CHAPTER 383Hindi naman na sinagot ni Nelia si Joey bagkos ay binalingan nya ulit ng tingin ang kanyang mga anak na si Shiela at April na nakahawak pa rin sa kamay nya. Pinilit pa nga nya na ngumiti sa kanyang dalawang anak habang nahihirapan na talaga syang huminga."M-mahal na m-mahal ko kayo mga a-anak ko. T-tandaan nyo yan ha. M-mahal na m-mahal kayo ng n-nanay," nakangiti pa na sabi ni Nelia sa kanyang nga anak kasabay ng pagpatak ng luha nya at saka sya biglang huminga ng malalim at kasabay na rin ng dahan dahan na pagpikit ng kanyang mga mata at pagbagsak ng kanyang ulo.Nanlaki naman ang mata ni Shiela dahil kitang kita nya ang paghabol ng hininga ng kanyang ina at kung paano ito huminga ng malalim. Ramdam din nya na unti unti na rin na bumibitaw ang kamay ng kanyang ina sa kanyang kamay kaya naman napatayo na nga sya at agad na hinawakan ang maputla ng mukha ng kanyang ina."Nay! Nay! nay gumising po kayo nay. Please nay gumising po kayo. Nay gagaling pa po kayo diba? Nay pl
CHAPTER 384Maya maya naman ay tuluyan na nga na pumasok sa loob ng silid ni Nelia sila Shiela at ang nga kapatid nya. Inalalayan pa ni Rayver si Shiela dahil ramdam nya na nanghihina pa ito habang magkakayakap naman sila Ashley, April at Sherwin. Sumunod din naman na pumasok si Joey sa loob ng silid ni Nelia at kita nga nila na may nakatabon ng puting tela sa buong katawan ni Nelia.Dahan dahan naman na lumapit si Shiela sa pwesto ng kanilang ina at gamit ang nanginginig na kamay nito ay dahan dahan nga nyang ibinaba ang tela na nakatabon sa mukha ng kanilang ina para makita nila ito. Hindi naman naiwasan ni Shiela na mapahagulhol muli ng iyak lalo na ng makita nya ang wala ng buhay na kanilang ina kaya naman agad na syang kinabig ni Rayver upang yakapin dahil alam nya na hindi nito kayang makita ang ina nito na wala ng buhay.Napahagulhol na rin ng iyak ang iba pang kapatid ni Shiela habang nanatili itong magkakayakap.Habang si Joey naman ay hindi na nga napigilan pa ang kanyang s
CHAPTER 1"Good morning dad. Ang aga nyo naman po yatang pumasok ngayon. Hindi ko na po kayo naabutan na magbreakfast sa bahay," bati ni Aira sa kanyang ama at linapitan pa nya eto at humalik sa pisngi neto."Oo anak masyadong marami ang ginagawa ko ngayon. Dumagdag pa ang problema ng ating kumpanya," sagot ni Ramon sa kanyang anak.Napatingin naman si Ramon kay Aira dahil naalala nya ang napag usapan nila ng kanyang matalik na kaibigan na si Clint."Aira anak pwede ba kitang makausap ng masinsinan?" sabi pa ni Ramon."Oo naman po dad. Tungkol po ba saan?" sagot naman ni Aira at umupo na sya sa sofa ng opisina ng kanyang ama.Linapitan naman ni Ramon si Aira at umupo na din sa katapat na upuan ng anak nya."Anak siguro naman hindi na lingid sa kaalaman mo ang nangyayare sa ating kumpanya diba," panimula ni Ramon."Yes dad," "Anak handa tayong tulungan ng tito Clint mo pero mayroon syang hinihingi na kundisyon," sabi pa ni Ramon."Kundisyon? At ano naman pong kundisyon nila?" tanong
CHAPTER 2"Dave, I told you na ayaw ko r'yan sa Trina na yan," bulyaw ni Divina sa anak nyang si Dave."But mom, I love Trina. Please mom sana naman po ay matanggap nyo na sya para sa akin," sagot naman ni Dave.Lalo namang nainis si Divina sa sinagot sa kanya ni Dave. "Pag-isipan mong mabuti yan Dave. Kitang kita naman kasi kung anong ugali meron yang Trina na yan," galit pa rin nyang sagot sa anak.Dave Lim came from a rich family. Solong anak lamang siya ng mag asawang Clint at Divina Lim. Nag iisang tagapagmana nila eto kaya gusto nila ay makapangasawa eto ng matinong babae.Ayaw na ayaw ni Divina sa kasintahan ni Dave na si Trina. Hindi nya gusto ang karakas ng babae. Kaya tutol na tutol sya sa relasyon nito sa anak nya."Alam mo Dave baka yang babae na yan pa ang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya natin. Kaya mag isip isip kang mabuti. Wag mo ng hintayin pa na gumawa ako ng paraan para lang paghiwalayin ko kayo," sabi pa ni Divina.Napag isip isip naman si Dave nang mabuti.
CHAPTER 3"Mom, ano 'yon? Nakakahiya!" pangaral ni Dave sa mommy nya nang makauwi sila ng mansyon.Pinandilatan sya ng mata ni Divina. "Nahihiya ka? Eh, sa pagpatol sa babaeng tulad ni Trina? Hindi ka nahihiya?" Galit na sagot ni Divina sa anak.Naihilamos na lang ni Dave ang dalawang kamay nya sa sa mukha nya sa sobrang inis. Ayaw kasi talagang tanggapin ng mommy nya ang desisyon nyang ituloy ang relasyon nila ni Trina."I told you, Dave. Hindi ko gusto ang babaeng 'yon, mas okay pa sa akin kung yung ate Aira nya ang makakatuluyan mo. Disente ang kapatid nya at pwede nating ipagyabang sa mga kamag-anak at kakilala natin. Ibang iba ang ugali ni Aira dyan sa kapatid nyang si Trina," pagbibida ni Divina."Mom please... I love Trina. Alam nyo naman po na matagal na din kaming may relasyon diba. Sana magustuhan nyo na din po sya para sa akin. Please mom tanggapin nyo na po si Trina," sagot ni Dave na mukhang nagpapaawa pa sa ina.Umiling iling naman sa kanya si Divina. "Binalaan na kita t
CHAPTER 4Kinabukasan ay magkasama na naman sila Dave at Trina. Umuwi lang saglit si Trina sa kanilang bahay upang magpalit ng damit at umalis na din kaagad upang makipag kita ulet kay Dave. Obsess na obsess sya kay Dave at gusto nya ay palagi nya etong nakikita."Okay ka lang ba babe? Pasensya ka na sa nangyari kahapon ha," agad na sabi ni Dave kay Trina."Okay lang ako babe. Naiintindihan ko naman si tita Divina," sagot ni Trina. "Babe naisip ko lang kung magpakasal na kaya tayo. Nasa tamang edad naman na tayo babe saka matagal na din naman tayo diba," sabi pa ni Trina kay Dave. Nasa isang park sila ngayon at naglalakad lakad dahil yun ang gustong puntahan ni Trina.Nagulat naman si Dave sa sinabi ni Trina at napatigil sa paglalakad. "W - what?" "Let's get married babe. Bat hindi pa tayo magpakasal. Mahal naman natin ang isat isa. I want to spend the rest of my life with you Dave," malambing pa na Sabi ni Trina habang nakangiti kay Dave.Hindi naman kaagad maka imik si Dave sa sina
CHAPTER 5Nang gabi na iyon ay inabangan na ng mag asawang Ramon at Cheska ang anak nila na si Trina na maka uwi. Kailangan na kasi din nila etong maka usap para ipaliwanag ang sitwasyon ng kumpanya nila.Pagkapasok ni Trina ng kanilang bahay ay agad nyang nakita ang kanyang ina na nasa sala habang nanonood ng TV."Hi mom," bati ni Trina sa ina ng makalapit sya dito at humalik sa pisngi ng ina."O andyan ka na pala Trina. San ka ba nanggagaling ha? Kagabi hindi ka rin umuwi," malumanay na sabi ni Cheska sa anak."Sorry mom kung hindi po ako nakapagpa alam sa inyo kagabe. Pumunta lang po ako kay Karen kagabe at dun na rin po ako natulog. Kanina naman po ay namasyal naman po kami ni Dave," sagot ni Trina."Ah ganon ba. Trina anak gusto ka sana namin maka usap ng daddy mo," sabi ni Cheska."Tungkol po saan mom?" tanong ni Trina."Halika dun tayo sa library ng daddy mo. Kanina ka pa rin nya hinihintay," sagot ni Cheska at iginiya pa nya si Trina papunta sa library ng kanilang bahay kung s
CHAPTER 6Sa bahay naman nila Dave ay naghihintay sa kanya ang mga magulang nya na maka uwi siya. "Finally umuwi ka rin," sabi ni Divina kay Dave nang makapasok eto sa bahay nila dahil kanina pa sila naghihintay ng asawa nya na umuwi eto."Dave let's talk. Follow me," sabi ni Clint at naglakad na eto papunta sa kanyang opisina sa loob din ng kanilang bahay. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang asawa kaya sumunod na lang dinn si Dave sa magulang nya."Bakit po dad, mom? May problem po ba?" Tanong kaagad ni Dave sa kanyang mga magulang ng makapasok sila ng opisina ng kanyang ama."Umupo ka muna anak. May gusto sana kaming sabihin sa iyo," sabi ni Clint kay Dave.Umupo naman na muna si Dave at nagsalita. "Ako din po may gusto din po sana akong sabihin sa inyo."Nagkatinginan naman na muna ang mag asawa bago nagsalita. " Sige go ahead. What is it?" sabi ni Clint."Ahmmm. Mom, dad balak na po sana namin na magpakasal ni Trina," sagot ni Dave.Nanlaki naman ang mata ni Divina sa sinabi ni