“Mom?” Hindi makapaniwala na tawag ko sa aking ina, dahil ngayong umaga ay sinurpresa ako ng isang tawag mula kay Mr. Santos. Imbes na dumiretso sa Aragon company’s ay napadiretso tuloy ako sa aking condo dahil sa biglaang pagdating ng aking mga magulang sa bansa. Ang mas kinabahala ko ay kasama nila ang aking anak na si Kolly, wala pa kasi akong balak na ilantad sa publiko ang aking anak dahil hindi pa ito ang tamang panahon. “Mommy, biglaan naman yata ang pag-uwi n’yo? Inaasahan ko na next year pa kayo babalik ng Pilipinas.” Nakangiti kong tanong bago yumakap sa maganda kong ina. Sunod kong niyakap ay si Daddy na masuyo akong hinagkan sa noo. “Malaki ang problema namin sa kapatid mo Iha, simula ng maghiwalay na sila ng girlfriend niya ay malaki na ang kanyang pinagbago. Maging ang kumpanya ay napapabayaan na niya, kaya kailangan ko ng gumawa ng paraan para bumalik siya sa dati.” Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan dahil maging ako ay apektado rin kay kuya Hareth.
“Tanging ang tibôk ng aming mga puso ang naririnig ko ng mga sandaling ito, makailang ulit akong lumunok habang nakatitig sa mukha ng maglola. Ilang sandali pa ay nagsimula ng lumuha ang aking biyenan habang yakap ng mahigpit ang apo nitong si Kolly. “Sabihin mo sa akin, Zanella, apo ko ba ang b-batang i-ito?” Halos hindi na siya makapagsalita ng maayos, dahil sa matinding emosyon. Labis na nagtataka naman ang aking anak kung bakit umiiyak ang ginang na may karga sa kan’ya. Marahil ay nakaramdam ng awa ang anak kong si Kolly kaya maging ito ay umiiyak na rin at saka gumanti ng yakap sa kanyang lola. “P-please stop crying, I'm not mad at you.” Malungkot na wika ng aking anak habang nanatiling yakap ang kanyang lola. Napangiti ng wala sa oras si Mamâ dahil natutuwa siyang malaman na meron pala siya na isang matalino at cute na apo. “Kolly, anak, she’s your lola-mama, she is the mother of your daddy.” Malumanay kong paliwanag upang lubos na maunawaan ng aking anak. Napahagulgol na n
“Hawk… aughhh…” pagkatapos ng ilang beses na pagduwal ay nanghihina na umupo sa sahig si Patricia habang hawak ang kanyang sikmura. Halos araw-araw niya itong nararanasan at labis siyang naguguluhan kung bakit hindi ito gumagaling gayong wala naman siyang ibang kinakain kundi ang karaniwang pagkain na laging nakahain sa lamesa. Mabilis siyang dumukwang sa inidoro ng muli na naman siyang makaramdam ng pagduduwal, iyon ang eksenang naabutan ng kanyang ina na si Esmeralda. Lumalim ang gatla sa noo ni Esmeralda at may pag-aalala na sinipat ang ayos ng kanyang anak. Mabilis siyang lumapit kay Patricia at hinagod ang likuran nito. “What happened, anak? Napapansin ko yata na ilang araw ng hindi maayos ang pakiramdam mo? Lagi ka na lang nagkukulong sa ‘yung silid.” Nababahala na tanong ni Esmeralda sa kanyang anak sabay hawi sa mahaba nitong buhok. Inabot niya ang nakatuping towel at pinunasan ang mukha nito na tagaktak na sa pawis. “I don’t know, Mommy, halos isang linggo na akong ganit
“Gracia, ano ang ibig sabihin nito?” Naguguluhan na tanong ni Emanuel sa kanyang asawa habang nakatingin sa dalawang maleta na nasa bungad ng pintuan. Habang ang kanyang asawa ay magkasalikop ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. Kararating lang niya mula sa business trip, ngunit alam na ni Gracia na hindi business trip ang pinuntahan ng kanyang asawa kundi galing ito sa babae nito. Isang nakamamatay na tingin ang naging tugon ni Gracia sa tanong ng kanyang asawa. Humakbang si Gracia palapit sa kay Emanuel at huminto sa mismong tapat nito na may tatlong dangkal ang pagitan. “PAK!” Malutong na sampal ang naging sagot ni Gracia sa tanong ng kanyang asawa habang nanlilisik sa galit ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. maya-maya ay nagsimula ng lumuha ang mga ng kanyang esposa at bakas ang matinding sakit mula sa maganda nitong mukha. “Pinagsisisihan ko na ikaw ang lalaking pinili ko. Pinagsisisihan ko na sayo ako nagpakasal, s-sana hindi na lang ikaw ang lalaking minahal ko kung
“Natigil ang mga paa ko sa paghakbang ng datnan ko ang aking asawa na nakatayo sa bungad ng pintuan nang mansion habang nakapamulsa ang dalawang kamay nito. Nang tumitig ako sa kanyang mukha ay biglang sumagi sa aking isipan ang itsura ko noon habang nakaupo sa ilang baitang ng hagdan. Matiyagang naghihintay sa kanyang pagdating hindi alintana ang maraming lamok na kumakagat sa aking balat. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso ng maalala ko ang kawawang si Zanella.Madilim ang mukha na nagpatuloy ako sa paghakbang at nilampasan ko si Alexander na wari mo ay wala siya sa paligid. Ngunit mabilis siyang sumunod sa aking likuran hanggang sa pag-akyat ng hagdan.“Where have you been? Dalawang araw kang hindi umuwi ng bahay at ni hindi ka rin pumasok sa opisina. Lahat tinawagan ko na pero wala ka rin sa inyo! Sagutin mo ako saan ka galing!?” Galit na tanong niya sa akin at ang pananalita nito ay wari moy nanggigigil o mas tamang sabihin na nagpipigil lang siya na huwag sumabog sa galit. Ha
“Pakiusap, Sweetheart, bigyan mo ako ng huling pagkakataon na ayusin ang pagsasama natin. Nais ko na magpakasal tayong muli sa harap ng lahat. Hayaan mong burahin ko ang pilat na nilikha ko dyan sa puso mo at palitan ito ng magagandang alaala. Pakiusap, payagan mo ako na mahalin kita hanggang sa huling hininga ko.” Ang mga nakakaantig na salitang ito ang siyang lumupig sa puso ko. Speechless, ito ang nangyari sa akin dahil sa matinding kasiyahan na nararamdaman ko. Gumapang ang kanang kamay ko sa batok niya at ako na mismo ang kumabig at kusang humalik sa kanyang mga labi. Buong pananabik na dinama namin ang katawan ng isa’t-isa. Halos nagliyab ang aking katawan ng gumapang patungo sa dibdib ko ang kanyang mga labi. Alumpihit ang aking pakiramdam ng isubo niya ang isa sa aking mga korona. Ngunit ang mas bumaliw sa akin ay ang kanyang pagkalalaki na kasalukuyang kumikiskis sa aking hiyas. Matinding kilabot ang siyang gumapang sa bawat himaymay ng aking laman. Nang mga sandaling ito a
Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatagos mula sa salaming bintana, pagmulat ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang malawak na kalangitan. Napangiti ako dahil sa magandang panahon, maaliwalas ang panahon ngayon na para bang nangangako ng isang magandang buhay. Mula sa aking likuran ay kumilos ang aking asawa, akala ko ay babangon na ito ngunit naramdaman ko na bumaôn ang mukha niya sa aking likod, habang ang isang braso nito na nasa ilalim ng dibdib ko ay humigpǐt pang lalo ang pagkakayakap sa aking katawan. Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil ngayon ko lang napagtanto na natulog pala kami habang nanatiling magkahugpong ang mga pribadong bahagi ng aming mga katawan. Mukhang wala yata itong balak na umalis sa kama. “Alexander, tanghali na.” Ani ko at sinubukan ko ng bumangon ngunit kumilos ang kanang kamay nito at hinimas ang bandang sikmura ko paakyat sa dibdib ko. Parang hinalukay ang aking sikmura at libong bultahe ng kuryente ang nanulay sa bawat himaymay ng a
Napatda ang pamilyang Aragon ng huminto ang laruang sasakyan ni Kolly sa mismong tapat nila. Isa-isang sinuri ng batang si Kolly ang mukha ng lahat. Labis na nagtataka ang inosente nitong isipan kung bakit mga nakatulala at hindi gumagalaw sa kanilang kinatatayuan ang lahat ng tao sa kanyang harapan. Halos inabot din ng minuto na nakatulala sa mukha ng isa’t-isa ang batang si Kolly at ang pamilyang Aragon. Pagkatapos tingnan isa-isa ang mukha ng lahat ay bumalik ang tingin ng bata sa mukha ni Alexander. Sa mukha ng kanyang ama napako ang tingin ni Kolly. Masasalamin sa mukha ng bata ang labis na pagkamangha dahil ito ang unang pagkakataon na nasilayan niya sa personal ang gwapong mukha ng kanyang ama. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ng mag-ama habang nakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Kahit luntian ang mga mata ni Kolly ay hindi maikakaila na anak ito ni Alexander, sapagkat ito ay kanyang kawangis. Pagkatapos na matitigan ang mukha ng bata ay sabay na tumingin ang lahat sa mukha