Semua Bab The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]: Bab 41 - Bab 50

103 Bab

Chapter 41

“Anong ginagawa mo d’yan?” Seryosong tanong sa akin ni Alexander ng datnan niya akong nakaupo sa baitang ng hagdan dito sa labas ng bahay. Sinadya ko talaga na dito maghintayin dahil gusto ko siyang kausapin tungkol sa mga sinabi ni Samantha.“Anong ginagawa mo d’yan? Maraming lamok dito.” Naiinis na niyang sabi ng hindi kaagad ako naka sagot sa tanong nito. “S-Sorry… hinihintay kasi kita.” Natatakot kong sagot dahil ramdam ko na naiirita siya sa akin. “My ghod, Zanella! Pwede mo akong hintayin sa loob ng kwarto!” Tila napipikon niyang saad na kulang na lang ay sigawan ako nito ng tanga. Hindi na ako sumagot at tahimik na sumunod na lang ako sa likuran nito.Pagdating sa loob ng silid ay kaagad akong lumapit sa kanya upang kalasin ang mga butones ng kanyang polo. Ngunit, napansin ko na nakasimangot ang mukha nito. “Maligo ka nga, bakit amoy araw ka?” Naiinis na utos niya sa akin. Nasaktan ako sa sinabi ng aking asawa at para akong nanliit sa aking sarili. Sinarili ko na lang ang sama
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-26
Baca selengkapnya

Chapter 42

“Zanell, bakit malungkot ka?” Nababahala na tanong sa akin ni Mama Rosario. Nilingon ko s’ya at matamlay na ngumiti dito. Napakaganda ni mama Rosario, dahil ngayon ay nakasuot siya ng isang magandang damit. Ngunit, ang hindi ko lang nagustuhan ay ang kulay nito. Nakasuot kasi siya ng itim na duster habang sa kanyang balikat ay nakasampay ang isang itim na bandana. “Aalis ka na naman ba?” Walang buhay kong tanong, isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi na para bang natutuwa pa sa tanong ko. “Huwag kang mag-alala, uuwi din ako mamayang alas dos ng hapon. Ngayong araw kasi ang libing ng kamag-anak kong namatay.” Malungkot niyang sagot, gustuhin ko man na pigilan siya ngunit hindi maaari. Kaya isang malungkot na ngiti ang naging tugon ko sa kanya bago ako tumayo at humakbang paakyat ng hagdan. Nagtataka na nakasunod lang ang tingin niya sa akin, ngunit kalaunan ay nakita ko mula sa gilid ng aking mga mata na naglalakad na ito palabas ng bahay. Walang alam si Mama Rosario sa kung
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-26
Baca selengkapnya

Chapter 43

Nangangalay na ang mga braso ko dahil sa pagbuhat ng maraming mga gamit ni Samantha galing sa mga tagahanga nito. At ngayon ay kinakabahan ako dahil nandito kami sa harap ng isang higanting gusali na halos hindi ko na mabilang kung ilang palapag mayroon ito. Iniisip ko kasi na baka tulad din ito ng hotel na pinuntahan namin na maraming tao para lang magtanong ng kung ano-ano kay Samantha. Nauna na bumaba ng sasakyan si Tita Gracia, at hinintay pa nito si Samantha na makababâ bago sabay silang dalawa na naglakâd patungo sa pasukan ng gusali habang masayang nagkukwentuhan. Gusto ko sanang magtanong sa kanila ngunit kung kumilos ang mga ito ay parang hindi nila ako kasama. Hanggang sa nakapasok na sila sa loob ng building, nakita ko pa na yumuko ang lahat ng tao sa kanilang dalawa bilang pagbibigay galang. Balak ko na sana na bumalik na lang sa loob ng kotse ngunit nahinto ako sa paghakbang ng mula sa bumukas na pintuan ay lumabas si Alexander at sinalubong ang dalawang babae. Nakan
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-26
Baca selengkapnya

Chapter 44

Zanella’s Point of view “Hinihingal na huminto ako sa paglalakad habang sa aking balikat ay nakahapon si Sky. Hindi ko na alam kung gaano na kalayo ang nilakad ko, basta ang alam ko ay pagod na ako. Basâ na rin ng dugo ang laylayan ng suot kong pantalon habang ang ilang bahagi nito ay medyo natuyo na rin. “S-Sky, hindi ko na kaya pang maglakad.” Naluluha kong wika bago umupo sa gilid ng kalsada. Lalong sumamâ ang ekspresyon ng mukha ko nang dumikit sa damit ang sugat sa tuhod ko. Gusto kong uminom ng tubig ngunit hindi ko alam kung saan ako pwedeng kumuha ng tubig na pwede kong inumin. Maya-maya ay may isang babae ang huminto sa di kalayuan mula sa aking kinauupuan. Nakita ko na inangat nito sa ere ang isa niyang kamay saka iwinagayway. Namangha ako ng huminto sa mismong harapan nito ang isang dilaw na kotse. Sumakay ang babae at kaagad na umalis ang kotse, umawang ang bibig ko dahil sa labis na pagkamangha. Parang gusto ko tuloy batukan ang aking sarili dahil sa katangahan ko
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-27
Baca selengkapnya

Chapter 45

“Sumosobra na talaga ang mga ‘yan! Napaka walang puso.” Nanggagalaiti na sabi ni mama Rosario habang binabalot ng benda ang sugat sa aking tuhod.“Sa susunod ay huwag kang sasama sa kanila ng hindi ko nalalaman, naiintindihan mo?” Ani nito na bakas pa rin ang galit mula sa tinig nito. Marahan akong tumango bilang tugôn. “Mamâ, ano ang ibig sabihin ng annulment?” Wala sa loob na tanong ko sa kanya, bigla siyang nahinto sa pagliligpit ng mga gamot sa loob ng box at nagtataka na lumingon siya sa akin. Napansin ko na masyadong seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha, nagpakawala muna siya ng isang mabigat na buntong hininga bago muling naupo gilid ng kama, sa tabi ko.“Bakit mo naitanong ‘yan?” Balik tanong niya sa akin, nagsimulang lumikot ang aking mga mata dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. “Zanella.” Muling tawag niya sa akin, “n-nabasa ko lang sa isang papel na nakita ko sa salas.” May pag-aatubili kong sagot, muli na naman siyang nagpawala ng isang malalim na buntong hin
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-27
Baca selengkapnya

Chapter 46

“Iha, maiwan muna kita, kailangan naming umalis ni Alexander para pumunta sa bangko. Huwag kang mag-alala, babalik din ako kaagad.” Malumanay na paalam ni Rosario ngunit natigilan siya ng tumitig sa kanya ang walang buhay nitong mga mata. Kapansin-pansin ang pagiging matingkad ng kulay berde nitong mga mata kaya napahugot ng isang malalim na buntong hininga si Rosario. “Pagbalik ko ay mag-uusap tayo, at sana ay sabihin mo sa akin ang lahat, hm?” Ani nito ng may pagsuyo ngunit nanatiling blangko ang mga mata ni Zanella na para ba itong isang bulag na walang nakikita. Malungkot na tinalikuran ni Rosario si Zanella, labag man sa kanyang kalooban na iwan ito ay kailangan niyang umalis. Dumating na kasi ang itinakdang araw upang tanggapin ni Alexander ang huling habilin ng kanyang abuelo na naka-time deposit sa isang bangko. Nahinto sa paghakbang si Alexander mula sa mga baitang ng hagdan ng makita niya si Zanella na nakaupo sa paanan ng hagdan. Sobrang tahimik nito at nakatulala lang s
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-27
Baca selengkapnya

Chapter 47

“Sa ikalawang pagkakataon ay muling pinatunayan ng pamilyang Smith ang kanilang kabutihan sa ating pamilya. Dahil hindi ko lubos maisip kung paano maglaro ang tadhana at isang malaking karangalan na ang tagapagmana ng mga Smith ang nagligtas sa aking buhay.” Don Rafael“M-Mamâ…” naguguluhan kong tawag sa aking ina pagkatapos kong basahin ang huling bahagi ng liham ni Lolo. Hindi ako makapaniwala sa mga natuklasan ko tungkol sa pagkatao ng aking asawa. Nakangiti na lumuluha ang aking ina at kinuha niya ang sulat mula sa aking kamay. Halatang maging ito ay hindi rin makapaniwala at bakas sa kanyang mukha ang labis na pagkamangha.“Sinasabi ko na nga ba! Malalim ang dahilan ni Papa kaya niya ginawa ang desisyon na ‘yun, Iho. Kilala ko ang pamilyang Smith, at sa pagkakatanda ko ay si Señior Smith ang Ama ni Mr. Harris Smith ay matalik na kaibigan ni Don Rafael. Makailang beses na sinagip nila mula sa pagkalugmok ang kumpanya ng mga Aragon. Marahil, iniisip ni Papa na ito na ang tamang pa
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-28
Baca selengkapnya

Chapter 48

“Hanapin n’yo si Zanella, hindi siya pwedeng mawala!” Nahintakutan na utos ni Rosario, masyado na siyang balisâ at hindi na mapakali sa kanyang kinatatayuan habang panay ang pisǐl nito sa isa niyang kamay. “Ma’am hinalughog na namin ang buong paligid maging ang mga karatig na barangay natin ngunit wala talaga si Señorita Zanella.” Kinakabahan na pahayag ng tauhang inutusan niya na maghanap sa labas. “Paanong wala? Napaka imposible ng mga sinasabi ninyo na naglayas si Zanella! Kilala ko ang batang iyon, kahit kailan ay hindi siya sumuway sa akin!” Ani ni Rosario sa mataas na tinig na kulang na lang ay sumigaw ito. Natigilan ang lahat dahil sa ugaling ipinakita ni Rosario, kilala siya ng lahat bilang mahinahon na tao at ni minsan ay hindi pa nila ito nakitang magalit. Maging sina Esmeralda ay napalingon sa direksyon ng Ginang at taas-kilay na tumayo ito at lumapit kay Rosario. Tumayo din si Patricia at kaagad na sumunod sa likuran ng kanyang ina. “At bakit ka sumisigaw? Hindi m
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-29
Baca selengkapnya

Chapter 49

Mula sa himpapawid ay walang kapaguran na lumilipad ang Agilang si Sky. Tila isang kawal na nagroronda sa malawak na kalangitan. Ni hindi alintana ng magiting na ibon ang matinding sikat ng araw. Kung noong una ay ginagawa niya ito upang manila ng hayop sa gubat ngayon ay ginagawa niya ito upang makita ang nag-iisang tao na nakatatak sa kanyang puso’t-isipan. Wari moy isang tao na kakikitaan mo ng determinasyon ang awra ng Agilang ito habang walang humpay sa nagpapakawala ng malalakas na huni. Mabilis na nagpuslitan ang ibang mga hayop sa gubat upang magtago, pagkat ramdam nila ang galit ng ibon mula sa mga huni nito. Pagkatapos ng ilang milyang paglipad ay dumapô si Sky sa pinakamataas na bahagi ng puno upang magpahinga. Maya-maya ay muli na naman siyang nagpatuloy sa paglipad, halatang wala itong balak na sumuko at walang makakapigil sa kanya hanggang sa magtagumpay ito. Samantala… “Isang malakas na sipol ang aking pinakawalan at naghintay pa ako ng ilang segundo ngunit nakad
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-29
Baca selengkapnya

Chapter 50

Nahinto sa paghakbang ang mga paa ni Zanella ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis siyang tumakbo patungo sa ilalim ng malaking puno upang sumilong. Ngunit balewala pa rin ang malaking puno dahil nabasa pa rin siya ng ulan. Mahigpit na niyakap ni Zanella si Sky at ginamit niya ang kanyang katawan upang hindi ito mabasâ ng ulan. “S-Sky…. Ang mundong ito ay masyadong malupit, ang mga katulad nating nilalang na lumaki sa hirap ay walang puwang para dito. Dahil pera ang nagpapaikot sa buhay ng mga taong naninirahan dito. P-pera ang kanilang sinasamba.” Anya na ang mga labi ay nanginginig dulot ng matinding lamig. Tiniis ni Zanella ang lamig at gutom at sandaling nanatili sila sa ilalim ng puno hinihintay kung kailan titila ang ulan. Isang oras, dalawang oras, at di nagtagal ay inabot na ng alas dose ng hating gabi bago pa man tumila ang ulan. Isang matalay na ngiti ang lumitaw mula sa mga labi ni Zanella na parang gusto niyang sabihin na sa wakas ay tumila na rin ang ulan.
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-30
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
34567
...
11
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status