nga syang pumunta sa nurse station at pagbalik nga nya ay may mga kasama na syang mga nurse."Excuse mo po muna ma'm," sabi ng isang nurse kay Shiela dahil ayaw nitong bitawan ang kanyang ina. Agad naman na hinawakan ni Ashley ang ate Shiela nya upang paalisin na muna sa kinauupuan nito dahil parang wala itong balak na umalis doon.Bigla namang nagising si Rayver dahil may naririnig syang ingay mula sa labas ng silid na iyon at napabalikwas pa
CHAPTER 365Pagkalabas ng doktor at mga nurse sa silid na iyon ay agad ng hinarap ni Shiela si Rayver."S-sandali lang Rayver. B-baka nabibigla lang tayo. Alam mo naman kung gaano kamahal ang magpagamot sa Manila. Baka pwedeng pag usapan na muna natin ito," sabi agad ni Shiela kay Rayver dahil wala syang maraming pera para ipampagamot sa kanyang ina.Hinawakan naman ni Rayver ang pisngi ni Shiela saka nya ito matamis na nginitian."Wag mo ng isipin ang bagay na yun. Ako ng bahala doon. Ang isipin mo ngayon ay kailangang mapagamot natin ang kaagad ang iyong ina sa Manila. Wag mo ng isipin ang mga gastusin ha. Ako ng bahala doon," sagot naman ni Rayver kay Shiela. Pigil naman ni Shiela ang sarili nya na maluha dahil sa totoo lang ay sobrang dami na talaga ang naitulong ng pamilya ni Rayver sa kanila at hindi sapat ang salitang salamat sa mga ito sa lahat lahat ng itinulong sa kanya at sa pamilya nya."A-ang dami nyo ng naitulong sa akin at sa pamilya ko. Nakakahiya na sa inyo ng pamily
CHAPTER 366"Nay magpagaling po kayo ha. Gusto ka pa po namin makasama ng matagal kaya po lumaban po kayo ha. Magpagaling po kayo para sa amin," kausap ni Shiela sa kanyang ina kahit na hindi naman sya nito naririnig dahil mahimbing nga itong natutulog. Hindi na rin maiwasan muli ni Shiela na maluha dahil sa kalagayan ng kanyang ina. Lalong hindi na nya tuloy malaman kung paano ba nya sasabihin dito ang tungkol sa kanyang ama na umiwan sa kanila. Alam nya kasi na masasaktan ang kanyang ina kapag nalaman nito ang katotohanan tungkol sa tatay nya at alam din nya kasi na umaasa pa rin hanggang ngayon ang nanay nya na babalikan sila ng kanyang tatay.Maya maya ay may kumatok naman sa pintuan ng silid ng ina ni Shiela at ng bumukas iyon ay pumasok naman si Rayver doon. Nakangiti pa ito habang nakatingin sa kanya ang binata habang naglalakad palapit sa kanya."Ayos ka lang ba?" tanong ni Rayver sa kanyang nobya. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Shiela saka sya tuma
CHAPTER 367Ilang oras ulit ang byinahe nila Shiela at Rayver bago sila makarating ng Manila at agad na nga silang dumiretso sa ospital kung saan dinala ang ina ni Shiela. Nauna na kasi ang ambulansya na sinakyan ng kanilang ina roon. At sila Aira at Dave na rin ang nag asikaso sa ina ni Shiela pagkarating ng ambulansya nito doon.Pagkarating nila Shiela at Rayver sa ospital ay agad na sinalubong nila Aira at Dave si Shiela at agad nga na yinakap ni Aira ang dalaga dahil alam nya kung ano ang pinagdaraanan nito ngayon."Be strong hija. Okay," sabi pa ni Aira habang yakap yakap nya si Shiela na hindi na nga napigilan ang mapaiyak dahil sa pagyakap sa kanya ni Aira."Thank you po," umiiyak ng sabi ni Shiela kay Aira habang nakayakap sya sa ginang."Tama na yan hija. Sabi ni Rayver ay kanina ka pa pasalamat ng pasalamat sa kanya," sabi ni Aira kay Shiela. "Tara na sa loob," pag aaya na ni Aira sa dalaga kaya naman agad ng napakalas sa pagkakayakap nya sa ginang si Shiela at agad na nagpa
CHAPTER 368Pagkalabas naman ng doktor ni Nelia ay hinarap na muli ni Shiela ang kanyang kapatid."Bakit hindi mo sinabi ito sa akin? Dapat kahit ayaw ni nanay ay sinabi mo pa rin ito dahil alam mo naman na maaaring mapahamak si nanay dahil doon at tingnan mo ngayon ang kinalabasan ng lahat ng iyon lalong lumala ang sakit ni nanay," sabi ni Shiela kay Ashley."Sorry ate. Hindi ko naman gusto na mangyare ito kay nanay e. Sinunod ko lamang naman si nanay. Ayaw ko rin naman na magalit sya sa akin. Kaya naman sinunod ko na lamang sya sa kung ano ang gusto nya. Pero nitong nakaraan na check up nya balak ko na talaga sanang magsumbong sa'yo at sabihin ang kalagayan ni nanay kaso ay dumating ka naman na kaya hindi ko na nasabi pa sa iyo kaagad ang tungkol doon," sagot ni Ashley sa ate Shiela nya."Alam mo naman na mali ang ginagawa ni nanay diba? Dapat sinabi mo kaagad iyon. E di sana hindi na ito nangyare pa kay nanay," sagot pa ni Shiela at hindi na nya mapigilan pa na maiyak."Kasi ate na
CHAPTER 369Mahal na mahal kasi ni Nelia si Joey. Ito kasi ang kanyang unang naging nobyo at sa sobrang pagmamahal nga nya rito ay ibinigay nya ng buong buo ang pagkatao nya rito. Nakilala lamang kasi ni Nelia si Joey ng bagong dating ito doon sa kanilang lugar at nalove at first sight sya kaagad dito at laking tuwa nga nya noon ng ligawan sya nito. Nang sagutin nga ito ni Nelia ay agad na itong sumama kay Joey at kahit hindi pa sila kasal ay nagsasama na sila sa iisang bubong hanggang sa mabuntis na nga si Nelia at nagkaroon sila ng apat na anak. Minsan na rin naman kwinestyon ni Nelia si Joey na kung bakit hindi sya magawang pakasalan neto pero ang tanging sagot lamang ng lalaki ay wala pa silang ipon na pera para pampakasal kaya naman hinayaan na lamang ni Nelia na hindi sya pakasalan ni Joey dahil nangako naman ito na magpapakasal din sila balang araw.Naghirap sila noon dahil halos magkakasunod ang kanilang tatlong huling anak. Limang taon kasi ang naging pagitan ni Shiela kay A
CHAPTER 370Nang makita ni Aira na naupo na roon ang magkakapatid ay agad na nyang linapitan si Nelia. Bahagya naman na ngumiti si Nelia kay Aira. Kilala na kasi ni Nelia si Aira noon pa at ito pa mismo ang kumausap sa kanya dati para sana bigyan ng scholar si Shiela kaso ay mas hiniling ng dalaga na magtrabaho na lamang sa kanila kesa mag aral dahil kailangan nga raw nyang magtrabaho para sa kanyang pamilya.Ginantihan naman ng ngiti ni Aira si Nelia saka nya inayos ang kumot nito bago sya naupo sa may tabi nito."Magpagaling ka para sa mga anak mo Nelia. Alam kong mahirap para sa'yo na tanggapin ang katotohanan pero sana ay lumaban ka pa para sa mga anak mo. Sana ay makita mo kung gaano nagsisikap para sa inyo si Shiela kaya sana ay wag mong balewalain ang lahat ng paghihirap nya. Magpagaling ka dahil mahal na mahal ka ng mga anak mo at gusto ka pa nilang makasama ng matagal," nakangiti pa na kausap ni Aira kay Nelia."S-salamat. S-salamat sa p-pagtulong nyo sa amin ng mga a-anak k
CHAPTER 371Sa labas naman ng silid ng ina ni Shiela ay naroon sila Rayver at ang ama nito na si Dave dahil nga tinawag ni Dave ang kanyang anak dahil gusto nya iyong makausap."Alam mo ba na nagpunta si Jenny sa opisina mo kahapon dahil ang akala nya ay naroon ka. Mabuti na lamang at may mga bodyguard ang iyong ina roon at naiwasan ang gulo na dala ng babae na yun," pagbabalita ni Dave sa kanyang anak. "At talagang ipinagpipilita nya na sya raw dapat ang mapangasawa mo at binayaran mo lamang daw si Shiela na magpanggap na nobya mo," dagdag pa ni Dave. Napapailing na lamang naman si Rayver dahil sa sinabi ng kanyang ama."Ano ba kasi ang problema ng babae na yun at ayaw nya akong tigilan. Hindi ko naman sya pinapansin pero ayaw nya pa rin akong lubayan," sagot ni Rayver at totoong naiinis na nga sya kay Jenny."Siguro ay sadyang tinamaan sa'yo ang bata na yun. Pero alam mo sana lang talaga ay hindi sya magaya sa kapatid ng iyong ina. Na nagpalamon na sa galit at selos sa sobrang pagm
CHAPTER 499Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Amara. At saka sya muling tumingin sa kanyang ina na naging blangko bigla ang mukha at alam naman nya ang dahilan noon at ito ay dahil sa isasagot nya sa tanong ng tita Aira nya."Ahm. T-tita Aira ang totoo po nyan. Ahm.." hindi naman maituloy ni Amara ang kanyang sasabihin dahil alam nya na hindi matutuwa ang tita Aira nya rito. Pagtingin naman nya sa gawi ni Dylan ay prentr nga itong nakaupo sa sofa na naroon at halatang hinihintay nga rin nito ang kanyang magiging sagot."Bakit hija? Ano ba yang sasabihin mo?" tila hindi na makapaghintay na tanong ni Aira kay Amara.Napatingin naman muli si Amara sa tita Aira nya at saka sya muling bumuntong hininga dahil no choice naman talaga sya kundi sabihin ang totoo sa tita Aira nya dahil ayaw naman nya na magalit o magtampo pa ito sa kanya."Ahm. Tita Aira i-ikakasal na po kasi ako," mahinang sagot ni Amara. "K-kaya po ako umuwi ng bansa ay dahil sa mag aasikaso po ako ng
CHAPTER 498"Narito lang pala kayong dalawa. Kanina ko pa kayo hinahanap narito lang pala kayo. Mukhang nagkamustahan na kayong dalawa a," nakangiti pa na sabi ni Aira habang naglalakad nga sya palapit kila Amara at Dylan.Kanina pa kasi nya hinahanap si Amara dahil matagal na nga itong hindi bumabalik gayong nagpaalam lamang naman ito na mag CR kaya naman agad na nga nya itong hinanap at dito lang pala nya ito makikita sa tabing dagat kasama ang kanyang anak na si Dylan."Ahm. O-opo tita. Nagkita po kasi kami kanina r'yan kaya nagkayayaan po na pumunta rito para magpahangin at nagkamustahan na rin po," nakangiti pa na sagot ni Amara kay Aira. "Diba Dylan?" baling naman ni Amara kay Dylan at siniko pa nga nya ito dahil hindi nga ito nagsasalita man lang at nanatiling nakatitig pa nga ito sa kanya.Bumuntong hininga naman si Dylan at ang itsura nito ay para ngang nalugi dahil nga hindi pa nya tapos kausapin si Amara ay dumating na nga ang kanyang ina."Yes mom. Nagkamustahan lamang po
CHAPTER 497"Hindi ako nagbibiro Dylan. Totoo ang sinasabi ko sa'yo. Ikakasal na talaga ako. At kaya ako nagbalik ng bansa ay para mag asikaso ng nga kailangan namin sa kasal ng nobyo ko," seryoso na sagot ni Amara kay Dylan at bakas nga sa mata nito ang lungkot.Napaawang naman ang bibig ni Dylan dahil sa sinabi ni Amara at napakurap kurap pa nga sya kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi nya dahil parang hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang narinig."H-hindi. H-hindi totoo yan," sabi ni Dylan kasabay ng pag iling nya. "Nagbibiro ka lang Amara. Hindi yan totoo diba?" dagdag pa ni Dylan at hindu talaga sya naniniwala sa sinabi ni Amara.Napabuntong hininga naman si Amara at saka nya hinawakan sa kamay si Dylan at saka nya muling tinitigan sa mga mata ang binata."Nagsasabi ako ng totoo Dylan. Ikakasal na talaga ako," sabi ni Amara kay Dylan. "Oo mianahal kita kaya nga nagawa kong umalis para naman walang maging sagabal sa pag abot ng nga pangarap mo. Gusto kong maging masaya ka ka
CHAPTER 496Napaawang naman ang bibig ni Amara dahil sa kanyang mga narinig at tila ba parang bigla syang naestatwa sa kanyang kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Totoong hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang mga narinig na sinabi ni Dylan."D-Dylan b-bakit mo to sinasabi ngayon?" kandautal pa na sabi ni Amara. "Nagbibiro—" hindi naman na naituloy pa ni Amara ang kanyang sasabihin ng bigla nga syang kabigin ni Dylan sa kanyang bewang at agad na naglapat ang kanilang mga labi.Naging banayad naman ang paghalik ni Dylan kay Amara at napapapikit pa nga ito na wari mo ay ninanamnam ang mga labi ni Amara.Nanlaki na lamang talaga ang mga mata ni Amara dahil sa ginawa ni Dylan na paghalik sa kanya. Hindi nya talaga ito inaasahan at hindi nga nya malaman kung tutugon ba sya o hindi sa ginagawa nitong paghalik sa kanya.At dahil nga nabitin sa pagsasalita si Amara kanina ay nakaawang nga ang kanyang bibig kaya naman malayang naipasok ni Dylan ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Amara
CHAPTER 495"Nakabubuti? Paano mo nasabing nakabubuti para sa atin iyon?" kunot noo pa na tanong ni Dylan kay Amara.Bumuntong hininga naman si Amara at saka sya pumunta sa harapan ni Dylan at saka sya humarap dito at seryosong tiningnan ang binata."Oo mas nakabubuti yun para sa atin kaya ko iyon ginawa. Diba sabi mo noon sa akin ay magiging abala ka na sa kumpanya nyo. Ayoko naman na maging sagabal sa pagtupad ng mga pangarap mo kaya mas minabuti ko na lamang na lumayo sa'yo dahil alam mo naman kung gaano kita kagusto noon diba? Kaya nga palagi akong pumupunta sa'yo kaya naisip ko na kung lalayo ako ay makakapag focus ka sa mga ginagawa mo," paliwanag ni Amara kay Dylan."Tingin mo tama ang ginawa mo? Parang bigla mo na lang akong kinalimutan Amara. Limang taon Amara. Limang taon na wala kang paramdam. Hinihintay ko na ikaw ang unang tatawag man lang sa akin dahil ikaw ang umalis ng basta na lang pero ni ho ni ha ay wala akong narinig sa'yo," tila naiinis ng sabi ni Dylan kay Amara
CHAPTER 494Habang abala naman ang lahat sa panonood sa palabas ng clown at sa mga palaro roon ay tahimik lamang naman na nakatanaw si Dylan sa gawi ni Amara. Katabi nga nito ang kanyang ina na halos ayaw ng bitawan pa ang dalaga Hindi nya nga talaga ito nalapitan man lang kanina dahil nga tinawag na sila kanina dahil magsisimula na nga ang party ng kanyang pamangkin. Kaya ngayon ay hanggang tanaw tanaw na lamang talaga muna sya kay Amara at maghihintay na lamang sya ng tamang tyempo na malapitan at makausap nya nga ito.Nang mapansin nga ni Dylan na tumayo si Amara at nagmamadaling umalis sa tabi ng kanyang ina ay halos humaba naman ang leeg nya at tinanaw nya nga kung saan pupunta si Amara at ng makita nga nya kung saan ito pumunta ay agad naman na syang tumayo at pasimpleng umalis sa kanyang pwesto at dahan dahan na sinundan si Amara kung saang gawi ito nagpunta.Pagkatapos naman na umihi ni Amara ay saglit pa nga syang tumingin sa salamin na naroon din sa loob ng Cr at saglit pa
CHAPTER 493Agad naman na napatingin sila Aira sa gawi ng pinto kung saan naroon ang nagsalita na iyon. At maging si Dylan ay biglang natigilan ng marinig nga nya ang boses na iyon dahil kilalang kilala nya kung kaninong boses nga iyon."Oh my god Amara," sigaw ni Aira at agad pa nga itong tumayo at agad na linapitan si Amara at yinakap ng mahigpit.Agad naman na ginantihan ng yakap ni Amara ang tita Aira nya dahil namiss nya nga rin talaga ito.Nakangiti naman si Bianca habang pinapanood ang anak nya at ang kaibigan nya. Alam nyang sobrang saya ni Aira ngayon na makita muli si Amara dahil parang anak na nga rin ang turing nito kay Amara."Bakit naman kasi ngayon ka lang bumalik hija? Ayaw mo na ba sa amin kaya ka umalis ng ganon ganon na lamang?" himig nagtatampo na sabi ni Aira ng bumitaw sya sa pagkakayakap nya kay Amara."Sorry po talaga tita Aira kung umalis po ako noon ng biglaan at hindi nagpapaalam. Gusto ko po kasing subukang mamuhay ng hindi umaasa kila mommy at daddy kaya k
CHAPTER 492Pagkatapat sa silid kung saan naroon si Aira ay tumigil naman na muna si Bianca at saka nya liningon si Amara at saka nya ito matamis na nginitian. Nang ngumiti naman pabalik si Amara ay saka naman kumatok si Bianca sa pintuan ng naturang silid at saka nya nga ito binuksan."Isurprise natin ang tita Aira mo anak. Dyan ka na muna ha. Tatawagin na lamang kita o kaya naman ay humanap ka ng tyempo na papasok ka roon ng hindi napapansin ng tita Aira mo," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara dahil naisian nga nya na isurprise ang kanyang kaibigan nya dahil alam nga nya na miss na miss na nito si Amara at tiyak na matutuwa nga ito kapag nakita nito na kasama nga nya si Amara ngayon.Pagkabukas nga ni Bianca ay agad nga nyang nakita si Aira at ang buong pamilya nito sa silid na iyon. Agad naman na napangiti si Aira ng makita nga nya na si Bianca ang nagbukas ng pintuan kasama ang asawa at anak nitong si Amanda."Mabuti naman at narito ka na. Akala ko talaga ay hindi na kayo
CHAPTER 491"Grabe anak sobrang tagal mo naman. Kanina pa kaya kami naghihintay sa'yo rito ng daddy mo," sabi ni Bianca ng makita nga nya na pababa na ng hagdan si Amara habang bitibitnga nito ang maliit na bag na naglalaman ng damit nito dahil baka mag over night na nga rin sila roon sa resort na iyon."Sorry mom. Hindi po kasi ako makapag decide kung ano poang susuotin ko," sagot ni Amara at tila ba bigla syang nahiya sa magulang nya dahil napatagal talaga sya sa pagpili ng isusuot nya.Tumayo naman na si Bianca at saka sya lumapit kay Amara at saka sya bumuntong hininga at hinaplos ang buhok ni Amara at saka nay ito nginitian."Alam ko na kinakabahan ka na makaharap sila muli. Wag kang mag alala at hindi naman galit sa'yo ang tita Aira mo dahil naipaliwanag ko naman na sa kanya ang lahat at naiintindihan ka naman nya noon pa," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara."Alam ko naman po na mabait si tita Aira pero nahihiya pa rin po ako mom," sagot ni Amara sa kanyang ina."Wag mo