Share

Kabanata 0038 Marriage

Eumerriah Point of View

Sabay-sabay kaming kumakain ng almusal maliban kay Gabrielle na ngayon ay natutulog pa din. Hindi ko na siya ginising pa dahil mukhang masarap ang pagkakatulog niya.

"Oh, oh! Bitawan! Kaya na namin ni Kate ang malinis niyan iha. Doon ka na lang sa sala at magpahinga." Suway sa akin ni Lola nang simulan kong tumulong sa pagliligpit ng pinagkainan. Binitawan ko na lang dahil alam kong hindi sila magpapatalo.

Si Manager Kim naman ay nauna na sa sala hindi rin siya hinayaan nila Lola na tumulong. Wala akong naalalang nagkausap kami kahapon para dito siya matulog. Hindi ko pa din siya nakakausap dahil pagbaba ko ng hagdan ay nakahain ng ang almusal.

"Gusto ko po sanang maligo, pwede po ba akong bumalik sa reso-"

"Ops! Hindi pwede! Kailangan kasama mo isa sa amin ni Lola o kuya Gabrielle." Putol ni Kate sa akin.

"Maya maya kung magigising si Gabrielle ay magpapatulong tayong maghakot ng mga gamit natin. Hindi ka pwedeng mag-isa na namang maglakad papunta doon. M
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status