“Ayiee!!!” Ang malakas na tiliik ni Patricia ang umagaw sa atensyon ng kanyang ina na kasalukuyang nakaupo sa salas at abala sa kanyang laptop. Napatakip pa ito sa kanyang tenga na wari moy nasaktan. “Ano ba! Kung makasigaw ka ay tinalo mo pa ang sirena ng ambulansya!” Naiinis na bulyaw nito sa kanyang anak na kasalukuyang papasok sa loob ng bahay. Habang sa likuran nito ay si Samantha na abot tenga ang ngiti. “Mommy! I can’t believe this! Imagine isa kami sa mga napiling modelo ni ate Samantha na rarampa sa isang international fashion show sa Paris!?” Nanlaki ang mga mata ni Esmeralda dahil dahil sa labis na pagkamangha. Hindi ito makapaniwala sa ibinalita ng kanyang anak. Tulad din ni Patricia ay malakas na napatiliik ang kanyang ina kaya napuno ng tawanan ang buong Mansion. “I’m so proud of you Sweetheart! Mabuti na lang at namana mo ang ganda ni Mommy, and also thanks to you, Iha, good luck sa mga bagong project ninyong dalawa.” Nakangiting pahayag ni Esmeralda at isa-isang n
“Gumawa pa kayo ng ibang design; simple pero eleganteng tingnan. Hindi mananalo sa bidding ang mga design na ‘to. At inaasahan ko na matatapos ninyo ang lahat ng ‘yun bago dumating ang deadline.” Matigas na utos ni Alexander sa kanyang mga empleyado, walang gana na ibinaba sa ibabaw ng kanyang lamesa ang folder na hawak nito na naglalaman ng mga iba’t-ibang design para sa bagong project ng Aragon Real estate na ilalaban nila sa isang bidding upang makakuha ng mas maraming kliyente. “Why didn't you choose this design? I love the color, and the design is good.” Suhestiyon ni Esmeralda habang hawak nito ang isang papel na may drawing na isang building. Umikot ang mga mata ni Alexander na para bang naiinis na sa kanyang tiyahin. Dahil ang klase ng pagpili nito ng mga design ay bumabase sa marangyang istilo na batid naman ni Alexander na para lang sa mga high class personality. He knows the majority ng mamamayan sa bansa ay mga taong simple ang pamumuhay kaya hindi naaangkop ang mga desi
Mula sa tapat ng Smith International Communication Company ay humimpil ang mamahaling sasakyan ng mag-asawang Esmeralda at Lucio. Pagkababâ ng sasakyan ay nakangiti na pinagmasdan ni Esmeralda ang matayog na gusali sa kanyang harapan. Ang kumpanyang ito ay naghuhumiyaw sa kapangyarihan,at karangyaan dahil sa pader nito na gawa sa salamin. Kilala ito sa pinakamalaking kumpanya sa buong bansa at ilang dekada ng namamayagpag. “Nakikita mo kung gaano kayaman ang mga Smith, Sweetheart? Ang gusali na nasa ating harapan ay isa lamang sa mga branch ng kanilang kumpanya na naka-base sa Europe.” Matinding paghanga ang lumarawan sa mukha ng asawa niyang si Lucio habang marahan itong tumatango. “Sadya palang nakakamangha ang yaman ng pamilyang ‘yan, Sweetheart.” Komento ni Lucio habang nakamasid din sa higanteng gusali. “Don’t worry, Sweetheart, dahil darating ang panahon na magkakaroon din tayo ng sariling kumpanya na katulad ng nasa ating harapan.” Tila nangangarap na wika ni Esmeralda n
“Mom, are you sure that you don’t want to go with us?” Naglalambing na tanong ni Patricia sa kanyang ina, lumapit siya dito at humalik sa pisngi nito. “Pasensya ka na Iha, alam mo namang busy kami ng daddy mo dahil sa bagong kumpanya natin. Sinisimulan na kasi ang project na ‘to kaya hindi namin ito magawang iwan. Alam mo naman kung ilang milyon ang inilaan ko sa proyektong ito.” Ani ni Esmeralda na hindi man lang nilingon ang anak at nanatiling nakatutok ang mga mata nito sa screen ng kanyang laptop. Maging ang kanyang ama ay abala din sa sarili nitong laptop, isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Patricia bago malungkot na ngumiti. “Don’t worry, Mom, kapag isa ako sa napili ng mga bigating sponsor ay ilalaan ko sa kumpanya ang kikitain ko dito upang mas lumago pa ang ating mga negosyo. Dahil sa tinuran ng kanyang anak ay nakangiti na hinarap ito ni Esmeralda. “Galingan mo anak, dahil para sayo din naman ang lahat ng pagsusumikap namin ng daddy mo.” Humalik na si Patri
Halos mapuno ng mga taong nagmula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang buong venue ng Opulent Space With Grand Architecture sa Paris. Hindi maikakaila ang matinding kasiyahan at pananabik sa mukha ng mga taong nagmula pa sa iba’t-ibang bansa upang masaksihan ang pinakamalaking event ng world’s largest fashion group. Mula sa mahabang stage na nasa gitna ng bulwagan ay agaw pansin ang simple ngunit engrandi na pagkakaayos nito. Dahil dito irarampa ng mga sikat na modelo ang mga gown na halos milyon ang halaga. Ilang sandali pa ay tumahimik ang lahat ng magsimulang pumailanlang sa buong paligid ang boses ng emcee. Kasabay nito ang isang musika na naghahatid ng matinding excitement sa pakiramdam ng bawat isa. Habang isa-isang ipinakilala ng tagapagsalita ang mga tanyag na kumpanya na siyang sponsored ng event na ito ay kasalukuyang naghahanda ang lahat ng mga modelo sa loob ng kanilang mga dressing room.“This is it, good luck, Patricia, kailangan makuha natin ang atensyon ng lahat, para ma
“That’s my girl.” -Alexander “Wow! Hindi ba’t ang ibig sabihin ng pregnant eh buntis?” “Oh, come on, don’t fool us. Oh, sorry, nakalimutan ko na taga bundok ka nga pala, kaya I’m sure hindi mo nauunawaan ang salitang english.”- Patricia “Hindi ako makakapayag na ang isang mangmang na katulad mo ang magpapakasasâ sa yaman ng pamilya ko.”- Esmeralda “I can’t believe this, sa isang iglap ay nagawa kaming pabagsakin ng inosenteng mukha na ‘to?” -Alexander Ilan lamang ito sa mga alaalang tumatak sa utak ko na nagdudulot ng matinding kasawian sa puso ko. Kung noong una ay hindi ko lubos na nauunawaan ang mga salitang ibinabato nila sa akin ngayon ay malinaw pa sa sikat ng araw ang lahat ng mga pang-aalipusta nila sa pagkatao ko. Wala akong kaalam-alam na harapan na pala nila akong dinudurog dahil sa pagiging mangmang ko. “Of course, Alexander, ang mangmang at illiterate na ito na may inosenteng mukha ang siyang dudurog sa inyo.” Anya ng isang mapanganib na tinig mula sa aking
Patricia’s Point of view “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa nangyari kahapon sa fashion show. Aminado naman ako na mali talaga ang ginawa ko. Nagpadala ako sa galit na nararamdaman ko kaya nakalimutan ko na nasa ibabaw kami ng entablado at nasa harap pa mismo ng maraming tao. Maghapon na akong nagkukulong dito sa loob ng aking silid. Hindi ko magawang lumabas ng bahay dahil sa matinding kahihiyan. Mabilis na kumalat sa social media ang nangyaring eksena sa pagitan namin ng babaeng taga bundok na ‘yun. Ngayon ay masama ang tingin ng lahat sa akin, at kung ano-anong masasakit na salita ang ibinabato nila sa akin. Kaya hindi ko rin mabuksan ang lahat ng online account ko dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at mapatulan ko lang ang mga taong kumakastigo sa akin. Nanginginig ang kamay na dumukot ako ng isang stick ng sigarilyo upang kahit papaano ay humupa ang tensyon nararamdaman ko. Hithit, buga ang aking ginawa habang nakatayo sa terasa ng ginagamit kong silid. W
Pagkatapos na isarado ni Mr. Jones ang zipper ng kanyang pantalon ay tinalikuran na nito ang nakahubad na si Patricia. Sinubukang makatayo ng dalaga kahit na alumpihit na ang kanyang pakiramdam. Para siyang binugbog dahil masakit ang kanyang buong katawan, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ganito kalibog ang lalaking ito. Ngunit, imbes na magalit ay isang matamis na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi. “He’s right, sa oras na matikman ko ang malaki niyang kargada ay siguradong hahanap-hanapin ko ito.” Anya ng malanding tinig mula sa isipan ni Patricia. Hubo’t-hubad na bumangon siya at walang pakialam na tumayo, ngunit nagtaka siya kung bakit naudlot ang paglabas si Mr. Jones sa pintuan. Bukas naman ang pinto ngunit nanatili lang ito sa kanyang kinatatayuan habang hawak pa rin ng kamay nito ang doorknob. Ang mga tanong sa isip ni Patricia ay nabigyan ng kasagutan ng humakbang paatras si Mr. Jones at siya namang pag-abante ni Samantha papasok sa loob ng silid. Ang
TEASER“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko
Prenteng umupo si Mr. Smith sa isang swivel chair na nasa kabilang dulo ng mahabang lamesa habang ang mga tauhan niya ay nagkalat sa labas ng conference room. Tanging ang dalawang tauhan lang nito ang kanyang kasama sa loob ng silid. Tumitig sa mukha ni Alexander ang seryoso nitong mga mata at ilang sandali pa ay umangat ang sulok ng bibig ni Mr. Smith. “Tulad ng inaasahan ko, Aragon, let’s stop this, we know na walang patutunguhan ang lahat ng ito. Huwag na rin tayong maglokohan pa dito alam naman nating pareho kung ano ang totoong pakay mo sa anak ko.” Diretsahang pahayag ni Mr. Smith, kaya mahigpit na naikuyom ni Alexander ang kanyang mga kamay. Balewala na napako ang tingin ni Mr. Smith sa nakakuyom na kamay ng kanyang manugang. Iniisip niya na nanggagalaiti na ito sa galit dahil nabuko niya ang totoong hangarin nito. Nasaktan si Alexander sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang biyenan, dahil nasagi nito ang kanyang ego, para kay Alexander ay isa itong klase ng panghah
“Kalimutan mo na ang lalaking iyon, Zanella, hindi ka talaga minahal ng iyong asawa, pera lang ang habol niya sa’yo!” Matigas na pahayag ni Harris sa kanyang anak, labis na nasaktan si Zanella sa sinabi ng kanyang ama kaya hindi na maampat ang mga luha nito sa mata. “Mali ka, Dad, mahal ako ni Alexander! At batid ko na babalikan niya ako.” Matatag na sagot ni Zanella habang ang ina niyang si Zaharia ay masuyong hinagod ang likod ng kanyang anak. “Harris, tama na, pabayaan mo na ang anak mo na makasama ang kanyang asawa, lalo na at may anak na sila.” Naaawa na wika ni Zaharia, ngunit matigas ang kanyang asawa. “Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak ko sa kamay ng mga kriminal na ‘yun, Zaharia! Hindi ko hahayaan na saktan pa nilang muli ni dulo ng daliri ng aking anak! Kung noong una pa lang ay nalaman ko na ang mga kalokohang ginawa nila sa anak ko ay baka matagal ko na silang inilibing ng buhay!” Umuusok sa galit na pahayag ni Harris, nanlaki ang mga mata ni Zanella dahil hindi niya
“Sir, hindi makatarungan ang ginawa sa aming mga manggagawa. Ilang dekada na akong empleyado ng kumpanyang ito pero simula ng mamatay si Sr. Smith ay nagsimula na ring bumagsak ang kumpanyang ito. Bigla na lang kaming sinisante ng walang dahilan. At ang masakit pa dun ay naghired sila ng mga bago ngunit ilang buwan lang ay tinanggal din sila sa trabaho. Maayos kaming nagtatrabaho pero para kaming mga basura na basta na lang itinapon na parang akala mo ay mga walang pakinabang.” Naluluha sa galit na pahayag ng matandang lalaki na siyang namumuno sa kanilang grupo. Maging ang tatlo pa nitong mga kasama ay umiiyak na rin. Nag-igting ang aking mga bagâng dahil ngayon ko lang naunawaan kung bakit tila puro mga baguhan ang lahat ng empleyado ng Smith Corporation. “Do you think bakit nila ginagawa ang mga bagay na ‘yun?” Curious kong tanong na ang tinutukoy ay ang kanilang mga Manager at Supervisor. “Sa pagkakaalam namin sir, upang sa kanila mapunta ang aming mga sweldo mula sa long servi
Alexander’s Point of view “Your fire!” Matigas kong sabi sa isang empleyado na nakatayo sa aking harapan. Halos ganito na lang ang eksena araw-araw at hindi ko na alam kung pang-ilang empleyado na ang nasisante ko. I got a stress sa kumpanyang ito, at parang gusto ko ng patayin ang lahat ng tao na nasa harapan ko. Umuusok sa galit na sinipat ko ng tingin ang mga empleyado na nakahilera sa aking harapan. “Alam ko na may sabwatan na nangyayari dito, kung hindi n’yo titigilan ang pagnanakaw sa kumpanya ay mapipilitan ako na sisantehin kayong lahat. Huwag ninyong ubusin ang pasensya ko dahil may kalalagyan kayo sa akin! Now, Get out!” Nanggagalaiti kong saad sabay turo sa pintuan ng aking opisina. Malakas ang tahip ng dibdib ko dahil sa matinding galit. Hindi ako makapaniwala na may mga ganitong klaseng mga employee na masyadong garapal ang mukha! Dahil harap-harapan na kung pagnakawan ng mga ito ang kumpanya. Paano nga ba ako humantong sa ganitong sitwasyon? Pabagsak na umupo ako
“Hindi ko matatanggap ang asawa mong ‘yan Zanella! Ngayon din ay hiwalayan mo siya at paalisin mo ‘yan dito.” Matigas na pahayag ni Mr. Smith, makikita mula sa mga mata nito ang di pagka gusto sa kanyang manugang na si Alexander. Ito ang gumimbal sa lahat ng harap-harapang ipagtabuyan ni Mr. Smith ang asawa ni Zanella. “P-Pero, Dad, asawa ko na si Alexander at may anak kami! Kaya hindi pwede ang nais mong mangyari!” Nagugulumihanan na sagot ni Zanella dahil tutol siya sa nais mangyari ng kanyang ama. Kararating lang nila sa mansion ng kanyang mga magulang upang harapin ni Alexander ang kanyang mga biyenan ngunit hindi nila inaasahan ang matinding pagtutol ni Mr. Smith sa kanilang relasyon. Akala ni Zanella ay maayos na ang lahat dahil ni minsan ay hindi niya naringgan ng pagtutol ang kanyang ama ng malaman nito ang tungkol sa kanyang asawa. Kaya labis siyang naguguluhan dahil sa naging pahayag ng kanyang ama. Habang ang kanyang asawa na si Alexander ay nanatili sa kanyang kinatatayu
“Noong araw na iniligtas ko si Don. Rafael mula sa nahulog niyang chopper ay nagkaroon kami ng kasunduan na tutulungan namin ang isa’t-isa. Upang makabayad ng utang na loob ang inyong ama mula sa pagliligtas namin ni Sky sa kanyang buhay ay inako niya ang lahat ng responsibilidad sa akin ng araw mismo na namatay ang lola Iñes ko. Dahilan kung bakit isinama niya ako pabalik sa lungsod.” Natigalgal si Esmeralda at Gracia sa kanilang mga narinig. Bahagyang nanlaki ang kanilang mga mata habang nakatitig ng mukha ni Zanella. Tukso naman na lumitaw ang imahe ng inosenteng mukha ni Zanella noong una nila itong nasilayan. Binalot ng matinding kilabot ang kanilang sistema dahil nilamon sila ng matinding kahihiyan. Sa isang iglap ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Esmeralda at nanghihina na napaupo siya sa semento.“K-kung ganun…” si Esmeralda na tila lutang ang utak dahil hindi kaagad tinanggap ng kanyang utak ang mga naging pahayag ni Zanella. Hindi pa man natatapos sa kanyang pagsasalita
Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo at hindi nila alam kung paano si-simulan ang kanilang usapan. Si Gracia na nanatiling tahimik at hindi malaman kung paano uumpisahan ang kanyang sasabihin. Alumpihit na ito sa kanyang kinatatayuan habang mahigpit na nakakapit sa laylayan ng suot niyang bestida. Si Esmeralda na ilang ulit na nagpakawala ng buntong hininga. Bumuka-sara ang bibig nito ngunit wala namang lumalabas na anumang salita. Habang si Zanella ay nanatili lang sa kanyang kinatatayuan at matiyagang naghihintay sa kung ano ang sasabihin ng magkapatid. “Ehem, batid ko na sa simula pa lang ay hindi na kami naging mabuti sa’yo, Zanella. Nakakalungkot mang isipin ngunit huli na bago ko pa napagtanto ang lahat ng ito. Nandito ako ngayon sa iyong harapan hindi dahil sa yaman kundi para ibaba ang aking sarili at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko sayo. Sa totoo lang, sa tuwing naiisip ko ang lahat ng mga nangyari sa pagitan nating dalawa ay parang gusto kon
Napatda ang pamilyang Aragon ng huminto ang laruang sasakyan ni Kolly sa mismong tapat nila. Isa-isang sinuri ng batang si Kolly ang mukha ng lahat. Labis na nagtataka ang inosente nitong isipan kung bakit mga nakatulala at hindi gumagalaw sa kanilang kinatatayuan ang lahat ng tao sa kanyang harapan. Halos inabot din ng minuto na nakatulala sa mukha ng isa’t-isa ang batang si Kolly at ang pamilyang Aragon. Pagkatapos tingnan isa-isa ang mukha ng lahat ay bumalik ang tingin ng bata sa mukha ni Alexander. Sa mukha ng kanyang ama napako ang tingin ni Kolly. Masasalamin sa mukha ng bata ang labis na pagkamangha dahil ito ang unang pagkakataon na nasilayan niya sa personal ang gwapong mukha ng kanyang ama. Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo ng mag-ama habang nakatitig sa mukha ng isa’t-isa. Kahit luntian ang mga mata ni Kolly ay hindi maikakaila na anak ito ni Alexander, sapagkat ito ay kanyang kawangis. Pagkatapos na matitigan ang mukha ng bata ay sabay na tumingin ang lahat sa mukha