Eumerriah's Point of View Buwan na din ang nakalipas, ang takot na nararamdaman kong makita ako ng mga tao ay nawala pagtungtong ko ng maynila. Madaming nakakilala sa akin pero wala na ang mga chismis o usap-usapan. Wala na akong narinig tungkol sa nakaraang issue ko. "Ganito na pala kalaki agad ang pinagbago ng manila. Apat na buwan pa lang naman akong wala ah." Aniya ko kay Manager Kim. "Madaming pwedeng magbago sa loob ng isang araw kaya wag ka ng magtaka. Ano nga palang nangyari sa pagkikita niyo kahapon?" "Wala naman. Ganoon pa din, galit pa din sila at gusto nilang sundin ko sila. Hahaha pero hayaan mo na. Bahala na sila doon. Labas na ako sa mga business na gusto pa nilang gawin." Kaswal kong sabi habang papasok sa isang coffee shop. Bago ako magpasundo kay Gabrielle, magdi-date muna kami ni Manager Kim. Friendly date, pasasalamat ko na din sa kabutihan niya. Sobrang laking pasasalamat kong dumating siya sa buhay ko at naging manager higit sa lahat matalik na kaibigan. Maik
Eumerriah’s Point of View Tatlong araw, tatlong araw kong balak kilalanin si Gabrielle ng higit pa sa pangalan niya. Sa tatlong araw na iyon gusto kong siya lang ang makakasama ko at gawin naming ang mga bagay na magpapasaya sa aming dalawa. Gusto kong bigyan ng panahon ang sarili kong gumawa ng bagong memories kasama siya. “Ang ganda ng movie ano? Siguro kung ikaw ang gumanap doon mas maganda ang kakalabasan. Gusto kitang makitang umarte, sana soon makabalik ka.” Nakangiti siya sa akin habang binibigkas ang mga katagang iyon. Gusto ko din, gusto kong umarte ulit ngunit gusto ko muna ang makasama siya at ang anak namin. “Soon! Kapag malaki na ang anak natin. Gusto kong maging on hands sa pagpapalaki sa kaniya.” “Sabagay! Gusto ko din iyon, iyong tipong uuwi ako sa bahay ng kayo ang makikita kong dalawa, nasa gate pa lang ako naamoy ko na ang masarap na luto mo- Aray! Bakit nanapik? Hahahaha.” “Inaasar mo ako e, alam mo namang hindi ako marunong magluto.” Nakabusangot ang mukha ko
Gabrielle's Point of View Nagmamadali akong tumakbo para puntahan ang kotse ko na naka-park sa isang coffee shop. Mula ng makita ko si Eumerriah nawala lahat ng pag-aalala ko kay Kristine. Siguro ay dahil na din sa nagawa niya sa akin. Naiinis ako pero lahat iyon ay napawi ng sabihin ni Yumi na pinagkakatiwalaan niya ako. Wala akong ibang nasa isip ngayon kundi ang bumawi sa kaniya at patunayan ang nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng magpatinag dahil lang may pinagdadaanan si Kristine, alam kong kaibigan niya ako pero siguro naman mauunawaan niya iyon dahil sa ginawa niya. Nang makarating ako ay agad ko minani-obra ang kotse ko at agad kong masundo si Eumerriah sa isang park kung saan kami tumambay matapos manuod ng sine. Hindi pa ako nakakalapit sa pwesto niya ay kita ko ang paglapit ng isang lalaki para takpan ang mata niya at hinatak ito paalis sa kinauupuan. Agad kong itinigil ang sasakyan at tumakbo palapit sa kaniya. Sinipa ko sa tagiliran ang lalaking iyon kaya nabitawan niy
Gabrielle's Point of View "Sino nagluluto kapag nagki-crave ka nito?" Tanong ni Yumi habang nagwi-whisk ng egg sa isang bowl. "Ako kapag sinipag. Kapag hindi naman hinahayaan ko na lang. Matrabaho kasi ang gumawa ng fresh pasta at ng mechamel sauce." Sagot ko habang sinasalang sa induction cooker niya ang isang kaserolang may laman ng tubig, kalahati lang naman at nilagyan ko ng isang cubes, beef flavor. Although mayroon naman kaming ground beef pero iba pa din pag mayroong cubes sa gagawin naming broth and pagpapalambutan ng noodles. "Bakit kasi matrabaho ang naging paborito mo?" Tanong niya sa akin. Hindi naman ako sumagot. Inalala ko kung paano ako lutuan noon ni Mommy dahil isa din ito sa paborito niya. Ito ang pagkaing favorite ko dahil ito ang namimiss ko. Luto lang ni Mommy ang gusto ko hanggang sa nakuha ko ang tamang timpla niya. "Eh, ikaw bakit iyan din ang favorite mo?" Balik kong tanong sa kaniya. "Actually, Carbonara, spaghetti and any foods has a sauce is the most
Gabrielle's Point of View Natapos kami ng masayang pagkain ni Eumerriah habang nagkukwentuhan. Pinag-uusapan namin ang mga kalokohan namin nang nag-aaral pa kami. Pareho man kaming galing private school pero masasabi naming hindi ito boring. Nandyan ang mauubos namin ang budget namin pang-one week sa paglalaro ng arcade sa mga malls. Minsan nakikipagmatigas pa kami sa mga teachers namin, nakakatuwa lang kasi ang simple, maganda at classy-ng si Eumerriah Ferrer na sikat sa bansa ay may kalokohan ding taglay. Sa kaniya ko din nalaman na Kuya Jerome is her first love. Matagal na niyang crush si Kuya Jerome nang sila ay nag-aaral pa. Magka-batch mate sila habang lower grade naman ako. Matanda ng 2 years sa akin si Eumerriah pero mas matured akong kumilos kaysa sa kaniya. Para pa kasi siyang bata, ang dami niyang hindi pa nararanasan, halos first time niya nga lang ang magluto e. "Hindi ka pa ba tapos? Baka maghintay si Lola! Dalian mo dyan!" Sabi niya habang nagmamadaling magsuot ng sa
R|18 (Read at your own risk) Eumerriah's Point of View Gumising ako ng may init na mula sa araw akong nararamdaman. Tanghali na pala at nandito ako ngayon sa kubo kung saan kami unang tumuloy ni Gabrielle. Inikot ko ang paningin ko. Walang katao-tao sa paligid. Siguro ay abala na ang lahat sa pag-aayos ng event hall at ng front desk. Mamaya na kasi ang opening ng resort ni Gabrielle. Mukhang handang-handa na talaga dahil lahat ng abubot namin dito sa kubo ay wala na. Tanging kutson at mga kitchen essentials na lang ang natira. Siguradong may ibang pamilya o couple na ang magkakaroon ng memories sa lugar na ito. Inalala ko mga panahong dinala ako dito ni Gabrielle at nagwawala pa ako no'n. Natatawa akong makita ang sarili kong parang bata na hindi napagbigyan ng nanay. Naalala ko kung paano ako tingnan ni Gabrielle ng walang kahit anong emosyon mula sa mata niya. Humangin ng malakas, maraming nagbalik na alaala. Sa iba siguro maiksing panahon lang ang apat na buwan. Maiksi
Gabrielle's Point of ViewI woke up and rose to switch off the air conditioner, as it was chilling my feet. Though my eyes were a bit sore, I strained to glance at the small clock on the bedside table.Napansin kong wala na akong katabi, tiningnan kong muli pero alas-kwatro pa lang ng umaga. Saan naman kaya pumunta ang babaeng iyon. Siguro ay nagutom.Pupungas-pungas pa ako ng bumaba at naabutan ko si Kate na kumakain habang si Lola naman ay nagtitimpla ng kape. "Good morning kuya, ang aga mo naman gumising. Anong mayroon ah?" Bati ni Kate ng mapansin ako.I approached Grandma and kissed her on the cheek. I just nodded at Kate and went straight to the sink to brush my teeth because I find it hard to speak; I'm conscious of my saliva."Nasaan si Eumerriah?" Tanong ko, nagpalinga-linga pa ako."Hindi pa siya bumababa, bakit gising na ba?" Tanong ni Kate sa akin at dumiretso sa ref para kumuha ng tinapay."Ah, baka nasa CR. Wala na kasing nakahiga sa tabi ko kaya bumangon ako. Akala ko n
Gabrielle's Point of View Nang tumigil sa pag-iyak si Kate, bigla na lang akong iniwan. Nakatulala ako sa kubo kung saan kami tumira noon ni Yumi. Hindi ko kayang buksan ang sulat na inabot sa akin ni Kate. Parang alam ko na ang laman nito.Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Bago ako tumakbo dito, kinuha ko muna ang susi ng sasakyan at ang cellphone. Tinawagan ko si Manager Kim. "Gabrielle? Ang aga-aga mo naman tumawag. Kamusta ang grand opening niyo? Hindi ako nakapunta, masyadong maraming ginagawa para sa—""Nasaan si Eumerriah?" tanong ko na pumutol sa kanyang pagsasalita. "Bakit sa akin mo hinahanap?" Tumigil siya sa pagsasalita dahil may kung sino ang lumapit sa kaniya. Nadidinig ko ito mula sa kabilang linya. "Bakit sa akin mo siya hinahanap? Hindi ba iniwan ko na siya sa iyo noong isang araw sa coffee shop? Hindi mo ba siya sinama pabalik ng Batangas?" Halata sa boses niya ang pagkabahala at pagkawala ng alam kung nasaan si Yumi. Ibinaba ko ang tawag at naghahanap ng ibang n