CHAPTER 376Hindi naman na nagtagal pa roon sila Rayver at Shiela at pumunta na nga sila sa kumpanya ng ama ni Shiela na si Mr. Garcia.Pagkatigil pa lamang ng sasakyan ni Rayver sa parking lot ng kumpanya ni Mr. Garcia ay isang malalim na buntong hininga naman kaagad ang pinakawalan ni Shiela para palakasin ang kanyang loob at agad nga iyong napansin ni Rayver kaya naman agad na nyang hinawakan ang kamay ng kanyang nobya dahil alam nya na kinakabahan ito ngayon. Pinisil pisil pa nga nya iyon para palakasin man lang kahit papaano ang loob nito at para maramdaman nito na nasa tabi lamang sya nito."Kaya mo yan. Nandito lang ako para sa'yo," pagpapalakas pa ng loob ni Rayver kay Shiela kaya naman nginitian sya ni Shiela."Salamat," tanging sagot na lamang ni Shiela sa kanyang nobyo dahil totoong kinakabahan talaga sya sa muli nilang paghaharap ng kanyang ama at idagdag pa na hindi nya alam kung ano ba ang magiging reaksyon nito sa sasabihin nya rito. Hindi nga rin nya alam kung paano ba
CHAPTER 377"Ano ba ang ibig mong sabihin anak? Ano ba ang nangyare sa iyong ina at kumusta na nga pala sya? Magaling na ba ang kanyang sakit?" sunod sunod pa na tanong ni Joey kay Shiela."Hiniling po kasi ni nanay na gusto po nya kayong makita kaya narito po ako sa inyong harapan para hilingin sa inyo na sana naman po ay pagbigyan nyo naman po si nanay kahit ngayon lang po. Kahit sa huling pagkakataon po sana ay mapagbigyan nyo naman po sya sa kabila ng pagpapaasa nyo sa kanya sa nakalipas na maraming taon," deretsahan ng sabi ni Shiela sa kanyang ama."B-bakit nasaan ba nag iyong ina ngayon? Gustong gusto ko na rin naman syang makita upang humingi ng tawad sa nagawa ko. Sadyang narami lamang akong ginagawa ngayon kaya hindi ko iyon napagtutuunan ng pansin," sagot ni Joey sa kanyang anak."Nasa ospital po ngayon si nanay at hiniling nga po nya na sana nga po ay makita at makausap po nya kayo," sagot ni Shiela sa kanyang ama. Gulat naman ang agad na rumehistro sa mukha ni Joey dahil
CHAPTER 378 Nang hindi na matanaw ni Jenny sila Rayver at Shiela ay inis naman na syang naglakad kaagad papunta sa opisina ng kanyang ama. At halos padabog pa nga nyang binuksan ang pinto ng opisina nito dahil sa inis.Nagulat naman si Joey sa biglang pagbukas ng kanyang opisina at nakita nga nya ang galit na mukha ni Jenny. Napabuntong hininga na nga lamang si Joey dahil parang alam na nya ang dahilan ng anak nya kaya ganito ang itsura nito marahil ay nakita nga nito sila Shiela dahil halos kaaalis alis pa lamang nito kasama si Rayver."Dad anong ginagawa ng bastarda mong anak dito sa kumpanya natin?" galit na tanong ni Jenny sa kanyang ama."Jenny kahit anong sabihin mo ay magkapatid pa rin kayo ni Shiela. At sa tanong mo kung bakit sya narito ay may sinabi lamang sya sa akin," balewalang sagot ni Joey sa kanyang anak saka sya naupo sa kanyang swivel chair at agad na tumutok sa kanyang laptop."At ano naman po ang sinabi sa inyo ng babae na yun? Nagpapaawa na naman ba sya sa inyo?
CHAPTER 379Pagkagaling naman nila Rayver at Shiela sa opisina ng ama ng dalaga ay agad na rin silang dumiretso sa ospital kung nasaan ang ina nito.Saglit pa nga silang nanatili sa loob ng sasakyan ni Rayver dahil pinapakiramdaman ng binata si Shiela dahil kanina pa ito walang imik simula ng umalis sila sa kumpanya ng ama nito."Ayos ka lang ba?" puno ng pag aalala na tanong ni Rayver kay Shiela. Hindi naman na napigilan pa ni Shiela ang kanyang sarili at napaiyak na nga sya dahil kanina pa talaga nya iyon gustong gawin pero pinipigilan lamang nya ang kanyang sarili. Agad naman na dinaluhan ni Rayver ang kanyang nobya at agad nga nyang yinakap ito. agad rin naman na napayakap si Shiela sa kanyang nobyo."Ssshhhh. It's okay. Magiging ayos din ang lahat," pag aalo ni Rayver sa dalaga habang hinahaplos nya ang likod nito. Hindi naman na muna sumagot si Shiela at nanatili syang nakasubsob sa dibdib ni Rayver habang umiiyak.Ilang minuto rin na nanatili sila sa ganoong posisyon at hinayaa
CHAPTER 380Kinaumagahan naman noon ay inaya na muna ni Rayver na umuwi si Shiela para naman makatulog ito ng maayos doon dahil alam nya na pagising gising ito magdamag. Alam nya kasi na naghihintay rin ito at nagbabakasakali na darating nga ang ama nito."S-sige na anak. S-sumama ka na m-muna kay R-Rayver. A-ayos lang naman a-ako rito. Nar'yan naman a-ang mga k-kapatid mo," sabi ni Nelia kay Shiela dahil ayaw nga nitong sumama kay Rayver para umuwi muna sa unit ng binata at makapagpahinga man lang.Napabuntong hininga naman si Shiela dahil sa sinabi ng kanyang ina. Ayaw nya kasi sana muna itong iwanan dahil alam nya na nasasaktan pa rin ito dahil hindi nga dumating ang kanyang ama kahapon."Sige po nay. Pero babalik din po ako kaagad mamaya. Mas gusto ko po kasi na narito na lamang kasama ninyo. Pero sige po sasama po muna ako kay Rayver," sumusukong sagot ni Shiela sa kanyang ina. Linapitan pa nya ito at hinawakan sa kamay saka ito humalik sa noo ng kanyang ina. Nginitian naman ni
CHAPTER 381"Patawarin mo ako Nelia. Patawad kung hindi ako bumalik. Patawad sa hindi ko pagsasabi sa'yo ng totoo," muli ay sabi ni Joey kay Nelia dahil wala syang ibang masabi kundi ang humingi ng tawad dito ngayon dahil alam nya na malaki ang kasalanan nya rito at sa mga anak nila.Nang magmulat si Nelia ay bahagya na lamang naman sya na ngumiti kay Joey. Masaya naman sya na muli nyang makita ang lalaking pinakamamahal nya pero malungkot din naman sya sa kaalaman na totoo nga talaga ang sinabi ni Shiela sa kanya tungkol sa ama nito.Agad naman na nagpahid ng kanyang luha si Joey at saka nya matamis na nginitian si Nelia."Matagal ko na kayong pinapahanap ng mga anak natin pero wala na kayo sa dati nating tinitirhan at ilang taon na rin na naghahanap sa inyo ang mga tauhan ko. At ngayon na narito ka na at ang mga anak natin. Pangako babawi ako sa'yo. Babawi ako sa mga anak na natin sa ilang taon na nagkawalay tayo," sabi pa ni Joey kasabay ng muling pag agos ng kanyang luha."Oo ala
CHAPTER 1"Good morning dad. Ang aga nyo naman po yatang pumasok ngayon. Hindi ko na po kayo naabutan na magbreakfast sa bahay," bati ni Aira sa kanyang ama at linapitan pa nya eto at humalik sa pisngi neto."Oo anak masyadong marami ang ginagawa ko ngayon. Dumagdag pa ang problema ng ating kumpanya," sagot ni Ramon sa kanyang anak.Napatingin naman si Ramon kay Aira dahil naalala nya ang napag usapan nila ng kanyang matalik na kaibigan na si Clint."Aira anak pwede ba kitang makausap ng masinsinan?" sabi pa ni Ramon."Oo naman po dad. Tungkol po ba saan?" sagot naman ni Aira at umupo na sya sa sofa ng opisina ng kanyang ama.Linapitan naman ni Ramon si Aira at umupo na din sa katapat na upuan ng anak nya."Anak siguro naman hindi na lingid sa kaalaman mo ang nangyayare sa ating kumpanya diba," panimula ni Ramon."Yes dad," "Anak handa tayong tulungan ng tito Clint mo pero mayroon syang hinihingi na kundisyon," sabi pa ni Ramon."Kundisyon? At ano naman pong kundisyon nila?" tanong
CHAPTER 2"Dave, I told you na ayaw ko r'yan sa Trina na yan," bulyaw ni Divina sa anak nyang si Dave."But mom, I love Trina. Please mom sana naman po ay matanggap nyo na sya para sa akin," sagot naman ni Dave.Lalo namang nainis si Divina sa sinagot sa kanya ni Dave. "Pag-isipan mong mabuti yan Dave. Kitang kita naman kasi kung anong ugali meron yang Trina na yan," galit pa rin nyang sagot sa anak.Dave Lim came from a rich family. Solong anak lamang siya ng mag asawang Clint at Divina Lim. Nag iisang tagapagmana nila eto kaya gusto nila ay makapangasawa eto ng matinong babae.Ayaw na ayaw ni Divina sa kasintahan ni Dave na si Trina. Hindi nya gusto ang karakas ng babae. Kaya tutol na tutol sya sa relasyon nito sa anak nya."Alam mo Dave baka yang babae na yan pa ang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya natin. Kaya mag isip isip kang mabuti. Wag mo ng hintayin pa na gumawa ako ng paraan para lang paghiwalayin ko kayo," sabi pa ni Divina.Napag isip isip naman si Dave nang mabuti.