Gabrielle's Point of View Nagmamadali akong tumakbo para puntahan ang kotse ko na naka-park sa isang coffee shop. Mula ng makita ko si Eumerriah nawala lahat ng pag-aalala ko kay Kristine. Siguro ay dahil na din sa nagawa niya sa akin. Naiinis ako pero lahat iyon ay napawi ng sabihin ni Yumi na pinagkakatiwalaan niya ako. Wala akong ibang nasa isip ngayon kundi ang bumawi sa kaniya at patunayan ang nararamdaman ko. Hindi ako pwedeng magpatinag dahil lang may pinagdadaanan si Kristine, alam kong kaibigan niya ako pero siguro naman mauunawaan niya iyon dahil sa ginawa niya. Nang makarating ako ay agad ko minani-obra ang kotse ko at agad kong masundo si Eumerriah sa isang park kung saan kami tumambay matapos manuod ng sine. Hindi pa ako nakakalapit sa pwesto niya ay kita ko ang paglapit ng isang lalaki para takpan ang mata niya at hinatak ito paalis sa kinauupuan. Agad kong itinigil ang sasakyan at tumakbo palapit sa kaniya. Sinipa ko sa tagiliran ang lalaking iyon kaya nabitawan niy
Gabrielle's Point of View "Sino nagluluto kapag nagki-crave ka nito?" Tanong ni Yumi habang nagwi-whisk ng egg sa isang bowl. "Ako kapag sinipag. Kapag hindi naman hinahayaan ko na lang. Matrabaho kasi ang gumawa ng fresh pasta at ng mechamel sauce." Sagot ko habang sinasalang sa induction cooker niya ang isang kaserolang may laman ng tubig, kalahati lang naman at nilagyan ko ng isang cubes, beef flavor. Although mayroon naman kaming ground beef pero iba pa din pag mayroong cubes sa gagawin naming broth and pagpapalambutan ng noodles. "Bakit kasi matrabaho ang naging paborito mo?" Tanong niya sa akin. Hindi naman ako sumagot. Inalala ko kung paano ako lutuan noon ni Mommy dahil isa din ito sa paborito niya. Ito ang pagkaing favorite ko dahil ito ang namimiss ko. Luto lang ni Mommy ang gusto ko hanggang sa nakuha ko ang tamang timpla niya. "Eh, ikaw bakit iyan din ang favorite mo?" Balik kong tanong sa kaniya. "Actually, Carbonara, spaghetti and any foods has a sauce is the most
Gabrielle's Point of View Natapos kami ng masayang pagkain ni Eumerriah habang nagkukwentuhan. Pinag-uusapan namin ang mga kalokohan namin nang nag-aaral pa kami. Pareho man kaming galing private school pero masasabi naming hindi ito boring. Nandyan ang mauubos namin ang budget namin pang-one week sa paglalaro ng arcade sa mga malls. Minsan nakikipagmatigas pa kami sa mga teachers namin, nakakatuwa lang kasi ang simple, maganda at classy-ng si Eumerriah Ferrer na sikat sa bansa ay may kalokohan ding taglay. Sa kaniya ko din nalaman na Kuya Jerome is her first love. Matagal na niyang crush si Kuya Jerome nang sila ay nag-aaral pa. Magka-batch mate sila habang lower grade naman ako. Matanda ng 2 years sa akin si Eumerriah pero mas matured akong kumilos kaysa sa kaniya. Para pa kasi siyang bata, ang dami niyang hindi pa nararanasan, halos first time niya nga lang ang magluto e. "Hindi ka pa ba tapos? Baka maghintay si Lola! Dalian mo dyan!" Sabi niya habang nagmamadaling magsuot ng sa
R|18 (Read at your own risk) Eumerriah's Point of View Gumising ako ng may init na mula sa araw akong nararamdaman. Tanghali na pala at nandito ako ngayon sa kubo kung saan kami unang tumuloy ni Gabrielle. Inikot ko ang paningin ko. Walang katao-tao sa paligid. Siguro ay abala na ang lahat sa pag-aayos ng event hall at ng front desk. Mamaya na kasi ang opening ng resort ni Gabrielle. Mukhang handang-handa na talaga dahil lahat ng abubot namin dito sa kubo ay wala na. Tanging kutson at mga kitchen essentials na lang ang natira. Siguradong may ibang pamilya o couple na ang magkakaroon ng memories sa lugar na ito. Inalala ko mga panahong dinala ako dito ni Gabrielle at nagwawala pa ako no'n. Natatawa akong makita ang sarili kong parang bata na hindi napagbigyan ng nanay. Naalala ko kung paano ako tingnan ni Gabrielle ng walang kahit anong emosyon mula sa mata niya. Humangin ng malakas, maraming nagbalik na alaala. Sa iba siguro maiksing panahon lang ang apat na buwan. Maiksi
Gabrielle's Point of ViewI woke up and rose to switch off the air conditioner, as it was chilling my feet. Though my eyes were a bit sore, I strained to glance at the small clock on the bedside table.Napansin kong wala na akong katabi, tiningnan kong muli pero alas-kwatro pa lang ng umaga. Saan naman kaya pumunta ang babaeng iyon. Siguro ay nagutom.Pupungas-pungas pa ako ng bumaba at naabutan ko si Kate na kumakain habang si Lola naman ay nagtitimpla ng kape. "Good morning kuya, ang aga mo naman gumising. Anong mayroon ah?" Bati ni Kate ng mapansin ako.I approached Grandma and kissed her on the cheek. I just nodded at Kate and went straight to the sink to brush my teeth because I find it hard to speak; I'm conscious of my saliva."Nasaan si Eumerriah?" Tanong ko, nagpalinga-linga pa ako."Hindi pa siya bumababa, bakit gising na ba?" Tanong ni Kate sa akin at dumiretso sa ref para kumuha ng tinapay."Ah, baka nasa CR. Wala na kasing nakahiga sa tabi ko kaya bumangon ako. Akala ko n
Gabrielle's Point of View Nang tumigil sa pag-iyak si Kate, bigla na lang akong iniwan. Nakatulala ako sa kubo kung saan kami tumira noon ni Yumi. Hindi ko kayang buksan ang sulat na inabot sa akin ni Kate. Parang alam ko na ang laman nito.Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Bago ako tumakbo dito, kinuha ko muna ang susi ng sasakyan at ang cellphone. Tinawagan ko si Manager Kim. "Gabrielle? Ang aga-aga mo naman tumawag. Kamusta ang grand opening niyo? Hindi ako nakapunta, masyadong maraming ginagawa para sa—""Nasaan si Eumerriah?" tanong ko na pumutol sa kanyang pagsasalita. "Bakit sa akin mo hinahanap?" Tumigil siya sa pagsasalita dahil may kung sino ang lumapit sa kaniya. Nadidinig ko ito mula sa kabilang linya. "Bakit sa akin mo siya hinahanap? Hindi ba iniwan ko na siya sa iyo noong isang araw sa coffee shop? Hindi mo ba siya sinama pabalik ng Batangas?" Halata sa boses niya ang pagkabahala at pagkawala ng alam kung nasaan si Yumi. Ibinaba ko ang tawag at naghahanap ng ibang n
Gabrielle's Point of View "Kuyaaa! Kuya buksan mo ang pinto!" Kanina pa kumakatok si Kate sa pinto ng kwarto ko. "Sige na kuya, papasok lang ako. Gusto kitang makita." May lungkot na sa boses niya kaya naglakad ako papunta sa naka-lock na pinto. Pumasok siya at agad akong niyakap. "Nag-aalala na ako ng sobra kuya. Nag-aalala kami ni Lola. Hindi ka kumakain, hindi namin alam kung nakakatulog ka ba ng ayos. Kuya, alagaan mo ang sarili mo please." Hikbi niya habang nakayakap sa akin. "Si ate Eumerriah, maaring iniwan ka pero kami nandito lang. Kami ni Lola hindi mawawala sa iyo. Hindi ka namin iiwan. Nandito kami palagi sa tabi mo." Dagdag pa niya. Inalo ko na lang siya at hinaplos ang likod ng buhok niya. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya kung ako lang gusto ko naman talaga maging maayos. Gusto kong bumalik sa mga panahong hindi pa kami magkakilala at hindi ako nag-aalala sa kalagayan niya. Hindi marunong magluto si Yumi, sino ang nagluluto ng pagkain niya, healthy
Gabrielle's Point of View Pinaalis ako nila Lola at Kate sa kwarto ko dahil lilinisin daw nila. Masyado na daw matapang ang amoy ng alak, sigarilyo at kung ano mang nabubulok na bagay. May mga inuod na daw na hindi ko naman napapansin. Sa loob ng dalawang linggo, lumalabas lang ako para bumili ng alak, sigarilyo at kung anong bagay na mag-lead sa akin para mamatay. Gusto ko ng mamatay na lang sa sakit ng pag-alis niya ng walang paalam. Ang hirap matulog sa gabi, ang hirap gumising sa umaga na aligaga at may kung anong pangamba akong nararamdaman. Alam kong hindi iyon normal at ayokong maging pabigat pa kay Lola at Kate. Sa tuwing mag-aattempt ako bigla na lang papasok sa isip ko ang masayang mukha ni Eumerriah, naririnig ko ang mga hagalpak niyang tawa at ang mga sermon niyang parang bata ang boses. Natitigilan ako, nagkakaroon ako ng pag-asang bumalik siya at harapin akong muli kasama na ng anak ko. Nagpanggap akong maayos na hindi nalulungkot sa harap nila Lola. Nagpaalam akong b
15 years ago,Eumerriah's Point of View "Pakasalanan mo si Jerome!" galit na sabi ni Daddy, habang tinitigan ako ng mariin.Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Pero, Dad, alam naman nating hindi ko na siya kayang balikan.""Dahil ano? Dahil sa kapatid niya? Alam mo bang nilalagay mo sa kapahamakan si Gabrielle?" Lumalim ang mga mata niya, at may bigat sa bawat salitang binibitiwan niya.Napatingin ako sa kanya, litong-lito. "Ano pong ibig niyong sabihin?"Nag-aalangan si Mommy, biglang hinawakan ang braso ni Daddy. "Mahal, wag mo na sabihin kay Yumi ang bagay na iyan," pakiusap niya, tila may pag-aalala sa kanyang boses.Pero matatag si Daddy, hindi nagpatinag. "Hindi, kailangan niyang malaman para matauhan siya. Ang lakas ng loob magpabuntis sa lalaking iyon."Napalunok ako, unti-unti nang tumitindi ang kaba sa aking dibdib. "Ano po ba kasi iyon?!"Lumapit si Daddy, malamig ang tingin niya sa akin. "Kaya nilang patayin si Gabrielle, huwag lang kayong magkatuluyan."Parang nabingi
Eumerriah's Point of ViewSa tagal naming nag-uusap ni Gabrielle, hindi kami magkasundo. Hindi ko maunawaan kung bakit niya kailangang ilayo ang sarili niya sa amin. Lumabas na ang lahat ng katotohanan—ang tungkol sa kasal nila ni Kristine at ang naging takbo ng buhay niya kasama si Paul. Nagsisisi na rin siya, at maging si Paul ay tila napansin ang kanyang mga pagkakamali."Hindi mo talaga ako nauunawaan," sabi ni Gabrielle, may halong frustration sa boses."Edi ipa-intindi mo sa akin!" sagot ko, hindi na rin nakapagpigil."Sige, matanong kita. Bakit pinili mong lumayo at magtago, aber? Labing limang taon! Labing limang taon kong hindi nakita at nakasama ang anak ko, tapos malalaman kong legally anak siya ni Shaira! Paano mo ipapaliwanag sa akin ang bagay na iyon, ha?" tanong niya, puno ng galit at pagkabigo."Makinig ka!" sabi ko, halos hindi ko na maitago ang sakit sa boses ko. "Nawalan ng anak si Shaira dahil sa naging asawa mo! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Natural, inisip ko
Eumerriah's Point of View"Nasaan siya?" tanong ko kay Kate, diretso at puno ng curiosity."Kung gusto mong malaman, sumunod ka sa akin," sagot niya, sabay pasok sa kanyang kotse. Tumango ako, ngunit imbes na mag-drive ng sarili kong sasakyan, nagmadali akong pumasok sa passenger seat ng kotse niya.Napakunot ang noo niya at binigyan ako ng tingin na parang nagtatanong. "Bakit ang tamad mong mag-drive?" tanong niya, may halong inis."Gusto kong sumakay sa kotse ng babaeng gustong-gusto ako dati," sabi ko, nagpapatawa na rin para mawala ang tensyon."Tsk! Kung hindi dahil kay Kuya Gabrielle, hindi kita magugustuhan," bawi niya, pero may nakakalokong ngiti sa mga labi."What do you mean?" tanong ko, medyo naguguluhan pero alam kong may something siyang tinatago."Secret," sagot niya, sabay tawa habang nagmamaneho.Napatingin ako sa labas ng bintana, pero di ko mapigilan ang ngiti sa mukha ko. Hindi ko akalain na ang masiyahing bata noon na palaging nakadikit sa akin, gustong gusto ako,
"Eumerriah!" Tinawag ako ni Kate, ang boses niya ay puno ng alalahanin.Lumingon ako sa kaniya, at nakita ko ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha."Naiisip mo pa din ba siya?" Tanong niya, ang tinig ay puno ng pag-aalala. "Kung kamusta man lang ba siya?"Tahimik akong tumayo at binugaw ang mga tao sa paligid, tila may nararamdaman akong bigat. Naisip ko si Gabrielle. Sa lahat ng nangyari, siya pa rin ang nagbigay ng damdamin sa aking puso, pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon."Ano bang nais mong iparating?" tanong ko, pilit na tinatago ang nararamdaman."I just wanted you to know," sabi ni Kate, ang kanyang boses ay seryoso, "na noon pa lang nahirapan na siyang tanggapin na nawala ka ng ganoon lang. Tapos bigla kang bumalik at inisip na pinabayaan ka niya, na hindi ka man lang hinanap?"Habang binabasa ko ang kanyang mga salita, parang sumabog ang sakit sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pighati ni Gabrielle sa mga taon ng pagkawala ko, ngunit hindi ko rin kaya
"Another movie you slay!" bati ni Shaira, habang yakap ako ng mahigpit."Napakagaling talaga ng mommy ko," puri ni Justine na ngayon ay nakaayos na parang ganap na binata na, ang buhok ay maayos, at ang suot na amerikana ay tumatakip sa kanyang buong katawan. Tumingin siya sa akin ng may labis na paghanga, at para bang natutunan niya ang mga bagay na ito mula sa akin."You always pretty, Mommy," sabi ni Dustine, na kahit bata pa, may mga simpleng salita na kayang magpasaya sa puso ko. Nakangiti siya sa akin, ang mga mata ay puno ng kasiyahan at pagmamahal."Ang napakaganda at walang kupas sa galing," papuri naman ni Jayson, na tumayo sa aking tabi, ang mga mata ay puno ng paggalang.Kakatapos lang ng premier night ng isa sa mga pinakamatagumpay naming pelikula ni Jerome. Ang kwento namin sa pelikula ay punong-puno ng emosyon, at hindi ko inisip na magiging ganito ang lahat. Matapos ang ilang linggong hirap at pagod, ang pagkakataon na ito ay nagbigay saya at tagumpay sa amin.Nasa git
Eumerriah's Point of View Sa loob ng anim na buwan, nasa maayos ang lahat. Walang gulo, walang away, kahit madalas ko nang katrabaho si Jerome."Siya pa din ba hanggang ngayon?" tanong ni Jerome."Eh, ano naman sa'yo?" Sagot ko, medyo matalim ang tono.Para bang wala siyang pakialam sa mga nangyari noon. Na parang hindi siya ang lalaking minsang kinabaliwan ko."Kung sana pinagpatuloy mo lang ang pagiging baliw sa'kin, baka natutunan ko pa 'yang mahalin ka," biro ko."Sabi mo e," sagot niya, tila walang malasakit."Ang tigas mo na ngayon, ah. Parang hindi ka nabaliw sa'kin noon," patuloy ko."It's been 17 years and still? Hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Hindi mo nga nagawang ipaglaban ang bestfriend kong una mong minahal, ako pa kaya na ginamit mo lang?""Eh, hindi ko kasalanan kung hindi siya matanggap ng pamilya ko.""Kasalanan mong pinaasa mo siya at hindi minahal ng totoo.""Anong alam mo sa pagmamahal ng totoo?""Eh, ikaw? Anong alam mo? Hindi na tayo mga bata para dyan! Kung
Eumerriah's Point of View Tatlong buwan na ang lumipas simula nang biglaang pagkawala ni Gabrielle, at walang sinuman ang nakarinig ng balita mula sa kanya. Lahat sila'y nag-aalala—pati sina Kristine at Kimberly ay naguguluhan na rin sa nangyayari. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na pati ako’y wala ring ideya kung nasaan siya o kung kailan siya babalik.Sa kabila ng lahat ng ito, ang buhay namin ni Shaira ay unti-unting bumalik sa dati. Ako ang patuloy na nagtatrabaho para sa aming pamilya, habang si Shaira naman ang naiiwan sa bahay upang asikasuhin ang mga gawain at si Justine. Naging maayos ang daloy ng mga araw, ngunit ang bigat ng mga tanong na walang kasagutan ay laging naroon."Hanggang ngayon ba, wala pa ring paramdam si Gabrielle?" tanong ni Shaira, habang iniayos ang mga laruan ni Dustine sa sahig.Umiling ako, naramdaman ko ang lungkot sa aking dibdib. "Kahit si Kristine ay nagtatanong na rin sa akin. Nagkakagulo na daw sa kumpanya nila dahil sa biglaan niyang
Eumerriah's Point of ViewNakarecover na si Justine mula sa kanyang karamdaman, at sa kabila ng lahat ng nangyari, malaki ang pasasalamat ko kay Gabrielle. Ang kanyang suporta sa amin ay hindi ko malilimutan. Ngunit pagkatapos ng aming pagkikita at nang malaman kong ang matalik niyang kaibigan na si Paul ang tunay na ama ni Kimberly, parang isang matinding tinik ang naalis mula sa kaniya, ngunit hindi ko pa rin maipaliwanag ang tunay na nararamdaman niyang nararamdamanDalawang linggo na ang nakalipas mula nang matuklasan ko ang katotohanan, ngunit wala na akong balita mula kay Gabrielle. Nawawala siya, at kahit anong gawin ko, hindi ko siya matagpuan. Ang kanyang pagkawala ay tila isang bagong pahirap na dumagdag sa aking mga pagsubok.Sa gitna ng lahat ng ito, napapadalas ang pagbisita ni Jayson sa aming bahay. Ayaw ni Justine na magpaligo sa ibang tao, kaya't mas pinili naming huwag mag-hire ng personal nurse. Minsan, nakikita ko siyang nag-aalala at nagtatago ng kanyang tunay na n
Gabrielle's Point of ViewHindi ko alam kung paano ko nagawang iwan ang lahat. Minsan, parang panaginip lang ang lahat ng ito—ang buhay na iniwan ko, ang pamilya na sinira ko. Pero ito ang realidad na ginawa ko sa sarili ko, at sa bawat araw na lumilipas, mas nagiging malinaw sa akin kung gaano kalaking pagkakamali ang nagawa ko.Si Kristine, ang babaeng nakasama ko ng maraming taon, ang ina ng anak kong si Kimberly. Bumuo kami ng pamilya, isang pamilya na minsan kong pinangarap na magiging masaya at buo hanggang sa huli. Pero ngayon, wala na iyon. At ako ang may kasalanan. Nagsimula ang lahat nang bumalik si Eumerriah sa buhay ko. Hindi ko inasahan na makikita ko pa siya muli, na mararamdaman ko ulit ang mga damdamin na matagal ko nang inilibing. Akala ko, tapos na ang lahat sa amin ni Eumerriah. Akala ko, kaya ko na siyang kalimutan, kaya kong magpatuloy sa buhay kasama si Kristine at si Kimberly. Pero nang makita ko si Eumerriah, biglang bumalik ang lahat ng damdamin na iyon—mga d