CHAPTER 349"Hindi ko linoko ang mommy mo anak. Naikasal kami ng mommy mo noon at sya ang nagloko ng mga panahon na yun dahil nahuli ko sya na mayroong ibang lalake," sagot ni Joey kay Jenny at bakas pa sa mukha nito ang sakit dahil mahal na mahal nya ang ina ni Jenny."Kaya nagpakalayo layo na lamang ako dahil totoong nasaktan ako sa ginawa ng mommy mo. Pero hindi ko alam na buntis na pala sya sa'yo ng mga panahon na yun. Noong nagpakalayo layo ako ay napunta ako sa probinsya at nakilala ko roon ang ina ni Shiela na si Nelia ay tuluyang nahulog ang loob ko sa kanya hanggang sa mabuntis ko sya at nagkaroon kami ng apat na anak. Totoong naghirap kami noon dahil wala talaga akong dala na kahit na ano ng umalis ako dahil sa sama ng loob ko sa iyong ina. Kaya nagtrabaho ako roon para ipambuhay sa mga anak namin Nelia pero hindi pa rin talaga dapat ang kita ko. Hanggang sa magkasakit si Nelia at kinailangan kong bumalik ng Manila para maghanap ng trabaho pero nalaman ko na nagkaroon pala k
CHAPTER 350Samantala naman agad na munang inuwi ni Rayver si Shiela sa kanilang mansyon. Habang nasa sasakyan nga sila ay tahimik lamang si Shiela pero patuloy pa rin itong umiiyak. Hinayaan na lamang muna ito ni Rayver at yinakap na lamang nya ito. Gustong gusto na nya sana itong tanunvin tungkol sa mga nangyari kanina pero naisip nya na pabayaan na muna nya itong umiyak dahil mukhang may dinaramdam pa ang kanyang nobya.Nang makarating sila ng mansyon ay agad ng inalalayan ni Rayver si Shiela na makaupo sa sala at nagpakuha rin sya kaagad ng tubig para ipainom kay Shiela dahil kanina pa ito umiiyak habang nasa byahe sila."Uminom ka na muna dahil baka kung mapaano ka na. Kanina ka pa umiiyak," sabi ni Rayver kay Shiela sabay abot ng isang basong tubig sa dalaga dahil nag aalala sya rito."Salamat," sagot ni Shiela kay Rayver saka nya kinuha ang inaabot ni Rayver na tubig saka sya uminom ng kaunti.Napabuntong hininga na lamang si Rayver habang tinitingnan nya si Shiela."Gusto mo
CHAPTER 351"Namimiss mo na siguro sila no?" tanong pa ni Rayver. Agad naman na tumango si Shiela."Oo naman. Sobrang Miss na miss ko na sila. Pero kailangan ko na munang magtiis at magsakripisyo para sa kanila. Kailangan kong makuntento na lamang muna sa video call," sagot ni Shiela kasabay ng pagpunas nya ng kanyang luha dahil muli nyang naalala ang kanyang ina at mga kapatid na nasa probinsya."Anong balak mo ngayon na nakita mo na ang iyong ama? Gusto mo ba syang kausapin?" tanong pa muli ni Rayver."Hindi ko alam. Siguro ay hayaan ko na lamang sya. Siguro ay wala na talaga syang pakialam pa sa amin. Okay na ako na makita sya at tatanggapin ko na lamang na iniwan na nya talaga kami kahit na napakahirap tanggapin non. Masaya naman na sya yata sya sa buhay nya ngayon at siguro ay talagang mas mahalaga si Jenny kesa sa amin nila nanay," sagot ni Shiela at talagang hindi na nya muli napigilan ang sarili nya na hindi maiyak.Napabuntong hininga na lamang si Rayver at agad na nyang kina
CHAPTER 352Kinabukasan pagkagising naman ni Shiela ay nagulat pa sya dahil nasa ibang kwarto nga sya pero muli nyang naalala ang mga nangyare kagabi at naalala nya na nasa silid nga pala sya ni Rayver. Nagawi agad ang tingin nya sa sofa dahil naalala nya na doon na natulog ang binata kagabi pero hindi na nya ito nakita pa roon at malinis na ang sofa kung saan ito natulog kagabi.Akmang babangon na sana si Shiela ng biglang bumukas ang pinto ng Cr at lumabas doon si Rayver kaya naman napalingon siya roon at napatulala na lamang sya ng makita nya na tanging boxer shorts lamang ang suot ng binata habang tumutulo tulo pa ang buhok nito at kitang kita nga nya ang matipunong katawan at abs ng kanyang nobyo dahil wala pa itong suot na pang itaas na damit kaya naman napalunok na lamang sya ng sarili nyang laway dahil sa kanyang nakikita."Good morning. Gising ka na pala," nakangiti pa na bati ni Rayver kay Shiela kaya naman biglang napabalik sa wisyo si Shiela at agad na nag iwas ng tingin
CHAPTER 353Pagkalabas ni Shiela ng CR ay naabutan na nya si Rayver na nakaupo sa sofa na naroon sa silid nito habang abala ito sa phone nito. Napagawi rin ang tingin nya sa orasan na naroon at napakunot na lamang ang noo nya dahil alas nuebe na pala ng umaga at narito pa rin ang binata."Wala ka bang pasok sa opisina ngayon?" hindi na napigilang tanong ni Shiela kay Rayver. Agad naman naagaw ang atensyon ni Rayver ng magsalita si Shiela kaya naman napatingin sya sa gawi ng dalaga."Ahm. Hindi ako pumasok ngayon dahil alam ko na mas higit na kailangan mo ako ngayon," nakangiti pa na sagot ni Rayver sa dalaga at ng mapansin nya na nakaayos naman na ito ay tumayo na rin sya at lumapit dito. "Tara na muna sa baba para makakain na tayo ng umagahan," pag aaya na nya sa dalaga saka nya ito hinawakan sa kamay. Agad naman na nagapatianod.si Shiela sa binata."Bakit? Kaya ko naman na ang sarili ko. Saka wag mo akong intindihin dahil ayos na ayos naman na ako. Sadyang nasaktan lamang ako sa mul
CHAPTER 354Pagkatapos nilang kumain na dalawa ay sakto naman na dumating sila Reign at Kenneth kasama ang anak ng mga ito na si Kurt. Dali dali naman na lumapit si Reign kay Shiela at agad nya itong yinakap dahil kagabi pa talaga sya nag aalala rito."Kumusta ka? Ayos ka lang ba?" agad na tanong ni Reign kay Shiela ng bumitaw sya sa pagkakayakap dito. Nginitian naman ni Shiela si Reign."Ayos lang ako. Wag mo akong alalahanin. Iniyak ko na kagabi ang sama ng loob ko kaya naman ayos na ako," sagot ni Shiela kay Reign at pinipilit nyang huwag pumiyok ang kanyang boses pero ang totoo ay gusto na nyang maiyak muli hindi dahil sa nalaman nya kagabi kundi dahil sa mahalaga pala talaga sya sa pamilya ni Rayver dahil kita nya kung paanong mag alala ang mga ito sa kanya."Sigurado ka ba? Kung may dinaramdam ka o gusto mo ng makakausap alam mo naman na narito lamang ako," sagot pa ni Reign habang hawak nya sa kamay si Shiela. "Oo. Ayos na ayos ako Reign kaya wag nyo na akong alalahanin pa," n
CHAPTER 355"Shiela tama si kuya Rayver. Isipin mo rin naman minsan ang sarili mo. Alam namin kung gaano ka kabait na anak pero kahit minsan man lang ay isipin mo rin ang sarili mo. At alam din namin na stress ka na sa mga nangyayare kaya mabuti pa siguro na magpahinga ka na lang muna," sabat na ni Reign.Napabuntong hininga naman si Shiela at saglit muna syang nag isip. Isa isa pa nyang tiningnan sila Rayver at Reign at maging si Kenneth na tahimik lamang na nakikinig sa kanila ay nginitian sya at tumango sa kanya."Shiela tama sila isipin mo rin ang sarili mo. Alam ko kung gaano ka pursigido na itaguyod ang pamilya mo pero tama sila Rayver at Reign na minsan isipin mo rin ang sarili mo. Mahalaga ka na rin sa amin dahil hindi ka na rin iba sa amin at pamilya na ang turing namin sa'yo kaya gusto rin naman namin na mapabuti ka," sabat na ni Kenneth. Alam nya kasi kung gaano kahalaga si Shiela sa kanyang mag ina dahil ito ang kasama ng mga ito noong mga panahon na nasa ibang bansa pa si
CHAPTER 356Nanag medyo kalmado na si Shiela ay dahan dahan na syang bumitaw sa pagkakayakap nya kay Aira saka nya pinunasan ang luha nya. Nakangiti naman na tiningnan ni Aira ang dalaga at gumanti rin ito ng ngiti sa kanya."Tama na ang iyak hija. Namumugto na yang mata mo," sabi ni Aira kay Shiela at hinawakan pa nya ang pisngi ng dalaga. Dahan dahan naman na tumango si Shiela bilang sagot nya sa ginang."Ano na ba ang nga napag usapan nyo kanina? Ano ng balak nyo ngayon?" tanong na ni Dave."Dad gaya po ng nasabi ko na sa inyo ay balak ko po na umuwi na muna si Shiela sa kanila at sasamahan ko na po muna sya roon," sagot ni Rayver sa kanyang ama.Napatango na lamang si Dave sa sinabi ni Rayver dahil nabanggit na nga ito sa kanya ni Rayver kagabe at mukhang napapayag naman nila si Shiela ngayon."Ahm. P-pasensya na nga po pala kayo kung pati po kayo ay naabala ng dahil sa mga nangyare kagabe," sabat naman ni Shiela."Wala iyon hija. Maganda nga na lumabas na ang tunay na ugali ni M
CHAPTER 414"Bakit po manang?" agad na tanong ni Jenny kay manang Lina na syang kumatok sa kanyang silid."Napakaganda mo naman hija," puri kaagad ni manang Lina kay Jenny dahil gandang ganda talaga sya sa dalaga kapag ganitong simple lamang ang ayos nito."Salamat po manang," nakangiti pa na sgaot ni Jenny."Ayy. Oo nga pala nar'yan na sa baba yung bisita mo kanina hija hinihintay ka na nya at kausap sya ngayon ng iyong ama sa baba," sabi pa ni manang Lina kay Jenny."Sige po manang tapos na rin naman po ako. Bababa na rin po ako," sagot ni Jenny kay manang kaya naman agad ng bumaba si manang.Muli namang pumasok si Jenny sa loob ng kanyang silid at muli ay humarap sya sa malaking salamin na naroon at pinakatitigan nya ang kanyang sarili at napapangiti na lamang sya dahil bagay naman pala sa kanya ang simpleng ayos lamang dahil dati ay ang kapal nga nyang mag make up lalo na kapag sa mga bar ang punta nila ng mga kaibigan nya.Pagkababa ni Jenny ng kanilang hagdan ay agad nyang napan
CHAPTER 413"Anong klaseng tingin yan dad?" iiling iling na tanong ni Jenny sa kanyang ama."Sus. Ako yata ang dapat na magtanong nyan sa'yo anak. Anong klaseng ngiti yan?" balik tanong ni Joey kay Jenny habang may nakakalokong ngiti sa labi nya."Dad naman," nakanguso ng sagot ni Jenny sa kanyang ama kaya naman natawa na lamang si Joey sa kanyang anak."Bakit anak? Wala naman akong sinasabi ah," tatawa tawa na sagot ni Joey kay Jenny saka nya ito linapitan at inakbayan. "Anak matuto ka sanang buksan ang puso mo para sa iba. Anong malay mo nasa paligid mo na lang pala ang taong nagmamahal sa'yo ng totoo at pahahalagahan ka. Si Greg gusto ko sya para sa'yo anak. Alam mo ba na nanggaling sya sa aking opisina kanina at pormal syang nagpaalam sa akin na gusto ka nga raw nyang ligawan at matagal na syang nay pagtingin sa'yo," nakangiti at seryosong sabi pa ni Joey kay Jenny.Nagulat naman si Jenny sa sinabi ng kanyang ama kaya napatitig sya sa kanyang ama kung seryoso ba ang sinasabi nito
CHAPTER 412"Ayos lang naman ako. Medyo nagkaroon lang ng problema sa pamilya kaya don't worry i'm fine," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa binata. "Ikaw ano nga pala ang ginagawa mo rito? Bakit napadalaw ka yata," tanong pa ni Jenny kay Greg dahil nagulat talaga sya sa biglang pagsulpot ng binata sa kanilang bahay. Nakakasama naman nya ito minsan kapag nalabas silang magkakaibigan pero ilang nga sya rito dahil umamin nga ito sa kanya noon pa na may gusto ito sa kanya."Ahm. Wala lang. Gusto lamang kitang kumustahin at bisitahin na rin dahil hindi na nga kita nakikita," sagot naman ni Greg kay Jenny.Tumango tango lang naman si Jenny sa binata at saka nya inamoy ang bulaklak na ibinigay ni Greg sa kanya at napapapikit na lamang sya dahil sa mabangong amoy ng mga bulaklak.Napangiti naman si Greg ng mapansin nya na mukhang good mood ngayon si Jenny at hinahayaan lamang sya nito na mag stay sa tabi nito. Dati kasi ay umiiwas talaga ito sa kanya kaya nakuntento na lamang sya sa pasulyap
CHAPTER 411Pagkagaling ni Joey sa opisina ay agad naman na rin syang dumiretso ng uwi sa kanilang mansyo at nagulat pa nga sya ng pagkarating nya sa kanilang bahay ay nay magarang sasakyan na nakaparada sa labas ng kanilang gate kaya naman napakunot na lang ang noo nya dahil may iba yatang tao sa kanilang bahay kaya naman dali dali na nyang ipinark ang kanyang sasakyan.Pagkapasok nya sa kanilang bahay ay agad nyang nakita ni manang Lina kaya naman agad na nya itong linapitan."Manang kanino po yung sasakyan na nasa labas ng mansyon?" agad na tanong ni Joey kay manang Lina."Joey nar'yan ka na pala," gulat pa na sabi ni Manang Lina kay Joey dahil hindi nga nya napansin ang paglapit nito sa kanya."Kanino po ang sasakyan na nasa labas manang?" muli ay tanong ni Joey rito."Ah yun bang sasakyan sa labas? Sa bisita iyon ni Jenny," sagot ni manang Lina."Kaibigan ni Jenny? Sino? Nasaan sila?" sunod sunod pa na tanong ni Joey kay manang Lina."G-Greg? Oo tama Greg ang rinig ko kanina na
CHAPTER 410Matapos makapag usap nila Rayver at ng ama ni Shiela ay agad na rin naman na umalis si Joey sa opisina ng binata dahil may mga kailangan pa rin syang asikasuhin sa kanyang sariling kumpanya.Habang papaalis pa nga si Joey sa kumpanya ni Rayver ay hindi na maalis alis pa ang ngiti sa kanyang labi dahil parang nakahinga na sya ng maluwang ngayon dahil sa mga nangyayare ngayon sa pagitan nya at ng kanyang mga anak.Ito lamang naman talaga ang tangi nyang hiling sa ngayon ang magkaayos sila ng kanyang mga anak kay Lina at magkaayos din ang mga ito at si Jenny. Alam nya na medyo mahihirapan talaga si Jenny lalo na at ang lalaking pinakamamahal nito ay nobyo ng kanyang kapatid pero umaasa sya na makakapag move on kaagad ang kanyang anak na si Jenny.Pagkarating ni Joey sa kanyang kumpanya ay maraming paper works kaagad ang tumambad sa kanya sa loob ng kanyang opisina. Natambak kadi itong mga trabaho nya noong mga nakaraang araw pa dahul nga hindi sya makapag focus sa kanyang gin
CHAPTER 409"Good morning anak. Ahm. Narito ako dahil gusto ko sanang sabihin sa'yo na nakausap ko na rin nga pala ang kapatid mong si Jenny at nagkaayos na rin kami at gusto ka nga raw nya sanang makausap. P-pwede ka ba anak?" sabi ni Joey kay Shiela. Nagulat naman si Shiela sa sinabi ng kanyang ama at napabuntong hininga na lamang nga sya saka sya dahan dahan na tumango rito."S-Sige po tay. Sabihan nyo na lamang po ako kung kailan at saan po kami mag uusap ni Jenny," sagot ni Shiela sa kanyang ama kahit na ang totoo ay nag aalangan sya dahil hindi pa naman nya lubos na kilala si Jenny at ayon na nga rin sa sinabi ni Reign noon ay iba nga ang ugali ng kapatid nya na yon."Salamat anak. Sige sasabihan na lamang kita kung kailan nya gusto na magkita kayong dalawa. Salamat anak at pumayag ka na magkausap kayong dalawa. Sana ay maging maayos na rin kayong dalawa labis ko talagang ikakatuwa kapag nangyari nga ang bagay na yun," nakangiti pa na sagot ni Joey kay Shiela.Tanging pagngiti
CHAPTER 408Kinabukasan naman ay maaga ngang nagising si Joey at nagpaluto nga sya ng masarap na agahan sa kanilang mga kasambahay para sa kanila ni Jenny.Nagulat naman si Jenny na pagkababa nya ng kanilang hagdan ay natanaw na nga nya ang kanyang ama na nasa kanilang dining table at mukhang hinihintay nga sya nito dahil hindi pa nagagalaw ang mga pagkain doon. Kaya naman agad na nyang linapitan ito."Good morning dad," bati kaagad ni Jenny sa kanyang ama saka sya humalik sa pisngi nito. "Wala po ba kayong pasok sa opisina ngayon dad?" tanong pa ni Jenny sa kanyang ama."Meron pero pwede naman akong magpalate dahil kumpanya naman natin iyon kaya hawak ko naman ang oras ko," sagot ni Joey kay Jenny. "At isa pa ay gusto kitang makasabay kumain ng agahan dahil matagal tagal na rin yung huling kain natin na magkasabay. Kaya maupo ka na para makakain na tayo," dagdag pa ni Joey at saka nya ipinaghila ng upuan si Jenny."Salamat dad," sabi namna ni Jenny matapos syang maupo.Napangiti nama
CHAPTER 407"Don't worry dad. Hindi naman na po ako magagalit at naiintindihan ko na po kayo kaya okay lang po na bumawi kayo sa kanila. At ang tungkol naman po sa amin ni Shiela ay hindi ko naman po maipapangako na agad agad kaming magkakapalagayan ng loob dahil alam nyo naman po kung ano ang sitwasyon naming dalawa ngayon pero pipilitin ko po na makapag move on na para na lamang po sa ikatatahimik ng lahat," sagot naman ni Jenny sa kanyang ama.Nagulat naman si Joey sa sinabi ni Jenny at napangiti na nga lamang sya dahil doon dahil ang buong akala nya ay mahaba habang paliwanagan na naman ang mangyayare sa kanilang mag ama ngayon."T-totoo ba yang sinasabi mo anak? S-seryoso ka ba na ayos na sa'yo na bumawi ako sa mga kapatid mo?" hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Joey kay Jenny.Napangiti naman si Jenny sa kanyang ama dahil kita nya ang gulat na gulat na reaksyon nito dahil sa kanyang sinabi."Yes dad. Seryoso po ako sa sinabi ko," nakangiti pa na sagot ni Jenny sa kanyang ama
CHAPTER 406Napangiti naman si manang Lina dahil sa sinabi ni Joey. Masaya sya dahil kahit papaano ay ngumingiti na ulit si Joey nito kasing mga nakalipas na mga araw ay palagi itong balisa at halata mo na sa mukha nito ang stress. Alam nya naman kasi ang pinagdaraanan nito ngayon dahil nga naikwento na nito sa kanya ang mga nangyari noon kaya naiintindihan nya rin naman talaga ang mga anak ni Joey kay Nelia dahil napabayaan nya nga talaga ang mga ito."Masaya ako at nakausap mo na pala ang isa sa mga anak mo. Sana nga ay magkaayos ayos na kayo para naman maging masaya na kayo muli," sagot ni Manang Lina kay Joey dahil kita nga nya na napapabayaan na rin ni Joey ang kanyang sarili dahil sa kaiisip nito sa mga problema nito sa kanyang mga anak."Salamat po manang," nakangiti pa na sagot ni Joey sa matanda."Subukan mo ring kausapin ngayon si Jenny at baka ngayon ay magkaintindihan na nga kayong dalawa. Basta habaan mo na lamang ang pasensya sa anak mo na yan dahil alam mo naman ang uga