All Chapters of The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]: Chapter 51 - Chapter 60

103 Chapters

Chapter 51

“Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan habang mahigpit na yakap ko ang aking sarili. Ni hindi ko rin maawat ang malakas na panginginig ng aking katawan, maging ang mga labi ko ay patuloy na nangangatal. Gusto ko sanang maglakad ngunit hindi ako pwedeng umalis sa aking puwesto dahil kailangan ko pang hintayin ang pagbabalik ni Sky. Nagtataka ako kung bakit halos isang oras na yata ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Ilang sandali pa ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagsulpot ng isang lalaki sa aking harapan. At ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang hawak nito na isang bagay na ngayon ko lang nakita. Hindi nagsasalita ang lalaki at nakatitig lang ito sa mukha ko hanggang sa dahan-dahang umangat ang kamay nito na may hawak na bakal. Habang nakatitig ako sa mukha ng estrangherong lalaki ay nakatutok naman sa akin ang hawak nito. Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw mula sa sulok ng kanyang bibig na wari moy nangangako ng isang kamatayan. Makapigil
last updateLast Updated : 2024-05-30
Read more

Chapter 52

Mabilis na bumaba ng kanyang sasakyan si Hareth maging ang mga magulang nito na si Harris at Zaharia. Hindi sila makapaniwala sa mga nangyayari, kapwa naninindig ang kanilang mga balahibo dahil sa matinding emosyon. Dahan-dahang lumapit ang tatlo sa dalagang nakaupo sa kalsada na kasalukuyang iniiyakan ang namatay na ibon. Hindi na nila namalayan na kanina pa pala sila umiiyak dala ng labis na pagkahabag para sa babae. Maingat na lumuhod si Hareth sa harap ni Zanella at ng magpanagpo ang kanilang mga mata ay nasilayan ni Hareth ang luntiang mga mata ng dalaga. Wari mo’y hinampas ng maso ang kanyang dibdib ng makita niya ang malaking pakakahawig nito sa kanya dahil si Zanella ang babaeng kawangis ng mag-amang Harris at Hareth.“Zanella?” Hindi makapaniwala na sambit ni Hareth at buong pananabik na mahigpit na niyakap ang kanyang kapatid. “Diyos ko mahabaging langit! Ang anak natin Harris!” Nagugulumihanan na wika ni Zaharia at mabilis na lumapit sa dalagang tulala. “Anak, Zanella! Ang
last updateLast Updated : 2024-05-31
Read more

Chapter 53

“Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at maingat na pinasadahan ko ng tingin ang buong silid na aking kinaroroonan. Ngunit, ang tanging nakikita ko lamang ay pawang puting kisame at puting pader. Kumunot ang noo ko ng napansin ko ang isang bagay na nakasabit sa bakal na nasa tagiliran ko ngunit may mahabang hose ito na naka-konekta sa aking kamay. Maingat na bumangon ako mula sa pagkakahiga at kahit na nakakaramdam ako ng hilo ay sinikap ko pa ring makaupo ng maayos. Natigilan akong bigla, nang isa-isang lumitaw sa aking isipan ang bawat eksena ng nagdaang gabi. At ang siyang nagpaluha sa aking mga mata ay ang pagbagsak ng katawan ni Sky sa malamig at basang kalsada. “H-Hindi… s-si S-Sky…” natataranta kong sambit kaya mabilis kong inipit ang dalawang daliri sa pagitan ng aking mga labi saka nagpakawala ng ilang malakas na pito. Mula sa gilid ng aking mga mata ay napansin ko ang pagbalikwas ng tatlong tao at natataranta sila na lumapit sa akin. Naalarma akong bigla dahil sa p
last updateLast Updated : 2024-05-31
Read more

Chapter 54

“Surprise!” Masayang sabi ng lahat pagkatapos na tanggalin ang panyo na nakatakip sa aking mga mata. Halos lumuha ang mga mata ko dahil sa matinding kasiyahan ng mula sa gitna ng malawak na salas ay tumambad sa aking paningin ang nakatayong higanteng rebulto ni Sky. Ang galing ng pagkaka-ukit nito maging ang kulay ng balahibo at talim ng mga tingin nito ay kuhang-kuha. Pakiramdam ko ay buhay na buhay sa aking harapan ang kapatid kong si Sky ngunit di hamak na mas malaki siya kaysa sa akin ngayon. Umiiyak na niyakap ko ang malaking estatwa at buong pagsuyo na hinaplos ito ng aking mga palad. Maya-maya ay lumapit sa akin si kuya Hareth at inabot nito ang isang jar na may lamang abo ni Sky. Namangha ako ng mula sa ilalim ng mga paa ng rebulto ni Sky ay binuksan ng kakambal ko ang isang maliit na kabinet. “Ipasok mo na si Sky sa bago niyang tahanan, I’m sure magugustuhan niya ito.” Nakangiti nitong utos sa akin. Para naman akong batang sabǐk na sumunod dito at maingat na ipinasok ko ang
last updateLast Updated : 2024-06-01
Read more

Chapter 55

“Tell me, Alexander! Saan ka na naman galing!?” Hinanap mo na naman ba ang baliw mong asawa!?” “PAK!” Isang malakas na sampal ang natanggap ni Samantha mula kay Alexander. Madilim ang mukha nito at nanginginig ang katawan dahil sa pagpipigil na huwag itong saktan. “Hayop ka! Nagagawa mo na akong saktan? Pagkatapos ng mahabang panahon na ginugol ko sayo?” Nanggagalaiting sigaw ni Samantha at walang habas na binayo ng nakakuyom niyang mga kamay ang malapad na dibdib ni Alexander. Nanggigigil na hinawakan ni Alexander sa magkabilang balikat si Samantha at marahas na iniharap ito sa kanila. “Sa susunod na tawagin mo pang baliw ang asawa ko ay hindi lang yan ang matitikman mo sa akin. So, if I were you ay ititikom ko yang bibig mo kung ayaw mong dumugo ‘yan sa sampal.” Nanggagalaiti sa galit na sabi ni Alexander bago marahas na binitawan ang mga braso ni Samantha. Kamuntikan pa itong ma-out of balance mabuti na lang ay mabilis niyang naibalanse ang kanyang katawan. Pagkatapos na sabihin
last updateLast Updated : 2024-06-01
Read more

Chapter 56

Mula sa kumpanya ng mga Aragon ay nag-aalburoto na sa matinding inis si Esmeralda ng makita niya ang record ng kumpanya at base na rin sa datos na nasa kanyang harapan ay halos walang nagbago sa sales ng kanilang kumpanya. Pabagsak na ibinaba nito ang folder na kanyang hawak sa ibabaw ng lamesa at matalim na tumingin sa kanyang mga empleyado. Habang ang mga empleyado ay nanatiling tahimik lang at ni isa ay walang nangahas na magsalita. “Kung kinakailangan na mag-overtime kayong lahat araw-araw ay gawin n’yo! Hindi sapat ang kita ng kumpanya kung ni kusing ay hindi man lang ito tumataas. At kung patuloy itong mangyayari ay matatalo ng ibang kumpanya ang Aragon Real estate! Naiintindihan n’yo ba!? Umisip kayo ng magandang strategy para mas umangat ang marketing ng kumpanya! Punyeta, marketing department, trabaho ninyo ‘to pero hinahayaan n’yo na masapawan tayo ng ibang kumpanya!?” Nanggagalaiti na sigaw ni Esmeralda sa kanilang mga empleyado. Halos hindi na malunok ang mga salitang lum
last updateLast Updated : 2024-06-01
Read more

Chapter 57

Mula sa tuktok ng mala palasyong bahay ay umalingawngaw ang isang malakas na simpol. Isang magandang ngiti ang lumitaw sa hugis pusong mga labi ni Zanella ng marinig niya huni ng mga ibon bilang tugôn ng mga ito sa kanyang pagtawag. Lalong lumapad ang ngiti ng katuwaan ng masilayan niya ang dalawang agila na biglang lumitaw mula sa malawak na kalangitan. Maaliwalas ang panahon ngayon kaya makikita ang kasiyahan sa awra ng mga agila habang patuloy ang mga ito sa matayog na paglipad. Muli siyang sumipol kaya kita niya na nag-iba ng direksyon ang dalawang Agila at lumipad ang mga ito patungo sa kanya. “Isa-isang humapon ang dalawang agila sa aking harapan ngunit napasimangot ako ng makita ko na kulang sila ng isa. Kaya napipikon na sumigaw na ako. “SKY!” Naiinis kong tawag sa isa pang Agila, natigilan ako ng marinig ko ang isang huni ng ibon mula sa aking likuran. Batid ko na naiinis ito sa akin dahil sa lahat ng ayaw ng ibong ito ay ang sumisigaw. Pumihit ako paharap sa aking likuran
last updateLast Updated : 2024-06-02
Read more

Chapter 58

“Alexander, kailangan nating gumawa ng paraan upang mas lalo pang lumawak ang impluwensya ng kumpanya. Hindi ka ba nababahala na napag-iiwanan na ang ating kumpanya?” Mahabang litanya ni Esmeralda na siyang bumasag sa pananahimik ng lahat. Nahinto ang tangka kong pagsubo sa aking kutsara ng marinig ko ang sinabi ng aking tiyahin. Ibinaba ko muna ang aking kamay bago ito hinarap. “What do you mean, Tita? Dahil sa pagkakatanda ko ay maayos naman ang operasyon ng kumpanya?” Nagtataka kong tanong, aminado ako na hindi ko na ito naaasikaso ng maayos dahil abala ang utak ko sa paghahanap sa aking asawa. Oo, umaasa ako na balang araw ay makikita ko rin si Zanella kahit ilang taon na ang lumipas. “You should stop yourself sa paghahanap kay Zanella, Alexander, nawawalan ka na ng panahon sa mga negosyo ng pamilya. And look around you! Hindi ka ba naaawa sa mag-ina mo? Kailangan n’yo ng magpakasal ni Samantha para sa kinabukasan ng aking apo.” Mahabang litanya ng aking tiyahin. Humigpit ang
last updateLast Updated : 2024-06-03
Read more

Chapter 59

“Ayiee!!!” Ang malakas na tiliik ni Patricia ang umagaw sa atensyon ng kanyang ina na kasalukuyang nakaupo sa salas at abala sa kanyang laptop. Napatakip pa ito sa kanyang tenga na wari moy nasaktan. “Ano ba! Kung makasigaw ka ay tinalo mo pa ang sirena ng ambulansya!” Naiinis na bulyaw nito sa kanyang anak na kasalukuyang papasok sa loob ng bahay. Habang sa likuran nito ay si Samantha na abot tenga ang ngiti. “Mommy! I can’t believe this! Imagine isa kami sa mga napiling modelo ni ate Samantha na rarampa sa isang international fashion show sa Paris!?” Nanlaki ang mga mata ni Esmeralda dahil dahil sa labis na pagkamangha. Hindi ito makapaniwala sa ibinalita ng kanyang anak. Tulad din ni Patricia ay malakas na napatiliik ang kanyang ina kaya napuno ng tawanan ang buong Mansion. “I’m so proud of you Sweetheart! Mabuti na lang at namana mo ang ganda ni Mommy, and also thanks to you, Iha, good luck sa mga bagong project ninyong dalawa.” Nakangiting pahayag ni Esmeralda at isa-isang n
last updateLast Updated : 2024-06-03
Read more

Chapter 60

“Gumawa pa kayo ng ibang design; simple pero eleganteng tingnan. Hindi mananalo sa bidding ang mga design na ‘to. At inaasahan ko na matatapos ninyo ang lahat ng ‘yun bago dumating ang deadline.” Matigas na utos ni Alexander sa kanyang mga empleyado, walang gana na ibinaba sa ibabaw ng kanyang lamesa ang folder na hawak nito na naglalaman ng mga iba’t-ibang design para sa bagong project ng Aragon Real estate na ilalaban nila sa isang bidding upang makakuha ng mas maraming kliyente. “Why didn't you choose this design? I love the color, and the design is good.” Suhestiyon ni Esmeralda habang hawak nito ang isang papel na may drawing na isang building. Umikot ang mga mata ni Alexander na para bang naiinis na sa kanyang tiyahin. Dahil ang klase ng pagpili nito ng mga design ay bumabase sa marangyang istilo na batid naman ni Alexander na para lang sa mga high class personality. He knows the majority ng mamamayan sa bansa ay mga taong simple ang pamumuhay kaya hindi naaangkop ang mga desi
last updateLast Updated : 2024-06-04
Read more
PREV
1
...
45678
...
11
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status