“Natigil ang mga paa ko sa paghakbang ng datnan ko ang aking asawa na nakatayo sa bungad ng pintuan nang mansion habang nakapamulsa ang dalawang kamay nito. Nang tumitig ako sa kanyang mukha ay biglang sumagi sa aking isipan ang itsura ko noon habang nakaupo sa ilang baitang ng hagdan. Matiyagang naghihintay sa kanyang pagdating hindi alintana ang maraming lamok na kumakagat sa aking balat. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso ng maalala ko ang kawawang si Zanella.Madilim ang mukha na nagpatuloy ako sa paghakbang at nilampasan ko si Alexander na wari mo ay wala siya sa paligid. Ngunit mabilis siyang sumunod sa aking likuran hanggang sa pag-akyat ng hagdan.“Where have you been? Dalawang araw kang hindi umuwi ng bahay at ni hindi ka rin pumasok sa opisina. Lahat tinawagan ko na pero wala ka rin sa inyo! Sagutin mo ako saan ka galing!?” Galit na tanong niya sa akin at ang pananalita nito ay wari moy nanggigigil o mas tamang sabihin na nagpipigil lang siya na huwag sumabog sa galit. Ha
“Pakiusap, Sweetheart, bigyan mo ako ng huling pagkakataon na ayusin ang pagsasama natin. Nais ko na magpakasal tayong muli sa harap ng lahat. Hayaan mong burahin ko ang pilat na nilikha ko dyan sa puso mo at palitan ito ng magagandang alaala. Pakiusap, payagan mo ako na mahalin kita hanggang sa huling hininga ko.” Ang mga nakakaantig na salitang ito ang siyang lumupig sa puso ko. Speechless, ito ang nangyari sa akin dahil sa matinding kasiyahan na nararamdaman ko. Gumapang ang kanang kamay ko sa batok niya at ako na mismo ang kumabig at kusang humalik sa kanyang mga labi. Buong pananabik na dinama namin ang katawan ng isa’t-isa. Halos nagliyab ang aking katawan ng gumapang patungo sa dibdib ko ang kanyang mga labi. Alumpihit ang aking pakiramdam ng isubo niya ang isa sa aking mga korona. Ngunit ang mas bumaliw sa akin ay ang kanyang pagkalalaki na kasalukuyang kumikiskis sa aking hiyas. Matinding kilabot ang siyang gumapang sa bawat himaymay ng aking laman. Nang mga sandaling ito a
Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatagos mula sa salaming bintana, pagmulat ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang malawak na kalangitan. Napangiti ako dahil sa magandang panahon, maaliwalas ang panahon ngayon na para bang nangangako ng isang magandang buhay. Mula sa aking likuran ay kumilos ang aking asawa, akala ko ay babangon na ito ngunit naramdaman ko na bumaôn ang mukha niya sa aking likod, habang ang isang braso nito na nasa ilalim ng dibdib ko ay humigpǐt pang lalo ang pagkakayakap sa aking katawan. Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil ngayon ko lang napagtanto na natulog pala kami habang nanatiling magkahugpong ang mga pribadong bahagi ng aming mga katawan. Mukhang wala yata itong balak na umalis sa kama. “Alexander, tanghali na.” Ani ko at sinubukan ko ng bumangon ngunit kumilos ang kanang kamay nito at hinimas ang bandang sikmura ko paakyat sa dibdib ko. Parang hinalukay ang aking sikmura at libong bultahe ng kuryente ang nanulay sa bawat himaymay ng a
Napatda ang pamilyang Aragon ng huminto ang laruang sasakyan ni Kolly sa mismong tapat nila. Isa-isang sinuri ng batang si Kolly ang mukha ng lahat. Labis na nagtataka ang inosente nitong isipan kung bakit mga nakatulala at hindi gumagalaw sa kanilang kinatatayuan ang lahat ng tao sa kanyang harapan. Halos inabot din ng minuto na nakatulala sa mukha ng isa’t-isa ang batang si Kolly at ang pamilyang Aragon. Pagkatapos tingnan isa-isa ang mukha ng lahat ay bumalik ang tingin ng bata sa mukha ni Alexander. Sa mukha ng kanyang ama napako ang tingin ni Kolly. Masasalamin sa mukha ng bata ang labis na pagkamangha dahil ito ang unang pagkakataon na nasilayan niya sa personal ang gwapong mukha ng kanyang ama. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ng mag-ama habang nakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Kahit luntian ang mga mata ni Kolly ay hindi maikakaila na anak ito ni Alexander, sapagkat ito ay kanyang kawangis. Pagkatapos na matitigan ang mukha ng bata ay sabay na tumingin ang lahat sa mukha
Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo at hindi nila alam kung paano si-simulan ang kanilang usapan. Si Gracia na nanatiling tahimik at hindi malaman kung paano uumpisahan ang kanyang sasabihin. Alumpihit na ito sa kanyang kinatatayuan habang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng suot niyang bestida. Si Esmeralda na ilang ulit na nagpakawala ng buntong hininga. Bumuka-sara ang bibig nito ngunit wala namang lumalabas na anumang salita. Habang si Zanella ay nanatili lang sa kanyang kinatatayuan at matiyagang naghihintay sa kung ano ang sasabihin ng magkapatid. “Ehem, batid ko na sa simula pa lang ay hindi na kami naging mabuti sa’yo, Zanella. Nakakalungkot mang isipin ngunit huli na bago ko pa napagtanto ang lahat ng ito. Nandito ako ngayon sa iyong harapan hindi dahil sa yaman kundi para ibaba ang aking sarili at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sayo. Sa totoo lang, sa tuwing naiisip ko ang lahat ng mga nangyari sa pagitan nating dalawa ay parang gusto kon
“Noong araw na iniligtas ko si Don. Rafael mula sa nahulog niyang chopper ay nagkaroon kami ng kasunduan na tutulungan namin ang isa’t-isa. Upang makabayad ng utang na loob ang inyong ama mula sa pagliligtas namin ni Sky sa kanyang buhay ay inako niya ang lahat ng responsibilidad sa akin ng araw mismo na namatay ang lola Iñes ko. Dahilan kung bakit isinama niya ako pabalik sa lungsod.” Natigalgal si Esmeralda at Gracia sa kanilang mga narinig. Bahagyang nanlaki ang kanilang mga mata habang nakatitig ng mukha ni Zanella. Tukso naman na lumitaw ang imahe ng inosenteng mukha ni Zanella noong una nila itong nasilayan. Binalot ng matinding kilabot ang kanilang sistema dahil nilamon sila ng matinding kahihiyan. Sa isang iglap ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Esmeralda at nanghihina na napaupo siya sa semento.“K-kung ganun…” si Esmeralda na tila lutang ang utak dahil hindi kaagad tinanggap ng kanyang utak ang mga naging pahayag ni Zanella. Hindi pa man natatapos sa kanyang pagsasalita
“Hindi ko matatanggap ang asawa mong ‘yan Zanella! Ngayon din ay hiwalayan mo siya at paalisin mo ‘yan dito.” Matigas na pahayag ni Mr. Smith, makikita mula sa mga mata nito ang di pagka gusto sa kanyang manugang na si Alexander. Ito ang gumimbal sa lahat ng harap-harapang ipagtabuyan ni Mr. Smith ang asawa ni Zanella. “P-Pero, Dad, asawa ko na si Alexander at may anak kami! Kaya hindi pwede ang nais mong mangyari!” Nagugulumihanan na sagot ni Zanella dahil tutol siya sa nais mangyari ng kanyang ama. Kararating lang nila sa mansion ng kanyang mga magulang upang harapin ni Alexander ang kanyang mga biyenan ngunit hindi nila inaasahan ang matinding pagtutol ni Mr. Smith sa kanilang relasyon. Akala ni Zanella ay maayos na ang lahat dahil ni minsan ay hindi niya naringgan ng pagtutol ang kanyang ama ng malaman nito ang tungkol sa kanyang asawa. Kaya labis siyang naguguluhan dahil sa naging pahayag ng kanyang ama. Habang ang kanyang asawa na si Alexander ay nanatili sa kanyang kinatatayu
Alexander’s Point of view “Your fire!” Matigas kong sabi sa isang empleyado na nakatayo sa aking harapan. Halos ganito na lang ang eksena araw-araw at hindi ko na alam kung pang-ilang empleyado na ang nasisante ko. I got a stress sa kumpanyang ito, at parang gusto ko ng patayin ang lahat ng tao na nasa harapan ko. Umuusok sa galit na sinipat ko ng tingin ang mga empleyado na nakahilera sa aking harapan. “Alam ko na may sabwatan na nangyayari dito, kung hindi n’yo titigilan ang pagnanakaw sa kumpanya ay mapipilitan ako na sisantehin kayong lahat. Huwag ninyong ubusin ang pasensya ko dahil may kalalagyan kayo sa akin! Now, Get out!” Nanggagalaiti kong saad sabay turo sa pintuan ng aking opisina. Malakas ang tahip ng dibdib ko dahil sa matinding galit. Hindi ako makapaniwala na may mga ganitong klaseng mga employee na masyadong garapal ang mukha! Dahil harap-harapan na kung pagnakawan ng mga ito ang kumpanya. Paano nga ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Pabagsak na umupo ako