Eumerriah's Point of View Masakit ang katawan kong gumising, mukhang tanghali na din dahil sobrang taas ng sikat ng araw ngunit malamig naman ang simoy ng hangin na nagmumula sa bukas na bintana, natatangay pa ng hangin ang kurtina na nakasabit doon. "Argh!!" Daing ko, kagigising ko lang pero bakit pagod na pagod ako. "Hi? Goodmorning. How's your sleep?" Bungad ni Gabrielle ng makapasok dito sa kwarto. May dala siyang malaking tray, may gatas, prutas at rice with egg and hotdog. Ano ito? Breakfast in bed. Napangiti na lang ako dahil halatang minadali niya, sobrang pawisan kasi niya. "Mag-milk ka muna bago ka kumain ng kanin. Dessert mo ito huh?" Turo niya sa prutas. Madalas kasi kinakain ko muna ang prutas bago ako kumain ng heavy meal. Nasasanay naman na ako dahil lagi siyang nandyan sa tabi ko para paalalahanan ako. "Salamat." Sabi ko habang inaalis ang kumot na nakatakip pa din sa katawan ko. Medyo nilalamig ako sa lakas ng hangin kahit tirik ang araw. "Sino nagd-damit sakin?"
Last Updated : 2024-06-30 Read more