Share

Chapter 94

Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatagos mula sa salaming bintana, pagmulat ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang malawak na kalangitan. Napangiti ako dahil sa magandang panahon, maaliwalas ang panahon ngayon na para bang nangangako ng isang magandang buhay. Mula sa aking likuran ay kumilos ang aking asawa, akala ko ay babangon na ito ngunit naramdaman ko na bumaôn ang mukha niya sa aking likod, habang ang isang braso nito na nasa ilalim ng dibdib ko ay humigpǐt pang lalo ang pagkakayakap sa aking katawan.

Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil ngayon ko lang napagtanto na natulog pala kami habang nanatiling magkahugpong ang mga pribadong bahagi ng aming mga katawan. Mukhang wala yata itong balak na umalis sa kama. “Alexander, tanghali na.” Ani ko at sinubukan ko ng bumangon ngunit kumilos ang kanang kamay nito at hinimas ang bandang sikmura ko paakyat sa dibdib ko. Parang hinalukay ang aking sikmura at libong bultahe ng kuryente ang nanulay sa bawat himaymay ng a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status