CHAPTER 385Pagkatapos ng libing ni Nelia ay nanatili pa si Shiela sa Bicol at hindi nga sya iniwanan ni Rayver doon. Ayaw din pati ni Aira na iwanan kaagad ni Rayver ang dalaga at ang nga kapatid nito doon."Shiela tinawagan nga pala ako ni mommy at sabi nya ay sa Manila na lamang daw kayo tumira ng mga kapatid mo," sabi ni Rayver kay Shiela habang nakaupo sila sa labas ng bahay nila Shiela.Napabuntong hininga naman si Shiela saka nya tiningnan at nginitian ang kanyang nobyo."Rayver sobra sobra na ang naitulong ng pamilya mo sa amin. Ayos lang naman na dito na muna ang mga kapatid ko habang nagtatrabaho ako sa Manila. Napag usapan na rin naman namin ito na magkakapatid at pumayag naman sila roon," sagot ni Shiela. "Shiela naiintindihan naman kita pero ayaw mo ba na makasama ang mga kapatid mo? Ngayon na wala na ang inyong ina bakit hindi na lamang natin sila isama pabalik ng Manila. Doon magkakasama kayo at hindi mo na sila masyadong iisipin pa," sagot naman ni Rayver sa kanyang n
CHAPTER 386Kagaya nga ng napag usapan nila Rayver at Shiela ay isinama na nga ni Shiela ang kanyang tatlong nakababatang kapatid pabalik ng Manila. Pagkarating pa nila ng Manila ay agad na nga silang dumiretso sa mansyon dahil gusto ni Aira na doon na muna dumiretso ang magkakapatid para naman makausap nya ang nga ito lalong lalo na si Shiela. Hindi kasi sila nakapunta ni Dave ng Bicol habang nakaburol si Nelia dahil marami nga silang trabaho sa opisina at hindi nga nila iyon maiwan lalo na at si Rayver ay kasa kasama ni Shiela ng mga panahon na yon. Ayos lang naman sa kanila din yun dahil naiintindihan naman nila na mas kailangan ngayon ni Shiela ang presensya ni Rayver."Kumusta kayo hija?" tanong kaagad ni Aira kay Shiela ng makarating ang mga ito ng mansyon. "Ayos lamang po kami. Maraming salamat nga po pala sa lahat ng naitulong nyo sa amin," nakangiti pa na sagot ni Shiela sa ina ni Rayver. Nginitian naman ni Aira si Shiela."Wala iyon hija. Kumusta naman kayo ng mga kapati
CHAPTER 387 "Hep hep. Tama na yan ha. Wag ka ng umiyak pa hija," saway pa muli ni Aira kay Shiela. " Nga pala hija sa ngayon ay dito na lamang muna kayo ng mga kapatid mo sa mansyon tumira. Malaki naman itong mansyon at para naman magkalaman ito ay dito na lamang muna kayong magkakapatid. Alam ko naman na tatanggi ka na naman pero sana ay pagbigyan mo na muna ako hija. Masyado ng malungkot ang mansyon dahil halos kami na lamang ni Dave at Dylan dito kaya mas gusto ko sana na marami tayo rito," sabi pa ni Aira. Napatingin naman si Shiela sa kanyang nobyo at ngumiti ito sa kanya bago tumango. "S-sige po. Kahit nakakahiya na po talaga sa inyo ay tatanggapin ko na lamang po ang alok ninyo sa amin. Maraming salamat po ulit," sagot naman ni Shiela na talagang napipilitan na lamang dahil nga nahihiya talaga syang tumira sa mansyon. Nakangiti naman na hinaplos ni Aira ang pisngi ng dalaga. "Walang anuman hija," sagot ni Aira sa dalaga. "Oo nga pala bago ko makalimutan ay ako na rin nga p
CHAPTER 388Mabilis na nga lumipas ang mga araw at ngayon nga ang unang araw ni Shiela sa kanyang trabaho bilang sekretarya ni Rayver.Halos isang linggo rin muna syang nagpahinga bago sya tuluyang pumasok sa kanyang bagong trabaho. Inalalayan nya kasi muna ang mga kapatid nya dahil nahihiya nga rin ang mga iyo sa ina ni Rayver kaya naman tinutulungan ni Shiela na makapav adjust ang kanyang mga kapatid. Payo rin kasi iyon ni Aira sa kanya na magpahinga na lamang muna kahit isang linggo dahil hindi naman nagmamadali ang bagong trabaho ng dalaga at kahit kelan naman ay pwede syang magsimula nga roon. Sa nakalipas din na mga araw ay bumalik na nga rin si Rayver sa opisina dahil panatag naman ang kalooban nya dahil nasa mansyon lang naman si Shiela kasama ang kanyang ina at mga kapatid ng dalaga.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Shiela bago sya bumaba ng sasakyan ng kanyang nobyo. At napapangiti na lamang si Rayver kay Shiela dahil halata nya na kinakabahn talag
CHAPTER 389Sa unang araw ng trabaho ni Shiela ay naging maayos naman ang lahat at talagang tinutulungan nga sya ni Lyca sa lahat ng bagay hanggang sa matutunan nya iyon. Madali rin kasing nakapalagayan ng loob ni Shiela si Lyca dahil palabiro nga ito at nawala nga ang pagkainsecure nya sa dalaga dahil mabait naman pala ito at kalog pa ang akala nya kasi ay susungitan sya nito dahil nga baka mabagal syang magtrabaho pero hindi naman pala dahil sobrang bait nga nito sa kanya.Mabilis ngang lumipas ang isang linggo at natutuwa nga si Lyca dahil madali lamang matuto si Shiela sa mga itinuturo nya rito at talaga naman na seryoso ito sa pagtatrabaho nito. Nagkakasundo rin talaga silang dalawa kaya nga ang tawag na ni Lyca kay Shiela ay bff kapag hindi nila kaharap si Rayver dahil nahihiya pa rin naman si Lyca sa kanilang boss dahil alam nga nya na magkarelasyon ang dalawa.Ngayon nga ay maagang pumasok sa opisina sila Rayver at Shiela at pagkarating nga nila roon ay wala pa nga si Lyca ka
CHAPTER 390Mapakla naman na natawa si Rayver dahil sa sinabi ni Jenny dahil talagang ayaw pa ring magpatalo ng dalaga at talagang ipinipilit nito ang gusto nito."Alam mo Jenny kelan ka ba matututong umintindi na hindi mo ako fiance at wala naman talaga tayong relasyon para maging fiance mo ako. Bakit ba hindi ka na lamang maghanap ng ibang lalaking papatulan yang kabaliwan mo," galit ng sagot ni Rayver kay Jenny kaya naman hinawakan na ni Shiela sa braso ang kanyang nobyo dahil alam nya na da timbre pa lamang ng pananalita nito ay talagang galit na ito kay Jenny."Rayver tama na," saway na ni Shiela sa kanyang nobyo."Wala akong ibang gusto kundi ikaw lamang Rayver kaya akin ka lang at hindi ako makapapayag na maagaw ka sa akin ng babae na yan," sagot ni Jenny sa binata."At ikaw naman malanding babae. I-enjoy mo na yan dahil malapit ko ng bawiin sa'yo si Rayver dahil akin lang sya," baling naman ni Jenny kay Shiela saka ito tumayo.Hindi naman umiimik si Shiela dahil ayaw na lamang
CHAPTER 391Pagkahapon na iyon ay hinintay lamang din ni Shiela si Rayver na matapos sa mga ginagawa nito bago sila tuluyang umuwi na dalawa ng mansyon.Pagkarating na pagkarating nila sa mansyon ay hindi naman na muna bumaba si Rayver ng kanyang sasakyan at pinigilan din nito si Shiela na akmang bababa na sana. Kaya naman napakunot na lamang ang noo ni Shiela at nagtatanong ang tingin nya sa kanyang nobyo."B-bakit? May problema ba mahal?" di na napigilang tanong ni Shiela ng hindi pa rin nagsalita si Rayver.Isang malalim naman na buntong hininga ang pinakawalan ni Rayver saka nya seryosong tiningnan ang kanyang nobya."Mahal pasensya ka na pala kanina ha," seryosong sabi naman ni Rayver kay Shiela. Matamis naman na nginitian ni Shiela ang kanynag nobyo saka nya pinisil ang kamay nito na nakahawak sa kamay nya."Wala iyon mahal. Naiintindihan ko naman iyon. Alam ko naman na pilit kang hinahabol ni Jenny kaya wag mo akong alalahanin," sagot naman ni Shiela."Hindi ko na nga alam kung
CHAPTER 392Naghihintay naman silang lahat na naroon sa magiging sagot ni Rayver kaya naman napabuntong hininga na lamang din ang binata ng mapansin nya na sa kanya na nakatingin ang lahat ng naroon at naghihintay sa kanyang sagot."Ahm. Ang mabuti pa po siguro dad ay kumain na lamang po muna tayo at mamaya na lamang po natin pag usapan ang tungkol sa bagay na yan," sagot na lamang ni Rayver dahil nga mas gusto nyang private nila na pag usapan ng kanilang ama ang tungkol doon. Hindi naman sa ayaw nya itong sabihin sa iba pero kasi ay iniisip nya rin naman ang nararamdaman ng mga kapatid ni Shiela lalo na kung malaman ng mga ito na half sister pala nila ang babaeng pinag uusapan nila.Agad naman na sumang ayon si Dave doon lalo na ng mapansin nya na nakikinig nga ang mga kapatid ni Shiela kaya naman nagsimula na nga silang lahat na kumain ng kanilang dinner. Pagkatapos nilang lahat na kumain ay agad ng pumunta sa kanilang kwarto ang mga kapatid ni Shiela habang si Dave naman ay ina
CHAPTER 499Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Amara. At saka sya muling tumingin sa kanyang ina na naging blangko bigla ang mukha at alam naman nya ang dahilan noon at ito ay dahil sa isasagot nya sa tanong ng tita Aira nya."Ahm. T-tita Aira ang totoo po nyan. Ahm.." hindi naman maituloy ni Amara ang kanyang sasabihin dahil alam nya na hindi matutuwa ang tita Aira nya rito. Pagtingin naman nya sa gawi ni Dylan ay prentr nga itong nakaupo sa sofa na naroon at halatang hinihintay nga rin nito ang kanyang magiging sagot."Bakit hija? Ano ba yang sasabihin mo?" tila hindi na makapaghintay na tanong ni Aira kay Amara.Napatingin naman muli si Amara sa tita Aira nya at saka sya muling bumuntong hininga dahil no choice naman talaga sya kundi sabihin ang totoo sa tita Aira nya dahil ayaw naman nya na magalit o magtampo pa ito sa kanya."Ahm. Tita Aira i-ikakasal na po kasi ako," mahinang sagot ni Amara. "K-kaya po ako umuwi ng bansa ay dahil sa mag aasikaso po ako ng
CHAPTER 498"Narito lang pala kayong dalawa. Kanina ko pa kayo hinahanap narito lang pala kayo. Mukhang nagkamustahan na kayong dalawa a," nakangiti pa na sabi ni Aira habang naglalakad nga sya palapit kila Amara at Dylan.Kanina pa kasi nya hinahanap si Amara dahil matagal na nga itong hindi bumabalik gayong nagpaalam lamang naman ito na mag CR kaya naman agad na nga nya itong hinanap at dito lang pala nya ito makikita sa tabing dagat kasama ang kanyang anak na si Dylan."Ahm. O-opo tita. Nagkita po kasi kami kanina r'yan kaya nagkayayaan po na pumunta rito para magpahangin at nagkamustahan na rin po," nakangiti pa na sagot ni Amara kay Aira. "Diba Dylan?" baling naman ni Amara kay Dylan at siniko pa nga nya ito dahil hindi nga ito nagsasalita man lang at nanatiling nakatitig pa nga ito sa kanya.Bumuntong hininga naman si Dylan at ang itsura nito ay para ngang nalugi dahil nga hindi pa nya tapos kausapin si Amara ay dumating na nga ang kanyang ina."Yes mom. Nagkamustahan lamang po
CHAPTER 497"Hindi ako nagbibiro Dylan. Totoo ang sinasabi ko sa'yo. Ikakasal na talaga ako. At kaya ako nagbalik ng bansa ay para mag asikaso ng nga kailangan namin sa kasal ng nobyo ko," seryoso na sagot ni Amara kay Dylan at bakas nga sa mata nito ang lungkot.Napaawang naman ang bibig ni Dylan dahil sa sinabi ni Amara at napakurap kurap pa nga sya kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi nya dahil parang hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang narinig."H-hindi. H-hindi totoo yan," sabi ni Dylan kasabay ng pag iling nya. "Nagbibiro ka lang Amara. Hindi yan totoo diba?" dagdag pa ni Dylan at hindu talaga sya naniniwala sa sinabi ni Amara.Napabuntong hininga naman si Amara at saka nya hinawakan sa kamay si Dylan at saka nya muling tinitigan sa mga mata ang binata."Nagsasabi ako ng totoo Dylan. Ikakasal na talaga ako," sabi ni Amara kay Dylan. "Oo mianahal kita kaya nga nagawa kong umalis para naman walang maging sagabal sa pag abot ng nga pangarap mo. Gusto kong maging masaya ka ka
CHAPTER 496Napaawang naman ang bibig ni Amara dahil sa kanyang mga narinig at tila ba parang bigla syang naestatwa sa kanyang kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Totoong hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang mga narinig na sinabi ni Dylan."D-Dylan b-bakit mo to sinasabi ngayon?" kandautal pa na sabi ni Amara. "Nagbibiro—" hindi naman na naituloy pa ni Amara ang kanyang sasabihin ng bigla nga syang kabigin ni Dylan sa kanyang bewang at agad na naglapat ang kanilang mga labi.Naging banayad naman ang paghalik ni Dylan kay Amara at napapapikit pa nga ito na wari mo ay ninanamnam ang mga labi ni Amara.Nanlaki na lamang talaga ang mga mata ni Amara dahil sa ginawa ni Dylan na paghalik sa kanya. Hindi nya talaga ito inaasahan at hindi nga nya malaman kung tutugon ba sya o hindi sa ginagawa nitong paghalik sa kanya.At dahil nga nabitin sa pagsasalita si Amara kanina ay nakaawang nga ang kanyang bibig kaya naman malayang naipasok ni Dylan ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Amara
CHAPTER 495"Nakabubuti? Paano mo nasabing nakabubuti para sa atin iyon?" kunot noo pa na tanong ni Dylan kay Amara.Bumuntong hininga naman si Amara at saka sya pumunta sa harapan ni Dylan at saka sya humarap dito at seryosong tiningnan ang binata."Oo mas nakabubuti yun para sa atin kaya ko iyon ginawa. Diba sabi mo noon sa akin ay magiging abala ka na sa kumpanya nyo. Ayoko naman na maging sagabal sa pagtupad ng mga pangarap mo kaya mas minabuti ko na lamang na lumayo sa'yo dahil alam mo naman kung gaano kita kagusto noon diba? Kaya nga palagi akong pumupunta sa'yo kaya naisip ko na kung lalayo ako ay makakapag focus ka sa mga ginagawa mo," paliwanag ni Amara kay Dylan."Tingin mo tama ang ginawa mo? Parang bigla mo na lang akong kinalimutan Amara. Limang taon Amara. Limang taon na wala kang paramdam. Hinihintay ko na ikaw ang unang tatawag man lang sa akin dahil ikaw ang umalis ng basta na lang pero ni ho ni ha ay wala akong narinig sa'yo," tila naiinis ng sabi ni Dylan kay Amara
CHAPTER 494Habang abala naman ang lahat sa panonood sa palabas ng clown at sa mga palaro roon ay tahimik lamang naman na nakatanaw si Dylan sa gawi ni Amara. Katabi nga nito ang kanyang ina na halos ayaw ng bitawan pa ang dalaga Hindi nya nga talaga ito nalapitan man lang kanina dahil nga tinawag na sila kanina dahil magsisimula na nga ang party ng kanyang pamangkin. Kaya ngayon ay hanggang tanaw tanaw na lamang talaga muna sya kay Amara at maghihintay na lamang sya ng tamang tyempo na malapitan at makausap nya nga ito.Nang mapansin nga ni Dylan na tumayo si Amara at nagmamadaling umalis sa tabi ng kanyang ina ay halos humaba naman ang leeg nya at tinanaw nya nga kung saan pupunta si Amara at ng makita nga nya kung saan ito pumunta ay agad naman na syang tumayo at pasimpleng umalis sa kanyang pwesto at dahan dahan na sinundan si Amara kung saang gawi ito nagpunta.Pagkatapos naman na umihi ni Amara ay saglit pa nga syang tumingin sa salamin na naroon din sa loob ng Cr at saglit pa
CHAPTER 493Agad naman na napatingin sila Aira sa gawi ng pinto kung saan naroon ang nagsalita na iyon. At maging si Dylan ay biglang natigilan ng marinig nga nya ang boses na iyon dahil kilalang kilala nya kung kaninong boses nga iyon."Oh my god Amara," sigaw ni Aira at agad pa nga itong tumayo at agad na linapitan si Amara at yinakap ng mahigpit.Agad naman na ginantihan ng yakap ni Amara ang tita Aira nya dahil namiss nya nga rin talaga ito.Nakangiti naman si Bianca habang pinapanood ang anak nya at ang kaibigan nya. Alam nyang sobrang saya ni Aira ngayon na makita muli si Amara dahil parang anak na nga rin ang turing nito kay Amara."Bakit naman kasi ngayon ka lang bumalik hija? Ayaw mo na ba sa amin kaya ka umalis ng ganon ganon na lamang?" himig nagtatampo na sabi ni Aira ng bumitaw sya sa pagkakayakap nya kay Amara."Sorry po talaga tita Aira kung umalis po ako noon ng biglaan at hindi nagpapaalam. Gusto ko po kasing subukang mamuhay ng hindi umaasa kila mommy at daddy kaya k
CHAPTER 492Pagkatapat sa silid kung saan naroon si Aira ay tumigil naman na muna si Bianca at saka nya liningon si Amara at saka nya ito matamis na nginitian. Nang ngumiti naman pabalik si Amara ay saka naman kumatok si Bianca sa pintuan ng naturang silid at saka nya nga ito binuksan."Isurprise natin ang tita Aira mo anak. Dyan ka na muna ha. Tatawagin na lamang kita o kaya naman ay humanap ka ng tyempo na papasok ka roon ng hindi napapansin ng tita Aira mo," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara dahil naisian nga nya na isurprise ang kanyang kaibigan nya dahil alam nga nya na miss na miss na nito si Amara at tiyak na matutuwa nga ito kapag nakita nito na kasama nga nya si Amara ngayon.Pagkabukas nga ni Bianca ay agad nga nyang nakita si Aira at ang buong pamilya nito sa silid na iyon. Agad naman na napangiti si Aira ng makita nga nya na si Bianca ang nagbukas ng pintuan kasama ang asawa at anak nitong si Amanda."Mabuti naman at narito ka na. Akala ko talaga ay hindi na kayo
CHAPTER 491"Grabe anak sobrang tagal mo naman. Kanina pa kaya kami naghihintay sa'yo rito ng daddy mo," sabi ni Bianca ng makita nga nya na pababa na ng hagdan si Amara habang bitibitnga nito ang maliit na bag na naglalaman ng damit nito dahil baka mag over night na nga rin sila roon sa resort na iyon."Sorry mom. Hindi po kasi ako makapag decide kung ano poang susuotin ko," sagot ni Amara at tila ba bigla syang nahiya sa magulang nya dahil napatagal talaga sya sa pagpili ng isusuot nya.Tumayo naman na si Bianca at saka sya lumapit kay Amara at saka sya bumuntong hininga at hinaplos ang buhok ni Amara at saka nay ito nginitian."Alam ko na kinakabahan ka na makaharap sila muli. Wag kang mag alala at hindi naman galit sa'yo ang tita Aira mo dahil naipaliwanag ko naman na sa kanya ang lahat at naiintindihan ka naman nya noon pa," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara."Alam ko naman po na mabait si tita Aira pero nahihiya pa rin po ako mom," sagot ni Amara sa kanyang ina."Wag mo