Semua Bab The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]: Bab 31 - Bab 40

103 Bab

Chapter 31

“Hindi ako makakapayag na mapunta sa babaeng iyan ang lahat ng ari-arian ng aming pamilya!” Nanggagalaiti na sigaw ni Esmeralda habang ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatingin kay Zanella. Samantalang si Zanella ay mahigpit na nakayakap kay Rosario dahil natatakot siya sa mabagsik na mukha ng mga tao sa kanyang paligid na para bang gusto na siyang patayin ng mga ito.“A-Attorney, p-paanong nangyari na wala man lang kaming mamanahin mula sa aming ama?” Si Gracia na kasalukuyang umiiyak na parang ngayon lang yata nahimasmasan. “Wala na akong magagawa pa riyan, Mrs. Sandobal. Ang lahat ng ito ay desisyon ng inyong ama, ginawa ko lang ang trabaho ko. Besides, pwede n’yo namang habulin sa korte ang inyong mga karapatan bilang mga tagapagmana ng yumaong si Don Rafael. Ngunit, for now ay ako ang tatayo na pangalawang guardian ni Ms. Zanella. Kaya kung sakaling may mangyaring masama sa aking kliyente at mamatay siya ng hindi inaasahan, tulad sa unang nakalagay sa testamento ang lahat ng
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-20
Baca selengkapnya

Chapter 32

Halos kinse minuto na ang lumipas simula ng pumasok ako dito sa loob ng silid. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako kung bakit galit na galit silang lahat sa akin pagkatapos na basahin ang liham ni Don Rafael. Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama ngunit hindi pa rin nawawala ang pagkabalisâ ng aking katawan. Kanina pa ako hindi mapakali dahil natatakot ako sa nakikita kong galit sa kanilang mga mukha. Parang gusto kong tumakbo palayo sa mansion na ito at bumalik na lang sa bundok kung saan ay tahimik akong namumuhay. Kung alam ko lang na iiwan din pala ako ni Don Rafael ay dapat sana’y hindi na lang ako sumama pabalik dito sa lungsod. Nagsimula ng manlabo ang aking paningin dahil sa mga namumuong luha, hanggang sa nag-unahan ng pumatak ang mga luha ko sa aking mga hita. Nanatili lang akong nakatitig sa mga kamay ko na kanina pa nanginginig. Ang mas lalong ipinag-aalala ko ay baka pati si Mamâ Rosario ay galit din sa akin. Hindi ko kakayanin kapag nangyari ‘yun. Maya-maya ay n
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-20
Baca selengkapnya

Chapter 33

“Hindi lang isang beses, na inangkin si Alexander ang aking katawan kundi paulit-ulit. Tila hindi niya alam ang salitang pagod. Wala akong ginawa kundi ang umiyak at magmakaawa mula sa ilalim ng malaki niyang katawan. “P-Pakiusap… t-tama na, Alexander...” Ani ko sa nagsusumamo na tinig na may kasamang impit na daing. Sa huling pagkakataon ay muli na naman niyang ipinagdiinan ang sarili sa aking loob kaya halos hindi na maipinta ang aking mukha. Ilang minuto siyang nanatili sa ibabaw ko at maya-maya ay hinihingal na bumagsak siya sa tabi ko. Balak ko na sanang bumangon para lumayo sa kanya ngunit mabilis niyang hinila ang aking katawan. Mahigpit niya akong niyakap kahit na basa na kami sa pawis at malagkit na rin ang aking pakiramdam. “Huwag kang aalis sa tabi ko kung ayaw mo na magalit ulit ako sayo.” Matigas niyang panakot sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa matinding takot. Kaya imbes na umalis ay mas pinili ko na lang ang manatili sa kanyang tabi. Hinayaan kong nak
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-21
Baca selengkapnya

Chapter 34

Mabilis na yumakap sa katawan ni Rosario ang nanginginig na mga kamay ni Zanella habang paulit-ulit itong umiiling sa kanya. “P-pakiusap, huwag mong bubuksan ang pintuan!” Nagmamakaawa na saad ni Zanella kay Rosario, hilam na sa luha ang mukha nito kaya naman hindi na maintindihan ni Rosario kung ano ang dapat niyang gawin. Anak niya si Alexander ngunit ang puso niya ay labis na naaawa kay Zanella. “What are you doing, Alexander?” Narinig nilang tanong ni Samantha, ramdam ang galit sa tinig nito. “Huwag kang makialam dito, Samantha! Problema naming mag-asawa ito!” Matigas na sagot naman ni Alexander na tila walang pakialam sa presensya ng dalaga. “How dare you! At ano ang tingin mo sa akin? Pagkatapos mong buntisin ay itatapon mo na lang ako na parang isang basahan!?” Nanggagalaiti na sigaw ni Samantha, labis itong nasaktan dahil sa tinuran ni Alexander. Ipinamukha nito sa kanya kung ano ang lugar niya sa mansion ng mga Aragon. “Shut up, Samantha! And leave me alone!” Bu
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-21
Baca selengkapnya

Chapter 35

Sumasagitsit ang mga gulong ng sasakyan sa patag na kalsada habang ang makina nito ay malakas na umalingawngaw sa loob ng malawak na stadium. Nakakabinging hiyawan ang lumamon sa buong paligid ng dahil sa matinding pananabik ng lahat ng mga manonood. Hindi magkamayaw ang lahat sa pagtanaw sa sasakyan ng isang sikat na racer. Kung ang lahat ay kababakasan mo ng matinding pananabik at kasiyahan ay kabaligtaran naman ito sa reaksyon ng mag-asawang Smith. Tahimik lang na pinapanood nila ang matinding laban ng kanilang anak para sa world final championship na kasalukuyang ginaganap dito sa California. Malaki ang tiwala ng mag-asawa na maipapanalo ng kanilang anak ang laban nito dahil si Zaharia Smith ay isa sa nangungunang sikat na racer sa buong mundo. Tahimik man silang mag-asawa ay hindi maikakaila ang matinding paghanga nila dahil magandang laban na ipinapakita ng kanilang anak. Sa isang iglap ay lalong nabulabog ang buong mundo dahil sa walang hirap na pagkapanalo ng batang Smith. N
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-22
Baca selengkapnya

Chapter 36

“Paglabas ni Alexander mula sa pintuan ng banyo ay kaagad akong lumapit. Tahimik na dinampot ko ang puting brief nito at inabot sa kanya habang nanatili akong nakayuko. Nang makita ko na nawala sa aking kamay ang brief ay isinunod kong iabot ang puting polo shirt nito. Maingat na binuklat ito upang hindi magusot saka iniladlad sa kanyang harapan. Ipinasok naman ng asawa ko ang kamay niya sa bawat butas ng sleeve nito. At habang isa-isa kong isinasarado ang bawat butones ng polo nito ay nanatiling nakatingin lang ang mga mata ko sa kanyang damit. Natigilan ako ng umangat ang isang kamay niya at humawak ito sa ilalim ng baba ko saka inangat ang mukha ko upang magtama ang aming mga mata. Mabilis kong ibinaling ang tingin sa ibang direksyon, nag-aalala ako na baka magalit siya sa akin kaya ayokong makita ang kanyang mga mata. “Bakit hindi mo ako tinitingnan sa aking mga mata?” Seryoso niyang tanong, napalunok ako ng wala sa oras habang kinukurot ng isang kamay ko ang aking kaliwang
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-23
Baca selengkapnya

Chapter 37

Kasalukuyang nasa salas si Zanella at Rosario, dahil tinuturuan ni Rosario ang kanyang manugang na magbasa. “The wolf opened his mouth wide and shouted and Granny jumped out.” Basa ni Rosario sa hawak nitong libro habang si Zanella ay sinundan ang pagbasa ng kanyang biyenan. “Mamâ, marunong na akong magbasa dahil tinandaan ko ang lahat ng mga itinuro mo sa akin.” May pagmamalaki na turan ni Zanella kaya napangiti si Rosario, batid niya na matalino ni Zanella dahil mabilis niyang natututunan ang isang bagay. “Talaga? Sige nga simulan mong basahin at unawain ang nilalaman ng libro. Pagkatapos ay ipaliwanag mo sa wikang tagalog ang kwentong binasa mo.” Nakangiti na wika ni Rosario, tila nais magpakitang gilas ni Zanella sa kanyang biyenan kaya, masaya niyang kinuha ang libro mula sa kamay nito. Ngunit, hindi pa man siya nagsisimula ay naagaw ang atensyon nilang dalawa dahil sa pagpasok ng mag-inang Esmeralda at Patricia. Sabay na napatingin ang dalawa sa mga bagong dating. Napako
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-23
Baca selengkapnya

Chapter 38

“Mamâ, where’s, Zanella?” Pagpasok pa lang sa pintuan ay ito na kaagad ang tanong ni Alexander sa kanyang ina. Tila sinampal si Samantha ng tanong na ito ni Alexander dahil siya ang nadatnan sa salas pero iba naman ang hinanap ng mga mata nito. “Nasa kwarto nyo, Iho.” Nakangiting sagot ni Rosario bago muling humarap kay Samantha. Tahimik na pumanhik sa hagdan si Alexander at diretsong tinungo ang kwarto nila ni Zanella, ni hindi man lang nito pinansin si Samantha na halos maluha na sa isang tabi. Malungkot na pinagmasdan ni Rosario si Samantha at nakadama siya ng awa para dito. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano aaluin o kakausapin ang dalaga. Dahil nauunawaan niya kung paano itong lubos na nasasaktan lalo na’t halata naman na paborito ng kanyang anak ang bata nitong asawa. Nahihirapan na siya sa sitwasyon ng tatlo at hindi niya lubos na maisip kung paanong umabot sa ganito ang lahat. Masyadong magulo ang sitwasyon. “Iha, ako na ang humihingi sayo ng paumanhin dahil sa magu
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-24
Baca selengkapnya

Chapter 39

Kasalukuyang abala si Alexander sa kanyang laptop, nakasandal naman sa kanyang katawan ang asawa niyang si Zanella at abala sa pagsusulat ng kung ano-ano sa hawak nitong papel. Tanging ang kanang kamay lang ni Alexander ang patuloy na nagti-tipâ sa keyboard ng laptop dahil ang kaliwang kamay niya ay nasa loob ng damit ng kanyang asawa at masuyong hinahaplos ang dibdib nito. Sabay na napalingon ang mag-asawa sa pintuan ng bigla itong bumukas at pumasok ang galit na galit na si Samantha. Naningkit ang mga mata nito ng maabutan ang ayos ng dalawa kaya nakaramdam siya ng pinaghalong sakit at selos. Nagulat si Zanella at pilit itong nagsumiksik sa katawan ng kanyang asawa dahil sa takot nito mula sa matalim na titig ni Samantha. “Hindi ko na kaya ang pangbabalewala mo sa akin sa bahay na’to! Mag-usap tayo ngayon din, Alexander!” Matigas ngunit may diin na wika ni Samantha sa mataas na tinig, bakas ang matinding sakit mula sa mukha nito. Diretsong tumingin si Samantha sa mga mata ni Za
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-24
Baca selengkapnya

Chapter 40

Zanella’s Point of view “Ate, nasaan si Mamâ?” Nakangiting kong tanong sa isang kasambahay na nakasalubong ko sa pasilyo ng salas. “Maaga pong umalis si Ma’am Rosario, ang alam ko ay bibisitahin yata nito ang kamag-anak niyang may sakit.” Nakangiting sagot nito sa akin, “ganun ba?” Malungkot kong sabi, nilampasan na ako nito at dumiretso sa labas ng bahay. “You know, kahit anong dikit pa ang gawin mo sa biyenan mo ay hindi niya mapipigilan ang pag-alis mo dito sa mansion.” Mataray na saad ni Samantha na bigla na lang sumulpot sa aking likuran. “A-Anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan kong tanong sa kanya ng hindi man lang gumagalaw sa aking kinatatayuan. Lumitaw ang isang matalim na ngiti mula sa mga labi ni Samantha habang sinisipat niya ng tingin ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. Natawa pa ito na para bang isa akong biro sa kanyang paningin. “Balita ko taga-bundok ka raw? At ayon sa kanila ay makitid daw ang utak mo kaya kailangan na ipaliwanag sayo isa-isa ang bawat detalye
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-05-25
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123456
...
11
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status