All Chapters of The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]: Chapter 81 - Chapter 90

103 Chapters

Chapter 81

“Ano ang ginawa mo? Bakit nawala ang mga tauhan ko?” Nanggagalaiting tanong ni Esmeralda kay Zanella bago malakas na hinampas nito ang lamesa sa harap ni Zanella. Mahinhin na ibinaba ni Zanella ang munting tasa sa isang maliit na platito bago nagtaas ng kanyang tingin. Sa kabila ng galit ni Esmeralda ay nanatiling kalmado si Zanella. “You know, their service is not free, so, do you think ay magtatrabaho pa rin kaya sila kahit wala naman silang sinasahod? I told you na ang lahat ng gagastusin ninyo ay dapat umaayon sa kung magkano ang sinasahod ninyo buwan-buwan.” “Sumosobra ka na!” Galit na sigaw ni Esmeralda at akmang susugurin siya nito ngunit mabilis itong inawat ng kanyang anak na si Patricia. “Mom, enough.” Ani nito bago bumaling sa akin. “Hindi ka na ba makuntento sa yaman ng pamilya mo kaya pati ang pera namin ay pinag-iintresan mo?” Matigas na tanong ni Patricia habang matalim ang tingin na ipinupukol nito sa kanya. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zanella at m
last updateLast Updated : 2024-06-18
Read more

Chapter 82

Halos hindi na maipinta ang mukha ni Patricia at ng ina nitong si Esmeralda habang bitbit ang kanilang mamahaling bag. Nagdadabog na bumaba ang mga ito ng hagdan habang nanghahaba ang kanilang mga nguso. Wala na kasi silang driver, maging ito ay umalis na dahil wala na silang maipa-sahod. Ang ending ay makikisakay sila ngayon sa kotse ko at batid ko na isa ‘yun sa ikinasasama ng kanilang mga loob. Dahil hindi nila matanggap na ngayon ay nakasandal na sila sa akin. Sinisigurado ko na ilang buwan pa ang lumipas ay tuluyan na silang gagapang sa hirap. Kahit wala akong gawin ay batid ko na babagsak talaga ang pamilyang ito dahil sa hindi maayos na paggastos nila sa kanilang mga pera. Kung tutuusin ay pwede naman silang magdrive ng kanilang mga kotse ngunit mas mahalaga sa kanila ang sasabihin ng ibang tao. Dahil nasanay sila na laging napapaligiran ng mga bodyguard upang magmukhang importanteng tao sa paningin ng lahat. Sadya talagang mataas ang ere ng mga ito. Tahimik akong sumakay
last updateLast Updated : 2024-06-19
Read more

Chapter 83

Mula sa malawak na salas ay tahimik na nakaupo ang buong pamilyang Aragon. Wari mo’y nagluluksa ang mga ito dahil kapwa matamlay ang lahat. Si Esmeralda na seryosong nakatingin sa center table, habang sa kanyang tabi ay nakaupo ang anak niyang si Patricia pati ang ama nitong si Lucio. Mula sa kabilang bahagi ng sofa ay si Gracia na mukhang wala sa kanyang sarili dahil nakatulala ito sa kawalan. Sa tabi nito ay ang kanyang asawa na abala sa sarili nitong cellphone. Sa sobrang abala ng lahat sa kakaisip kung ano ang dahilan ng biglaang pagpatawag sa kanila ng abogado ni Don Rafael ay hindi na nila napapansin ang labis na pagkahumaling ni Emanuel sa cellphone nito. Tahimik lang na nakaupo si Rosario sa single sofa, kalmado man itong tingnan ay hindi mawari kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. “Excuse me po, naghihintay na sa loob ng library si Attorney.” Ani ng isang kasambahay na hindi man lang nila napansin ang pagdating ng abogado dahil halos lahat sila ay wala sa kanilang mga
last updateLast Updated : 2024-06-19
Read more

Chapter 84

“Humimpil sa tapat ng Aragon real estate ang isang puting sasakyan, pagkatapos na buksan ng dalawang nakaunipormadong lalaki ang pinto ng magkabilang gilid ng kotse ay bumaba ang magkapatid na Esmeralda at Gracia. Taas-noo na naglakad ang mga ito papasok sa entrance ng lobby, kaagad namang tumigil sa kanilang mga ginagawa ang lahat ng mga empleyado at mabilis na nagyuko ng kanilang mga ulo. Patuloy sa paglalakad ang magkapatid na tila mga walang pakialam sa kanilang paligid. Ngunit ang isip nila ay lumilipad sa kung saan dahil hindi na nila namalayan na nasa harap na pala sila ng elevator kaya biglang huminto sa paghakbang si Esmeralda habang si Gracia ay bumangga sa likod ng kanyang kapatid. Isang matalim na tingin ang natanggap ni Gracia mula sa kanyang ate bago ito tuluyang pumasok sa loob ng elevator. “Ate, bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sa atin?” Kung minsan ay sumasagi sa aking isipan na baka nga ampon lang tayong dalawa ni Papâ.” Malungkot na pahayag ni Gracia, “kung si
last updateLast Updated : 2024-06-20
Read more

Chapter 85

Tuluyang tinanggap ng magkapatid na Esmeralda at Gracia ang malaking pagbabago sa kanilang mga buhay. Habang ang kanilang mga pamilya ay may sariling trabaho na naaayon sa kagustuhan ni Zanella. Ni isa man sa kanila ay wala ng nagreklamo dahil ayaw nila na tuluyang masagad ang pasenya ni Zanella at baka maisipan pa nito na ituloy ang pagdodonate ng kanilang mga ari-arian sa mga orphanage. “Oh, saan ka na naman nakakuha ng pambili ng pagkain?” Seryosong tanong ni Esmeralda sa kanyang kapatid. Nakasanayan na nila ang laging sabay sa pagkain ng tanghalian at para pa silang mga bata na naghihintay sa isa’t-isa para lang sabay na kumain. “Nangutang ako ng isang libo sa bago kong kaibigan. Ouch!” Sagot ni Gracia ngunit napa daing na naman ito ng batukan siya ni Esmeralda. Wala ka na talagang kahihiyan! Nung una binenta mo ang sapatos mo, sunod, nagsangla ka ng isang singsing mo, ngayon naman ay nagawa mo ng mangutang!? At kailan pa naging makapal ang mukha ng isang Aragon!?” Mahabang sermo
last updateLast Updated : 2024-06-20
Read more

Chapter 86

“Aren’t you happy? Naghihirap na ang pamilya ko. Tell me hanggang kailan mo patuloy na gagawin ang mga bagay na ito sa pamilya ko?” Seryosong tanong sa akin ni Alexander, pagbukas ko ng pinto ay siya kaagad ang sumalubong sa aking paningin. Walang gana na tinitigan ko ang mukha nito, bubuka na sana ang aking bibig ng nagmamadali na lumapit sa akin ang isang katulong.“Señorita, naghihintay po si Sir Athan sa salas.” Pagbibigay imporma nito sa akin bago nagmamadaling rin itong umalis sa harapan naming mag-asawa. Hindi ko na sinagot ang tanong ni Alexander bagkus ay tahimik na nilampas ko ito na parang akala mo ay hindi siya nag-eexist sa paligid ko. Ngunit biglang natigil ang mga paa ko sa paghakbang ng marahas na hinatak niya ang kaliwang braso ko. “Bakit kayo magkasama ni Athan? Hindi porke hinahayaan kita sa mga gusto mong gawin ay malaya ka na rin na sumama at makipag-usap sa kung sinong lalaki. Tandaan mo asawa pa rin kita.” Matigas na pahayag nito kaya isang nakamamatay na ting
last updateLast Updated : 2024-06-21
Read more

Chapter 87

Narinig ko na bumukas ang pintuan ngunit nanatiling nakapako ang mga mata ko sa files na binabasa ko. Akala ko ay secretary ko lang ang pumasok kaya hindi na ako nag-abala pa na bigyan ito ng atensyon. Ngunit nang maramdaman ko na umupo siya sa sofa ay napilitan na rin akong mag-angat ng mukha. “Lunch?” Nakangiting tanong sa akin ni Alexander sabay angat ng hawak nitong paper bag. Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ko ng tumingin ako sa kanya, “I’m not hungry, you may leave now.” Walang emosyon kong sagot bago muling ibinaling ang tingin sa papel na nasa aking harapan. Bigla namang bumukas ang pinto at dumungaw ang ulo ni Athan, “ Zanell, let’s go!” May pag-aatubili na wika nito, halatang nagmamadali ito dahil mabilis din niyang isinara ang pintuan. Hindi na nito napansin ang presensya ni Alexander. Mabilis kong dinampot ang aking bag at nagmamadali na tumayo upang sumunod kay Athan. Pasalamat na lang ako sa biglaang pagsulpot ni Athan may dahilan na ako para makatakas sa panin
last updateLast Updated : 2024-06-22
Read more

Chapter 88

“Mom?” Hindi makapaniwala na tawag ko sa aking ina, dahil ngayong umaga ay sinurpresa ako ng isang tawag mula kay Mr. Santos. Imbes na dumiretso sa Aragon company’s ay napadiretso tuloy ako sa aking condo dahil sa biglaang pagdating ng aking mga magulang sa bansa. Ang mas kinabahala ko ay kasama nila ang aking anak na si Kolly, wala pa kasi akong balak na ilantad sa publiko ang aking anak dahil hindi pa ito ang tamang panahon. “Mommy, biglaan naman yata ang pag-uwi n’yo? Inaasahan ko na next year pa kayo babalik ng Pilipinas.” Nakangiti kong tanong bago yumakap sa maganda kong ina. Sunod kong niyakap ay si Daddy na masuyo akong hinagkan sa noo. “Malaki ang problema namin sa kapatid mo Iha, simula ng maghiwalay na sila ng girlfriend niya ay malaki na ang kanyang pinagbago. Maging ang kumpanya ay napapabayaan na niya, kaya kailangan ko ng gumawa ng paraan para bumalik siya sa dati.” Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan dahil maging ako ay apektado rin kay kuya Hareth.
last updateLast Updated : 2024-06-25
Read more

Chapter 89

“Tanging ang tibôk ng aming mga puso ang naririnig ko ng mga sandaling ito, makailang ulit akong lumunok habang nakatitig sa mukha ng maglola. Ilang sandali pa ay nagsimula ng lumuha ang aking biyenan habang yakap ng mahigpit ang apo nitong si Kolly. “Sabihin mo sa akin, Zanella, apo ko ba ang b-batang i-ito?” Halos hindi na siya makapagsalita ng maayos, dahil sa matinding emosyon. Labis na nagtataka naman ang aking anak kung bakit umiiyak ang ginang na may karga sa kan’ya. Marahil ay nakaramdam ng awa ang anak kong si Kolly kaya maging ito ay umiiyak na rin at saka gumanti ng yakap sa kanyang lola. “P-please stop crying, I'm not mad at you.” Malungkot na wika ng aking anak habang nanatiling yakap ang kanyang lola. Napangiti ng wala sa oras si Mamâ dahil natutuwa siyang malaman na meron pala siya na isang matalino at cute na apo. “Kolly, anak, she’s your lola-mama, she is the mother of your daddy.” Malumanay kong paliwanag upang lubos na maunawaan ng aking anak. Napahagulgol na n
last updateLast Updated : 2024-06-25
Read more

Chapter 90

“Hawk… aughhh…” pagkatapos ng ilang beses na pagduwal ay nanghihina na umupo sa sahig si Patricia habang hawak ang kanyang sikmura. Halos araw-araw niya itong nararanasan at labis siyang naguguluhan kung bakit hindi ito gumagaling gayong wala naman siyang ibang kinakain kundi ang karaniwang pagkain na laging nakahain sa lamesa. Mabilis siyang dumukwang sa inidoro ng muli na naman siyang makaramdam ng pagduduwal, iyon ang eksenang naabutan ng kanyang ina na si Esmeralda. Lumalim ang gatla sa noo ni Esmeralda at may pag-aalala na sinipat ang ayos ng kanyang anak. Mabilis siyang lumapit kay Patricia at hinagod ang likuran nito. “What happened, anak? Napapansin ko yata na ilang araw ng hindi maayos ang pakiramdam mo? Lagi ka na lang nagkukulong sa ‘yung silid.” Nababahala na tanong ni Esmeralda sa kanyang anak sabay hawi sa mahaba nitong buhok. Inabot niya ang nakatuping towel at pinunasan ang mukha nito na tagaktak na sa pawis. “I don’t know, Mommy, halos isang linggo na akong ganit
last updateLast Updated : 2024-06-26
Read more
PREV
1
...
67891011
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status