All Chapters of The Billionaire's Hidden Heirs : Chapter 31 - Chapter 39
39 Chapters
Kabanata 0031 Gabrielle declare a war!
Gabrielle's Point of View "Bakit pumayag ka sa arrange marriage na ito? Bakit hindi mo pigilan si Dad?" Singhal ko sa kuya ko nang makaalis ang mga magulang namin."Bakit hindi ikaw? Bakit hindi mo aminin na buntis si Eumerriah at ikaw ang ama? Baka gusto mo ako na lang magsabi sa kanila at sabihin kong ako ang ama?" Nakangisi niyang tanong sa akin. Alam kong pino-provoke niya lang ako para magsimula na naman ng away at ako na naman ang maging masama sa paningin ng parents namin. "Wag mong idadamay ang anak ko!!" Pagbabanta ko. "Bakit? Ano bang kaya mong gawin? Sa tingin mo ba talaga kilala mo na si Eumerriah? Sa tingin mo ba basta lang siyang babae na papayag tumira sa isang kubo? Hindi mo siya kilala!" Ani niya at naglakad palabas ng dining area. Wala akong mapapala kung makikipagsagutan sa walang kwentang kapatid ko. Walang mahalaga sa kaniya kundi ang image at si ate Shaira. Hindi naman niya pinapakinggan sila Mom and Dad pero siya pa din ang may posisyon sa kompanya. Hindi k
Read more
Kabanata 0032 Kate's Biological Mother
Eumerriah's Point of View Hapon na ngunit wala pa din si Gabrielle. Gusto ko man siyang tawagan pero nauunahan ako ng hiya. Maayos kasi siyang nagpaalam sa akin kagabi ngunit hindi ko akalain na aabutin siya ng isang buong araw. Inasikaso naman ako nila Lola at Kate. Hindi naman nila ako pinabayaan, gusto kong tumulong sa ginagawa nila pero ayaw nila. Gumagawa kasi ng doormat si Lola. Simula bata pa lamang daw ang anak niyang nanay nila Gabrielle ay ito na ang hanao buhay niya. Inilalako niya daw ito sa palengke, kung minsan ay pinapakyaw ito doon. Kaya kahit mayroon na silang pera, may ibang business na si Gabrielle ay hindi niya nakakalimutan gumawa ng doormat dahil madaming costumer ang gusto ang gawa niya. "Naboboring ka na ba?" Tanong sa akin ni Kate. "Medyo." Simpleng sagot ko. "Namimiss mo lang siguro si Kuya. Ganyan din kami nang una. Dito lumaki si Kuya, natatandaan ko sobrang sungit niya sa akin dati. Halos ayaw niya akong kausapin dahil hindi niya daw ako kapa
Read more
Kabanata 0033 Trauma
Eumerriah's Point of View Hindi umuwi si Gabrielle kagabi hanggang ngayong umaga wala pa din siya. Sobrang namimiss ko na siya. Dahil abala sila Lola at Kate sa kanilang ginagawa ay naisipan kong maglakad lakad sa paligid. Ayoko na munang isipin si Gabrielle, bak may kailangan lang siyang tapusin doon. Nagikot-ikot ako sa paligid. Nang mainip ako ay dumiretso ako sa resort. Hindi masyadong mainit kaya masarap ang maglakad-lakad. Umakyat ako sa kubong tinutuluyan namin ni Gabrielle. Aminin ko, umaasa akong umuwi siya ngayon at nakatulog lang sa kwarto. Ngunit wala, kung paano namin iniwan ang bahay na ito ay ganoon pa din siya ngayon. Maliban sa mga alikabok na hinangin sa ibabaw ng mga plato at kaldero. Naupo lang ako sa sala at pumikit. Ninamnam ang mariwang simoy ng hangin at inaalala mga pinagsamahan namin ni Gabrielle. Ang unang linggo namin na walang kibuan, mga araw na kinakausap niya ako ng walang emosyon hanggang isang araw ay puno na ng concern. Ang sarap isipin kung pa
Read more
Kabanata 0034 Self Blaming
Gabrielle's Point of View Masakit ang ulo kong bumangon. Kita ko sa bintana na tirik na ang araw. Inikot ko ang paningin ko, nandito pala ako sa kwarto ni Eumerriah. Bigla ko agad naalala si Yumi. Winadiwas ko ang kumot na nakabalot pa sa katawan ko at nagmadaling lumabas. "Yumiii!" Nataranta kong tawag ng makalabas. Nakita ko siyang naghahain ng pagkain. Ngumiti ito ng makita ako. "Goodmorning. Kamusta ang tulog mo? Halika na mag almusal na tayo. Anong gusto mo gatas o kape?" Medyo naninibago ako sa paraan ng pagngiti niya. Pakiramdam ko ay may nangyari. "Goodmorning! Pasensya na ikaw tuloy naghanda ng almusal natin. Napasarap ang tulog ko. Saan ka pala natulog bakit sa kama mo ako nakahiga?" Kamot ulo kong tanong. "Katabi mo." Nakangiti niyang sagot. Nagulat naman ako. Alam kong may nangyari na sa amin. May relasyon na din kami pero hindi ko inaasahan na tatabi ako sa kaniya. Ayoko kasing na-stress siyang matulog lalo na pag-buntis. May kilala kasi akong gano'n. "Pasensya na ku
Read more
Kabanata 0035 New House
Eumerriah's Point of View Mga 30 minutes na din mula ng umalis si Gabrielle. Nagmamadali siyang umalis kaya naisip ko baka sumama ang tyan niya. Bigla na lang siyang natigilan habang nagkukwento ako. Sa loob ng dalawang araw na natutulog siya natututo akong kumilos mag-isa. Hindj pa naman nakakasagabal ang pagbubuntis ko sa mga simpleng gawain sa bahay. Medyo nahihirapan lang pero nagpupursigi naman akong matutunan ang lahat. Ilang sandali pa ay natanaw kong may mga kasama si Gabrielle. Mukhang seryoso ang usapan nila kaya pinanuod ko na lang sila. Mas lalong gumagwapo si Gabrielle sa paningin ko habang tumatagal. Matangkad siya, morena ang katawan, may abs at ang mukha niya saktong hugis lang, masasabing perpekto ang pagkahulma, may kissable lips at mapuputing ngipin. Tumingin sila sa akin at kumaway. Hindi ko man alam pero kumaway na lang din ako. Ilang sandali oa ay naglakad na palayo ang mga taong kausap ni Gabrielle, siya naman ay umakyat diretso sa akin dito sa may sala.
Read more
Kabanata 0036 Her Parents
Eumerriah's Point of View Sobrang laki ng bahay na pinagawa ni Gabrielle. Bagay nga sa malaking pamilya. Masaya ako pero hindi maiwasang hindi malungkot dahil sa nga bagay na tumatakbo sa isip ko. May parte sa akin na nahihirapan pa ding matulog nitong mga nakaraam dahil naalala ko si Jerome. Cheating man siguro itong matatawag ngunit anong magagawa ko kung sumasagi pa siya sa isipan ko. Mahal ko si Gabrielle, alam ko iyon sa sarili ko. Masaya ako pag kasama ko siya, tumatawa ako ng genuine kasama siya. Siya ang nagpa-realize sa akin ng maraming bagay. Sa kaniya ko naranasan ang mga bagay na hindi kailanman nagawa ni Jerome sa akin. Kay Gabrielle hindi ko naranasan mangamba sa pwedeng mangyari kinabukasan. Kay Gabrielle hindi ako natakot na ipakita ang tunay kong itsura ng walang make up. Kay Gabrielle hindi ako nahirapan magpakatotoo. Ngunit kay Jerome palagi akong nakangiti, laging maganda sa paningin niya at higit sa lahat kailangN mabuting tao ako palagi. Alam ko, ala
Read more
Kabanata 0037 She Needs Me
Gabrielle’s Point of ViewNawalan ng malay si Yumi habag umiiyak kanina. Hindi ko alam kung anong dahilan kaya agad kong inuwi si Yumi para makapagpahinga. Nahimatay lang siya siguro dahil sa pagod na ginawa namin ngayon maghapon.Binuhat ko siya at nagmamadaling ihiga sa kama dito sa bagong bahay namin. Hindi pa ito naha-house blessing pero ready na ito para gamitin.“Anong nangyari kay Ate Yumi?!” nagaalalang tanong ni Kate.Kanina kasi abala siya sa pagaasikaso ng kwarto habang si Lola naman ay nagaasikaso sa kusina. Lahat kasi ng gusto niyang gamit ay ilalagay niya sa lugar na madali niyang maabot.“Napagod yata.” Simpleng sagot ko.Kinumutan ko si Eumerriah habang pinapanuod lang ako ni Kate.“Hayaan na muna natin siyang makapagpahinga. Humihinga pa naman siya kaya wala siguradong nangyari sa kaniya. Tatawagan ko din ang doctor sa clinic para ipatingin ang kalagayan niya.” Saka sinarado ang pintuan ng kwarto. Binalikan ko ang cellphone ko sa garden para tawagan si Manager kim par
Read more
Kabanata 0038 Marriage
Eumerriah Point of View Sabay-sabay kaming kumakain ng almusal maliban kay Gabrielle na ngayon ay natutulog pa din. Hindi ko na siya ginising pa dahil mukhang masarap ang pagkakatulog niya. "Oh, oh! Bitawan! Kaya na namin ni Kate ang malinis niyan iha. Doon ka na lang sa sala at magpahinga." Suway sa akin ni Lola nang simulan kong tumulong sa pagliligpit ng pinagkainan. Binitawan ko na lang dahil alam kong hindi sila magpapatalo. Si Manager Kim naman ay nauna na sa sala hindi rin siya hinayaan nila Lola na tumulong. Wala akong naalalang nagkausap kami kahapon para dito siya matulog. Hindi ko pa din siya nakakausap dahil pagbaba ko ng hagdan ay nakahain ng ang almusal. "Gusto ko po sanang maligo, pwede po ba akong bumalik sa reso-""Ops! Hindi pwede! Kailangan kasama mo isa sa amin ni Lola o kuya Gabrielle." Putol ni Kate sa akin. "Maya maya kung magigising si Gabrielle ay magpapatulong tayong maghakot ng mga gamit natin. Hindi ka pwedeng mag-isa na namang maglakad papunta doon. M
Read more
Kabanata 0049 Her Trust
Gabrielle's Point of View Maghapon na ang nakalipas pero wala man lang akong natatanggap na balita mula kay Yumi. Sinubukan ko siyang tawagan pero walang sumasagot. Gano'n din kay Manager Kim. Gusto ko man siyang puntahan pero ayokong magkaroon ng gulo. Umuwi ako sa mansyon kanina ngunit wala din doon sila Mommy at Daddy. Sabi ng kasambahay namin isinugod daw si Shaira sa hospital dahil nagdugo ito kaya nandoon si kuya Jerome. Isang malaking compound ang mansyon namin kung saan may tig-isang bahay kami ni Kuya kaya naiiuwi niya si ate Shaira. Naghintay pa ako ng ilang sandali sa sala ng mansyon pero walamg isa ang umuwi. Pinuntahan ko na lang ang bahay ko dito na hindi ko man lang tinirahan kahit ilang beses, simula nag-aral ako dito, sa mansyon na ako umuuwi. Hindi ko alam kung anong mayroon sa isip ko at instinct ko pero palagi ko na lang itong sinusunod mula noong bata pa lang ako. "Anong mayroon?" Tanong ko ng may isang hindi pamilyar na sasakyan ang pumarada. Tiningnan ko lang
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status