CHAPTER 370Nang makita ni Aira na naupo na roon ang magkakapatid ay agad na nyang linapitan si Nelia. Bahagya naman na ngumiti si Nelia kay Aira. Kilala na kasi ni Nelia si Aira noon pa at ito pa mismo ang kumausap sa kanya dati para sana bigyan ng scholar si Shiela kaso ay mas hiniling ng dalaga na magtrabaho na lamang sa kanila kesa mag aral dahil kailangan nga raw nyang magtrabaho para sa kanyang pamilya.Ginantihan naman ng ngiti ni Aira si Nelia saka nya inayos ang kumot nito bago sya naupo sa may tabi nito."Magpagaling ka para sa mga anak mo Nelia. Alam kong mahirap para sa'yo na tanggapin ang katotohanan pero sana ay lumaban ka pa para sa mga anak mo. Sana ay makita mo kung gaano nagsisikap para sa inyo si Shiela kaya sana ay wag mong balewalain ang lahat ng paghihirap nya. Magpagaling ka dahil mahal na mahal ka ng mga anak mo at gusto ka pa nilang makasama ng matagal," nakangiti pa na kausap ni Aira kay Nelia."S-salamat. S-salamat sa p-pagtulong nyo sa amin ng mga a-anak k
CHAPTER 371Sa labas naman ng silid ng ina ni Shiela ay naroon sila Rayver at ang ama nito na si Dave dahil nga tinawag ni Dave ang kanyang anak dahil gusto nya iyong makausap."Alam mo ba na nagpunta si Jenny sa opisina mo kahapon dahil ang akala nya ay naroon ka. Mabuti na lamang at may mga bodyguard ang iyong ina roon at naiwasan ang gulo na dala ng babae na yun," pagbabalita ni Dave sa kanyang anak. "At talagang ipinagpipilita nya na sya raw dapat ang mapangasawa mo at binayaran mo lamang daw si Shiela na magpanggap na nobya mo," dagdag pa ni Dave. Napapailing na lamang naman si Rayver dahil sa sinabi ng kanyang ama."Ano ba kasi ang problema ng babae na yun at ayaw nya akong tigilan. Hindi ko naman sya pinapansin pero ayaw nya pa rin akong lubayan," sagot ni Rayver at totoong naiinis na nga sya kay Jenny."Siguro ay sadyang tinamaan sa'yo ang bata na yun. Pero alam mo sana lang talaga ay hindi sya magaya sa kapatid ng iyong ina. Na nagpalamon na sa galit at selos sa sobrang pagm
CHAPTER 372Matulin naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay halos dalawang linggo na nananatili si Nelia sa ospital. Hindi kasi sya pinapayagan pa na lumabas ng ospital ng mga doktor dahil minsan ay bigla bigla na lamang nahihirapang huminga si Nelia kaya minabuti na muna ng mga doktor nito na doon na lamang muna mag stay sa ospital si Nelia hanggat hindi pa bumubuti buti ang lagay nito at para na rin mamonitor nila ng maayos ang pasyente.Nagsimula na rin ang chemo therapy ni Nelia at sa umpisa nga ay talagang nahirapan ito kaya naman bigla ring bagsak talaga ng katawan ni Nelia. Kaya naman halos ayaw na ngang iwanan ni Shiela ang kanilang ina pero hindi pumapayag si Rayver dahil kailangan pa rin naman na magpahinga ng dalaga kahit papaano kaya naman nagpapalitan na lamang ang magkakapatid sa pagbabantay sa kanilang ina.Ang nga kapatid naman ni Shiela at pati na rin si Shiela ay pansamantala na rin munang nakatira sa condo unit ni Rayver. Gusto nga sana nila Aira na sa mansyo
CHAPTER 373Pagkarating nila sa floor kung nasaan ang silid ng ina ni Shiela ay agad nilang natanaw ang mga kapatid ni Shiela sa labas ng silid ng kanilang ina kaya halos takbuhin na nga ito ng dalaga para lamang makarating agad dito."Anong nangyare? Bakit ganyan ang mga itsura nyo? Anong nangyare kay nanay?" sunod sunod na tanong ni Shiela sa kanyang mga kapatid ng makalapit sya sa mga ito."Ate!!!" tawag ng mga kapatid ni Shiela sa kanya at agad pa syang sinalubong ng mga ito at agad na yumakap sa kanya."Ano bang nangyayare? Bakit nandito kayo sa labas?" muli ay tanong ni Shiela sa kanyang nga kapatid."Si nanay ate. Bigla kasi syang umubo at nakita ko na maraming dugo kaya tumawag ako kaagad ng nurse tapos pagbalik ko sa room ni nanay nag seizure na sya. Kaya andun ngayon ang mga doktor sa loob at pinalabas na muna nila kami," umiiyak na sagot ni Ashley kay Shiela.Pakiramdam naman ni Shiela ay parang binuhusan sya ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Ashley. Para tuloy linukob
CHAPTER 374Nang medyo kalmado na sila Shiela at ang kanyang mga kapatid ay nagpasya na sila na pumasok sa loob ng silid ng kanilang ina. Si Rayver pa nga ang unang pumasok doon kasunod si Shiela at ang mga kapatid nito.Naabutan naman nila na gising na si Nelia kaya naman napatingin na muna si Shiela kay Rayver at ng tumango ito ay napabuntong hininga na muna sya bago sya lumapit sa kanyang ina na mayroong pilit na ngiti sa labi nito."K-kumusta po ang pakirmdam nyo nay?" tanong ni Shiela sa kanyang ina habang hinahaplos nya ang ulo nito."M-medyo m-masakit lang a-ang u-ulo ko," dahan dahan pa na sabi ni Nelia kay Shiela."Matulog na muna po kayo nay. Para paggising nyo ay hindi na po masakit ang inyong ulo," sagot ni Shiela sa kanyang ina saka nya ito hinalikan sa noo. Napangiti naman si Nelia dahil doon."A-anak m-may g-gusto sana a-akong h-hilingin s-sa'yo," sabi pa ni Nelia na nahihirapan na ngang magsalita pero pinipilit pa rin nya dahil may gusto syang sabihin kay Shiela.Napat
CHAPTER 375Nang mapansin ni Shiela na nakatulog na ang kanilang ina ay inaya naman na nya muna si Rayver na lumabas ng silid na iyon para kausapin."Anong balak mo? Gusto mo ba na kausapin ang iyong ama?" agad na tanong ni Rayver kay Shiela pagkalabas nila ng silid ni Nelia dahil alam nya na ito ang gustong pag usapan nito.Naupo naman na muna si Shiela sa upuan na naroon at saka sya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga."Sa totoo lang ay ayoko na sanang makita pa ni nanay si tatay dahil pinaasa lang naman nya si nanay eh. Pinangakuan nya lang si nanay at hindi naman nya iyon tinupad. Pero hindi ko naman kayang tiisin si nanay dahil ngayon lamang sya humiling sa akin at sino ba naman ako para paghindian sya. Gusto ko rin naman na makita si nanay na sumaya kaya kahit labag sa kalooban ko na magkita sila ni tatay ay pagbibigyan ko na lamang din si nanay," sagot ni Shiela kay Rayver. Dahan dahan naman na tumango si Rayver sa kanyang nobya."Kung gayon ay ako ng bahala kung pa
CHAPTER 376 Hindi naman na nagtagal pa roon sila Rayver at Shiela at pumunta na nga sila sa kumpanya ng ama ni Shiela na si Mr. Garcia. Pagkatigil pa lamang ng sasakyan ni Rayver sa parking lot ng kumpanya ni Mr. Garcia ay isang malalim na buntong hininga naman kaagad ang pinakawalan ni Shiela para palakasin ang kanyang loob at agad nga iyong napansin ni Rayver kaya naman agad na nyang hinawakan ang kamay ng kanyang nobya dahil alam nya na kinakabahan ito ngayon. Pinisil pisil pa nga nya iyon para palakasin man lang kahit papaano ang loob nito at para maramdaman nito na nasa tabi lamang sya nito. "Kaya mo yan. Nandito lang ako para sa'yo," pagpapalakas pa ng loob ni Rayver kay Shiela kaya naman nginitian sya ni Shiela. "Salamat," tanging sagot na lamang ni Shiela sa kanyang nobyo dahil totoong kinakabahan talaga sya sa muli nilang paghaharap ng kanyang ama at idagdag pa na hindi nya alam kung ano ba ang magiging reaksyon nito sa sasabihin nya rito. Hindi nga rin nya alam kung p
CHAPTER 377"Ano ba ang ibig mong sabihin anak? Ano ba ang nangyare sa iyong ina at kumusta na nga pala sya? Magaling na ba ang kanyang sakit?" sunod sunod pa na tanong ni Joey kay Shiela."Hiniling po kasi ni nanay na gusto po nya kayong makita kaya narito po ako sa inyong harapan para hilingin sa inyo na sana naman po ay pagbigyan nyo naman po si nanay kahit ngayon lang po. Kahit sa huling pagkakataon po sana ay mapagbigyan nyo naman po sya sa kabila ng pagpapaasa nyo sa kanya sa nakalipas na maraming taon," deretsahan ng sabi ni Shiela sa kanyang ama."B-bakit nasaan ba nag iyong ina ngayon? Gustong gusto ko na rin naman syang makita upang humingi ng tawad sa nagawa ko. Sadyang narami lamang akong ginagawa ngayon kaya hindi ko iyon napagtutuunan ng pansin," sagot ni Joey sa kanyang anak."Nasa ospital po ngayon si nanay at hiniling nga po nya na sana nga po ay makita at makausap po nya kayo," sagot ni Shiela sa kanyang ama. Gulat naman ang agad na rumehistro sa mukha ni Joey dahil